Stalking the Gangsters [2nd H...

By missfacile

552K 7.5K 1.3K

2nd Half of Stalking the Gangsters :) More

Stalking the Gangsters [2nd Half]
CHAPTER 72 - LOVING YOU SINCE DAY ONE
CHAPTER 73 - ASHMILLE MOMENT
CHAPTER 74 - LOVE IS AS DIFFICULT AS PHYSICS
CHAPTER 75 - LOVE IS FULL OF SURPRISES
CHAPTER 76 - IN A RELATIONSHIP
CHAPTER 77 - GOOD BOYFRIENDS and HIS POV
INVITATION FOR EMPIRE ACADEMY'S JS PROM
CHAPTER 79 - EPIC FAIL PLAN
CHAPTER 80 - PUMUPUSONG ARAW part1
CHAPTER 80 - PUMUPUSONG ARAW part2
CHAPTER 81 - START OF A NEW TIRING WEEK FOR MORONSX
CHAPTER 82 - OUR SCHOLATISTIC PARTNERS
CHAPTER 83 - A DAY FOR POSTE AND ULAP
CHAPTER 84 - FUN TIME WITH THEM
CHAPTER 85 - OMG!
CHAPTER 86 - SUPERVISORS
CHAPTER 87 - THIS I PROMISE YOU
CHAPTER 88 - SWEET CHEEZYCAKES
CHAPTER 89 - CRAZIER
CHAPTER 90 - LAST SCHOLASTIC COMPETITION
CHAPTER 91 - HAPPILY INLOVE
CHAPTER 92 - QUITTING
CHAPTER 93 - SECRET PLACE
CHAPTER 94 - RAINING
CHAPTER 95 - HAPPY AND CONTENTED
CHAPTER 96 - FIERCE GANGSTERS
CHAPTER 97 - WTH!
CHAPTER 98 - PAIN
CHAPTER 99 - IT ENDS HERE
EPILOGUE
An extraordinary sequel posted :)

CHAPTER 78 - LONG TIME NO SEE

15.2K 268 25
By missfacile

LHEI'S POV

Hindi talaga namin pinansin ang mga busit na boyfriends ay este mga gangsters na yun. Nasa klase kami kanina pero walang nagiimikan. Hindi man lang sila marunong manuyo ng girlfriend na nagtatampo. >__<

*RIIIIIIINGGGGGG* Sa wakas tumunog na ang bell. Uwian na!

"Tara na! May pupuntahan pa tayo." sabi ni Micah. Oo nga pala, hindi pa pala namin uwian dahil may lakad pa kami ( _._)

"May pupuntahan pa?" biglang tanong ni Cliff. Hindi naman siya sinagot ni Micah na lumabas na agad.

"Ash, tatawagan nalang kita mamaya. May pupuntahan pa kasi kami. Sa ibang araw nalang tayo magdate." sabi ni Mille

"Ganun ba. Sige, hihintayin ko nalang ang tawag mo. Magingat kayo. I love you." tsaka naman biglang hinalikan ni Ash sa left cheek si Mille. What a sweer boyfriend. Kainggit! >__<

"Let's go! Atat na akong umalis." sabi naman ni Daryll

"Saan ba kayo pupunta?" tanong naman ni Blue

"Bakit mo inaalam kung saan? Pakealam mo ba!" sigaw ni Daryll tsaka na lumabas ng room

"Buti nalang at makakalabas na rin." sabi naman ni Aliss

"Sushi girl, bakit hindi pa kayo uuwi?" tanong bigla ni Yvo

"Wala ka na dun!" sabi ni Aliss tsaka na rin lumabas

"Snickers, nagtatampo ka ba?" tanong ni Nick kay Carse

"Ewan ko sayo!" sigaw ni Carse pagkatapos ay lumabas na rin

"Hindi ko na aalamin kung saan kayo pupunta. Basta umuwi kayo ng maaga. Hindi yung magpapagabi kayo sa daan." sabi bigla ni Sky

"Concern? Walang pakialaman! Uy Lhei! Labas na tayo!" sigaw naman ni Jesx

"Saglit lang cheezycake, saan kayo pupunta?" tanong bigla sa akin ni Lei

"Gusto mong malaman kung saan?" tanong ko sa kanya tsaka naman siya tumango "Secret +___+"

Nakalabas na kami ng room at irita kaming lahat sa asta ng mga lalaking yun.

Pagdating namin sa faculty office nakaready na rin si Ms. Shy at agad na kaming sinalubong.

"Girls, tara na. Si Jessica at Cherry hinihintay na tayo sa parking lot." energetic na pagkakasabi ni Ms. Shy tsaka na kami dumiretsyo sa parking lot

Nandun na nga si Cherry, Jessica at kasama rin si Dustin.

"Bakit kasama si Dustin?" tanong ni Mille

"Siya kasi talaga ang may kakilala dun sa tao kaya naman sasamahan niya tayo." sagot ni Ms. Shy

"Sakay na kayo." sabi ng nakangiting si Dustin

"Instant driver din pala." sabi ko tsaka na kami sumakay nina Mille, Micah at Jesx sa kotse ni Dustin. Sa kotse naman ni Ms. Shy nakasakay sina Aliss, Carse, Daryll, Jessica at Cherry.

Nagdrive kung saan si Dustin hanggang sa magpark kami sa tapat ng isang boutique.

"Girls, pasok na tayo. Siguradong hinihintay na tayo." sabi ni Ms. Shy kaya naman agad na kaming sumunod sa kanya

"Ikaw ba si Dustin Ramirez?" tanong nung isang babae pagpasok namin sa boutique

"Opo, ako nga." sabay ngiti naman nitong si Dustin. Mukhang type pa siya nung babae dahil nginitian lang namumula na agad.

"Sige po tatawagin ko lang si Mr. Rajo." Rajo? Sino namang Rajo?

Puro gowns ang nandito. Infairness, ang gaganda naman. Hindi lang basta boutique to dahil mukhang sosyal siya kumpara sa iba. Hindi pucho-pucho lang.

"Good afternoon everyone." nakangiting sabi nung lumabas

"Mr. Rajo, I'm Dustin Ramirez at sila po yung mga kaibigan kong kailangan ng gown para sa prom. Siya naman po si Ms. Shy, teacher namin." Rajo? Familiar talaga to.

"Rajo? Rajo Laurel?" biglang tanong ni Micah

Napatingin naman kaming lahat sa kanya. Rajo Laurel daw? Diba yun yung sikat na pinapasalamatan ng mga artista para sa mga gowns nila.

"Yes girls, I'm Rajo Laurel and I'll make sure that you will stand out in your prom."

Lahat kami napanganga excluded syempre si Dustin at Ms. Shy na may pakana nito.

"Totoo ba talaga to?" tanong ni Carse

"Totoo girls. Kaya sige na magpasukat na kayo para magawan na kayo ng designs para sa gown niyo." itinutulak pa talaga kami ni Ms. Shy

"Teka Ms. Shy, gagawin palang ang gown?" tanong ni Mille

"Yes, gagawin palang. Just for you girls." nakangiting sagot ni Ms. Shy

Ibig sabihin igagawa kami ni Mr. Rajo Laurel ng gown? Ganun kabongga? KYAAAAAAHHHHHH!

Isa-isa kaming sinukatan ni Mr. Rajo Laurel, oo siya pa talaga ang nagsukat sa amin. Yung pakiramdam na dinaig pa namin ang mga artista sa mga oras na to. Kakalurky!

"Sponsorado na tayo." sabi ni Daryll habang nakaupo dito at naghihintay

"Oo nga eh. Kaloka lang." sagot ko naman sa kanya

"Kuya Dustin, hindi namin kami ang magbabayad nito diba?" tanong ni Jessica sa pinsan na si Dustin. Napalaki talaga ang tenga namin, syempre kung kami ang magbabayad nito, aalis na kami ngayon palang.

Ngumiti naman si Dustin "Kayo ang magbabayad nito." (O__O)

"Tayo daw magbabayad." sabi bigla ni Cherry

"Ay naku! Wala kaming pera." sabi naman ni Micah

"Hehehe! Biro lang. Nakakatuwa mga reaction niyo." lokong Dustin to! +___+

"Wag na kayong magworry. Kami ng bahala ni Dustin dyan." sabay smile ni Ms. Shy sa amin

"Teka nga Ms. Shy, kayo talaga magbabayad?" tanong naman ni Aliss. Tumango naman si Dustin.

"Nakakahiya naman kina Dustin at Ms. Shy at talagang sila pa magbabayad nito." sabi ni Mille

"Hey Mille, wala kang dapat ikahiya." sabay ngiti pa ni Dustin kay Mille

"Mr. Rajo, nandito na po yung mga gwapong lalaking hinihintay natin." nagspazz pa yung secretary na to. Mga gwapong lalaki?

"Oh nandyan na sila? Sige, papasukin mo na." sabi ni Mr. Rajo habang inaayos yung sinusulat niya

"May gwapo daw." bulong sa akin ni Daryll

"Sino kaya ang mga gwapong yan?" tanong naman ni Jesx

"Yieeee! Exciting to." sabi naman ni Aliss

Lahat kami nakatingin sa pinto at hinihintay ang pagpasok ng mga gwapong lalaki daw.

"Hindi ba nila alam na nandito tayo?" biglang tanong ni Ms. Shy. Teka, kilala niya yung mga gwapong lalaki na tinutukoy ng mga yun?

Sila?!! (O__O)

"Magandang hapon Mr. Rajo Laurel." sabay ngiti nila

"Buti naman at dumating na rin kayo." sabi ni Mr. Rajo sa kanila

Napatingin naman sa amin yung mga gwapong lalaki.

"Oh! Nandito din pala kayo." sabi nung isa pang lalaking nakangiti

"Long time no see." sabi naman nung isa pa

"Kilala niyo sila?" tanong ni Jessica sa amin

"Oo nga, infairness gwapo sila. Sino sila?" bulong na tanong naman ni Cherry

"Sila ang seven handsome guys ng Rival Academy." sabay-sabay naming sabi ng Moronsx habang nakatingin sa pitong gwapong nilalang na nasa harapan namin at nakangiti pa talaga sa amin

"Tama na yang pakikipagtitigan niyo sa kanila." sabay tayo ni Dustin, nakaharap sa amin at talagang humarang sa pagitan namin ng mga seven handsome guys

"Hey secretary, sukatan mo na sila habang inaayos ko tong mga to." sabi ni Mr. Rajo

Susme! Nagspazz talaga yung secretary nang marinig ang utos na yun.

"Pwede kayong magoffer ng tulong? Ako nalang magsusukat sa mga gwapong yun." bulong nanaman ni Daryll

"Join ako dyan." bulong din ni Micah

"Gusto ko rin niyan." sagot ko sa kanila

"Ako din. Kainis naman yung secretary." bulong din ni Jesx

"Uy! May mga boyfriend kayo diba?" malakas na sabi ni Dustin. Problema ng lalaking to? Instant tagabantay ba namin siya?

"Wala dito ang Fierce. Kaya pwede kaming magloko." sabi ko sa kanya. Mahina lang kasi para di marinig ng seven handsome guys.

"Basta ako, loyal ako kay Ulap." sabi ni Cherry

"Ako pwedeng magloko. Masarap talaga ang buhay single. Nyahaha!" sabi ni Jessica

"Girls, kamusta na kayo?" biglang lapit nung isa sa seven handsome guys sa amin

Nakaharang pa rin si Dustin at parang ayaw umalis dito sa kinatatayuan niya.

"Ayos naman kami." tumayo ako tsaka lumapit dun sa gwapo

"Uy Lhei! Kung makipagshake hands ha." sabay tayo ni Daryll tapos siya naman ang nakipagshake hands

Tumayo na rin naman ang iba pang Moronsx, maliban kay Mille at Cherry na nakaupo pa rin dun.

"Ilang beses na tayong nagkikita pero di pa natin alam ang mga pangalan ng isa't isa." sabi ni Micah. Lumapit na rin yung mga ibang gwapo.

"Alam na namin ang pangalan niyo noon pa." sabay ngiti nung isa. Nagulat naman kami sa sinabi niya. Alam nila ang mga pangalan namin?

"Hi Mille, I'm happy to see you again." narinig kong sabi nung isa na nakalapit na pala kay Mille at nagoffer pa ng shakehands. Ibig sabihin, alam nga nila ang mga pangalan namin?

Bago pa makaabot ng kamay niya si Mille dun sa gwapo bigla nalang nagsalita si Dustin.

"Hindi siya pwedeng makipagshakehands sayo." sita ni Dustin dun sa gwapo

"Mr. Rajo, umaapaw po yata ng kagwapuhan ngayong araw na to. May mga dumating nanaman po kasi." nagspazz nanaman tong secretary. Sino nanaman yang mga gwapo na yan?

"Mukhang mabubusog ang mga mata natin." sabi ni Jesx

"Naalala niyo ba ang di nating natuloy na dinner noon, gusto niyo bang ngayon na natin ituloy?" tanong ulit ng isa sa mga gwapo

"Alright Mr. Rajo! Nandito na ang mga gwapo!" boses yun ni? (O__O) Teka, anung ginagawa niya dito?

"Puro ka kalokohan. Pumasok na tayo, para makaalis na tayo agad."

"Teka, si ano yung nagsalita diba?" tanong naman ni Aliss

"Ibig sabihin nandito sila?" tanong naman ni Jesx

Si Mille naman agad napatayo at gulat din sa narinig na mga boses.

Anung ginagawa ng mga yun dito? =___=


Continue Reading

You'll Also Like

3M 83.7K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...
8.9M 223K 65
Campus Nerd to Campus Queen? Pwede nga bang mangyari iyon sa buhay ni Kylie Michell Natividad? Oh forever na siyang Campus Nerd? READ MY STORY T...
48.4K 1K 33
Matapos makalabas sa Wilton University ni Autum Pereira ito ang pagpapatuloy ng kanyang storya. What happened? Halos isampal sa kanya ang lahat ng ma...
149K 4.7K 75
So ano na nga ba ang nangyari kila Zea matapos mangyare ang mapait na alaala? Does she became more weaker? Or stronger? How did she cope up? Let's fi...