The Collection I (TEAR'S)

By AillexSkcy

8 0 0

Minsan ba natanong mo na ang sarili mo kung ano ba ang role mo sa mundong ito? Well, ako oo. Maraming beses n... More

Una: Sino ba ako?
Pangatlo: Kulang pa ba lahat?

Pangalawa: Ano Ba Ang Karapatan Ko?

2 0 0
By AillexSkcy

Halos mag-aalas sais na ng gabi bago namin natapos ang pagpack up.

Sobrang nakakapagod ang araw na ito dahil sa sunod sunod naming photoshoot, halos maghapon akong nakatayo para maasikaso ang mga models. Hindi na bago sa akin ang ganitong klase ng set-up and yet hindi pa rin sanay ang katawan ko sa maghapong kapaguran. I think isa pa ulit na taon para masanay ang katawan ko sa ganitong trabaho ko.

"Tired?" Napalingon ako sa nagtanong, ngumiti lang ako sa kanya at muling binalik ang atensyon sa ginagawa kong report para sa araw na ito.

"Here."

"No, thanks," I shrugged my shoulder and continue my report.

"You need this, baka mamaya ka pa matapos sa report mo." Inilapag niya sa table ko ang isang box ng Vitamilk double chocolate flavor.

"By the way, don't skip your sleep tonight maaga pa tayo bukas para sa another hell of work." Tiningnan ko lang siya na parang walang pakialam sa sinabi niyang iyon.

"Una na ako sa'yo, baka hinihintay na ako ng bruha." Tiningnan ko lang siya habang palabas ng opisina. Tanging hanggang tanaw na lang ang kaya kong gawin sa taong iyon, mula noon at hanggang ngayon.


.


.


.


Sino ba ang taong iyon? Sino ba siya sa buhay ko? Siya lang naman ang taong matagal ko ng nakakasama sa halos dalawampu't anim na taon ko sa mundong ito.

"May date na naman sila ng girlfriend niya?" Bigla akong bumalik sa reyalidad na taken na pala siya. Ang lalaking nakasama ko ng matagal at ang lalaking nagpatibok ng puso ko ngunit hinding hindi na magiging akin.

"Alam mo Jey akala ko talaga ikaw ang girlfriend niyang si Arkus."

"Paano mo naman nasabi?" May ngiti sa labi kong tanong sa kanya, maging ang aking mata ay ngumiti sa sinabi ni Art.

"Eh kasi naman kayong dalawa ang palaging magkasama simula't sapul nung elementary until now. Hindi ko nga akalain na ang bruhang iyon ang girlfriend niya eh, mas maganda ka naman, mayaman lang yung bruhang iyon." Nabura ang ngiti ko sa sinabi niya. Oo, hindi ako ang girlfriend ni Arkus kundi si Sheintyl. Ang mayamang bruha na tinutukoy ni Art.

"Magpayaman ka rin Jey, for sure ikaw ang jojowain niyang Arkus na 'yan kapag nagkataon."

"Hindi na ako umaasa sa ganyan, kontento na ako sa kung ano ang meron ako ngayon." May sunod pang sinabi si Art ngunit hindi ko na iyon pinansin pa sa halip ay ipinagpatuloy ang ginagawa kong report.



.


.


.


Habang naghihintay sa taxi ay nag-iwan muna ako ng message kay Art dahil mukhang malilate ako ng pasok. Halos kalahating oras na rin kasi akong naghihintay ng masasakyan magmula ng makarating ako dito sa waiting shed. Hindi na ako sumabay kay Arkus kanina dahil alam kong susunduin niya pa si Sheintyl sa condominium niya. Halos lahat ng araw araw na nakasanayan namin ni Arkus ay nabago magmula ng maging sila ni Sheintyl.

"Jey?" Napalingon ako sa aking likuran ng marinig ang boses na tumawag sa pangalan ko.

"Sheintyl? What are you doing here?"

"I should be the one to ask you that. What are you doing here?" Balik niyang tanong, kahit kailan talaga napakaarte ng babaeng ito.

"I lived here, and you?"

"I'm Arkus's girlfriend, and I'm looking for him. May problema ba dun?" Maarte niyang sagot, siniringan ko siya ng mata ng saktong may dumaan na taxi. Agad ako pumara at sumakay sa backseat, pansin kong sinamaan ako ng tingin ng babaeng iyon hindi naman nakapagtataka kasi matagal na siyang ganun. Umalis din agad ang sinakyan kong taxi, mabuti na rin dahil hindi ko kayang tagalan ang makipag-usap sa babaeng iyon. Pero akala ko ba susunduin siya ni Arkus, bakit nandito ang malanding babae na yun? Hays, bahala sila problema na nila 'yun ang mahalaga ay makapasok na ako sa work ko, for sure kasi magbubunganga na naman si Art.


Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na rin ako sa opisina, agad din akong nag logged in sa time card ko. Wala naman masyadong trabaho ngayon dahil sa nalalapit na Team Building Event sa may Laguna, kaya no hassle sa mga office works ngayong buong linggo.


"Jey, Arkus's looking for you. Saan ka ba galing?" Salubong na tanong ni Art matapos mailapag ang aking gamit sa office table ko. Napakunot naman ako ng noo at lumapit kay Art.

"Diba susunduin niya pa girlfriend niya, bakit niya ako hahanapin?" Tiningnan lang ako ni Art at ibinalik ang ang atensyon sa pinapanood niya sa screen ng cellphone niya. Makalipas ang ilang sandali ay isang lalaki ang may bitbit ng paper bag, di ko maaninag ang mukha niya dahil sa hood na suot niya. Ngunit ng makalapit siya sa akin ay agad kong nakilala dahil sa amoy ng perfume niya.

"Arkus?" Agad ko siyang nilapitan at hinawakan ang braso niya.

"I need to talk to you after work." Iyon lang ang sinabi niya bago alisin ang pagkakahawak ko sa braso niya. Hindi na ako nakareact pa dahil ang bilis niyang umalis sa station namin.

"Pamysterious din naman 'tong Arkus na ito. Akala ko kung sinong bagong empleyado jusko." Mabilis pa sa alas quatro ang paa ni Art palapit sa table ko at tiningnan ang laman ng paper bag, maya maya pa ay iniabot niya sa akin ang laman niyon, isang white box at sobre ang laman nun.

Para saan naman ito? Bakit may pasobre at pabox ang lalaking iyon? Tanong ko sa sarili ko.

"Ay shala girl, bakit may panecklace ang Papa Arkus?" Hawak ni Art ang moon pendant necklace mula sa white box na iyon. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang necklace na iyon.

"Don't tell me ikaw mag-aabot niyan kay Sheintyl?"

"Wala ako idea Art." Ibinalik niya ang necklace na iyon sa box at ibinuhol niya ulit ang tali ng paper bag.

Ano na naman ba ang plano ng Arkus na iyon? Idadamay na naman niya ako sa relasyon nila ng girlfriend niya, ano ba ang tingin niya sa akin? Chaperone, third wheel na naman sa date nila. Pinagmumukha niya ba akong tanga? O sinasadya niyang masaktan ako? Hindi ako mapakali sa tinatakbo ng isip ko sa mga sandaling iyon, alam ko naman na hindi ako ang gusto ni Arkus tanggap ko na ang bagay na iyon, actually matagal na. Pero bakit paulit ulit niya ako sinasama sa memories nilang dalawa. 

"Alam mo huwag ka na lang sumipot sa sinasabi ni Arkus baka third wheel ka na naman hahaha. Sige na ako'y magtatrabaho na, nang may maipakain ako sa mga lalaki ko." Sambit ni Art sabay balik sa table niya.


.


.


.


Matapos ang maghapong trabaho ay lumabas na rin ako, iniwan ko ang paper bag na binigay ni Arkus kanina sa office table niya. Hindi ko alam ang balak niya kaya mas mabuti kung ako na mismo ang iiwas sa kanya. Si Art ay nauna ng umalis kaya wala ako kasabay ngayon, maaga ring nagsiuwian ang iba kong katrabaho, himala at wala silang ganap ngayon. Sabagay baka mga pagod kaya di na nagawa pang magkayayaan magbar. 

Tahimik ang hallway ng buong building kaya nakakapanibago, halos wala na rin ang iba pang empleyado kaya siguro ganun. Sumakay na ako ng elevator pababa ng building upang makauwi ng maaga. 


Pagkababa na pagkababa ay sumalubong sa akin ang kumpol ng tao sa may entrance ng building. Napakunot naman ang noo ko  dahil for sure mahihirapan ako makalabas dahil sobrang daming tao sa entrance door. 


"Jey, girl halika dito." Napansin ko si Art sa may bandang kanang kung saan may hawak na cellphone, tila may artista sa kumpol na iyon kaya nacurious ako kaya lumapit ako doon. 

Nginitian ko siya hanggang sa makalapit, akala ko wala na ako makakasabay sa pag-uwi mabuti na lang at nandito pa ang baklang Art na ito.

"Anong meron dito?" Tanong ko sa kanya. Pagtingin ko sa pinapanood nila ay hawak hawak ni Sheintyl ang isang flower bouquet. Nasa gitna siya habang si Arkus naman ay nakaluhod. 

May biglang kirot sa puso ko ng makita ko ang sitwasyong iyon. Ramdam ko ang pamumuo ng luha ko sa mga sandaling iyon ngunit pinipigilan ko iyon dahil maraming tao dito. 

"Art una na ako sayo, dadaan pa kasi ako sa department sto...

"Sheintyl Margaux De La Cruz, will you be my wife?" Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ng may umalingawngaw sa taing ko, nagpanting ang boses na iyon at tuluyan ng pumatak ang luha na kanina ko pa pinipigilan. 

No Jey, wala ka karapatang umiyak. Wala ka karapatan masaktan sa nakikita mo ngayon. Wala ka karapatan maging malungkot sa magandang nangyayari sa kanila ngayon. Tanging sambit ko sa sarili ko habang tumutulo ang luha ko sa nangyayari. Ano ba ang karapatan ko? Sinasampal ka na ng reyalidad Jey. 


Continue Reading

You'll Also Like

138 32 6
If you are looking for something to read. Here is some list that you must read! Some of them are still on-going. Let's support these Authors!
140K 1.5K 12
Si Hercules ay napilitang maghanabuhay sa pamilyang ubod ng yaman na siyang kumupkop sa kanya noong panahon na Sadyang kalunos-lunos ang kanyang kala...
247 60 18
Marami ang nagsasabi na kapag lumagpas ng limang taon ang relasyon ay swerte nyo ng dalawa, pero may darating at darating na pagsubok pagsumapit ang...
73.3K 3.2K 20
A story about a girl who will cross paths with four gorgeous girls that will falls in love with her.