Slept with a Stranger #Wattys...

By Whroxie

31.5M 535K 37K

Have you ever had sex with a complete stranger? What if you did? What are you going to do if you had sex with... More

Slept with a Stranger
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
Chapter 20
CHAPTER 21
Chapter 22
Chapter 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
Chapter 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40(Restricted)
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43(restricted)
CHAPTER 44
Chapter 45
CHAPTER 46
CHAPTER 4 7
To my beloved readers
Chapter 48
CHAPTER 49
The Finale
Author's note
#MyWattysChoice

Chapter 50

447K 9.9K 864
By Whroxie

Okay this is it guys. Madaming affected na readers, naiinis lahat kay Martina, dahil sobrang bad.. Magandang sikat na model pero habol ng habol sa ex.. Hindi nga naman tama yon at talagang gumawa pa siya ng ganung bagay. Pero hindi pa tapos ang kwento kaya relax muna tayo ah.... Dito masasagot ang mga tanong niyo?  Hindi pa sana ako update kasi hindi ko pa tapos ayusin..  pero ito na napa-update dahil medyo ang iinit na talaga ng ulo ng ibang readers kay Martina... Tapusin ko na nga to.... edit ko na lang after niyong basahin. haha! 


__________________________


Halos masiraan na ng bait si Iñigo sa kakaisip. Hindi niya alam kung saan siya nag-kulang para lokohin siya ni Andra ng ganito. Wala ng isang buwan  kasal na nila pero bakit nangyayari pa ang mga ito.

Inubos niya nga natitirang laman ng bote ng beer. Nasa balkonahe siya ng sariling kwarto at umiinom mag-isa.

Isang araw palang niyang hindi nakikita si Andra para na siyang masisiraan ng bait. Ang bigat-bigat ng pakiramdam niya. Mariin niyang ipinikit ang mata niya.

Biglang nanariwa ang mga alaala nila ni Cassandra. Naisip niya bigla ang mga huling gabi nila bago nangyari ang hindi maganda sa pagitan nila.

Hindi man lang niya naramdam na hindi siya nito mahal. Nag-bago ito ng mga huling araw, malungkot pero panay ang yakap sa kanya. Halos oras-oras nitong sinasabing mahal siya nito. Ito pa ang nag-aaya sa kanya na mag-niig sila. At sa tuwing gagawin nila ang bagay na 'yon. Paulit-ulit nitong sinasabi ang salitang 'mahal na mahal kita, Iñigo.'

Ang huling gabi nilang mag-kasama at pag-katapos nilang mag-siping. Malinaw na malinaw sa isip niya ang sinabi nito.

"Mahal na mahal kita, ikaw lang ang minahal ko ng ganito. At ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay." May lungkot sa tinig nito at ramdam niya iyon.

Kaya hindi niya maintindihan ang nangyayari. Nanariwa uli ang alaalala nila sa utak niya, mula sa unang pag-kikita  nila hanggang sa proposal.

Sumilay ang mapait na ngiti sa labi niya  ng maalala ang pag-kagulat nito noon sa surprise proposal.  Tandang-tanda pa niya ang mga salitang binitawan nila sa isa't isa.

"Thank you, dahil dumating ka sa buhay ko. Mahal na mahal kita. Wag mag babago ang isip mo ah."

"If it will happen, siguro kung may isang mabigat na dahilan lang. Pero hinding-hindi mangyayari 'yon, at walang bagay na pu-pwedeng makapag pabago sa isip ko. Ikaw ang buhay ko Iñigo, ikaw at si Gelo. Ikamamatay ko kapag nawala ang kahit na isa man sa  inyo."

Napadilat siya bigla at naingat ang likod mula  sa pag-kakasandal sa alaalang iyon. Bigla ang hindi maintindihan kaba na naramdaman niya.

"Mabigat na dahilan," anas niya. Napasandal uli siya.

"Si Miguel, siya siguro ang mabigat na dahilan." Napatiim bagang siya at madiing pinikit uli ang mata. Pero muli ring napadilat, bigla-biglang pumapasok sa kanyang utak ang mga huling sinabi ni Andra noon at ang dalawang nakaraan gabing mag-kasama sila.

Parang may mali.. sa isip niya.

Kung ibabase niya sa akto ni Andra, wala siyang maramdamang hindi na siya nito mahal. Sa halip mas naramdaman pa niya ang pag-mamahal nito. Magulo, magulong-magulo. Hindi nito sinabing hindi na siya mahal at hindi rin nito sinabing mahal niya si Miguel.

"Kailangan ko siyang makausap ulit, hindi pwedeng ganito. I love her so much, para pakawalan lang siya basta." Tumayo siya at pumasok ng silid. Nag-palit lang ito ng t-shirt saka lumabas.

MABILIS na bumababa si Iñigo ng sasakyan  niya ng ihinto ito sa tapat ng bahay ni Cassandra.  Nangunot ang noo niya ng makita ang sasakyan ni Miguel. Nabuhay uli ang galit niya. Sinulyapan niya ang relos niya; alas otso. Nakaawang din ang gate kaya tumuloy na siya, pati ang main door ay bukas din.

Mabilis siyang pumasok, inaasahan niyang may tao sa loob pero wala siyang nadatnan. Hindi niya maintindihan pero bigla ang pag-gapang ng kaba sa kanya.

Tumingala siya sa taas ng hagdan, saka patakbong umakyat. Agad siyang nag-tungo sa silid nila ni Andra, bahagya siyang nag-atubiling buksan ito pero binuksan parin niya pagkwan.

Pero natigalgal siya sa nasaksihan. Nag-dilim ang paningin niya at umaalpas ang pag-kasuklam na nararamdaman niya sa dalawang taong mag-kapatong sa kama. Gulat din ang makikita sa mukha ng dalawa.

Agad siyang lumapit at hinablot si Miguel at walang habas na pinag-susuntok ito.

"Iñigo, tama na!" Awat ni Cassandra. Pero hindi niya ito pinansin, gusto niyang patayin si Miguel sa mga oras na ito.

"Iñigo, please,  tama na!" Hinawakan siya ni Cassandra sa braso pero umigkas ang braso niya at malakas na naitulak si Cassandra. At muling niyang pinag-susuntok si Miguel. 

"Aaaahh!" Napadaing ng todo si Cassandra. Malakas na suntok at tulak ang ginawa ni Miguel kay Iñigo saka ito lumapit kay Cassandra na animo'y namimilipit sa sakit.

"Cassy," kitang-kita ni Iñigo ang sakit sa mukha ni Cassandra habang nakahawak sa tiyan. Pero sobra siyang galit para saklolohan pa ito. Mabilis siyang lumabas ng silid at bumaba.

Pag-labas niya ng bahay, ang kotse niya ang pinagsusuntok niya. Sumigaw pa siya ng malakas, wala siyang pakialam kung makabulahaw siya ng mga kapitbahay. Nag-pupuyos siya sa sobrang galit at pag-kamuhi.

**

Nagising si Cassandra sa isang kwarto na puti ang paligid. May mga naka-tusok sa pulsuhan niya. Sigurado siyang nasa ospital siya, pero anong ginagawa niya dito? Nanghihinang pinilig niya ang ulo sa kabilang gilid niya. Nakita niya si Miguel na nakaupo sa mahabang sofa. Nakayuko ito, habang hawak nito ang sariling ulo.

Bigla niyang naalala si Iñigo at ang nangyari. Bigla na naman siyang naiyak sa isipang kinamumuhian na siya ng husto ni Iñigo, dahil sa nasaksihan nitong ayos nila ni Miguel.

But God knows, na hindi niya iyon gusto.

Paalis na sana siya ng mga oras na iyon para puntahan si Iñigo. 

Palabas na siya ng kabahayan ng bigla niyang maulinigan si Miguel na mukhang may kausap sa telepono at nakikipag-talo. Nangunot ang noo niya ng marinig niyang binanggit nito ang pangalan ni Martina. Lumapit siya sa pinto, at pinakinggan si Miguel.

"'Wag na 'wag mong subukang ipaalam ang lahat kay Iñigo,  Martina. Kung ayaw niyong ang kumpanya niyo ang mawala sa 'inyo. Baka nakakalimutan mong ako na ngayon ang major shareholder ng kumpanya niyo. Ako na ang nag-mamay-ari ng kumpanya niyo." Kumabog ng husto ang dibdib ni Andra sa narinig.

"Ibabalik ko sa inyo ang kumpanya niyo, maging ang share ko handa kong ibigay sa inyo, kapag nakasal kami ni Cassandra. Gawin mo ang trabaho mo," pinatay nito ang cellphone at humarap. Pero gulat na gulat si Miguel ng makita siya. 

"Ikaw, ikaw ang nasa likod ng lahat ng ito? " Sa mga naulinigan niya, mukhang inuutusan nito si Martina, bi-na-block-mail din.

Bigla niyang naalala ang huling komprotansyon nila ni Martina. Ang huling sinabi nito na 'to be wise' matigas ang bigkas nito at nangungusap ang mata, at palihim na sumulyap kay Miguel. At si Mr. Martinez na puro iling at yuko ang tugon, na mukhang hindi gusto ang ginagawa. Kaya din ba siya pinipigalan ni Miguel sa pag-punta kay  Iñigo kanina.

"Cassy, Cassy, sandali," agad na lumapit sa kanya si Miguel.  Pero pinag-babayo niya ito sa dibdib gamit ang dalawang kamay niya.

"I HATE YOU, I hate you! Of all people,  Miguel, ikaw pa ang gagawa sa 'kin  nito! I trust you!" Agad siyang niyakap ni Miguel.

"Cassy, I'm sorry, let me explain," pag-susumamo nito. Buong lakas niya itong tinulak gamit ang lahat ng lakas na mayroon siya.

"There's no have to explain anything, malinaw ang lahat, Miguel.  You manipulated us,  Akala ko si Martina ang masama, ikaw pala! Umalis ka na, dahil kahit anong gawin mo hinding-hindi ko gagawin ang gusto mo," mabilis na umakyat si Andra at tumuloy sa silid. Pero sumunod pa rin si Miguel sa kanya. Hinawakan siya nito sa braso at hinarap.

"Cassy, I'm sorry!  I just love you so much,  kaya nagawa ko 'yon. Cassy, just marry me, ibabalik ko ang kumpanya niyo," Tinabig niya ang kamay ni Miguel. Tiim bagang niyang sinalubong ang titig nito.

"Kahit patayin mo ako, I will never ever marry you. Si Iñigo at si Iñigo lang ang tangi kong mamahalin at hinding-hindi IKAW!" Matigas ang pag-kakabigkas niya sa mga salita at pasigaw ang huli.

Hinawakan siya ni Miguel sa mukha.

"Bakit ba hirap na hirap kayong mahalin ako ha, Cassandra?  Ganun ba ako kahirap mahalin?" madilim ang mukha ni Miguel.  Malayo sa Miguel na nakilala niya ang aura nito ngayon.

Laking gulat ni Cassandra ng siilin siya ng halik ni Miguel sa labi. Buong lakas siyang nag-pumiglas. At nagsisigaw ng makawala ang labi niya. Kahit alam niyang walang makakarinig. Mag-isa siya bahay dahil pinasunod niya si yaya sa bahay ni Iñigo dahil mas kailangan ito doon.

Hiniga siya  ni Miguel sa kama at mahigpit na hinawakan ang pulsuhan niya. Hinalikan siya nito sa leeg, halos mawalan na siya ng lakas sa pag-pumumiglas.

Dumaloy ang mga luha niya at tumigil sa panglalaban ng biglang makaramdam ng panghihina.

"Tama na, Miguel,  please!  I'm so tired, I'm so drained. Hirap na hirap na ako," mahina niyang usal. Doon tumigil si Miguel, at marahas na buntong hininga ang pinakawalan nito.

"I'm sorry," anas ni Miguel, pagkaraan ng ilang sandali. Doon naman bumukas ang pinto at sabay silang napalingon doon. Si Iñigo ang niluwa noon, madilim na madilim ang mukha nito.

Pagkatapos mag-pangbuno ang dalawa at maitulak siya ni Iñigo ng malakas. Nakaramdam siya ng sobrang sakit sa tiyan at hindi na niya alam ang mga sumunod na nangyari.

Umangat ng mukha si Miguel at agad siyang  nilapitan ng makitang gising na siya. Umupo ito sa silya na nasa gilid ng hospital bed at hinawakan ang kamay niya. Iniwas niya ang tingin dito.

"Cassy,  I'm so sorry," dinala nito ang kamay niya sa pisngi nito. Naramdaman niyang nabasa ang kamay niya. Does he cry? Hindi niya ito magawang tignan.

"I'm sorry for being selfish,  pinag-sisisihan ko ang ginawa ko," ani nito sa garalgal na tinig.

"Kinain ako ng matinding galit ko kay Iñigo, pakiramdam ko kinuha niya ang lahat sa 'kin. Una si Martina, sumunod ang share sa power plant na pinag-hirapan ko ng husto para makuha. Dahil sa nangyaring iyon, mas lalo kong naramdamang wala akong kwenta sa paningin ng tatay ko." Doon siya tumingin kay Miguel, kitang-kita niya ang sakit sa mata nito. Halata rin sa mata nito ang puyat dahil sa bahagyang pangingitim ng ilalim ng mata nito.

"Sunod ikaw. Okay na eh, tanggap ko na, na kayo talaga, pero bakit niya ako kailangan pag-bawalan na makipag-kaibigan sa 'yo." nangunot ang noo ni Andra.

"Of course not," pag-tatangol niya kay Iñigo.

"Yes, he did. Nang minsan kitang tawagan at siya ang sumagot, sinabi niyang tigilan na kita. All I want is your friendship, Cassy. Husto na ako doon, hindi ko alam pero sa tuwing kausap kita gumagaan ang lahat para sa'kin. Pero ang damot niya, kaya nagawa ko ito, gusto kitang mapasakin sa kahit anong paraan. Ginamit ko si Martina para siya ang kamuhian mo at hindi ako," may pait sa boses nito.

"Hindi lang ako ang sinaktan mo, pati ang pamilya ko. My father was almost died, and I trust you so much," sumbat niya dito.

"I'm sorry, I'm so sorry, kung alam mo lang kung gaano din akong nasasaktan at kinakain ng konsensiya ko  sa tuwing nakikita kitang umiiyak. Gusto kong saktan ngayon ang sarili ko dahil sa kagaguhan ko. Aayusin ko ang lahat, I promise." Nakikita niya ang senseridad sa mga mata nito, but it's too late.

"Suklam na suklam sa 'kin si Iñigo, paano kong hindi niya ako mapatawad? I hate you so much, Miguel."

"Cassy, hindi-"

"Leave me alone, Miguel. Please, just leave me alone," hindi na nagawang sabihin pa ni Miguel ang gusto nitong sabihin. Nanglulumong tumayo si Miguel at iniwan siya. Tumagilid ng higa si Andra at hinayaang lumandas mga luha niya.

Mga ilang sandali lang ay narinig niya ang pag-bukas ng pinto, hindi niya ito nilingon pa.

"I said, I want to be alone. Please," naramdaman niya ang pag-lubog ng kama sa bandang likuran niya na parang may umupo.

"Kahit ba ako bawal dito?" nahigit niya ang hininga niya ng marinig ang boses na kilang-kilala niya. Marahan siyang humarap dito, at ang mga luhang marahang lumalandas ay bumilis ang pag-agos.

"Iñigo," agad na hinawakan ni Iñigo ang mukha niya at masuyong pinahid ang luha niya.

"I'm sorry, I'm so sorry, hindi ko sinasadyang saktan ka. Mahal na mahal kita. Wala kaming relasyon ni Miguel..." aniya sa pagitan ng mga iyak niya.

"Shhh! It's okay, It's okay. Alam ko na ang lahat, at na iintindihan ko. Sana sinabi mo sa 'kin ang lahat, nahihirapan ka na hindi ko alam."Buong pagmamahal nitong hinaplos ang pisngi niya.

"Naunahan lang ako ng takot kaya hindi ko masabi."

"I'm so sorry din, hindi ko sinasadyang itulak ka, hindi ko sinasadyang saktan kayo ni baby." nangunot ang noo niya sa tinuran nito. Nginitian siya ni Iñigo at masuyong hinalikan sa labi.

"What do you mean?" she asked. Hinalikan ni Iñigo ang tiyan niya at muling hinaplos ang mukha niya.

"We're having a baby again," napaawang labi ni Andra.

"You're two months pregnant," hindi niya alam ang magiging reaksyon niya, wala siyang masabi na nakaawang lang ang mga labi niya. Hindi nga siya dinatnan noong nakaraang buwan, pero hindi niya iyon pinansin dahil madalas naman mangyari iyon sa kanya, dahil sa iregular menstruation niya. hinalikan uli siya ni Iñigo sa labi.

"Kaya ba ako nandito? Sinabihan ka ba ni Miguel?"

"Kami ni Miguel, ang nag-dala sa 'yo dito kagabi?'

"But you left after the incident," sinalaysay ni Iñigo ang nangyari ng nagdaang gabi.

Pag-katapos niyang lumabas at halos mag-wala siya sa labas ng bahay. Lumabas naman si Miguel makalipas ang ilang sandali na buhat si Andra.

"Iñigo, we have to bring her in the hospital," utos ni Miguel.

Para siyang naupos sa kinatatayuan niya ng makita ang kalagayan nito. Walang malay at punong-puno ng dugo ang ibabang bahagi ng damit nito. Lahat ng sama ng loob at galit na nararamdaman niya ay parang inihipan na bigla na lang nawala. Bigla siyang natakot sa kalagayan nito. Alam naman niya kung ano ang ibig sabihin ng ganoon.

"God damn it, Galvez, move! kung ayaw mong mawala ang mag-ina mo sa 'yo!" bulyaw ni Miguel sa kanya.

Doon siya nahimasmasan, agad siyang kumilos at kinuha si Andra. Si Miguel ang pinag-maneho niya, habang nasalikod sila ng sasakyan. Habang hawak niya  sa mga bisig niya si Andra, at mataman siyang nakatitig  dito, ay sinasalakay ng matinding takot ang buo niya pag-katao. Halatang-halata ang pangangayayat ng mukha nito, bahagyang lubog at nangingitim ang ilalim ng mata nito.

"Hold on, baby, please!" mahigpit niya itong niyakap, at kasabay ang butil ng luhang kumawala sa mata niya.

After being a kid, at mag-simula siyang mag-binata ay hindi pa niya naranas ang umiyak. Walang babaeng nag-paiyak sa kanya, maging ang mga magulang niya ay hindi siya napaiyak sa nga sermon nito paminsan-minsan. Tanging  ang babaeng yakap-yakap niya ang tanging nag-pakawala ng luha sa mga mata niya. At kung may mangyari mang masama kay Andra, he will never ever forgive himself. Alam niyang ang pag-kakatulak niya dito ang dahilan kung bakit ito nasa ganitong kalagayan ngayon.

Sinabi na rin sa kanya ni Miguel ang lahat-lahat. Maging ang mga larawan ay ito rin pala ang nag-padala sa kanya. Biktima lang din si Martina ng pananakot ni Miguel. Nang-malaman ni Miguel na nakasanla ang kumpanya nila Andra, agad itong gumawa ng paraan para makuha ang ibang shares ng mga stockholder sa kumpanya ng mga Martinez para sa ganun ay siya ang maging major shareholder at mamanipula niya ang lahat. Humingi ito ng tawad sa kanya at ibinigay na rin niya ang kanyang kapatawaran dito— kitang-kita niya ang pag-sisisi nito. Marahil sa tindi ng pag-mamahal nito kay Andra kaya nagawa nito ang ganoong bagay. Pero aminado siya na may kasalanan din siya. Miguel was just asking for the friendship, pero pinagkait niya iyon dahil sa selos, dahil sa tuwing tatawag ito kay Andra ay lagi naman ni Andra itong pinapaunlakan. Pero kung nawala ang anak nila na matagal niyang inasam, hinding-hindi niya talaga ito mapapatawad at maging ang sarili niya.

"Kung may nangyari sa inyo ng anak natin, hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko."

"Oh, Iñigo, I love you so much," mahigpit niyang  niyakap si Andra.

"And I love you too, more than you'll ever know, more than anything else, more than my own life. My life would be miserable without you, Andra. I might end up in the mental hospital if I lost you."

"I feel the same way, Iñigo. I'm so close to being insane these past few days." Iñigo kissed her on her head gently, and held her tightly in his arms.

"I love you, baby," he whispered. Punong-puno ng pag-mamahal at parang ayaw niya itong bitawan. Gusto niyang iparamdam dito kung gaano niya ito kamahal sa pamamagitan ng kanyang mahigpit na yakap. 

-----------------------

Ngayon ko  po kailangan ang saloobin niyo. Kung nagustuhan niya po ba ang chapter na ito o hindi. Kung hindi naman, wala na akong magagawa, ito talaga ang gusto kong mangyari sa story ever since... XD

Galit pa ba kayo kay Martina? Please wag kayong magalit kay Miguel. Aahaha! love you guys... Muawh!!!!!!!!!!!!!!

Continue Reading

You'll Also Like

435K 6.2K 24
Dice and Madisson
4.5M 107K 35
Papayag ka bang mag pretend ang boyfriend mo na boyfriend ng iba? At ikaw mag pretend na girlfriend ng boyfriend ng iba? Sa madaling salita 'exchange...
29.6K 910 9
Arranged marriage is a very old tradition that is still followed by some families in the world, and unfortunately for Odette Morcilla, her family jus...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...