Savouring Cappuccino (Café Fl...

بواسطة ElleyziiBubble

1.6K 109 16

Izen Kanemoto was just trying his best to carry out his role as a barista at Café Fleuri, offering his custom... المزيد

Disclaimer
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7

Chapter 2

162 13 0
بواسطة ElleyziiBubble

IZEN KANEMOTO

"Nasa airport si Maki?" tanong ni Kael nang sabihin ni Akio na nakita niya ang ig story ni Maki na nasa airport. "Ginagawa niya do'n?"

"Baka naghahanap ng pagkakabusyhan, enjoy magtulak ng cart. Gusto niyo itry?" sabi ko.

Boplaks! Ano bang ginagawa sa airport? Wala naman sigurong dumadayo do'n at makikipaglaro para sa myday.

Akmang ihahampas sa akin ni Kael ang hawak niyang tray. "Hep! Harrassment 'yan. Hindi ka na sisikatan ng fresh light. Baka nakakalimutan mo, anak ako ng mafia boss."

Pero hinampas niya pa rin ako. Ang sakit! Napahawak ako sa ulo. Grabe, naalog ata ang malaman kong utak.

"Dami mong satsat."

"Minessage ko na siya," wika ni Akio habang nakatutok sa phone niya. "Sinundo niya daw pinsan niyang balikbayan. Dito na ata mag-aaral."

Sumingit naman si Waylen. "Pinsan niya? May pinsan siya? Babae o lalaki? Kung lalaki, pogi ba?" sunod-sunod niyang katanungan.

"Kung pogi, papasapak ka ba kay liit? Sa tingin mo, hindi ka nun babalatan ng buhay? Tsaka narinig mo ba sabi ni Aki, nag-aaral pa lang! Hindi mo 'yon type!" sabi ni Devin habang nililigpit ang pinagkainan ng kaaalis lang na customer.

"Minsan sa buhay, kakailanganin mo ring tumikim ng ibang putahe. Kung mag-e-stick ka lang sa main dish, nakakaumay din. Kailangan mo ring itry ang desserts. Mas matamis, mas better."

"Ang landi. Ilang taon ka na ulit?" pabalang na sagot ko.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Ilan taon ka ba? Magkaedad lang tayo, 'di ba?"

"'Yon na nga, e. Magkaedad lang tayo,"

Naglakad ako patungo sa pinapainit kong milk sa saucepan. Sinigurado ko talagang hindi ko naisalang iyon in high heat dahil talagang mapupugutan ako ni Maki.

Every coffee spill comes with a hefty price. Bawal magsayang.

After kong ininit ang milk ay sunod ko namang hinintay na ma-dissolve ang matcha mixture sa maliit na bowl. Then, voila!

"Ano 'yan?" Lumapit sa akin si Akio at sumilip sa ginagawa ko.

"Coconut Honey Matcha Latte." sabi ko. "Kasing sarap ko."

Napangiwi ako nang umirap siya. Apakamoody naman ng baby ko. Gosh! Hindi ata 'to nadiligan.

"Tinanong mo 'ko, sinagot kita pero iirapan mo lang ako? Wow, big word. Habang tumatagal, mas lalong lumalala na 'yang kasungitan mo. Kaya ka nilalayuan ng mga manlili-"

Hinarangan niya ang bibig ko. "Sshh! Masyadong maingay, nakakarindi." at umalis na siya.

Minsan talaga hindi ko na maintindihan kung bakit ang weirdo ng mga kaibigan ko. Thankful pa rin ako dahil ako 'yong pinakanormal, pinakanakakaakit, at habulin ng chupapips.

Maitatanggi pa ba 'yon? Nasa mukha 'yong ebidensya oh.

Nagpalipat-lipat ako ng pwesto sa hinihigaan ko. Gusto ko na sana matulog kaso nga hindi ako makatulog kahit anong pikit ko. Pagod ako sa trabaho at gusto ko na magpahinga pero wow, ang tigas ng ulo ko.

"Ahh!" Bumalikwas ako ng higa kasi wala, hindi ko na keri.

Nilingon ko ang nakabukas na bintana. Sa tingin ko naman hindi pa masyadong malalim ang gabi kasi imagine kung malalim 'yan. Either, nahigop tayo o nalunod tayo. Gosh, scary.

Okay, not funny.

At dahil wala akong ibang maistorbo, dumeritso ako sa GC para manghakot ng tunay na kaibigan na sasamahan ako sa hirap at ginhawa.

CAFÉ FLEURI SUNSHINES
Today 8:45 PM

IZEN KANEMOTO
Yow, guys! Bar tayo. Nabuburyong ako dito sa bahay.

WAYLEN BANG
Magtatalon ka na lang.

KAEL CHOI
Kaya mo na sarili mo. Malaki ka na.

IZEN KANEMOTO
Nubayan! Parang 'di true friends! Aki?

AKIO HAMADA
Episode 5 na ako.

IZEN KANEMOTO
'Yong buhay mo, ilang percent na lang?

AKIO HAMADA
Naka-hide.

IZEN KANEMOTO
Ikaw na lang, Maki! Please... Kaawaan niyo ako!

MAKI TAKATA
Pass. Gusto ko matulog ng maaga. Napagod ako ngayong araw.

IZEN KANEMOTO
Hindi niyo talaga ako mahal noh? Hindi na kayo nakakatuwa! Dev, huwag mo 'kong tatarantaduhin. Wala kang ginagawa kaya sasamahan mo 'ko. Susunduin kita mamaya. 9 PM.

DEVIN PARK
Gagi hindi pa nga ako nakakapayag, e.

IZEN KANEMOTO
Papalag ka?

DEVIN PARK
Hindi basta libre mo.

IZEN KANEMOTO
Ano pa nga ba? Palagi naman.

KAEL CHOI
Wow, parang walang pasok bukas ah.

IZEN KANEMOTO
Wala naman talaga, Thursday bukas 'di ba? Broken ka na nga, ulyanin ka pa.

KAEL CHOI


WAYLEN BANG
SC momints.

KAEL CHOI
Anong SC?

DEVIN PARK
Senior citizen.

KAEL CHOI
Bukas lang kayo, pagtatagain ko talaga mga bibig niyong mga deputa kayo!

IZEN KANEMOTO
Hindi tayo magkikita bukas HAHAHA!

"Hoy, ano ba!" sigaw ko mula sa labas ng banyo ni Devin. "Nilalamok na ako dito oh? Bar lang pupuntahan natin, hindi red carpet. Baka naggown ka na dyan."

Kanina pa talaga siya dyan sa loob. Kung hindi ba naman tarantado, nagdala pa ng basket na puno ng mga damit na pagpipilian niya. Wala kasi siyang bihisanan dito, at dahil nandito ako sa boarding house na tinutuluyan niya, hindi siya makapagbihis ng maayos. Kaya ayan! Pumasok sa banyo.

Para namang hindi ko pa nakita ang mga pinakatagu-taguan niya.

Kinalampag ko na ang pinto ng banyo niya dahil sa inis ko.

"Tangina mo!" at minura na nga ako. "Lumabas ka na lang kung iistorbohin mo 'ko. Maghintay ka sa labas. Punyeta ka!"

Napaatras pa ako mula sa pinto nang kumalabog 'yon. Hudyat na may binato siya sa pinto. Grabe, pinapakiusapan ko lang naman siya na magmadali. Like hello? Ang usapan 9 pm, 9:45 na tapos hindi pa siya natatapos sa pagpipili ng susuotin niya.

'Buti pa ako. Prepared na prepared tignan kahit hindi masyadong nag-ayos.

['Yong ayos:]


Mukha lang talaga 'yong nagdala.

Napasalampak ako sa matigas niyang higaan. Aray ko naman. Rinig ko pa 'yong paglagutok ng mga buto ko. Napakatipid ba naman kasi ng Devin na 'to. Kahit manipis na foam man lang, hindi makabili.

Bumukas ang pinto ng banyo kaya napatingin ako doon. "Masarap kaya sa likod ang matigas na higaan. Laking syudad ka kasi." sabi niya.

"Luh! Narinig mo 'yon?" Napabangon ako sa hinihigaan ko. "Psychopath ka na ba?"

"Baliw," Ouch! "Ano sa tingin mo dito? Kaaya-aya na ba ako tignan?" Bumaba ang tingin ko sa suot niya.

Napangiwi ako. Bar ba pupuntahan namin o may date siya at balak niya akong gawing thirdwheel? Seryoso.

"Ano 'yan?"

"Damit."

"Alam ko, pero bakit ganyan suot mo? May kikitain ka ba?"

Yeah, matino siya tignan sa damit na 'yan pero grabe beh, nagmukha akong pokpok.

"Problema mo sa suot ko? Dapat ba maggown talaga ako? Eh 'di pinagkaguluhan ako."

"Talagang magkakagulo, ikaw ba naman makakita ng lumulutang na damit." Inambahan niya ako ng suntok, agad ko namang hinarang ang unan.

Nagbardagulan lang kami ng mga one hour char bago kami pumanhik na. At dahil nagdyip lang naman ako papunta dito, nagdyip lang din kami papunta sa bar na pupuntahan namin. At kung minamalas ka ba naman, ang sikip pa ng nasakyan namin.

At bago pa kami makarating sa mismong bar ay mukha na kaming nakipagsabunutan sa tatlong marites sa kanto.

"Bawal ang minor de edad." Hinarang ako ng guard.

Wow, minor de edad. Ang sabi ko lang, cute ako. Pero ang layo ng mukha ko sa pagiging bata.

Tumawa ako ng malakas sabay hampas sa braso ni Kuyang guard. Tigas. "You're so funny naman, Kuya. In fairness, natawa ako doon. Pasok na kami ha?"

Muli na naman kaming hinarangan ni Kuyang pangit na guard. "Hindi nga pwede ang minor dito."

"Kuya, mukha ba kaming minor sa 'yo?" pagsingit ni Devin.

"Ikaw," Tinuro naman niya si Devin, muntik pang maduling ang katabi ko. "Hindi ka mukhang minor," Ako na naman ang tinuro niya at literal na naduling ako. "Pero ikaw, hindi. Uwi!"

Luh! Nagulat pa ako nang bigla niya akong pagtulakan. Wala na akong choice kaya inilabas ko na ang dala kong ID. At para dama niya, sinampal ko sa mukha niya 'yon.

"1993, minor ba 'yan? Ha?!" sigaw ko sa kanya.

The audacity talaga!

Maingay na tugtog, nangingibabaw na amoy ng alak at usok ng sigarilyo at vape ang sumalubong sa amin nang pasukin namin ang loob ng bar. Napangiwi si Devin. Ito kasi ang unang beses na nakapasok siya sa mga ganitong lugar. Sa loob ng bahay lang kasi umiinom at hindi niya minsan naisip na makakapasok rin siya sa ganitong lugar. Probinsiya boy kasi.

Dumaan kami sa kalagitnaan ng dance floor at napamura ako dahil may umapak sa paa ko. Gosh! Sasapakin ko na sana kung sino man ang umapak sa akin nang hilahin na ako ni Devin patungo sa front bar at umorder ng alak.

"Sana pala sa bahay na lang tayo uminom, mas tahimik doon eh." reklamo ni Devin.

Napairap ako. "Walang thrill pag doon lang tayo. Saka minsan lang 'to." Umupo na kami sa mga bakanteng stools. "Uy, 'wag mo kong uunahan sa pangha-hunting ha?"

"Parang ewan, nawalan na ako ng gana. Ikaw nalang maghanap, dito lang ako. Ang babaho ng mga tao dito."

Halos magsigawan na kami dahil hindi namin marinig ang isa't isa. At dahil wala naman kami masyadong alam na sosyal na drinks, hinayaan namin si Kuya pogi na bartender na magsuggest.

"Are you in the mood for a friendly martini featuring either gin or vodka, along with a little dry vermouth? We can make it even more tempting by garnishing it with either a green olive or lemon peel. Why not give it a try and see if it's a hit with you two?"

Parang komersiyal lang.

Nagkatinginan kami ni Devin. Ano daw? Bakit napapadalas kaming iharap sa mga nagsasalitang dollars? Mukha ba kaming ATM?

Tumango na lang ako. Okay lang 'yan, pogi naman siya. Trust dapat. "Ehe sige, sarapan mo ha?"

Siniko naman ako ni Devin. "Ang landi."

Maya-maya pa ay sinerve na sa amin ng bartender ang dalawang martini glass.

Sinipat-sipat ko si Devin na ilang beses pa siyang napapangiwi dahil sa lasa ng martini. Napansin ko naman ang nakakalokong ngisi ng bartender sa akin bago siya tumalikod. Ang haba talaga ng buhok ko. Kinuha ko na ang martini glass ko at nilagok na ang laman nun.

Naibuga ko kaagad iyon dahil putangina ang pangit ng lasa!

"Ay tanga!" Napamura si Devin dahil naibuga ko 'yon sa mismong bartender.

"Oh my god! Sorry po!" paumanhin ko sa kanya.

Umiling naman siya. "No, it's okay." Hinubad niya naman ang suot niyang sando.

Sheett! Ang sarap ng abs!

Nang lingunin ko si Devin ay hindi niya pa nauubos ang nasa baso niya kaya kinuha ko na rin ang kanya, hindi niya agad napigilan dahil sa bilis ng kamay ko.

Hinarap ko naman si Kuyang pogi habang iniinom ang martini sa baso ko saka siya kinindatan.

"Pwede ka bang gawing pulutan ehe." Siniko na naman ako ng KJ kong katabi. "Ano ba!"

"Umayos ka nga! Inagawan mo pa akong bwesit ka!"

"Alam mo kung hindi ka iinom, samahan mo nalang ako dito. Isa pa nga, pogi!" Sinenyasan ko ang bartender na bigyan pa ako ng isa pa.

Mahigit isang oras na rin kaming nakaupo sa stool habang nagtatawanan. Dama ko na na kumakalat na 'yong kalasingan sa buong sistema ko habang si Devin ay pinapanatili pa rin ang kamalayan niya. Lilingatin ata ako nito at makikipagdate sa tabi-tabi.

Kung hindi ba naman siraulo. Ako lang pinaubos sa walong shots. Feeling ko tuloy nakasakay ako sa Star Flyer.

"Sayaw tayo, Dev!" Agad ko siyang hinila kahit hindi pa siya nakakapagsalita. Muntik pa akong masubsob, 'buti na lang nahawakan ako ni Devin.

"Punyeta ka! Umayos ka kasi, baka magising ka na lang sa kama ng iba!"

"OA mo!"

Sumasabay kami sa indak ng musika. Wala na rin ako sa katinuan ko at nakikihalubilo na rin ako sa ibang sumasayaw na parang baliw, sila din naman.

Nagpalingon-lingon ako sa paligid habang abala sa pagsasayaw ang mga nakapalibot sa aking mga tao. Hinahanap ng mga mata ko si Devin. Kani-kanina lang naman nasa tabi ko pa 'yon, e. Nasaan na 'yon?

Hindi na ako mapakali. Kukunin ko pa sana ang phone ko nang makaramdam ako ng kakaiba. Biglang nawala ang kalasingan ko dahil sa malapit nang pumutok kong pantog.

"Mamaya ko na nga lang siya hahanapin, naiihi na ako!"

Nakipagsiksikan ako sa maraming tao at hinanap ang restroom. Pagkapasok na pagkapasok ko doon ay agad kong pinakawalan ang mabigat sa aking pantog. Finally!

Agad kong isinara ang zipper ng pantalon ko nang may pumasok na lalaki at dali-daling sumuka sa sink. "Bleeurghh!"

Hirap na hirap pa itong i-balance ang sarili niya dahil sa kalasingan at bilang mabuting mamamayan ay lumapit ako sa kanya.

"Excuse me, ayos ka lang?"

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

307K 16.5K 29
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2.8M 175K 58
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.9M 24.4K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...