DG Series #3: Never Gonna Let...

By lhiamaya

797K 26.7K 2.6K

Limang taon ng ginugulo ang isip ni Atlas ng isang babae sa kanyang nakaraan. Pilit nyang kinakalimutan ito a... More

A/N
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
END
Special Chapter

Chapter 31

18.4K 627 54
By lhiamaya

Jolene

"MAMA! Papa!"

Naalimpungatan ako sa sunod sunod na katok sa pinto. Parang naririnig ko rin ang boses ni Jeremiah na tinatawag ako.

"Mama dito na po ako! Papa!"

Napadilat ako ng malinaw ko ng narinig ang boses ni Jeremiah. Tumuon ang mata ko sa saradong bintana ng kwarto. Kahit nakasarado ang kurtina ay naaaninag ko naman ang liwanag sa labas.

Muli kong narinig ang sunod sunod na katok at boses ni Jeremiah. Naririnig ko rin ang mga boses ni Tita Anita at Ava.

"Baka tulog pa ang mama at papa mo apo."

"Baka gumagawa pa ng kapatid mo baby boy."

"Bibig mo Ava."

"Bakit 'my? Wala naman akong sinabing masama ah."

"Gumagawa po tila ng kapated ko? Gusto ko po ng baby boy para may kalalo po ako."

"Ay gusto ko naman girl para may aayusan ako. Girl ang gusto ko."

"Gusto ko po boy tita."

"Girl nga."

"Boy po."

"Pag pray nyo na lang na kambal. Isang boy at isang girl."

"Yehey! Gusto ko po yan mamala."

Akmang babalikwas ako ng bangon pero may nakadagan na mabigat na bagay sa katawan ko. Nakita ko ang isang malaking braso ni Atlas na nakayakap sa bewang ko at ang hita nyang mamasel na nakadagan din sa mga hita ko. Umungol sya at lalo pa akong niyakap. Siniksik pa nya ang mukha sa leeg ko. Nagtayuan tuloy ang mga balahibo ko sa buong katawan ng maramdaman ang mainit nyang hininga. May bumabangong init dahil damang dama ko sa hita ko ang kahandaan nya. Parehas pa kaming walang saplot. Ilang beses nya akong inangkin kagabi at sa sobrang pagod at antok ko ay hindi ko na nagawang makapagbihis.

"Atlas. Atlas." Tinapik tapik ko ang braso nya.

Pero hindi sya natinag.

"Huy Atlas, gising!" Niyugyug ko na ng malakas ang balikat nya.

"Hmm." Ungol lang nya at mas siniksik pa ang mukha sa aking leeg.

Mariin akong pumikit at buong pwersang tinulak sya. Naalimpungatan naman sya.

"Sugar bakit?" Tanong nya sa paos na boses. Antok na antok pa din ang kanyang mukha at medyo magulo ang buhok.

Gusto ko pa sanang titigan ang gwapong mukha nya pero naghihintay na sa labas ang anak namin.

"Nasa labas na ang anak natin kasama si Tita Anita at Ava. Kaya bumangon ka na." Saad ko at bumangon na rin.

Dinampot ko ang mga damit kong nakakalat at mga undies na basta basta na lang nyang hinagis sa kung saan saan kagabi. Pati mga damit nya ay pinulot ko na rin at binigay sa kanya. Binuksan ko ang drawer ko at humugot ng maisusuot. Mabilis akong nagbihis.

Sinulyapan ko si Atlas na nakaupo pa rin sa kutson at natatakpan lang ng mga damit na binigay ko ang kaselanan nya. Titig na titig sya sa akin habang nagbibihis ako. Naginit naman ang aking mukha.

"Huy Atlas magbihis ka na!" Untag ko sa kanya.

Saka lang sya tumingin sa akin at kumamot sa ulo.

"Yes sugar." Tamad na tamad pa syang tumayo at mabagal na nagbihis. Parang ayaw pa nyang lumabas ng kwarto.

Iniwas ko ang tingin sa pagkalalaki nyang medyo nakasaludo. Ngayong maliwanag na ay malinaw ko ng nakita ang pagkalalaki nya. Malaki talaga sya kahit hindi pa erect na erect.

"Bakit kasi ang aga nila." Sambit ni Atlas at humikab pa.

Umaawang ang labi ko. Parang ayaw pa nyang umuwi ang anak namin.

"May pasok ang anak mo."

"Wala silang pasok ngayon."

Tumaas ang kilay ko. "Paano mo nalaman?"

"May post kaninang madaling araw ang page ng school nila. Wala daw pasok ngayon sa school nila dahil pinasok ng tubig baha ang mga classroom kagabi. Lilinisin daw muna."

Namangha ako sa sinabi nya. Hindi naman sya mukhang nagiimbento ng kwento. At totoo namang madaling pasukin ng tubig baha ang school ni Jeremiah dahil mababa ang lugar nito. Infairness updated sya.

May fb na rin kasi sya na bago at in-add kami ng anak nya. Mabuti pa nga raw si Jeremiah may fb sya wala. Active din sya doon sa pagpopost ng mga pictures naming tatlo.

"Sasabihin ko na lang kay mommy na sa kanila muna si Jeremiah tutal naman ay walang pasok para makapagsolo pa tayo."

"Heh! Magsolo ka mag isa mo. Miss ko na ang anak ko no. Bilisan mo na nga dyan." Sikmat ko sa kanya pero ang mukha ko ay siguradong pulang pula na.

Ng makapagbihis na ako ay nauna na akong lumabas. Dumiretso ako sa pinto at tinanggal ang mga lock. Binuksan ko ang pinto.

"Good morning mama!" Masiglang bati sa akin ni Jeremiah sabay yakap sa bewang ko.

Niyakap ko rin ang anak at hinalikan sa noo. Isang araw lang kaming hindi nagkita pero sobrang miss na miss ko na sya.

"I miss you mama."

"I miss you too baby boy."

Tumingin ako kay Tita Anita at Ava na mga nakangiti at nakatingin sa amin.

"Morning tita, Ava." Bati ko sa kanila.

"Morning din iha. Pasensya na at ngayon lang namin naihatid pauwi si Jeremiah. Sobrang lakas kasi ng ulan kagabi at baha ang mga kalsada."

"Naiintindihan ko po tita."

"Ang dami nyang kinain kahapon Jo. Mahilig din palang kumain yan parang ako. Kaya nanaba eh." Sabi ni Ava.

"Salap po kasi kain tita eh." Sagot ni Jeremiah at tumingin sa loob ng bahay. "Saan po ti papa mama?"

"Ah nasa kwarto pa anak, pero palabas na nagbibihis lang." Sambit ko. Eksakto namang lumabas si Atlas sa kwarto na nagsusuot pa ng sando.

"Papa!" Agad namang bumitaw sa akin si Jeremiah at tumakbo palapit sa ama. Agad naman syang binuhat nito.

Bumaling ulit ako kay Tita Anita at Ava. Napansin ko makahulugang ngiti sa mga labi nila. Nag init ang pisngi ko ng maalala ang mga narinig kong pag uusap nila. Malamang iniisip nila na may nangyari sa amin ni Atlas lalo na at nakita nila si Atlas na lumabas ng kwarto at nagbibihis ng sando.

Tumikhim ako. "Ah pasok po muna kayo tita, Ava." Yaya ko sa dalawa.

"Salamat iha."

Gumilid ako sa may pinto para makapasok ang dalawa. Giniya ko sila sa maliit naming sala at pinaupo sa mahabang monoblock chair. Binuksan ko ang stand fan at wallfan para hindi sila mainitan.

"Nakapag almusal na po ba kayo tita?" Tanong ko.

"Hindi pa. Binibida kasi sa amin ni Jeremiah na masarap daw ang pandesal dito sa inyo. Gusto kong tikman." Si Ava ang sumagot na mukhang excited pa.

"Sa bahay na lang tayo mag almusal Ava. Makakaabala lang tayo. Papasok pa sa school ang pamangkin mo." Wika naman ni Tita Anita.

"Ay oo nga pala."

"Ayos lang po tita. Wala naman pong pasok si Jeremiah sa school ngayong araw." Sabi ko.

"Yun naman pala 'my eh. Eh di dito na tayo mag breakfast."  Ani Ava.

"Kuh, ikaw talagang babaita ka basta pagkain."

"Instant coffee lang ang meron kami at 3n1." Sabat ni Atlas na buhat pa rin si Jeremiah.

"Ayos lang anak. Masarap din naman ang instant coffee at matagal na rin akong hindi nakakainom noon." Sambit ni Tita Anita.

"Ako kuya milo lang sapat na." Si Ava.

Nag-excuse naman ako at tumungo na sa kusina para mag asikaso. Una kong ginawa ay naginit ng tubig pagkatapos ay nilabas ko na sa ref ang hotdog at skinless. Sunod ay dinurog ko na ang kaning lamig. Si Atlas at si Jeremiah ay lumabas para bumili ng pandesal. Sumama sa kanila si Ava.

"Naku tita, ako na po dyan." Bulalas ko ng makita si Tita Anita na nasa lamesa na at pumipilas ng bawang para dikdikin.

"Hayaan mo na ako iha. Gusto kong tumulong sa pagluluto." Nakangiting sabi nya at luminga linga sa maliit naming kusina. "Teka nasaan ba ang sangkalan at kutsilyo."

Kinuha ko sa pagkakasabit sa hook ang sangkalan at kutsilyo at nilapag sa mesa. Mukhang hindi talaga sya magpapaawat kaya hinayaan ko na lang. Nakakatuwa nga na hindi sila maarte ni Ava kahit dito lang kami nakatira ng anak ko.

Habang nagpeprepara kami ng agahan ay nagkukwentuhan kami ni Tita Anita. Para talaga syang si Ava. Parehas silang madaldal pero hindi naman nakakainis.

"Alam mo iha, natutuwa ako sayo." Sambit ni Tita Anita habang naghihiwa naman ngayon ng kamatis. Nakita nya kasi na may itlog maalat at gusto nya iyon.

Ako naman ay piniprito na ang skinless at pagkatapos ay isasangag ko na ang dinurog na kanin.

"Bakit naman po?" Natatawang tanong ko.

Tumingin sya sa akin at ngumiti.

"Naaalala ko kasi ang sarili ko sayo noon. Maaga akong iniwan ng daddy ni Atlas at ni Ava. Three years old pa lang si Ava noon. Noong una nahihirapan ako sa sitwasyon ko. Mahirap magpalaki ng dalawang anak na mag isa ka lang. Walang problema kay Atlas dahil malaki na sya noon. Kay Ava lang ako nahirapan dahil sakitin sya. Kapag nagkakasakit silang dalawa umiiyak ako. Oo, maraming perang iniwan ang ama nila pero parang hindi sapat sa akin yun dahil ang gusto ko ang presensya ng ama nila."

Sa pananalita ni Tita Anita ay halatang namimiss nya ang ama nila Atlas.

May pagkakaparehas nga kami magkaiba lang ng sitwasyon. Pero noong dalawa pa lang kami ni Atlas hinahanap hanap ko rin noon ang presensya ni Atlas. Lalo na noong panahong nahihirapan ako at gusto ng sumuko.

"Matatag po kayong ina tita." Turan ko.

"Mas lalo ka na iha. Kaya maswerte ang anak ko sayo. Kuh, kapag hindi ka pa nya pinakasalan tatanggalan ko sya ng mana."

Natawa na lang ako sa sinabi ni Tita Anita. Pero natutuwa din ang puso ko dahil ramdam kong tanggap na tanggap nya ako para sa anak nya.

May nababanggit na tungkol sa kasal si Atlas pero hindi pa sya nagpoprose. At kung sakaling magpropose sya ay hindi na ako magpapabebe at o-oo na agad.

Dumating na ang tatlo na may dalang brown paper bag na may lamang pandesal. Ang magtiyahin nga ay ngumunguya na. Sarap na sarap si Ava sa pandesal. May cheese kasi yun sa loob at masarap kainin kapag mainit pa dahil tunaw ang cheese.

Tamang tamang pagkatapos kong magluto ay dumating naman si Leah. Ito ang unang beses na makikilala nya ang pamilya ni Atlas.

"Naku, ang ganda nyo po pala ma'am. Para kayong artista sa napapanood ko sa drama sa hapon." Puri ni Leah kay Tita Anita. Maganda naman talaga si Tita Anita. Mestisa ang mukha nya.  Kaya nga gwapo at maganda si Atlas at Ava.

Namumula ang pisngi na humagikgik si Tita Anita. "Salamat iha. Nakakatuwa ka naman."

"Ako Ate Leah, hindi ba maganda?" Nakangusong sabat naman ni Ava na obvious na nagpapacute.

"Syempre naman maganda ka din. Maganda ang mommy mo eh."

"Ay maliit na bagay te." Kinikilig na sabi ni Ava na ikinatawa ko lang.

"Pero hindi nya kamukha si mommy. Si daddy ang kamukha nya." Nakangising sabi ni Atlas.

"Ayos lang, gwapo naman si daddy eh."

"Ako din po pogi, kamukha ko ti papa." Singit naman ni Jeremiah na yumakap pa sa bewang ni Atlas.

"Syempre naman! Junior ka ni papa eh. Sino pa ba ang magiging kamukha mo eh di ako." Natatawang sabi ni Atlas at binuhat si Jeremiah at pinanggigilan ng halik ang pisngi nito.

Nangingiti na lang ako habang pinagmamasdan ang mag ama.

"Pero mas maganda sana kung magkaroon ulit kayo ng baby tapos girl naman at kamukha ni Jolene para mas masaya."

Nag init ang pisngi ko sa sinabi ni Tita Anita.

"Naku mommy, I'm sure on the way na yun di ba kuya?" Baling ni Ava kay Atlas.

Ngumisi naman si Atlas at tumingin sa akin.

Tila naman sinilaban na ang mukha ko sa init. Sumagi pa sa alaala ko ang nangyari sa amin kagabi. Dahil walang proteksyon na gamit kagabi si Atlas ay posible nga talaga na mabuntis ako. Si Jeremiah nga nabuo lang sa isang gabi at tatlong ulit

Tumikhim ako. "Ah k-kain na tayo, lalamig na ang sinangag." Sabi ko na lang.

Binaba naman ni Atlas si Jeremiah at tinulungan na ako sa paghain.

*****

Continue Reading

You'll Also Like

29.3M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
31.9M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
42.5K 1.2K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
24.5M 714K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...