I'm Lori, I'm Lori too.

By Inkshiwp

190 64 4

There is a woman who lives a very simple life. She is Lori, her family is complete but she feels that it is n... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9

Kabanata 5

11 4 0
By Inkshiwp

***

"Hindi ako lumalabas ng gabi." "Okay kana?" Wika nito, nang hindi manlang lumingon sa akin. Sungit. Napairap na lang ako sa hangin.

"Okay chill!" "Eh bakit wala pa tayong teacher Anong Oras na oh?" Iba ko sa usapan.

"Mag kasama tayo dito tapos tatanungin mo ako." Hala tayo raw haha sige Lorisus.

"Wala namang tayo! Dapat ganito lang oh. Kasama mo ako dito tapos tatanungin mo ako. Ganon!" Sabi ko sa kanya.

Natingin naman ako sa selpon nya may sticker na green. Omg buttercup!

"Lorisus saan mo nabili yang sticker mo!" Saad ko sa kanya. Owemji gusto ko nyan!

"Secret." Seryoso nyang sagot. "Damot mo naman! Parang hindi tayo mag kaibigan ah." Reklamo ko sa kanya. Kaka sad buttercup. Punitin ko yan eh.

"Wala namang tayo. Tsaka hindi tayo mag kaibigan" Asar nito. "Wala naman akong sinabing tayo!" Sagot ko.

"Sabi mo kaya. Parang hindi TAYO mag kaibigan ah." Diin nya. "Paepal!"

"Ano feeling ng pini-pilosopo?" May ngiti sa labi nya. Kita ko kasi humarap sya. Hala nag smile si fierce Lori.

"Nuxx smile yarn?" Asar ko sa kanya. Napa tikom naman sya ng bibig. "Wag ka mahiya. Mag smile ka na!"

Nabaling ang tingin namin kay Pres. Haven, nang mag salita ito. "Guys wala na namang teacher na pupunta sa atin bukod kay Ms. Raule kaya dating gawi." Saad nito. Nag si tahimik naman sila at tinuwid yung bangko.

"Anong dating gawi?" Tanong ko kay Lorisus. "Pwedeng gumala. Babalik pag time ni Ms. Raule" Sagot niya at tumayo palabas.

"Naku bumalik kayo pag time ni Ms. Raule ha!" Sigaw ni Pres.

"Yes boss!"
"Oo Pres!" Sagot ng ilan.

"Ikaw Lori saan ka ngayon — hephep sin at kayo rina. Wag kayo ma late ng balik ha." Saad ni Haven. Tumango naman itong sin at rina pati ang grupo niyang mga girls.

"Saan ka Lori?"

"Siguro susundan ko na lang si Lorisus. Kukulitin ko lang" Sagot ko.

"Sure ka ayaw mo sumama sa amin?"

"Hindi na siguro guluhin ko na lang si Lorisus hehe!" Guguluhin ko lang.

"Sige balik kayo agad ha!" Sagot niya.

Pag labas ko ng pinto ay tahimik na nag si-si baba ang mga kaklase ko dahil baka maka istorbo raw ng klase. Nakita ko si Lorisus nasa gilid nanaman siya naka sandal sa pader. Nang makita niya ako ay bumaba na siya. Hahabulin ko na ito ng malimutan ko yung bag ko. Balikan ko muna.

"Oh Lori!" Saad ni Haven ng makita ako napatingin naman si Kaylen. Nag aayos kasi sila ng bangko at pinupunasan nila yung board.

"Kunin ko lang sana bag ko hehe!" Tutulungan ko sana sila kaso tinatamad ako eh! Sorry na agad. "Ganon ba sige!" Saad ni Pres at ngumiti.

Habang tumatakbo ako pababa eh. Pa linga linga ako asan na yung bwiset na yon?

"Aray!" Tili nitong nabangga ko.

"Sorry po sorry!" Saad ko ng hindi natingin sa kanya. Hinahanap ko kase si Lorisus.

"Owemji akla. Lori!" Saad nito kaya natingin na ako sa kanya. Joni!!!

"Joni? Owemji bessy ko!" Niyakap ko sya ng mahigpit. "Aray beh!"

"Sorry! Asan si Agatha?" Tanong ko sa kanya at hinanap si Agatha sa likod niya.

"Hinahanap ko nga eh!" "Sabi na nga ba dito ka mag aaral Lori eh!" Masayang ani nito.

"Paano mo nalaman?"

"Dito kaya nag aaral mga pinsan mo yata!" "Kaya nag pa transfer kami ni Agatha dito. Kahapon lang kami nag pa transfer!" Saad nito.

"Jonathan!" Tawag ng babae sa likod niya. Agatha!

"Tanginamo Joni kase!" Reklamo ni Joni at binatukan si Agatha.

"Wow ang baby Lori ko!" Niyakap ako ni Agatha at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Baka mag transform kana niyan ha!"

"Bakit?" Tanong ko. "Buttercup!" Sabay nilang saad. Kahit kelan talaga.

Mukhang hindi ko na hahabulin si Lorisus ah. May kasama naman ako ngayon eh. Inaya nila ako mag canteen kaya eto nandito kami ngayon.

Iilan lang naman ang tao ngayon dito. Kaya pinili namin umupo sa gilid. Bumili kami ng food at drinks.

"May chismis kami sayo bessy!" Saad ni Joni. Tumango naman itong katabi kong si Agatha.

"Alam mo ba yung tungkol sa Paps mo?" Tanong ni Joni. Umiling naman ako. Malay ko aba.

"Anong tungkol sa kanya?" Takang tanong ko.

"Ikaw na mag sabi Ada!" Wika nito.

Humarap sa akin si Agatha. "Ganito kasi yan bff." Huminga muna sya ng malalim. "Hindi ko o namin alam if nasabi na ba sayo ito ng Mama mo pero kase." "Mabuti siguro kung itanong mo na lang sa Mama mo yung totoo. Ayaw namin na sa amin mang-galing!"

"Pabitin kayo!sige na sabihin nyo na!"

"Onti lang sasabihin namin and the rest itanong mo na lang sa Mama mo!" Saad ni Joni (Jonathan)at tumango kay Ada (Agatha).

"Yung Papsi mo kasi meron pa syang ibang pamilya bukod sa inyo ng Mama mo—"

"—I know that kaya. Pero yung family ni Papsi hindi kami tanggap." Putol ko sa sinasabi ni Ada. Alam ko yan. Nag ka tinginan naman silang dalawa at muling tumingin sa akin. Yung tingin nila! "Wait! Hindi ko kayo maintindihan!"

Ayokong maintindihan. Ayoko ng magtanong. Nasasaktan ako, sa mga tingin nyo alam ko na ibig nyong sabihin. Nakaramdam ako ng kirot sa puso. Napayuko na lang ako.

"Sabi ko sayo wag mo na sabihin eh!" Saad ni Joni. "Lori" humawak sa balikat ko si Ada. "Sorry hindi dapat namin sinabi sayo—"

"—Hindi nyo naman kasalanan. Concern lang naman kayo sa 'kin." Tumingin ako sa kanila. Pinipigilan ko na makawala ang mga luhang namumuo sa mata ko. Ayokong umiyak.

Lumapit sa amin si Joni at niyakap kami ni Ada. I'm so proud that I have you both. Sobrang saya ko kase nandyan kayo para sa akin lalo na sa sitwasyon ngayon.


Naka balik na ako sa room namin at sakto ang pag pasok ni Ms. Raule. Sakto rin na nandito na ang lahat maliban kay Lorisus. Nasaan kaya sya. Hindi ko kase sya nasundan, nang maka salubong ko si Joni.

Nakatanaw ako sa pinto ng bigla itong pumasok at may dalang plastic. Napunta naman sa kanya yung tingin ng lahat. Kaya huminto sya sa pinto.

Narinig ko ang pag buntong hininga ng mga kaklase ko. Bakit?

"Lorisus, where have you been?" Tanong ni Ms. Raule.

"Nag cr lang po." Seryoso nyang sagot at dumiretso sa bangko nya.

"Galing mag palusot ah." Rinig kong sabi ng katabi nya.

Nag simula ng mag discuss si Ms. Raule. Wala akong maintindihan sa mga dinidiscuss niya. Dahil siguro sa iniisip ko. Ayos na lahat kaso mukhang bagong problema nanaman. Isinandal ko ang aking likod sa bangkuan ko at kunwareng nakikinig. Inaantok na ako.

"That's all for today. I hope may na intindihan kayo. If you guys have a question, you can ask me. Anytime!" Masayang wika ni Ms. Raule. Ang ganda mo naman Ma'am.

Pag ka labas ni Ms. Raule ay nag si tayuan na ang mga classmates ko para mag linis ng room. Nanatili naman akong naka upo.

"Loribeth! Ayos ka lang?" Tanong ni Haven pag lapit sa akin. "Ayos lang." Ngumiti naman sya at tumango. "Sige Doon lang ako ha." Saad nito at umalis sa harap ko.


Hindi ko na hinantay si Jian sa room ko bumaba na ako para puntahan ang kaibigan ko. Nakasalubong ko si Jian habang nag lalakad ako papunta sa room ng kaibigan ko. Marami syang kasama at yung isa ay ang Prof nya. Nag paalam ako sa kanya na hindi ako sasabay kase sasabay ako kina Ada. Nag aalanganin pa sya pero tumango rin kaagad.

"Hey!" Nag ka bungguan kami ng isang babae at mukhang nabadtrip sya. "Sorry Miss, hindi kase kita napansin." Pag hingi ko ng tawad.

Tumaas ang kilay nya. "Sa ganda kong ito! Hindi mo ako napansin? Are you kidding me?" Galit na sigaw niya sa akin at tinulak ako. Napa-atras naman ako. Dumating naman ang dalawang babae na may dalang juice.

"Promise Miss hindi kita napansin." Pag ulit ko. Wag moko badtripin Miss. Please.

"Girl sa ganda ng bff ko. Hindi mo napansin?" Sabat nitong babaeng maikli ang buhok. At tinarayan ako. Aba.

"Wala akong time para makipag away sa inyo." Sagot ko at tangkang aalis na. Nang bigla nitong hablutin ang buhok ko. Asan naba ang mga tao dito.

"Aray!" Sigaw ko. Ayoko pumatol.

"Bitawan nyo ako!"

"Dapat sayo yan. Humalik sa sahig!" Saad nitong babaeng nabangga ko. At pilit akong inaapakan pahalik sa sahig. "You bitch!" Sigaw ng kasama nya. Ah ganyanan ba.

Pinilit kong tumayo kahit nakadagan sa akin yung dalawa at itong babaeng maarte nato inaapakan ang kamay ko. Yung damit ko! Ayoko sa lahat ang na dudumihan ang damit.

Hinablot ko yung buhok nitong babaeng nabangga ko mahaba ang buhok kagaya ng sa akin. It's my turn.

Tinadyakan ko yung dalawang babae at sinabunutan ko naman itong babaeng nabangga ko. At sinipa siya.

"Karla tatawagin namin adviser natin." Saad nung dalawa at iniwan itong babaeng Karla raw. Hindi ako takot. Sinipa ko sa tyan itong Karla nato at napa upo naman sya sa sahig.

Lumapit ako sa kanya at binatak ang buhok nya. "Aray tama na!" "Aray bitawan moko. Irereklamo kita." Sigaw niya. Wow kapal ha!

"Lori!" Sigaw ni....Lorisus. Napabitaw naman ako sa buhok ng babaeng ito. Tumayo ito at tumakbo palapit kay Lorisus. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Lorisus sinaktan nya ako!" Sumbong nya kay Lori at humawak sa braso nito. Inalis naman ito agad ni Lorisus. Deserve.

"Totoo ba?" Tanong ni Lorisus. Umiling naman ako.

"Liar! Nakita mo naman diba sinasabunutan nya ako!"

"Pero Miss. Ikaw ang nauna pinag tulungan nyo ako ng mga kaibigan mo!" Sigaw ko pabalik. Wala namang tao. Hindi naman umimik si Lorisus.

"Wag mo silang idamay. Ikaw ang nanakit sa akin." Sigaw nito. "Enough!" Saad ni Lorisus.

Enough na raw. Kaya Tumalikod na ako sa kanila. Wag ko na lang siguro puntahan sila Ada. Bukas na lang siguro?

Bumalik ako at nandoon pa rin yung Karla na yon but this time kasama ang mga kaibigan nya. Mga plastic. Akala ko pa ay si Lorisus ang kausap nila. Mukhang kakampi nila si Lorisus.

"Buti umalis na si Lorisus." Saad nitong maikling buhok. "Buti wala kayo!" Sagot nitong Karla. Rinig kong sabi nila pag daan ko. "Kasalanan nyang babaeng yan."


"Lori." Tawag ni Jian. Kuya buti nandito kapa akala ko lalakad ako. Buti naabutan kita.

"Kuya Jian" Yumakap ako sa kanya. Nandito siya sa tapat ng gate eh.

"Tagal mo!" Saad nito at inaayos ang buhok ko. Wag mag taka kung bakit magulo hair ko. "Gulo ng hair mo!" Asar nya sa akin. "Wala akong suklay eh." Palusot ko.

"Bakit hindi ka pa umuuwe?" Tanong ko sa kanya pag pasok namin sa kotse. Nandito ako sa tabi niya. Ini-start nya na ang sasakyan.

"Sabi ng guard hindi ka pa raw lumalabas. Kaya hinintay na kita." Saad nito. Kilala ba ako ng guard? Nevermind.

"Buti hindi mo ako sinundo sa loob." Bulong ko. "Ano yon?"

"Walaa" Sagot ko.


Pag ka dating namin sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto namin ni Mama. Nag palit ako kaagad ng damit at pants buti na lang hindi napansin ni Jian yung damit ko. Buti buhok lang. Thanks God kase matangkad ka kundi kita mo damit kong madumi.

Tapos na silang kumain at ako hindi ako kumain kase busog pa ako at wala akong gana. Kinain ko naman yung pinabaon sa akin ni Mama kanina.

"Loribeth" Bungad ni Mama pag pasok nya ng kwarto. "Po" Sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya. Kunware ay busy ako sa pag basa ng libro.

"Galit ka ba nak? May problema ba?"

"Nay ayos lang ba kung mag tanong ako?"

"Oo naman ano kaba."

"May iba pa bang pamilya si Papsi?" Sinserong tanong ko. Nawala naman ang ngiti sa labi nya. Sorry Ma but I need to ask.

"Wag na muna natin pag usapan yan. Tsaka hindi naman yan totoo." Sagot niya at ngumiti. "Goodnight anak"

Pag kalabas ni Mama ay naisip ko kaagad na totoo ang sinabi nila Joni. Iniwasan nya Yung tanong ko. Wait aano si Mama? Dito room namin ah. Baka pupunta kila tita.

Wait may naalala ako. Hindi ko pala nasabi kay Mama na nasabak ako sa gera kanina. Okay lang pala, ayokong mag alala siya. Baka sumugod pa yon sa school, kapag sinabi ko.








Continue Reading

You'll Also Like

278K 11.4K 40
ဤ Fic သည် အရမ်းရိုင်းစိုင်းသော အသုံးအနှုန်းတွေကိုသာသုံးထားသော Big Warning 🚨18+ Fic တပုဒ်ဖြစ်သည် ။
1.1M 44.1K 51
Being a single dad is difficult. Being a Formula 1 driver is also tricky. Charles Leclerc is living both situations and it's hard, especially since h...
852K 39.7K 61
Taehyung is appointed as a personal slave of Jungkook the true blood alpha prince of blue moon kingdom. Taehyung is an omega and the former prince...
1M 54.4K 35
It's the 2nd season of " My Heaven's Flower " The most thrilling love triangle story in which Mohammad Abdullah ( Jeon Junghoon's ) daughter Mishel...