Love at First Touch

By irishlaurenn

61.5K 1.8K 398

Para kay Dianne lahat ay nasa ayos maliban na lang nung kailangan niyang iwan ang mga kapatid upang matupad a... More

Disclaimer
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty one
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Author's Note
Chapter Thirty Six

Chapter Thirty Two

1K 31 12
By irishlaurenn

"PUPUNTA KA?"

Tumango ako sa tanong ni Juliana. Despidida ngayon ng aming head surgeon at alam ko naman na hindi papayag si Juliana na wala ako roon kaya sasama na lang ako. Today was supposed to be the day na dadating ang bagong head surgeon namin ngunit nanghingi raw ito ng extension kaya next week na raw namin siya makikilala.

We were voluntarily assigned to give some token if appreciation sa aming head surgeon. And I am going to give him one because he's one of the doctors here na naging ka close ko. Teacher ko rin siya sa med school kaya nakakalungkot din na aalis na s'ya.

"Saan ka pupunta?" Salubong sa akin ni Juliana.

"Mall,"

"Wearing your lab coat?!"

Tiningnan ko ang sarili at nakitang naka lab coat pa nga ako. Kakatapos lang din kasi namin  mag rounds kasama ang isang fellow surgeon. Doon ako naka assign sa fellow doctir na iyon kaya everytime na may rounds siya, kasama dapat ako. Because her patients are also my patients.

"Hayaan mo na! I'll be back after one hour din naman."

Lunch naman kasi and it's supposed to be my break time so yon ang ginamit kong time para mag mall. Bumalik na rin naman siya sa duty n'ya kaya nakaalis na rin ako. Nag taxi lang ako papunta sa mall upang mas mabilis ako.

Pagdating sa mall, hindi kaagad ako nakapag decide ng bibilhin ko kaya maraming stores. Unlike in the Philippines, if you walk wearing your work attire,  pagtitinginan ka. Here in Canada, walang pakialaman.

At the end, I decide to buy a ballpen for my senior head surgeon. Maaga pa at may konting oras pa nang makabili ako kaya naman naisipan kong magtingin tingin na rin ng libro.  Bumili rin ako ng ilang medical books na nakita ko sa store at kaagad rin na bumalik sa hospital.

My day went just like usual. Nang matapos ang duty ng lahat ay excited na sila para sa despidida. Hindi sa aalis kundi mostly ng aming department ay kasama at maaga ang uwi mula sa duty. I just wore white top and a high waisted pants and paired it with a sandals.

Sa isang restaurant na ni reserve ni chief ang venue. And I don't know why pero tila kinakabahan ako sa despidida na ito. Pakiramdam ko ay may mangyayari. Si Juliana ang kasabay ko papunta roon at tuwang tuwa ang babae at hindi na night shift. Marami nang tao noong dumating kami kaya nagsimula na rin agad.

"So, may I call on our chief surgeon to please give us his message." One of the doctor who serves as the host said.

It wasn't just a usual goodbye party. Hindi kagaya sa Pilipinas na mga kaibigan at pamilya ang kasama at mga malalapit na kamag anak, dito mas sa mga katrabaho at kaibigan lang.

"Thank you guys from coming. I know you're all a great doctor. Either I am here or not, you should always know that we, doctors, are the savers. People's lives extension are always dependent on us." He trail his speech. "Ah, by the way, I forgot to say that the new head surgeon of our department will come today—." Nabitin sa ere ang kaniyang sinasabi nang bumukas ang pinto ng restaurant at pumasok ang isang lalaki.

At dahil mas malapit kami sa pinto ay kaagad kong namukhaan ang pumasok. Umawang ang mga labi ko at literal na napatitig na lamang sa kaniya. Kumurap kurap pa ako ngunit talagang nandidito siya.

Six years.

I watched Khalil proudly walked in the middle as our gazes were fixed to him. Don't tell me he's our new head surgeon?! But as far as I can remember, he took business management back then kasi siya ang heir ng kanilang company. But how the hell he's here?!

I watched him hugged our chief surgeon at maging ang maiksing pag uusap nila ay pinanood ko rin.

Nandidito si Khalil. Ibig sabihin may malaking posibilidad na nandidito rin siya?

Umiling iling ako at pinilit alisin sa utak ang mga ideyang ganon. Hindi pwedeng nandidito siya! I don't want to see him.

Tumayo ako saglit para kumuha ng pagkain sa  gilid kung nasaan naroon ang mga pagkain. At sa kamalas malasang pagkakataon nga naman si Khalil pa ang naabutan kong kumukuha roon ng pagkain. Nagdalawang isip pa ako kung tutuloy pa ba ako kumuha ng pagkain pero nagugutom na talaga ako kaya naman dumeretso na rin ako.

"Excuse me," ani ko.

Kaagad din na lumingon si Khalil at kaagad kong nabasa ang bakas ng gulat sa kaniyang mga mata. Hindi ko iyon pinansin at saka nagsimulang pumili ng pagkain. Ramdam ko man ang tingin n'ya sa akin ay hindi ko na ininda.

"Kamusta? I didn't know you're. . .here," sabi nito. Hindi pa rin nakakabawi sa gulat.

"Yeah. And I'm not aware that you're here too." Casual na sagot ko.

"It's nice seeing you here again, Dianne." Khalil let out a playful smile. "Now I know why he accepted that position here in Canada."

Binigyan n'ya pa ako nang mas nakakalokong ngiti na ipinagtaka ko. Hindi ko rin lubos na naunawaan ang huli nyang sinabi dahil biglang nag echo ang boses ng isa sa mga kasamahan namin para mag offer ng toast.

"I'll see you around, Dianne."

Tumango ako at pinanood si Khalil na bumalik sa kanilang table. Nakakapagtaka lang na nandirito siya. Of all the countries around the world, bakit dito pa naman? Umiling ako at inalis sa utak ang mga posibilidad na naiisip.

Bumalik na rin ako sa table namin at nagsisimula naman ng konting program ang isa sa mga fellow surgeon ng department namin. Nasa gitna kami ng program nang muling bumukas ang pinto sa restaurant.

"I'm sorry I'm late—" Natigilan siya sa pagsasalita nang marealize n'ya na hindi lang kokonti ang tao rito.

Muli.

Sa ikalawang pagkakataon sa araw na ito, literal na napatitig ako sa bagong dating. Mula ulo hanggang paa ay kilalang kilala ko na siya.

Vyn Nathaniel.

He's wearing a white polo na bukas ang tatlong unang butones at nakalulon hanggang siko ang sleeves. Mas nag mature ba siya? Definitely, yes. Pakiramdam ko ay tumangkad rin siya lalo. Wait, he change his hairstyle too—

Why the hell I am checking on him?!

Tahimik akong tunikhin at yumuko. I don't want him see me! Sa pangalawang pagkakataon ay ninais kong umalis sa lugar at umuwi na lang.

"Everyone." Nakuha ng aming chief ang aming nga atensyon. "I would like you all to meet Mr. Vyn Nathaniel Castueraz. He will be the next head surgeon of our department!" He said.

The whole crowd clapped their hands except of me. My jaw literally dropped after hearing the news that was just announced. What the fucking hell?! Nakatitig lang ako sa una at pilit pinoproseso sa utak ang narinig. Ibig sabihin, magiging magkatrabaho kami?

Malamang, Dianne.

Nang magtama ang aming mga tingin, parang magic isa isang bumalik lahat ng mangyari. Just like before, his deep blue eyes are bringing me in the depth that I don't think I can't get out.

Ako rin ang unang nagbawi ng tingin. Kataka takang hindi siya mukhang nagulat na makita ako.

"Huy, okay ka lang? Natahimik ka yata bigla." Pansin ni Juliana sakin.

Umiling ako. "Ayos lang. Gusto ko na lang kasi umuwi."

"You sure? You look pale."

"I'm sure, Julia. Thank you."

In the end, she just believed me. Naging busy rin naman siya makipag kwentuhan sa mga kasama namin.

"Can I share a table?" Napaangat ang tingin ko sa nagsalita mula sa gilid ko.

Vyn's height dominated me. Lumingon ako sa mga mesa ng mga kasama namin at kataka takang napuno iyon at sa amin lang may vacant! Kung minamalas ka nga naman, oh!

I avoided his gaze and bit my lower lip. Ayoko. Pero tumango rin ako. Sabihin pa n'ya ay iniiwasan ko siya. Well, yes.

I saw Juliana's eye widened when she saw who's in our table. Kaagad siyang tumayo at pinagpag pa ang vacant seat sa gilid namin.

"Thank you," aniya Vyn kay Juliana.

Umiling ako at pinokus ang sarili sa pagkain ko sa pinggan. Makikisit lang naman s'ya kaya hindi ko siya inabala pang lingunin. Pinaglalaruan ko na lang ang pasta na nasa pinggan ko.

"Doc." Tawag ni Juliana. "Grabehan mo naman awayin yang pasta."

Natigilan ako at nareliaze na durog durog na ang pasta. Napatingin sa akin si Vyn kaya kaagad akong nag iwas ng tingin.

"Uuwi na ako," sabi ko kay Juliana.

"Huh? Sure ka?"

"Oo. Medyo masama na rin pakiramdam ko."

Ang totoo ay hindi ko na lang talaga kaya magstay pa roon. Sa kasamaang palad, dahil malalim na ang gabi, wala na akong mahanap na sasakyan. Without a choice, I started walking. May malapit kasing train station sa may sunod na street. Clutching my bag, I started walking.

Hindi pa man nakakalayo ay natigilan ako sa paglalakad nang may humintong sasakyan sa harap ko. Nang bumukas ang bintana ay naaninag kong si Khalil ang driver at nasa shotgun seat ang head surgeon namin.

"We'll drive you home, Dianne."

"No, I'm fine. But thank you!"

"Gabi na, wala nang masasakyan. C'mon, Dianne." He still insisted.

Huminga ako nang malalim bago buksan ang pinto sa likod. Muntik na akong mapaatras dahil nandoon si Vyn at tulog. Nakapatong ang kanyang braso sa kaniyang mata at nakahilig sa sandalan.

He looks tired.

Pinilig ko ang sarili at sumakay na. Nakakatawa dahil mas nauna ko pang maamoy ang pamilyar na pabango ni Vyn kesa sa amoy ng pagkalakas lakas na aircon ng kotse ni Khalil.

"Where do you live, Dianne?" Ani Vyn.

Sinabi ko ang pangalan ng building at kaagad n'ya namang inilagay sa waze para masundan.

"Uunahin lang natin ihatid si chief, mas mauuna kasi yung bahay n'ya. Okay lang ba, Dianne?" Sinilip ako sa rearview mirror ni Khalil.

Tahimik na tumango na lang ako.

Habang nasa byahe,  hinilig ko ang sarili sa bintana at mas piniling panoorin ang paglipas ng mga puno at streetlights. I still can't believe that I am breathing the same air with him. Ni sa panaginip hindi ko nalaman na makikita ko na pala ulit siya.

"Bye chief! Goodluck to your next journey!" Paalam ko sa dating head surgeon.

Kumaway lang s'ya sa amin. Medyo may kalayuan pa ang building ng condo ko sa bahay nya kaya sandali kong pinikit ang mata.

"Shut up, Khalil! You'll wake her up."

Nagising ako mula sa ingay na iyon. When I opened my eyes, Vyn's face is the first thing I saw. Napaayos ako ng upo at sumilip sa labas at narealize na nasa condo na ako.

"Ah, uhm. . . thank you sa paghatid. Alis na ako." Tumayo ako ngunit natigilan nang may malaglag na bagay mula sa hita ko. Pinulot ko iyon at narealize na jacket iyon ni Vyn.

Pinulot ko iyon at iniabot sa kaniya. "Thanks," maiksing sabi ko.

Hindi ko na siya inintay umimik at kaagad na bumaba ng kotse deretso loob. Pagkabukas ko ng pinto ay nanghihinang napasandal ako roon at pinakiramdaman ang mabilis na tibok ng puso.

Shit! Shit!

Andito talaga siya?

Pakiramdam ko unti unting bumalik sa isip ko ang isang alaalang pilit kong kinakalimutan dahil pinatay ako ng pangyayaring iyon.









-

Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 151K 48
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
851K 70.7K 34
"Excuse me!! How dare you to talk to me like this?? Do you know who I am?" He roared at Vanika in loud voice pointing his index finger towards her. "...
68.2K 1.3K 42
Nako! Patay tayo sa happy crush, happy crush na yan. 'Pigilan mo ang nararamdaman mo, dahil walang sasalo sayo' Started: 08/16/23 Ended: 09/01/23
3K 137 12
Saan nga ba kami nagsimulang nagkakilala? Natutuwa akong tuwing maalala ko iyong panahon na nagsimulang naging beshi kami. "Pwedeng beshi na tayo?" t...