The Unexpected Goodbye(On goi...

By Belona_saich

6.6K 344 15

-------- Masarap mag mahal totoo naman pero... Paano kapag dumating ang greatest love nya? kakayanin moba? More

PROLOGUE
CHAPTER 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18
NOT UPDATE!!
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27
chapter 28
chapter 29
chapter 30
Chapter 32
chapter 33
Chapter 34

Chapter 31

23 2 0
By Belona_saich

PAGKATAPOS ng nangyare kanina tumuloy padin kami sa amusement park dahil nga sa deal na limang araw lang. Kagaya ng sinabi niya bumawi siya sakin. Pero hindi pa din maalis sa akin ang nangyare kanina. Hindi ko alam na kaya niyang sabihin ang mga salitang iyon.

"Nathalia gusto mo ba nito?" tanong ni lucas sakin, wala sa sariling tumango ako kahit hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya. Napansin niya sigurong tahimik ako kaya naman hindi na niya tinuloy ang pagbili ng kung ano man yon.

Bumalik ang diwa ko nang hilain niya ako kung saan. Hinayaan ko nalang siya kung saan niya ako gusto idala. Tiningnan ko ang cellphone ko para makita ang oras. Hindi ko napansin na mag 6:00 na pala. Kanina pa hila sakin ng hila si lucas kaya nainis ako.

"Hoy lalake, puro ka hila sakin aba naman!" inis na saad ko, tinawanan niya lang ako at tinuro ang ferris wheel pati ang pila kung nasaan kami ngayon. Napa kamot ulo nalang ako at hinintay nalang. Kaya nagcellphone muna ako pero ramdam kong may nakatingin sa akin kaya lumingon lingon ako sa palagid, wala naman napapraning lang ata ako.

Hindi ko namalayan na nakasakay na kami dito sa ferris wheel dahil sa pakiramdam ko na may nakatingin talaga samin or should i say sakin. Hindi ko nalang pinansin yon atsaka tiningnan si lucas. pogi niya pa din talaga.

Napansin niya siguro na nakatingin ako sakaniya kaya tumingin din siya sa akin.

"What?" Umiwas ako ng tingin nang marealize na titig na titig pala ako sakaniya.

"W-wala"

"Tss i know im handsome but-"

"Tara picture" Sabay open ng cellphone at camera. kinlick ko agad. Hindi siya naka pose ng maayos kaya ang epic nung picture namin. Ako nakatingin sa camera habang siya nakatingin sakin na parang gulat na gulat. Mukha tuloy siyang owl sa laki ng mata.

"I'm not an owl"

shems nabasa isip ko omg.

"Hindi ko nababasa ang isip mo. stupid."

weehh weehh dinga? talaga ba lucas sungit?

"Masungit? i'm not masungit"

"Pano mo-" Bago kopa matapos ang sinasabi ko ay nagsalita na siya agad.

"Nagtatype ka sa cellphone mo." Saad niya kaya napatingin ako sa cp ko na nakasulat nga doon mga iniisip ko. Ayy si bobo

"Tss stupid" oo beh lam ko yun istapit.

Hinawakan niya ang kamay ko at nagbilang

"one..."

"Two..."

"three..." sabay naming saad

At pagtapos non ay ang pag litaw ng fire works. Ang ganda pagmasdan lalo na pag pagabi.

"Ganda" saad ko habang pinagmamasdan ito.

"Just like you... alexandra" wala sa sarili na saad niya. Tila pinipiga nanaman ang puso ko nang banggitin niya ang pangalan ng kapatid ko. siya nanaman...

"I-i mean nath-" Bago pa niya matapos ang pagsasalita ay nagsalita na ako.

"Hindi mo ba kayang piliin ako kahit panandalian lang?"

"I-... u-uhmm...." Ngumiti ako sakaniya at niyakap

"It's fine. Hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo kung hindi naman talaga ako ang tinitibok ng puso mo. Pasensya na kung pinipilit ko yung sarili ko sayo. Pasenya na." Eto na siguro ang panahon para magpalaya na. Alam kong gusto niya rin ito kaya gagawin ko to para sakaniya, para sakanila.

"W-what do you mean?"

"huwag na natin ituloy ang deal lucas." Bakas sakaniya ang gulat kaya ngumiti lang ako. Kahit masakit na.

"Huwag na natin ipagpilitan kung hindi naman talaga tayo ang itinadhana. Huwag na natin pagudin ang sarili natin."

"N-nathalia ano bang-"

"Tama na lucas. Tama na. Sapat na lahat ng ipinapakita mo sakin. Sapat na lahat ng ipinaparamdam mo sa akin. Siguro nga naging desperada ako dahil...dahil ipinilit ko yung sarili ko sa taong hindi naman ako ang itinitibok una palang." Ngumiti ako ng mapait sakaniya.

"Im sorry nathalia"

"Alam kong gusto mo din ito. Hinihintay mo lang akong sumuko. Ako ang kasama mo pero hanap mo pa rin siya."

"Nathalia..."

"Kasi kung pipilitin ko pa, masasaktan lang din ako eh. Kaya mas pipiliin ko nalang na tumigil na, kaysa naman sa madurog ako ng madurog diba? Kaya tama na. Tama na ang lahat ng toh."

"Lucas... pinapalaya na kita"

Pagkatapos kong bigkasin ang mga salitang iyon atsaka naman lumandas sa aking pisngi ang mga taksil na luha na gusto nang kumawal kanina pa. Naramdaman kong tumigil ang ferris wheel kaya naman nang buksan nila ang pinto nito ay agad akong lumabas. Binigay ko ang lahat pero sadyang malupit ang tadhana kaya pinapaubaya kona siya.

Hindi ako nagkulang. Alam ko sa sarili ko na ginawa ko ang lahat. Nasasakaniya na iyon kung hindi pa din naging sapat.

Tahimik akong naglakad papuntang cr at pumasok sa isa sa cubicle ng cr. Napasandal nalang ako sa pader dahil sa panghihina. Umiyak ako ng tahimik upang di ako marinig ng iba nang biglang may kumatok kung saan nandoon ako.

"Miss?" Saad ng kung sinong nasa labas. Pinunasan ko ang mukha ko at inayos ang damit ko. Lumabas na ako sa cubicle at nakita ko siya. alexandra? Pero parang hindi dahil may peklat siya sa kaliwang pisngi. Ang alexandra na nakita ko sa video ay walang kapeklat- peklat. Papanong...

"I-ikaw..." Hindi siya nagsalita at hinila nalang bigla at dinala sa kung saan. Hanggang sa namalayan ko nalang na nakasakay na ako sa isang kotse at katabi ko siya.

"Ikaw-" Hindi pa ako tapos magsalita nang tumingin siya sa akin at niyakap ako.

"I miss you so much nathalia" saad nito at biglang humagulgol sa aking balikat. Hindi ko maintindihan pero tila ibang alexandra ang kaharap at nakakausap ko ngayon. Naguguluhan ako. Kumalas siya sa pagkakayakap at hinarap ako.

"I know you have a lot of question so this is the time to clear things up sister" ngumiti siya sa akin.

"Ikaw si alexandra? Bakit parang hindi ikaw yung nasa video? Bakit parang-"

"Sis! isa isa lang mahina ang kalaban!" inis na saad niya "anyways, yes im alexandra buenavista your true sister"

"Anong-"

"Hindi ako ang nakita mo sa video kung yan ang iniisip mo."

"Paano nangyareng parehas kayong-" Anak nang tinapa hindi pa ako tapos magsalita nang sumabat nanaman siya.

"Samantha and i aren't the same. Kita mo itong peklat na ito?" saad niya sabay turo sa kaniyang peklat sa kaliwang pisngi, tumango lang ako sakaniya atsaka niya ipinagpatuloy ang pagsasalita.

"Siya ang may gawa nito. Adopted child si samantha. Inadopt ni mommy and daddy or should i say magulang natin si samantha. Sinabi na ng doctor na imposible nalang na magkaanak sila mommy and daddy kaya kinuha nila si samantha sa bahay ampunan para ampunin at maging anak. Noon mabait siya at mapagmahal na bata pero nung lumaki siya nagkaroon siya ng inggit sa atin. When i was 10 years old she tried to poison our mom just because pinagalitan siya dahil puro iba't ibang lalaki ang idinadala niya sa bahay. She's older than us, i was 10 years old and she was 14 years old, apat na taon ang tanda nya sa atin. Simula nang ipinanganak tayo ni mommy mas lalo siyang nainggit sa atin. Sinubukan niya noong isabutahe ang kotse kung saan nakasakay kayo ni mom, nilagyan ni samantha ng drugs ang tubig ng driver ni mommy noon kaya gumewang gewang ang kotse at muntik nang mahulog sa bangin. Buti nalang ay marunong mag drive si mommy kaya nang tumilapon ang driver sa sasakyan ay agad niyang kinontrol ang kotse."

"I-ibig sabihin kung adopted si samantha, wala siyang nakuhang mana kay daddy that's why gusto niya akong patayin?" tumango naman ito at inistart ang kotse. "Teka paanong kamukhang-kamukha natin si samantha kung adopted siya?"

"When our mother decided to go to japan with you gumawa ng plano si samantha para makakuha ng mana. Kaya naman she tried to kill me para ipamukha na siya si alexandra at si samantha ay patay na, pero hindi niya napagtagumpayan yun kaya ang ginawa niya nagpagawa siya ng bagong mukha kaya naging kamukha natin siya."

"Paano nangyareng hindi siya nagtagumpay?"

"Because of our dad's lawyer, kinupkop niya ako kaya hindi niya napagtagumpayan ang pag patay sakin." Bigla akong nainis sa kadahilanang bakit hindi nalang siya kinuha ni mommy kasama namin.

"Bakit hindi ka nalang sinama ni mommy papuntang japan?"

"It's because... matatrack nila kayo" Natigilan ako

"Ano? paanong-"

"Meron silang nilagay na maliit na tracker na nasa katawan ko. Kaya alam nila kung nasaan tayo noon, it's because of me" malungkot na saad niya

"Paano ka nalagyan ng tracker?"

"When i was 3years old i was kidnapped. 10Million ang hiningi nilang ransom kapalit ko. Ngunit hindi binigay ni daddy yun kaya may pinainom sila sa akin na gamot at sa loob nun ay isang maliit na tracker na hindi mo makikita sa sobrang liit nito. Pagkatapos non ay ibinigay nalang ulit ako sa magulang natin na parang walang nangyare. Kaya nagsimula iyon ng pagiging miserable ng buhay nating dalawa. Pagkatapos non ay lagi na tayong natatrack ng mga kalaban ni daddy. Im sorry kung lumaki ka na inakalang si nathan gonzales ang tunay mong ama at napalayo ka sa tunay mong mundo dahil sa dagdag na dagdag na problema. Im sorry sis, kung kailangan mong maranasan ang mga ganitong sitwasyon. Wala akong magawa noon dahil wala akong kakayahan na ipagtanggol kayo nung mga araw na yon" malungkot na saad niya.

"Si mommy... paanong naging ganito siya ngayon?"

"Dahil kay samantha at sa tatay-tatayan mo" Mariin na sagot nya at masama ang tingin sa kung saan. "May pinapainom silang gamot kada buwan kay mommy. Isa iyong drugs na kapag ininom mo ay mawawala ka sa sarili at aakalain mong ang mga taong nakapaligid sayo ay kaaway mona. Minanipula siya nila samantha at nathan. Naging sunod-sunuran siya sa mga utos nito kaya naging ganito si mommy. Kung natatandaan mo si Richard asuncion siya ang kanang kamay ni nathan gonzales at tatay ni samantha. planado nila ang lahat nathalia, kaya natakot akong magpakita sayo noon dahil baka ilayo ka nila sa akin ng tuluyan kaya mas minabuti kong hindi muna magpakita sayo" Nakita kong lumuha si alexandra kaya naman niyakap ko siya. Ngayon naiintindihan ko na. Feeling ko nahirapan ako kapag nakikita siyang ganito.

"Mamaya na natin ipagpatuloy ito alexandra. Tumahan kana kasi parang pinipiga din ang puso ko kapag umiiyak ka" Marahan na sagot ko, tumahan naman siya at niyakap ako ng mahigpit

"I miss you so much nathalia." Ngumiti ako.

"S-si...nathan...uhm..." Nihindi ko matapos ang sasabihin ko dahil ayokong maalala ang nakaraan ko sakaniya.

"Hawak ko siya" Nagulat ako ng sabihin niya iyon

"Paano-"

"I know what he did to you" Mahinang saad niya pero sapat na para marinig ko.

"I-im sorry nathalia. Im sorry kung hindi ka naprotektahan ng ate mo. Im sorry kung -" Hindi ko na siya pinatapos dahil naiiyak nanaman siya.

"Wala na tayong magagawa duon. Nangyare na eh" malumanay na saad ko.

"I failed dad."

"What?"

"Alam niya. Alam niyang mamatay na siya noon. Hindi aksidente ang nangyare. Sinabutahe ni samantha ang kotse ni daddy. But before he died may ibinigay siyang sulat at ibinigay iyon sa lawyer ni daddy atsaka ibinigay saakin." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay may ibinigay siyang papel na tila lumang luma na dahil sa pagkayellowish nito. Binuklat ko ito, halatang lalaki ang nagsulat dahil sa penmanship nito. Sinimulan kong basahin ang sulat

My dear daughters,

Hi nathalia and alexandra. I want to say something but first i want to say that thank you, thank you for coming into my life, Salamat dahil kayo ang nagbigay ng kulay sa madilim kong mundo noon. Salamat dahil kundi dahil sainyo hindi magiging succesful si daddy ngayon. Maraming salamat dahil napapangiti niyo kami ng mommy niyo araw araw. I still remember nagaaway kami ng mommy niyo para lang sa pangalan niyo. Dapat ang ipapangalan kay alexandra ay alexa lang at kay nathalia ay thalia lang pero sabi ng mommy niyo masyado daw maikli kaya hinabaan niya. So childish right? pero iyon ang lambingan namin ng mommy niyo, yes ang mag away hahaha. I'm sorry kung iiwan kayo ng maaga ni daddy, but i know kakayanin niyo ang lahat ng ito. Pasensya na mga anak kung bata palang kayo ay kailangan niyo nang magkalayo magkapatid. Hindi ko din ginustong mahiwalay sainyo pero ito ang itinadhana sa atin ng panginoon. Alam kong kaya at kakayanin niyo ito. Siguro nababasa mona ito ngayon alexandra ang panganay kong anak. Masaya akong lumaki kang masigla at matapang anak ko, I gave you my permission to be the one who will protect your sister and your mother. Anak alam kong mahirap ang pagdadaanan niyo pero sana... sana wag kayong sumuko para sa akin at sa mommy niyo. Kayo ang magiging susi para maging maayos ang lahat. No matter what happened don't give up alexandra. Protect your mother and your sister nathalia. For you nathalia, pagpasensyahan mona si daddy kung bata kapalang ay mawawalay kana sa amin ng ate mo. Pasensya na kung wala ako sa tabi mo sa mga araw na umiiyak ka. Pasensya na kung wala ako sa tabi mo sa mga araw na nagdurusa ka pero anak ko alam kong matapang ka kagaya ng ate mo. Matapang, hindi nagpapatalo sa kahit na sino. Lumaki kayong hindi sumusuko sa mga laban kaya naman patawad kung lumaki kayong hindi na ako ang inyong kasama. Kaya ipangako niyo sa akin na magiging maayos ang lahat. Huwag niyong sayangin ang pinaghirapan ko. lumaban kayo hangga't maari gumamit kayo ng baril. Kung kinakailangan pumatay kayo gawin niyo! Not just for me but for your mother too. I love you both mga anak ko. Si daddy ay aalis na. paalam

Jackson buenavista
Nagmamahal ang inyong ama

Tuloy-tuloy ang pag luha ko sa nabasa ko na isinulat mismo ng aming namayapang ama.

"G-gusto kong makita si daddy" garalgal na saad ko. Tumango lamang siya at pinaandar ang kotse niya.

HINDI ko namalayan na nandito na pala kami sa sementeryo kung saan inilibing si daddy. Bumaba kami sa sasakyan at sinundan kolang si alexandra. Tumigil kami sa isang puntod at napaluha nalang ako nang makita kong ito na iyon. Si daddy.

R.I.P
JACKSON BUENAVISTA

Pinipiga ang puso ko nang makita ang puntod ng tunay kong ama. Tumingin ako sa kalangitan.

"Panginoon bakit mo hinayaang mamatay ang tatay ko!? Bakit mo ako hinayaang mawalay sa tunay kong ama!?Bakit!?" Sigaw ko sa kalangitaan. Biglang kumulog at kumidlat kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan.

"Bakit? bakit nangyayare sa akin ito?" mahinang saad ko kasabay nang panghihina at napaupo sa sahig. "Bakit kailangan ako pa!? Panginoon bakit ako ang nakakaranas ng ganitoo!? Pinagdasal ko na sana maging ayos na ang lahat pero bakit ganito ang ibinigay mo!?"

"Nathalia tama na..."

"Gusto ko nang sumuko" bulong na saad ko pero alam kong narinig niya iyon.

Gustong gusto ko nang sumuko pero may pumipigil sakin na gawin ang bagay na yun.

"Nathalia, remember when dad told us na wag natin sayangin ang pinaghirapan niya. Tayong dalawa nalang ang inaasahan ni daddy lalo na ngayon na nasa kamay nila si mommy. Fight nathalia. Fight for daddy, for all of us." Tila naganahan ako sa sinabi niya kaya tumayo ako kahit nanghihina ay niyakap ko siya.

"I will... I will fight for you, for mom and for dad." mariin na saad ko, ginayak niya ako papunta sa kotse at pinaandar niya ito.


i will fight as long as i can.

Continue Reading

You'll Also Like

36.2K 1.9K 19
✩♬ ₊˚.🎧⋆☾⋆⁺₊✧ ✩♬ ₊˚.🎧⋆☾⋆⁺₊✧ ✩ "Fight me, mismatched hair!" "Huh?! Who the hell are you calling mismatched, dumbass?!" "Shut up, Sumika and fight me...
200K 4.6K 31
Orphaned at a very early age, a young man goes through self-discovery as he uncovers his demonic past and faces a heavenly challenge. After discoveri...
369K 14K 26
"မောင် မဆိုးစမ်းနဲ့ကွယ်" "ကျုပ်ကိုမချုပ်ခြယ်နဲ့"
41.5K 1.5K 34
"Come on, come on, don't leave me like this I thought I had you figured out Something's gone terribly wrong You're all I wanted Come on, come on, don...