Lie About Us

By SGwannaB

173K 2.9K 442

More

Lie About Us
Prologue
Chapter 1: Looks can be deceiving
Chapter 3: Dating-datingan
Chapter 4: Phases and Faces

Chapter 2: The Boys

5.3K 125 13
By SGwannaB

"Yumi!" Tapos sabay hampas sa akin ni Anna, "Ano ka ba! May customer kaya!"


Bigla akong nahimasmasan nung sinabi niyang may customer. Tumayo ako at nag punta sa may counter habang naka yuko, "Sorry for waiting, Sir. May I take your order?"


"Yumi...Yuuumi," I heard.


Tumingin ako kay Ross, "Ba't mo ko tinatawag?"


Umiling siya at tumuturo siya sa may right side niya at sinasabi niya na 'siya yun' ng walang sound.


Nung tumingin ako sa harapan ko, nakita ko yung mukha niya. Hindi ako makapaniwala siya nga, siya talaga.


"Isang caramel frappuccino grande pati butterscotch, to go."


Pinindot ko na yung cash register, "That will be P215.00"


Nagsmile siya tapos inabot sa akin yung P250.00 niya. Kinuha ko kaagad sa kanya yung pera tapos pinindot ko ulit yung cash register at binigay sa kanya yung sukli. Umupo siya sa may table sa harap ko habang ginagawa ni Anna yung order niya.


"Sir, your butterscotch." sabi ko sa kanya


Tumayo siya tapos kinuha ito tapos nag smile siya, "ganyan ka ba dapat umasta sa isang customer?"


"Ano po?" tanong ko sa kanya


"Wala lang." Nagsmile siya ulit tapos bumalik sa table niya.


Anong nginingiti-ngiti niya? Nakalimutan niya ba yung ginawa niya sa akin kailan lang? Niloloko niya ba ako? O baka naman may sakit siyang limot? Hindi eepekto sakin yung pangiti-ngiti niya! The damage has been done.


"Here's your order sir." Sabi ni Anna habang dala yung caramel frappe ni Peter.


Tumayo na si Peter at dirediretsong lumabas ng shop namin.


"Hindi manlang nag thank you! Sungit." Sabi ni Anna habang nakaharap sa akin. "Bakit iba na itsura mo ngayon? Kilala mo ba yun? Sikat na sikat yun sa school eh. Mabait, mayaman, gentleman, magaling magbasketball at matalino siya. Siya si Peter Lo!"


"Bakit magkakilala ba kayo? Close ba kayo nung taong yun para sabihin mo yung mga bagay na yun?" tanong ko sa kanya.


"Oh, bakit galit ka?" tanong niya sa akin


Huminga ako ng malalim, "Hindi. Ako. Galit." nagsimula na akong maglakad papunta sa may locker area namin. "Ewan! Makapag bihis na nga! Tapos na rin naman yung shift ko eh."


Iniba ko na lang yung topic dahil baka mag tanong pa si Anna sakin tungkol kay Peter. Nagbihis na ako dahil tapos na yung shift ko at dumating na yung papalit sa akin, si Jani. May part time job ako sa isang coffee shop, kasama ko sila Ross at Anna, schoolmate ko si Anna at higher batch siya. Si Ross naman nagstop, si Jani taga ibang school pero ka-batch rin nila Ross at Anna.


Umupo ako sa may gilid para makipag kwentuhan sa kanila.


"Buti ka pa Yumi hindi ka pa nag-thethesis! Hindi katulad namin, nagkakandarapa sa pag gawa nun!" sabay buntong hininga ni Jani.


"Buti pa ako at walang iniisip! Mainggit kayo sakin!" Ross bragged.


"Oo nga nakakainggit ka ngayon," sabay ngiti ni Anna. "Pero maghahabol ka naman next term."


"Wag mo na ipapaalala please! Iniisip ko pa lang yun kinakabahan na ko." Ross shivered just thinking about it.


Graduating students kasi si Anna and Jani. Kung hindi lang nagstop si Ross malamang kasabay niya sila. Mabuti pa sila malapit ng matapos. Samantalang ako may isang taon pa.


"Mahirap rin kaya yung ginagawa ko. Kailangan ko mag maintain ng grade para lang hindi matanggal yung scholarship ko." Sabi ko.


"Hay. Mabuti na lang pala at hindi ako scholar! Kung hindi pareho siguro tayo ng minamaintain na grade!" hirit ni Anna, "Pati, bakit parang nag-iba ung mood mo nung nakita mo si Peter? Magkaaway ba kayong dalawa?"


"Hindi. Wala lang yun." Sabi ko sa kanya.


"Aba. Ikaw lang ata hindi nagkagusto doon kay Peter ah." Sabi naman ni Ross.


"Peter? Sino yun?" Tanong naman ni Jani. "Manliligaw ni Yumi?"


Umiling ako, "Hindi ah! Asa naman! Ano ba naman ang meron ako para magustuhan niya ko?"


Natawa si Ross, "Mabait ka, matalino pati maganda. Bakit naman hindi ka niya maggustuhan?"


Sinimulan na nila kaming pag-usapan ni Peter. Ako naman syempre dedma. Tanggi na nagustuhan ko siya.


"Wow. Tumanggi sa gwapo si Yumi!" sabi ulit ni Jani


Nako. Yun ang akala nila. Ang hindi nila alam, isa ako sa mga taong nabiktima niya. Sabihin na natin na medyo naging interesado ako doon sa tsismis na yun, pero nung nakita ko siya naging magaan yung pakiramdam ko sa kanya. Magaan? Magaan sa umpisa, pero bumigat din sa dulo!


"Goo-good.. A-a-afternoon.. Sir." Uutal-utal na sinabi ni Anna sabay tayo ng nakita yung customer sa likuran ko.


Nagpantasya siya bigla.


Di ko napigilang mapatingin sa may likuran ko para makita kung sino yung pinagpapantasyahan ni Anna.


This cannot be.


"Yumi! Tara na?" sabi nung lalaki habang kumakaway at papalapit sa amin.


Ilang beses ko na siyang sinabihang wag akong puntahan sa trabaho, although first time niyang pumunta, di parin siya sumunod. Ang kulit lang minsan.


"Kilala mo siya?" tanong sa akin ni Anna habang nakangiti..


Tumango ako.


"Sino siya?" sabay na tinanong ni Ross at Jani


"Teka, bakit parang pamilyar yung mukha niya?" Anna wondered.


Napailing na lang ako. Malamang pamilyar sa kanya yung mukha niyan kasi nakikita niya yung mukhang yun sa akin.


"Yumi, may kapatid ka ba?" tanong sakin ni Jani


Tumango ako at tinuro si Yuki. "Yuki, si Ross, Anna at Jani. Mga kasamahan ko dito." Kinuha ko na yung mga gamit ko at nilapitan si Yuki. "Guys, kakambal ko, si Yuki."


"Ang gwapo mo pala pag naging lalaki ka." Sabi ni Anna sakin.


Ngumiti sa kanila si Yuki sabay lingon ng nakasimangot sa akin, "Bakit hindi kuya ang tawag mo sa akin? Diba mas matanda ako sayo? Mas nauna kaya akong lumabas."


I rolled my eyes, "May pruweba po ba?"


Tumango siya, "Sabi ni Mama!"


I snarled, "Talaga ba? Cinonfirm niya ba? Wala diba?" Here we go again. Lagi na lang niya ginagawang big deal ang pag tawag ko sa kaya ng kuya. Eh hindi naman namin alam kung sino talaga yung naunang lumabas sa amin!


"Itanong mo pa kaya kay Papa. Ako nauna. Period." He argued.


"Wala naman si Papa nung ipinanganak tayo eh. Siya kaya mismo nagsabi na hindi niya talaga alam! Pauso talaga." I grimaced. Kumaway ako sa mga kasamahan ko para magpaalam. "Alis na kami! Bye!"


Nagsimula na akong maglakad papalabas ng shop at iniwan si Yuki doon. Narinig kong nagmamadali siyang magpaalam sa kanya ng maramdaman ko presence niya sa may right side ko.


"Hindi mo naman ako kailangan sunduin eh." Sabi ko sa kanya.


"Gusto ko eh. Paminsan minsan rin naman gusto ko maging kuya. Pati wag ka na ngang mag reklamo. Magkasama na tayo oh! Wala ka ng magagawa." Ngumiti siya pagtapos at inakbayan ako, "Hay nako, yung kapatid ko talaga!"


Nung nakarating na kami sa bahay nagpahinga ako saglit. Pumasok naman si Yuki sa kwarto ko. Nakipag kwentuhan siya saglit tungkol sa babaeng habol ng habol sa kanya nang bigla niyang napansin yung litrato namin ni Miguel sa may tabi ng kama ko.


"Si Miggy boy! Tagal ko na siyang hindi nakikita ha," tapos tumabi siya sa akin sa may kama. Umurong naman ako para may maupuan siya.. "Bakit mo nilabas ulit to? Namimiss mo ba siya?"


"Ba't ko mamimiss yan! Nakita mong nambabae yang lalaking yan eh! Tagal-tagal na pala niya akong niloloko tapos mamimiss ko pa!" Defensive kong sinabi sabay agaw ko sa picture namin ni Miguel at inilapag ko pabaligtad sa may bedside table ko.


Okay, so nagsinungaling ako. Namiss ko nga si Miguel, pero pag naalala ko yung ginawa niya hindi parin ako makapaniwalang nagawa niya yun sakin. Hindi ko siya napatawad, pero ngayon mas hindi ko mapatawad yung sarili ko sa hindi ko pagpapatawad sa kanya.


"Gaano na ba katagal?" tanong sakin ni Yuki.


Napaisip ako bigla sa tanong niya. Kaya ata walang napuntahan yung paglabas namin ni Paolo dahil malapit ng mag October nun.


"25 months." Sabi ko sa kanya. "Tagal na pala 'no?"


"Oo. Kaya kung ako ikaw, palayain mo na si Miguel. Kailangan mo rin sumaya. Life goes on." Bumangon siya at naglakad papalabas ng pinto. "Maligo ka na! May party ka pang pupuntahan diba?"


"Sige, Maliligo na ko in a while." Sagot ko sa kanya


Life goes on.


Napakadaling sabihin pero bakit ang hirap gawin?


Feeling ko nasa paligid ko lang siya, nakatingin sa akin tuwing may kasama akong ibang lalaki. Parang pinagmamasdan niya ko habang nakatalikod ako. Parang nandito lang siya at pinipigilan akong magmahal ng iba.


Naligo na ko at nagmadaling mag-ayos. Pag hindi kasi ako nag-ayos, paniguradong tatalakan ako ni Mariel. Tama na siguro yung simple. Hindi naman ako masyadong ma-make-up na tao eh. Pati kung ayaw nila sa itsura ko, edi di wag! Di ko sila pipilitin, ako lang naman napilitan pumunta sa party na yun.


Habang nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ko, nakita ko si Kuya Micky sa may pintuan ko, pinapanood akong mag-ayos.


"Wag ka masyadong mag paganda, paano na lang kung may magkagusto sayo doon?" sabi niya sa akin habang nakasimangot.


I sighed. protective brother #2 has arrived.


"Eto na nga yung pinaka simpleng itsura ko eh. Ayaw mo bang may magkagusto sakin?" tanong ko sa kanya habang naglalagay ng liptick.


"Oo ayoko. Bata ka pa masyado. Pati ayokong makita ka ulit na malungkot. Dapat kung hahanap ka ng lalaki dapat yung parang ako. Yung seryoso at hindi nangiiwan ng babae. Stick to one!"


"Parang ikaw? Nako, mabait ka nga sa mga babae kaya sa sobrang bait mo akala nung ibang may gusto ka na sa kanila! Kaya pag nalaman nilang mabait ka lang talaga, sa bandang huli, iiyak rin sila!" sabi ko kay Kuya Micky.


"Ikaw," sabi niya habang nakaturo sa akin habang pinipigilan yung pag ngiti niya, "hindii ko kasalanan yun! Mabait lang talaga ako 'no. Bilisan mo na nga dyan. Iniintay na tayo ni Kuya Jin!"


Umalis na si Kuya Micky kaya ipinagpatuloy ko na yung pagaayos ko.


Si Kuya Micky yung pangalawa saming magkakapatid. Michael tunay niyang pangalan, ipinangalan siya sa nanay namin, 23 years old siya, nurse. Medyo strict siya sa akin pero madalas maluwag. Ewan ko. Sa kanya ata ako nagmana sa pagiging moody eh! Sala sa init sala sa lamig daw kami sabi ni Papa.


Maya-maya ay naisip ko na naman yung party. Hindi ko kasi maiwasang isipin kung ano yung mangyayari doon sa party na yun. Sino-sino yung mga dadalo, anong klaseng mga tao sila. Baka mamaya puro yabangan doon! Wala pa naman din akong maipag mamayabang. Baka hamuni ko na lang sila sa math o kaya sa inuman. Diyos ko! Parang ayaw ko na tuloy pumunta.


Biglang sumulpot si Yuki sa may pintuan ko. Naka ayos na siya, samantalang ang sabi niya kay Mariel ay hindi siya sasama dahil hindi siya interesado.


"Oh, sasama ka na? Sinabi mo na ba kay Mariel?" Tanong ko kay Yuki habang naglalagay ng pabango.


Umiling siya, "Hindi 'no."


"Eh bakit naka pang-alis ka? San ka pupunta?" Tumayo na ako at inayos yung mga gamit ko.


"Ihahatid ka. Di ka pa ba tapos mag-ayos?" tanong niya sa akin na parang naiinip na siya.


"Wow, ihahatid lang ako pero nakabihis pa." Sabi ko ng mahina.


Minsan inisip ko kung kapatid ko ba talaga si Yuki. Ang labo niya kasi madalas. Madalas kaming magkasama at pagsamahin nung elementary kami. Pero simula nung pinaghiwalay kami nung high school para magkaron ng kanya-kanyang identities, naging ganyan na siya. Hindi ko na siya gets minsan.


Hindi ko alam kung nagrerebelde siya sa akin kasi pumayag ako na paghiwalayin kami nung high school o sadyang clingy lang talaga siya. Mas malala ngayong college kasi pag namimiss niya ko, susunduin niya ko sa school o kaya sa isang mall near by.


"Yuki, Yumiko, bumaba na kayo!" sigaw ni Kuya Micky.


Bumaba na kami ni Yuki. Nakita namin si Papa na naka upo sa may sala. Sinabihan niya ako na magpakabait daw ako sa party. Wag ko daw pairalin yung pagiging masungit ko at wag daw ako maging rash sa mga gagawin ko. Clean fun lang daw dapat. Syempre and press release ni Mariel sa pamilya ko ay simpleng party lang with her "college friends". Pinayagan kagad ako dahil masyado ko daw kinulong ang sarili ko sa bahay.


Nung hinatid niya kami sa may labas nakita ko yung kotse ni Tita Evita na naka park sa tapat ng bahay namin. Sabi ni Papa na pinagamit daw ni Tita yun sa aming magkakapatid. Hay,ganun ba talaga kinulong ang sarili ko para paghandaan nila ko ng ganito?


"Oh Yumi, dala mo na ba yung mga kailangan mo? Wala ka na bang nakalimutan?" tanong naman sa akin ni Kuya Jin, 24, panganay saming apat. Eugene yung pangalan niya, ipinangalan kasi siya after kay Papa. Jin yung tawag sa kanya kasi ang tawag ng mga tao kay Papa ay Eugene kesa Eugenio.


Dahil ako lang yung babae sa bahay medyo, medyo lang, protective sila sakin. Hindi naman umaabot sa point na nakakasakal na pero yung tama lang. Minsan nakakatawa na lang kasi paulit-ulit sila. Sila pa yung nagtuturo sakin tungkol sa mga bisyo-bisyo. Hindi yung drugs type, yung pag inom ko, sa kanila ko natutunan. Sabi kasi nila mabuti pa raw kung sa kanila ko matututunan yun kesa sa ibang tao. Okay lang rin sa kanila kung sila yung kasama ko habang umiinom o umaalis at least daw safe ako sa kanila.


"Yumiko, anong oras ka uuwi? Gusto mo sunduin ka namin after?" tanong sa akin ni Kuya Micky, "Umuwi ka ng maaga okay?"


Binatukan bigla ni Kuya Jin si Kuya Micky, "Hayaan mo nga si Yumi magsaya! Minsan lang naman yan umattend ng mga ganyang party eh!"


"Oo nga naman Kuya. Minsan lang yan magsaya!" humarap sa akin si Yuki, "Hoy, ikaw! Wag kang magpapakalasing ha! Pagnalasing ka tawagan mo kaagad ako!"


"Hayaan niyo na si Yumi! Pag nalasing yan at may nanggago dyan patay satin yun! For now, hayaan niyo na muna siya mag enjoy at boys' night out ngayon." hirit naman ni Kuya Jin.


Kaya naman pala ganyan si Kuya Jin. Maluwag siya sa akin ngayon kasi boys' night out nila ngayon! Akala ko pa naman din okay lang sa kanya na mag enjoy ako kasi oras na para magsaya ako, yun pala kasi magsasaya rin sila. Hay nako, mga kapatid ko talaga.


"Kuya dito niyo na lang ako ibaba! Maglalakad na lang ako kesa mahirapan pa kayo umikot, malapit narin naman ako."


"Sige, sige. Mag-ingat ka ha." sabi ni Kuya Jin, "Tawagan mo kami pag may nangyaring masama."


Tumango ako sa kanya at isinara yung pintuan. Pinaandar na ni Kuya Jin yung kotse at umalis. At ang epic kong kakambal hindi nagpahuli sa pagsigaw, "Kuya bakit ka umabante?! Hindi pa ko nagpapaalam kay Yumi!"


Napailing na lang ako nang biglang nag-vibrate yung cellphone ko sa bag ko


From: Yuki

Yumi!!!! Ingat ka dyan! Pakabait ka ok? Si Kuya Jin kasi biglang inandar yung kotse eh!! :(( Sabi nga pala ni Kuya Micky wag mo daw siya ipagpapalit! Ingat baby girl!! Lovelove. ♡♡


Bakit ba kailangan magiwan sila sakin ng kanya-kanyang mensahe? Hindi naman parang mag-aabroad ako. Nakatira naman kami sa iisang bahay pati araw-araw naman kaming nagkikita.


Pumasok na ko sa building at umakyat.


Nilabas ko na yung ticket ko para i-present doon sa may registration area. Pero bago ko pa i-abot yung ticket may biglang humawak ng kamay ko.


"Hindi masaya sa loob! Wag ka ng pumasok, sumama ka na lang sa akin!" sabi nung lalaking naka suot ng shades at cap.


Taas ng araw kuya?


"Ha?" Yun na lang ang nasabi ko ng bigla niya akong hinila pababa ng building.


Hindi ko maintindihan. Close ba kami? Bakit niya nga ulit ako kinakaladkad?


Hinila ko yung kamay ko sa pagkahawak niya, "Teka, sino ka ba? Close ba tayo?" huminto kami sa first floor. "Wala kang pakialam kung hindi ako masayahan doon sa party na yun. Unang-una, kaibigan ko nag-host ng event. Pati sino ka ba para hilahin ako!?" Nanalaki yung mga matako, "Rapist ka no?!" Unti-unti akong naglakad papaatras, "Rapist!!" sigaw ko.


Hinila niya ulit ako at tinakpan yung bibig ko, "Wag ka ngang maingay dyan!! Hindi ako rapist! Kapal ah!" sabi niya sa akin.


Tinanggal niya yung shades niya at pagtapos ay tinanggal naman niya yung suot niyang cap. Tinanggal niya rin yung kamay niya sa may bibig ko.


"Ikaw?!" Turo ko sa kanya, "Bakit nandito ka?!"


Nginitian niya lang ako at hinila ulit palabas nung building. Anong ginagawa niya dito? Bakit siya nandito?


Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...