hayy!! to all!!! so,Ima sore o yomimaso,Anata wa sore o negatte imasu^__^
Sam POV
ipagpapatuloy.........
heto!,sumusunod parin kay Mr.Dragon,eh sa masunurin ako eh, hindi sa lahat ng bagay na ayaw ko
actually habang naglalakad kami sobrang ganda ng paligid! yung mga hindi mo inaasahan na makita mo sa Dragon World, malalaman mo na lang na may mga ganitong bagay din pala na makikita dito sa lugar na'to
gaya na lang ng mga Damo,habang lumalakas ang hangin,kumakanta silang lahat,nagtataka nga ako kung sino ang kumakanta,yun pala natapakan ko na ang ibang kumakanta,mabuti na lang hindi sila nagagalit!
at yung mga puno nila,grabe!! ang daming prutas! may malaki may maliit,kaso hindi ko alam ang tawag sa mga prutas nila dito=__=
kaso ang pinagtataka ko lang ay yong mga Orasan,ang dami naman yatang Orasan dito,yung mga malalaking Orasan,yun yung nandito,nilalagay nila kahit saan,basta makikita mo kahit saan ka pupunta,ano kayang meron sa Orasan nila? maitanong nga!
" Mr.Dragon,bakit naman yata ang dami ng Orasan dito " i said
eh,sa insecure ako eh! hindi naman siguro masamang magtanong diba?
huminto siya at humarap sa'kin
" ang Orasan na'yan,ay bahagi na nang buhay namin" sabi ni Mr.Dragon
whooahh!! ang lalim non! kaso hindi ko ma-gets,yung punto niya,ano naman ang connect ng Orasan na'yan sa buhay nila?
" kung nagtataka ka ,hayaan mong ipapaliwanag ko sayo" sabi niya
oh sige! siya na ang manghuhula!
tumango naman ako
bigla namang lumakad si Mr.Dragon kaya lumakad nadin ako, siguro mag-lalakad kami habang nagpapaliwanag siya,baka' nga!
" ang mga Orasan na nakikita mo ay matagal na,hindi ko na nga mabilang kung gaano na katagal ang mga Orasan na nandito,may mahika ang mga Orasan na'yan kaya hindi mo matutukoy na sobrang tagal na nito" sabi niya
ahhh!! kaya naman pala!,para kasing bago ang mga Orasan na nandito,wala kasing mga gasgas o kaya naman pag-kasira sa ibang bahagi nito
pero hindi ko parin,gets!
" ang mga Orasan na ya'n any simbolo ng matagal na naming pamumuhay sa lugar na'to" sabi niya
" tutunog lang ang mga Orasan na nandito kung may lulusob o aatake sa lugar na'to " dagdag niyang sabi
kaya naman pala! para kasing hindi sila nauubos eh! actually marami sila dito kaso yung mga mukha nila,parang papatay,alam niyo yung dadaan kalang tapos titignan ka ng masama,sarap upakan diba?
" maliban na lang sa napaka-laking Orasan na'yan" sabi niya sabay turo
tumingin ako sa pinag-turuan niya
0_0
sobrang laki ng Orasan!grabe! mas malaki pa sa tao,sino kaya ang gumawa niyan? magpapa-turo ako,baka sakaling mapunta ang ginawa kong bagay sa museum^__^ hahaha joke lang!
" ano namang kakaiba di'yan? eh magka-pareho naman silang lahat?" takang tanong ko
napa-tingin siya sa'kin,hindi ko naman siguro siya nabigla sa tanong ko diba?
" ang Orasan na'yan ay tinatawag na Time of the Blue Dragon,tutunog lang ang Orasan na'yan kapag oras na "
okay! hindi ko nanaman ma-gets!=__=
" oras na nang muling pagkabuhay ng Blue Dragon, kapag hindi mo nagawa sa saktong oras ang muling pagka-buhay ng Dragon,maghihintay kapa ng ilang Dekada para lang sa pagka-buhay ng Dragon" sabi niya
sa mga salitang sinabi niya mas lalo akong naging interisado pero sa kabila nito ay ang takot ko,hindi ko maipa-liwanag kung bakit ako natatakot,pero may kutob ako
may kutob ako na sa lugar na'to ay dito ako mamatay,haayy!! dapat hindi ko yu'n ina-alala,kutob ko lang naman yun diba?marami namang nag-kakamali sa maling akala diba?
" nandito na tayo"
huh? nasa'n na ba kami,aiish!! hindi ko alam ang lugar na'to,basta ang alam ko lang is nandito ako sa isang lugar na malapit lang sa Time of the Blue Dragon
nasa tuktok kasi ng mga bato ang Time of the Blue Dragon,hindi ko nga alam eh,kung pa'no pinag-patung-patong ang mga bato para hindi lang mag-sihulugan ang mga ito
" pumasok ka na sa loob,may naghihintay sa'yo" sabi niya
alam niyo,may nahahalata lang ako sa Dragon na'to,para kasing tao kung maka-pagsalita,hindi halatang isa siyang Dragon kung pipikit ka habang nag-sasalita siya
nahagip nang mga mata ko ang Waterfalls,siguro? Chocolate Waterfalls!! waaahh!!! I love Chocolate! kulay brown kasi ang kulay nito!
tumakbo ako papunta sa harap ng Waterfalls,wala namang amoy ang Waterfalls na'to eh! matikman nga
" ahhmm....Mr.Dragon,patikim ha! baka' masarap" sabi ko
kumuha ako ng palayok sa gilid,umiling naman siya,tssk....wala namang masama na tikman ko ito eh....
" mali ang inaakala mo,isa yang dumi "
what the hell!!!!! sinamaan ko siya ng tingin! bakit hindi niya sinabi agad!! mabuti nalang hindi ko pa nabubuksan ang bibig ko=__=
ang pangit siguro na lasa nu'n,at bakit dumi? dumi na ginawang Waterfalls? ibang klase!
umalis na ako du'n,yunh Dragon naman umiwas lang ng tingin siguro gusto na niyang tumawa,pinipigilan niya lang,sarap patayin ng Drago na'to
pumasok na ako sa dapat kung pasukan,sabi ni Mr.Dragon pumasok daw ako dito,pero anp ba'tong lugar nato?
Master Office
okay!! bakit naman kailangan kong pumasok sa Master Office nila? hindi naman siguro big deal ang ginawa kong pagbasag sa Window,hindi ko naman sinasadya yu'n eh!
pumasok na lang ako sa loob,baka' may naghihintay ng matagal sa'kin baka' magalit pa sa katagalan ko
pumasok ako ng tahimik,bakit walang tao dito,pero cool!! ang Office niya,sobrang linis saka yung upuan niya sobrang laki,tutal sobra namang malaki ang lugar nato,baka' nga...............speaking of sobrang laki di kaya???
" ikaw na ba ang hinihintay ko?"
sarap ding upakan yung nag-salita diba?biglaan ba namang mag-sasalita,dagdagan mo pa yung boses niya! boses palang nakakatakot na!
humarap ako sa ?????? okay!!! Dragon siya,mas malaki pa kay Mr.Dragon kanina! kung lalakad ba siya,wala ba siyang mababasag na mga "glass" na bagay? sobra kasi siyang malaki eh,hindi ko ma-reach!
" alam kong gwapo ako,kaya umupo ka muna"
what the hell!!!!! sobrang seryoso nga ng mukha ko sa pag-kakita sa kanya,tapos sasabihin niya lang na gwapo siya? sa'n banda? ipagmalaki mo nga!
umupo nalang ako,ayokong mag-react baka' mamatay ako ng wala sa kondisyon
pero infairness!! ang lambot ng upuan nila!!
umupo na si Master Dragon sa upuan niya,at may kinuha na ewan??
nag-libot-libot muna ako ng paningin,nakaka-hanga kasi ang lugar na'to
" anong pangalan mo?" tanong niya
"Samantha in short Sam" sabi ko
" Sam,ilagay mo ang kamay mo sa Dragon Crystal" sabi niya
bakit ko naman ilalagay ang kamay ko diyan? aiish!! sobrang negative talaga ang mga naiisip ko,wala namang masama kung susubukan ko
" may gusto lang akong malaman" sabi niya
oh sige!! sabi mo eh! inilagay ko ang kamay ko sa Crystal Ball,bigla naman itong umilaw,pero wala naman akong nararamdang sakit o kakaiba naman
pero parang may tinitignan ang Master of Dragon sa Crystal Ball,halata sa mukha niya ang labis na titig nito,ano kaya yun?
may nakikita siya na hindi ko nakikita,ang dayaa!!=__= ang hirap pa namang basahin ang mga utak ng Dragon
then bigla siyang napa-tingin sa'kin,yung tingin niya hindi ko maipaliwanag,halo-halong emosyon ang nakikita ko sa kanya
bigla akong napa-iwas nang tingin,ayokong mag-isip ng mga negative sign
nagulat na lang ako ng may bumagsak na luha mula sa mga mata ko,sana.......sana......mali 'tong iniisip ko,sana...........kaya ko pa!
Ting...........Ting.........Ting.........Ting......
huh? ano yu'n? tunog ba yu'n ng isang Orasan?
pinunasan ko na agad ang mukha ko
" Sam,halika na!" sabi niya
sumunod naman ako sa kanya,sa paglabas namin whoooaahhhh!!!! grabe! ang lakas ng hangin! bigla kasing nag-silipad yung mga malalaking Dragon,dahil sa pakpak nila,mas lalong lumakas ang hangin
ano ba kasing nangyayari?? lahat sila papunta sa iisang destination, at lahat sila,nagkaka-gulo na!!
" Sam,sumakay ka sa isa sa mga Dragon,lahat ay pupunta sa iisang lugar,maliwanag ba?" sabi ng Dragon
tumango naman ako kahit hindi ko maintindihan,siguro hindi pa ito ang oras sa pagpapaliwanag!
Master of the Dragon POV
kanina nang inilagay ni Sam ang kamay niya sa Dragon Crystal lahat nakita ko ang mangyayari sa buhay niya,mga pinag-dadaanan niya at mga sakripisyo niya
Sam,lalo mo akong pinahanga sa taglay mong tapang at lakas,lahat ay nagmamahal sayo dahil sa iyong katangian, pero Sam,hindi lahat ng bagay masaya, hindi natin kontrolado ang buhay natin,
kakaiba kang bata,taglay mo ang pagiging Prinsesa,pero lahat ng negative na pumapasok sa isip natin ay pwedeng mangyari
Sam,maganda ang maidudulot mo sa mga gagawin mo ngayon pero ang kapalit nito ay ang ayaw mong mangyari ay dahilan ng iyong pag-iyak
pinag-masdan ko na lang ang pag-alis ni Sam,hanggang sa muli........
hope you like it guys!!!!!