YOU BELONG WITH ME

By Sam_Paguita

16 1 0

Wala pa for now. "Why can't you see, that you belong with me." More

[ CHARACTERS ]
MUSIC INSTRUMENTS SHOP [ C-1]
HER [C-2]
CHAPTER 4 : EYES
CHAPTER 5: NICE TO SEE YOU AGAIN
jah

HIM [C-3]

6 0 0
By Sam_Paguita

(⁠^⁠.⁠_⁠.⁠^⁠)⁠ノ

[ Babala: Ang pahinang ito ay naglalaman ng hindi kaaya-ayang eksena para sa mga mambabasa. Maaaring: Hindi magagandang salita, o mga kilos na hindi nais nang mambabasa. Mangyari lamang ay magpatuloy nang may babala].

(⁠◍⁠•⁠ᴗ⁠•⁠◍⁠)

DWAYNE'S P.O.V

"Kumusta? Kinuha niya?" Ausha, asked while we're walking. Ganito kami palagi, ihahatid ko siya sa bahay nila pagkatapos ng gig namin. Mahirap na rin kase, baka mapano siya.

Tumango ako na siyang naging dahilan ng malawak niyang pag ngiti.

"Ano'ng sabi?" Excited na tanong niya.

"Wala." I answered.

Agaran naman niya akong hinampas, halatang hindi satisfied sa isinagot ko sa kaniya. "Ano'ng wala? Nakita kong kinuha niya tapos wala?" She nagged.

"Oh, nakita mo naman pala na kinuha niya, bakit nagtanong ka pa?" Inirapan ko ito.

Oo, kinuha niya, but he didn't accept it,silly.

[ Flashback ]

"Kunin mo na lang," I said. I'm not that desperate na maibigay 'to sa'yo, but could you just please accept it?

Ausha, Melody! Haysstt...

"I'm fine, thanks. I prefer ginger tea," ani ni Axel. Kinuha niya ito sa mga kamay ko saka iniabot kay Baste, na nasa tabi niya.

"Kanina pa raw nauuhaw, kahit naiihi na." He added.

Nang tapunan ko nang tingin si Ausha, ay nakita ko ang pagtalon nito kahit pa nakatalikod na siya sa'kin.

I feel guilty to see you happy for nothing.

[ End of Flashback ]

"Next time bibigyan ko ulit siya. Idadaan ko ulit sa'yo, Panget,huh?" Mahina pa'kong siniko nito gamit ang maliit na siko niya.

"Tip,mahilig sa ginger tea yung crush mo." I said. Crush mo.

"Ay buti nasabi mo! Sigeh, next time! Basta iaabot mo huh!?" Geez, how can I resist her?

"Bakit kase hindi na lang ikaw mag-abot?" I rolled my eyes in a manly way.

"Bakit ayaw mo na ba? Or ayaw na daw ba niya?" She bowed her head. Nalukot agad ang mukha as she pouted her thin rosy lips.

"You look like a duck." I teased. A cute duck.

"Heh! I'm asking kung ayaw na daw ba niya? Kase kung ayaw na niya, ako gusto ko pa!" Tumalon pa ito na parang bata.

"Napagkakamalan kase akong bakla! Kilala mo naman si Baste, baka asarin ako't sabihin na crush ko si Axel, kadiri 'no!" Bahagya ko pang ginulo ang buhok nito.

Mahaba-haba pang lakaran at nakarating na rin kami sa kanila. Saglit akong pinapasok ng mama ni Ausha, saka inaya ng maiinom pero mariin akong tumanggi kase nagmamadali na rin akong makauwi.

"Pera," pagpasok ko ng bahay ay ang magaspang na palad na agad ni papa ang bumungad sa'kin. Akala mo kung may pinatago ito sa'kin.

"Ayus ah, hindi man lang muna tanungin kung kumusta ako," nilampasan ko ito saka dumaretso sa sofa para hubarin ang sapatos ko. Hindi ko pa man tuluyang nakakalas ang sintas nang muli itong magsalita.

"Katatapos ninyo lang tumugtog tapos yun lang hinihingi ko an'dami mo na agad sinasabi, akin na dalian mo," utos nito na akala mo'y hindi anak ang kausap. Napadaretso ako ng tingin saka mariin na napalunok bago muling sasagot sana nang muli itong magsalita.

"Kailan mo ba balak humanap ng permanenteng trabaho, huh? Pinag-aaral ka kase namin ng mama mo ayaw mo. Ano na lang gagawin mo sa buhay mo? May balak ka pa bang tulungan kami?" Sunod-sunod na tanong nito na kung magsalita ay akala mo napaka-responsable niyang tao—napaka-responsableng ama. Kung hindi ko lang sana alam na pinang-iinom niya yung ibinibigay ko sa kaniya.

"Para saan? Mag-aaral para kapag naka-graduate makahanap ng magandang trabaho para may pang sustento sa inyo? Gumastos ng tuition para may isusumbat kayo?" Agad na nanalim ang mga mata nito nang marinig ang mga 'yon mula sa'kin. Akma na 'tong bu-buwelo para suntukin ako kung hindi lang sana lumabas galing sa kusina si mama para pigilan siya.

"Ano ba? Itigil ninyo 'yan, nakakahiya sa mga kapit-bahay!" Halos pabulong na awat nito. Hindi naman na ako magugulat kung padadapuin ni papa yung mga kamao niya sa'kin, I mean it's not something new for me. Minsan nga katawan ko na rin mismo ang naghahanap sa mga kamay niya eh.

Totoo naman kase, halos lahat na lang isumbat nila sa'kin sa pamamahay na'to miski ang pagkain na halos hindi ko na malunok. Kahit pa responsibilidad nila na ibigay ang pangangailangan ko bilang anak nila. Isama mo na rin na sobrang lala nila kung magsalita.

"Umayos ka, anak ka lang!" Oo na, anak lang ako. Kahit anong sabihin ko mali ako, bullshit.

Para matapos na ang usapan nilabas ko ang  pera na kinita ko mula sa pagtugtog ng banda sa naganap na Fiesta. Ipinatong ko iyon sa lamesa saka sila nilampasan.

"Next time you'll ask for money make sure not to sound like a hold up-er. Disgusting." Ani ko saka hindi na sila inantay na makasagot pa.

"Aba't bastos na bata-" hindi ko na rin siya pinatapos. Paulit-ulit ko lang rin naman naririnig 'yon sa kaniya.

Hindi ko naman gustong maging ganon kabastos sa kanila but they're pushing all the buttons for me to do so.

This house doesn't feel home from the start, what am I even expecting? A warm welcome kapag nakauwi? I shook my head off saka ipinaubaya yung sarili ko sa kama. Mas imposible pa sa pangarap ko yung mangyari ang ganon.

When I woke up, I've received a message from Yasu.

Yasu:

"We're going to have a vacation trip for a day.  All expenses paid by Mayor, fix your stuffs and tell, Ausha, immediately." Teka, inuutusan niya ba ako?

Me:

"Inuutusan mo ba ako, Yasu?" I text back. It didn't take long before my phone light up.

Yasu:

"Si Capti, ang may sabi. Calm your ass, haha." Bawi naman nito agad.

Hindi ko na siya ni reply-an pa at inayos na rin agad ang gamit para makaalis na rin dito.

"Aalis nanaman yung palamunin," pagbaba ko ng hagdan 'yan agad ang bungad sa'kin ng magaling ko ama. Kasalukuyan sila ngayong kumakain ng agahan kasama si mama at ang nag-iisa kong kapatid na babae, si Daina. Maputi ito, at blonde ang buhok na above shoulder. Madalas kami mag-away niyan pero madalas ay siya lang ang matino kong makausap sa bahay.

"Saan ka nanaman pupunta?" Tanong ni mama nang makita nitong pinto palabas ang agad kong hinahanap pagbaba.

"Banda," maikling sagot ko. Masyadong maaga para lalo pang masira ang araw na'to para sa'kin.

"Sa walang katuturang bagay dun magaling," papa said. He even chuckled sarcastically just to piss me off. Napahinto ako sa sinabi nito but I know I have to breathe para kahit papaano naman ako lumuwag ang hangin sa katawan ko dahil bumara nanaman yung sinabi niya dahilan para magpigil akong masagot siya.

I've decided to leave that house or hell should I say para makahinga.

Kina, Ausha, ako dumaretso and as usual kailangan ko pa itong gisingin para lang bumangon. Madalas ay tanghali na rin kase ito kung magising kaya napapagalitan ni tita.

(⁠◍⁠•⁠ᴗ⁠•⁠◍⁠)

AUSHA MELODY'S P.O.V

"Hoy, Asheng! Bumangon ka na diyan!" Paulit-ulit 'yan na narinig ko bago ako tuluyang magising. Magaan ang mood kong natulog kagabi dahil sa tuwa noong mabalitaan na kinuha ni Axel, yung ipinaabot ko kay, Dwayne. Umaasa ako na gano'n rin kagaan ang umaga na sasalubungin ko paggising pero nagkamali ako ng isang makulit na boses ang gumising sa'kin.

"Asheng, wake up. Get up, may pupuntahan tayo," ani nito. Hindi pa man ako nagbubukas ng mga mata ay alam ko na kung kanino galing ito.

"Si mama,pinapasok nanaman yung asong ligaw sa labas," nagdadabog na ani ko habang nag-uunat.

"Aba't napaka-guwapong aso ko naman pala kung nagkataon?" Muli ani nito.

Halos mahulog ang puso ko nang bigla akong ibangon nito sa higaan. Tulog pa ang diwa ko, jusme!

"Nakshutek ne?!" Singhal kong agad nang sa wakas ay harapin ko ito.

"Emuku kakaniyanan pota pandilwan da-kang marimlang danum ken, lawan muman," ani pa nito na lalong nagpa-ayos sa'kin ng upo.

( 'wag mo'kong ginaganiyan mamaya paliguan kita ng malamig na tubig diyan, tingnan mo man).

"Sabi ko nga, aayos na," inayos ko yung tayo ko na akala mo talaga'y nahimasmasan sa narinig.

"Teka nga, ano ba kase 'yon at ang aga mo rito sa bahay?" Muling tanong ko.

"We'll go on one day vacation, kaya mag-ayos ka na ng gamit mo," nakangiting ani nito saka kumindat bago daretsong lumabas ng pinto. Makiki-kape nanaman 'yon!

"Pagawa rin akong kape, Panget, huh!" Pahabol ko bago ito tuluyang makaalis.

Paniguradong sasama si Axel, kase sinabi ni Dwayne, na treat 'yon ni Mayor, sa banda dahil natuwa sa maayos na pagbibigay nito ng entertainment sa mga tao noong nakaraang fiesta.

Magdadagat raw kaya nagdala ako ng mga gamit na sigurado akong magagamit ko lang. Hindi naman ako mahilig sa mga bikini's kaya more on shirts talaga ang dala ko kahit na hindi pa man ako nakakapaalam kay mama.

"Ako na ang bahala," 'yan kase ang sinabi ni Dwayne, kanina bago lumabas ng kuwarto kaya siguradong papayag si mama.

As expected, pumayag si Mama, kampante siya dahil kasama ko naman si Dwayne, kaya ipinagkatiwala naman niya ako rito. May mga kapatid rin naman ako na makakatulong ni mama sa gawaing bahay, sadyang nasa school lang din sila ngayon at tanghali ako nagising kaya hindi ko na sila naabutan.

Broken fam kami and I have a stepfather na nagtatrabaho somewhere far, nagkaroon sila ni Mama, ng dalawang anak. Habang apat naman kami sa unang asawa ni mama.

Marami ba? Ang tibay kase ng nanay ko!

Hindi na hassle ang pagpunta sa dapat naming puntahan dahil dinaanan na rin naman kami rito sa bahay nina kuya Capti, gamit ang van nito.

Importante ang sasakyan na ito sa banda dahil heto ang kauna-unahang naipundar nila mula sa ipon sa gabi-gabi nilang gigs, bukod sa mga instruments siyempre.

"Magandang umaga, Ausha Melody!" Mataas ang enerhiyang bati ni Baste, pagpasok ko sa loob. Inayos muna ni Dwayne, ang bitbit naming gamit matapos ay tumabi kay, Axel.

Nanlaki ang mga mata ko sa basong inilahad sa'kin ni Baste, na siyang nakaupo naman sa tabi ko. "Coffee for you, miss!" Kumindat pa ito matapos. Kinuha ko na lang ang baso na ibinigay nito saka nagpasalamat. Nakakahawa naman 'yang mga ngiti niya na 'yan.

"Sumobra yata sa kape 'yan, tingnan mo't mamaya ay balisa na 'yan dahil hindi makatulog, isama mo na rin ang palpitation," mahabang lintanya ni Yasu, habang abala sa pagbabasa ng libro sa likuran.

Nang lingunin ko ito ay hindi ko maiwasan ang mapangiti sa kakisigang taglay niya. He's wearing a faded polo shirt which complimented his white skin, bumaba ang tingin ko sa kamay niya nang ilipat nito ang pahina ng binabasang libro kaya hindi nakatakas sa mga mata ko ang kayumangging relo nito na talaga namang bagay na bagay sa kaniya.

"Ang pogi mo, Yasu!" Nakangusong aniko. "Walang malisya 'yan ah!" Agad na pahabol ko nang marinig ang pang-aasar ni Baste, sa tabi ko. 

Yasu, smiled sweetly as usual dahilan para lalong maningkit ang singkit niya nang mga mata. "Thank you, Ausha," for the second time he smiled.

"Ausha, lalamig na yung kape, baka naman puwedeng makahingi kung wala kang balak na inumin? Sa totoo ay galing 'yan kay Capti, ipinapaabot lang sa'yo," pabulong na ani Baste, habang nagkakamot ng batok.

Sa sinabi nito ay muntik ko nang mabatutakan "Tama ka na, Baste! Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Yasu?" Pinanadilatan ko ito ng mga mata.

"'wag naman masyadong gahaman sa kape, Basty" sigaw ni kuya Capti, mula sa drivers seat.

"Baka sa susunod ikaw na ang pagkapehan," natatawang dagdag ni Yasu, sabay kaming nagtawanan matapos makita ang naging reaksiyon ni, Baste, sa sinabi ng kabigan.

"Gina-gago mo nanaman ako, mukha ka lang inosente pero may kademonyohan ka talaga sa katawan eh," Baste, shot back to Yasu, who doesn't seem to care. Itinuon na lamang nito ang buong atensiyon sa muling pagbabasa ng libro.

"Luh, Yasu, may kademonyohan ka raw, tapos minura ka pa. Papayag ka nang gano'n-gano'n na lang 'yon?" Dwayne, in front made a sad face to tease the two putting another flame to a fire.

"Ano ba kase 'yang binabasa mo, Pre? Tingin ako," pangungulit ni Baste, nang hindi pansinin ni Yasu, ang mga tinuran nito kanina.

"Bible," Baste, was about to pull the book from Yasu, when Yasu, suddenly spoke keeping the bible close to him. "Matthew 5:44 . But I say to you, Love your enemies," halos maubo si Baste, nang marinig 'yon.

"Bless those who curse you," may diin na dagdag pa nito. Axel, chuckled kaya nabaling rito ang tingin ko. Nakikinig pala siya?

"Do good to those who hate you, and pray for those who persecute you," katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan matapos ang mahabang lintanya ni Yasu.

"Lord, I'm praying for his soul," sumulyap ito kay Baste, matapos sabihin 'yon."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagtawa sa naging reaksiyon ni Baste. Mariin ang paglunok nito at saka mabilis ang naging pagkilos upang ayusin ang upo. Paano naman kase ay tamang-tama siya sa bible verse ni Yasu. Sinalo niya talaga lahat.

"Patay na, ginamitan na ng New Testament, words." Halos mapatid ang ugat sa leeg nitong si Dwayne, makapang-asar lang rito sa likod. Kumuha ito nang baso ng kape mula sa harapan at talagang inilahad iyon kay, Baste.

" 'wag muna baka mapa-aga ako diyan lalo, sabi ko nga aayos na. Si Father Yasu, naman kase! Hindi mabiro," parang bata na reklamo nito.

We reached our destination in no time at buong biyahe ay kulitan lang ang nangyari. Paminsan ay sumasabay kami sa mga playlist sa van na halos alternative rock ang tugtog. Axel, on the other hand stayed nonchalant. Halos mapunit ko na nga ang balat ni Dwayne, kaka-kurot para lang makipag-palit ng puwesto sa kaniya at makatabi si Axel, pero ang mokong pinandidilatan lang ako ng mata. May araw rin 'yan sa'kin!

Payapa ang kapaligiran nang makarating kami. Nag-aayos na ng gamit at nang makakain sa loob sina Dwayne, at iba pa sa loob nang villa nang mag-paalam ako na mamamasyal lang muna at susulitin ang dagat.

Nakaka-inip. How I wish to have someone na makakasama ko at makakakulitan rin. I mean, being with the guys is enough, pero iba pa rin talaga na may kasama kang babae sa grupo. Masasabihan, at makaka-asaran. Hindi ko nga alam kung paanong nangyari na ako lang ang babaeng kasama nila.

Habang sinisipa ang tubig sa dagat ay siya ring pagtahak ko ng daan papunta sa bukuhan kung saan may mga nakasabit na duyan. Hindi nakakapaso ang init rito at sobrang presko ng hangin.

Patuloy lamang ako sa paglibot until I saw a familiar face who's comfortably sitting. Ang earphones ay tamad na nakasabit sa leeg niya habang hinahangin naman ang itim na long-sleeve na suot niya. Mariin akong napakagat-labi bago kumuha ng buwelo na kausapin ito.

"I didn't know, you smoke." Hindi ako nilingon  nito, kaya naisip ko na baka kanina pa niya naramdaman ang presensiya ko.

"I've quit already," Axel, said. Kumunot ang noo ko. Sa tagal ko na silang kasama hindi ko alam na naninigarilyo pala ito. Nakakagulat pero hindi naman nakaka-turn off para sa'kin.

"Huh? Eh ayan at umuusok pa," turo ko sa sigarilyo na nasa bibig niya. Pinanood ko kung paano tangayin ng hangin ang usok na nagmumula rito. "You can say you tried to quit. If so, why do you still smoke?" I asked. Ang sagot ay maaaring trip lang, or stressed siya.

"I see, you have answers in mind already. Aren't you?" He chuckled sexily. "Why? Yah gonna stop me?" He asked. The way he smiles, I don't know if nakakaloko ito o ano eh! Yet he look's cute,tho.

Umiling ako, "No." I said.  Do I have rights? Bigyan mo muna ako ng karapatan!

"That's new," gumawa ito nang bilog gamit ang usok ng sigarilyo na mula sa kaniyang bibig. The way he moved his mouth, emphasizes his firm jaw.

"Human, If they found out your vices, they'll hate you. They'll be turned off easily." Aniya saka daretsong sinipsip nanaman ang filter ng sigarilyo.

Is he being quite talkative now?

What he said, made me took a deep sigh, "You're right." I said.

Naalala ko tuloy si Dwayne, when we were in a teenage stage? He was caught smoking by his father. Binugbog siya nito at sinipa hanggang sa halos gumapang na siya palabas ng pintuan nila.

But I can't do anything. Kahit yung mama niya ay iyak na lamang ng iyak habang pinipigilan ang asawa. Pagkatapos nun, inaya pa niya ako sa kalapit na tindahan para ilibre ng ice cream. He was even smiling widely after getting bruises.

Umiling ako upang itapon ang mapait na ala-alang muling nanumbalik sa aking isipan. Poor little,Dwayne.

"Ausha," nabalik ako sa reyalidad nang tawagin ni, Axel. "A penny for your thoughts?" He joked.

Agad na nangunot ang noo ko nang maglabas ito nang kaha ng sigarilyo. Iisa pa siya!?

"Look at this, " kumuha siya ng isang stick. "Kapag naglabas ako ng sigarilyo, a lot of people will complain. There mind says it's unhealthy, hell it is. " Taimtim lamang akong nakikinig.

"But. . . " May binunot itong muli sa bulsa ng kaniyang black jogging pants. Chocolate. Iniabot niya ito sa'kin, na siya namang agad kong kinuha. Chocolates!  "There's a lot of people who are diabetic. Mas marami ang kaso ng mga taong may diabetes kaysa sa mga taong naninigarily-"

"Hihintayin mo pa bang mas maging marami ang kaso ng mga nagsu-suffer sa sakit na nakukuha sa sigarilyo, kasya sa sweets?" Walang modong pagputol ko sa salita niya.

"Smart," he patted my head that made me blush. "But the point here is, kapag naglabas ako ng tsokolate at kinain sa harapan ng maraming tao, it  all means nothing for them. Pero if I smoke in front of them," itinaas niya ang piraso ng sigarilyo bago ito muling ibinalik sa kaha. "They'll look at you, as if judging your entire life and whole existence." He then gave me a warm smile.

It actually feels good to have a small, yet meaningful conversation with him.

(⁠^⁠.⁠_⁠.⁠^⁠)⁠ノ

Continue Reading

You'll Also Like

16.3M 545K 35
Down-on-her-luck Aubrey gets the job offer of a lifetime, with one catch: her ex-husband is her new boss. *** Aubrey...
304K 7.5K 110
In which Delphi Reynolds, daughter of Ryan Reynolds, decides to start acting again. ACHEIVEMENTS: #2- Walker (1000+ stories) #1- Scobell (53 stories)...
118K 4.9K 198
This story follows the early life of James also known by his street name Headshot or Shooter. James had an extremely rough childhood, one that turned...
191M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...