The Rare Ones

By EvasiveSpecter

118K 3.5K 73

||COMPLETED|| Death was supposed to be the end - or so she thought. But when one young girl awakens in the bo... More

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 59
Epilogue

Kabanata 58

1.1K 32 0
By EvasiveSpecter

╔══ஓ๑♡๑ஓ══╗
Kabanata 58.
Mysterious guy
revealed
╚══ஓ๑♡๑ஓ══╝

Nang pinaslang ni Lyllian si Zyriex ay tila bumagal ang buong paligid ni Luna. She was so shocked na hindi na niya napansin pa ang paghablot ni Gianna sa kaniya na nasa katawan ni Arabella.

“Luna! Luna! Luna, come to your senses! Umalis na kayo dito at ako na ang tatapos sa kaniya.” Chills run down Gianna's whole system when Luna looks at her.

Luna's eyes, it is full of vengeance. Napalunok si Gianna nang makita nito ang mga titig ni Luna.

“You! Out of this! Nasa katawan ka ng kapatid ko kaya manahimik ka diyan!” Hinablot kaagad ni Luna ang kwentas na orasan na nasa kamay ni Gianna.

Humalakhak naman si Lyllian sa itaas. “Haha! Naniniwala ka talaga na siya si Gianna? Pathetic! Hindi niyo na ako malilinlang pa sa mga palabas ninyo! My mission right now is to kill all of you at ng wala nang sagabal pa sa lahat ng mga plano ko.”

Nagngitngit si Luna sa sinabi ni Lyllian. Nagsimula ng umepekto sa kaniya ang gamot sa katawan.

“Luna hindi mo siya kay—”

She pinned Gianna away using her power. Kinuha niya ang dala ni Gianna na dalawang samurai. Nagpumiglas naman si Gianna sa ginawa niya. Ikinulong niya kasi ito sa kapangyarihan niyang hangin kaya hindi ito makagalaw.

“No! Sa'kin 'yan! Ako dapat ang papaslang sa kaniya. Lunaaaaaa!” Galit na nagpumiglas si Gianna na hindi na niya pinansin pa.

Nang makuha niya ang samurai ay pinakatitigan niya ito habang patuloy pa rin na naghihinagpis dahil sa pagpaslang ni Lyllian sa lalaking handa na sana niyang pakasalan. And then she started to laugh maniacally. This samurai that she's holding. It was her weapon noong nasa mundo pa siya ni Gianna.

“Ha! Haha!Hahaha!” Nagtaas-baba ang balikat niya habang tumatawa ng nakayuko. Nagtaka naman si Lyllian sa ginagawa niya ngayon. Nasa itaas pa rin ito ng stage at pinagmamasdan lamang siya nito.

Lyllian also recognized the samurai that Luna's been holding. It's familiar to her pero hindi na niya inabala pang alamin kung saan niya ito nakita.

Tumingala si Luna sa kalangitan. Tumigil siya sa pagtawa at pag-iyak niya. Napangisi siya ng nakakaloko nang masaksihan niya ang pulang buwan na nasa kalangitan. The red blood moon. She felt excited when she saw that moon. Biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Nagsimula na itong lumakas. Nagsimula na ring mag-iba ang anyo niya. Habang lumalakas ang hangin ay napapalibutan naman siya ng kuryente. Electricity ignite and as she unleashed the two samurai ay kumawala ang napakalakas na enerhiya na nanggagaling sa kaniya.

Ikinabigla iyon nina Aadann, Auilliam, Elleanor, Ellesse, at Mirra. Nagising din si Matt nang maramdaman niya ang enerhiya na iyon. Nakahandusay lang siya sa sahig at marami ring sugat sa iba't-ibang bahagi ng katawan niya.

“My sword.” Nasisiyahan na sambit ni Luna. “This sword will gonna kill you, Lyllian.”  dugtong niya pa na nakangisi ng nakakaloko.

Tumawa si Lyllian. Gulat man ito sa pagbabago ng anyo ni Luna ay hindi ito nagpatinag bagkus ay nasisiyahan pa nga ito sa kapangyarihan na ipinapakita ni Luna ngayon.

“It's time. To test your fighting style, Luna Abigail.” Wika ni Lyllian na puno ng pagnanasa. She snaps her fingers at bigla na lang may nagsilabasan sa ere na malalaking tao na may suot pa na mga armors at may naglalakihang espada rin. Gawa ito sa kapangyarihan ni Lyllian. Nasa lagpas singkwenta siguro ang mga ito kung bibilangin ni Luna.

Pero hindi man lang natinag si Luna sa dami nito. Inaasahan na niya na maglalabas talaga ng ganun si Lyllian. She expected that anyway, that's why she smiled devilishly. Bago siya sumabak sa labanan ay ipinasok niya muna ang kwentas sa boøbs niya para makasiguro.

“Capture her, dead or alive. I need her blood 'cause it's the real rare ones!”

Nagsimula nang umatake ang mga tauhan ni Lyllian kay Luna. Mas lalong lumakas ang enerhiya na kumawala sa katawan niya. Every time she sways her swords ay naglalabas din ito ng kuryente na siyang dahilan kung bakit nakukuryente ang mga kalaban niya ngayon kasi nakasuot ito ng mga armor. Kapag naman napaslang na niya ang mga ito ay naglalaho na lang ito na parang hangin. Wala pa ngang isang minuto ay marami na siyang napatumba.

Ikinamangha naman iyon ni Mirra. No wonder, ngayong alam na niya ang tunay na pagkatao ni Luna ay hindi niya maiwasang mamangha rito na nasa dugo na talaga siguro ang husay at galing nito. She felt like the legendary mafia woman whose code name is Blood Moon is now alive. Nakikita niya kay Luna ang dating kwento lang ng organisasyon nila. No doubt to her, Luna is indeed a real Quinn.

Matapos ang dalawang minuto ay napabagsak na ni Luna ang lahat. Ni hindi man lang siya nasugatan ng mga ito. Iniisip niya na mas maganda sana kung may baril rin siya sa kamay dahil doon siya nasanay ngunit hindi na niya ginawa pa kasi may kapangyarihan naman siyang magagamit. Para saan pa't may kapangyarihan siya.

Ikinamangha naman ni Lyllian ang ginawa niya. Tumalon ito sa harapan niya at walang pasabi siya nitong inatake gamit rin ang sandata nito na kakaiba ang laki at hugis. Nasangga naman kaagad iyon ni Luna ngunit napatilapon siya sa lakas ng epekto nito. Nakatayo lang ang posisyon niya habang naka-ekis ang dalawang samurai niya na pinangsangga niya kanina. Nang makabuwelo siya mula sa pagkakatilapon niga ay kaagad niyang sinugod si Lyllian.

Naglaban sila na parang wala ng bukas. Malakas si Lyllian ngunit hindi naman nagpatalo si Luna. May ikatlong attunement na nabuo si Luna at iyon ay kuryente. Pinaghalo niya ang kapangyarihan niya na apoy at kuryente at doon na nagsimulang mahirapan si Lyllian sa kaniya.

Napangiti si Lyllian, “Hindi mo ako matatalo. Kukunin ko ang— argh!” Tumilapon ang sandata ni Lyllian sa pinakamalayo. Walang hirap lang iyong pinatilapon ni Luna na ngayo'y masama ng nakatingin kay Lyllian.

“Matapos mong patayin ang mga kasamahan ko. Sa tingin mo ba ay hindi kita matatalo kung mas malakas ang galit ko kaysa sa pangarap mo? Wala akong pake kung nawalan ka ng anak!”

Lyllian gritted her teeth in anger. “Wala kang karapatan na pagsabihan ako ng ganiyan! Hindi mo alam kung gaano kasakit ang nawalan ng anak! Hindi mo alam kung gaano kasakit ang mawalan ng mahal sa b—”

“ALAM KO!” Singhal ni Luna.

Nanlisik ang mga mata niya nang sinabi niya iyon. Galit na galit talaga siya kay Lyllian ngayon to the point na gustong-gusto niya itong pagpira-pirasuhin. “Alam ko! Alam ko kung bakit gustong-gusto mong makuha ang kwentas na orasan! Alam ko kasi naranasan ko na ring mawalan ng mahal sa buhay. Katulad ng ginawa mo sa'kin noon!”

Si Lyllian pala ang pumaslang sa kaniyang ina at ama noon. Noong papunta na sana sila sa airport para bumyahe pa-Amerika. All of this was linked to her past.

Tumawa naman si Lyllian ng mapakla, “Don't be silly! Sinasabi mo bang nabuhay ka rin ng matagal na panahon katulad ko? Tapos ganiyan kabata ang mukha mo? Nagpapatawa ka ba?”

Luna scoffed mockingly, “I"m saying that me and your daughter, Gianna, switched bodies just a month ago. And right now, nasa katawan na naman siya ng kapatid ko. Kahit binibigyan ka na ng pagkakataon ng kapalaran ay hinding-hindi kita palalapitin sa anak mo! Magdusa ka hanggang sa kamatayan mo! Hayop ka!” She slashes her swords toward Lyllian. Puno ito ng enerhiya niya na nagpakawala rin ng napakalakas na enerhiya. Tumilapon si Lyllian ng dahil doon.

Nang marinig naman ni Aadann ang sinabi ni Luna ay kusa siyang napatingin sa sinasabi ni Luna na kapatid nito. Nangilid ang mga mata niya. Malayo sa kaniya si Gianna kaya hindi siya nakikita nito. Humakbang siya ngunit mabilis siyang pinigilan ni Auilliam.

“Damonn! Don't interfere with their fight. Hindi mo—” Hindi na naituloy ni Auilliam ang sinasabi niya nang makita niya ang mga mata ni Aadann.

Auilliam knew. Alam niya kung sino at ano talaga ang pinsan niya. Alam niya na may nakikihati sa katawan nito at iyon ay si Aadann na kung tutuusin ay great-grandfather din nilang dalawa ni Damonn. Without a word ay dahan-dahan niyang binitawan si Aadann.

Doon na nagteleport si Aadann papunta kay Gianna na nasa katawan rin ni Arabella. Nakakulong pa rin si Gianna sa kapangyarihan ni Luna habang si Dahlia naman ay hindi pa rin nagkakamalay.

Nanginginig na tinawag ni Aadann si Gianna, “G-Gianna!” hindi ito lumingon sa kaniya.

Nang marinig naman iyon ni Gianna ay tila tumigil ata ang paghinga niya. Nakagat niya ang sariling labi niya para mapigilan niya ang mga luhang nagbabadya sa mga mata niya. Hindi rin siya lumingon sapagkat alam niya na babagsak talaga siya kapag nilingon niya ang lalaking minahal niya.

“Gianna! Gianna! Gianna!”

Doon na nanlumo si Gianna nang marinig niya ang pangalan niya ng tatlong beses. That's their code sign. Para kilalanin nila ang sarili nila kung sakali man na malipat na naman ang kaluluwa nila sa ibang katawan. Doon na niya nilingon ang binata at nagbagsakan na rin ang mga luha niya. Hindi pa rin siya makagalaw dahil sa kapangyarihan ni Luna na nakapulot sa katawan niya.

“I-Is that r-really you?” humihikbi na tanong ni Aadann sa kaniya. Marahan naman siyang tumango habang pinagmamasdan ang mukha nito na umiiyak.

One month or so. Ganun na katagal nang huli silang magkita. Ang akala niya ay hindi na niya makikita ang lalaki na ito ngunit tila mabait sa kaniya ngayon ang oras at pinagbigyan siya ng pagkakataon na makita ito kahit sa saglit na panahon lamang. Yumakap ito sa kaniya habang umiiyak ito sa balikat niya. Niyakap niya rin ito pabalik na humihikbi rin.

“Aadann…” tawag niya rito at muling umiyak.

“I miss you d@mned much! Akala ko hindi na kita makakausap pa'ng muli. I'm glad… I'm glad that you're here right now, Gianna.” Sabi ni Aadann kay Gianna.

Nasa ganu'n silang posisyon nang biglang tumayo si Dahlia. Nagkamalay na ito ngayon at naghilom na ang mga sugat nito. Tumayo si Dahlia na para bang walang nangyari sa kaniya. Tinanggal niya ang mga nakatarak sa katawan niya ng walang kahirap-hirap. Narinig niya, narinig niya ang usapan ng dalawa. Galit na naman siya sapagkat pinaglaruan na naman ng orasan na gawa niya si Gianna.

Ngayon ay si Arabella na naman. Si Arabella na naman ang nasa panahon ni Gianna at si Gianna ay naibalik sa panahon na ito. Isa lang talaga ang makakaputol sa sumpa na aksidente niyang naibigay sa mga Quinn. Iyon ay ang puksain ang kwentas na orasan.

“Abbi Ginna! Kasalanan mo ang lahat ng 'to!” May lumipad na kung anong kapangyarihan papunta kina Aadann at Gianna.

Ikinabigla iyon nina Dahlia at Luna. Hindi rin alam ni Luna na nakagawa ng ganoong atake si Lyllian dahil mausok kasi nang pinatilapon niya ito. They thought that that power will hit Gianna and Aadann na walang kamalay-malay.

“Damonn! At your back!” Aadann acted nang marinig niya ang boses ni Luna. Sa paglingon niya ay isang lalaki ang sumangga nito na bigla na lang sumulpot sa ere.

It was the mysterious masked guy.

“Not so fast old hag!” ang sabi ng misteryosong lalaki na kakaiba pa ang boses nang dahil sa mask nito sa bibig. Ibinalik nito ang atake ni Lyllian na hindi man lang nahirapan.

Nagtaka naman si Dahlia. Hindi niya kilala ang lalaki na'to. Ang alam niya ay walang sinuman ang makakapasok ngayon sa loob ng lugar na 'to.

Natamaan si Lyllian sa atakeng 'yun dahil hindi rin nito inasahan na babalik ito sa direksyon niya. Muli na naman siyang tumilapon. At this rate, she already knew that these young brats will gonna defeat her. Masasayang na naman ang lahat ng pinaghirapan niya. She refused to be defeated by these young opponents of hers.

Ang misteryosong lalaki naman ay kaagad na naglakad papunta kay Luna. Luna then alerted herself. Nang makalapit ito sa kaniya ay kaagad niya itong tinutukan ng espada sa leeg nito.

“Who are you?” Ganoon pa rin ang katawan niya. Puno pa rin ng enerhiya at hindi pa rin nagbabago ang anyo niya.

Hindi siya sinagot ng misteryosong lalaki. Bagkus ay may hinagis ito sa itaas ng stage kung saan nakadungaw si Matt na ngayo'y nakalapit na kay Zyriex.

Sa pag-aakala na bomba ito ay mabilis na umaksyon si Luna. Pupuksain na sana niya ito nang mapigilan siya ng misteryosong lalaki. The mysterious guy pinned her down. Nasalo naman kaagad ni Matt ang ihinagis ng misteryosong lalaki.

“Liam!”

May inihagis rin ang misteryosong lalaki sa direksyon ni Auilliam. Auilliam didn't expect it. Ang akala niya ay hindi na makikialam pa ang lalaki na 'to. He knew who that guy is. That was one of the members of the Ixtal upper class. Their most notorious member na hindi man lang sinusunod ang utos ng boss nila dahil medyo may katigasan rin ang ulo nito.

Nang makuha ni Auilliam ang inihagis sa kaniya ng misteryosong lalaki ay wala siyang sinayang na oras. Lumapit siya sa magkakambal at walang pasabi niyang itinusok ang mga ito sa katawan ng mga dalaga.

“Yang, ano 'yan?”

“The fvck is that!”

“Liam…”

Bulalas ng tatlong babae. Isa itong injection na may laman na gamot. Iyon ang itinusok ni Auilliam sa katawan ng tatlong dalaga.

“Medicine. For you to survive. Just stay put here and I will go to Damonn. Do you understand?” Ma-otoridad niyang utos sa mga ito.

Nainis naman si Luna dahil nasa ibabaw niya pa rin ang misteryosong lalaki. “Sino ka b-ba?” She shoves the mysterious man's face. Dahil doon ay aksidenteng natanggal ang mask nito sa bibig pati na ang hoodie nito sa ulo.

Lumitaw sa paningin ni Luna ngayon ang isang lalaking kamukhang-kamukha ni Zyriex ngunit kulay pula nga lang ang buhok nito. Gano'n na lang ang panlalaki ng mata niya. Sino ang lalaking 'to? Parang kaharap niya ngayon si Zyriex dahil sa itsura nito. Pula nga lang ang buhok. Bigla itong ngumiti sa kaniya ng nakakaloko.

“Dang! My disguise.” Nakangisi nitong wika sa kaniya habang nasa ibabaw niya pa rin ito at pinipigilan siya nitong gumalaw. “Oh, you're really gorgeous thought,” dugtong pa nito na mas lalo niyang ikinainis.

“Umalis ka sa ibabaw ko, manyak!” Sigaw niya.

She headbutts the mysterious guy. Nakatingin kasi ito sa may dibdiban niya kaya mas lalo siyang nainis dito. Napatayo ang misteryosong lalaki na nakahawak pa sa noo nito. Kapagkuwan ay may lumilipad na ice ball sa direksyon nito at natamaan ito sa mukha nito. Hindi naman ito natinag sa kinatatayuan nito.

“How dare you pinned my wife?” It was a voice that shocked Luna's whole body.

Lingid sa kanilang kaalaman ay habang naglalaban sila ay ginawa iyong pagkakataon ni Lyllian para itusok na naman sa katawan niya ang natitira pang gamot. Nagsimula na siyang mag-evolve na hindi man lang napansin ng lahat dahil sa layo ng pagtilapon niya.

─•~❉᯽❉~•─

Leave a vote and comment(⁠^⁠^⁠)

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 58.7K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
142K 7.1K 56
A single but stable woman got in a car accident and found herself in a Duchess' body who will die at the age of hundred twenty six due to the curse o...
56.5K 2.3K 31
{COMPLETED) UNDER HEAVY REVISION! Highest rankings: #1 in greeks #1 in Titans #1 in Fantasy #1 in killings #1 in murder #1 in Olympians #1 Olympus G...
234K 7.7K 71
©2017 -Unedited- Sword of Justice. The missing sword. The sword that no Swordailes can able to summoned for almost a decade or two. The sword that pl...