DG Series #3: Never Gonna Let...

lhiamaya

796K 26.7K 2.6K

Limang taon ng ginugulo ang isip ni Atlas ng isang babae sa kanyang nakaraan. Pilit nyang kinakalimutan ito a... Еще

A/N
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
END
Special Chapter

Chapter 28

17.4K 582 60
lhiamaya

Jolene

LALONG lumakas ang kaba sa dibdib ko ng pumasok na ang kotse sa loob ng malaking gate. Dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko sa kaba ay hindi ko tuloy ma-appreciate ang malaki at magandang bahay nila Atlas. Kung ano ano pang senaryo ang tumatakbo sa isip ko. Maraming what if. Pero ang pinaka malaking what if ay kung paano nga kung hindi kami matanggap mag ina ng mommy ni Atlas. Kaya hinahanda ko na ang loob ko.

"Papa ang laki laki po ng bahay nyo! Parang castle!" Bulalas ni Jeremiah na namimilog ang mata habang nakasilip sa bintana ng kotse at nakatanaw sa bahay.

Modern type ang bahay na may dalawang palapag at puro salamin. Brown and white ang kulay nito. Maganda ang arkitektura ng bahay. Para itong mansion na nakikita ko sa social media sa ibang bansa. Halos lahat naman ng bahay na nadaanan namin dito sa loob ng subdivision ay malalaki at iba iba ang disenyo. Mga nakakalulang tingnan. At siguradong nakakalula din ang halaga ng mga ito. First time namin ng anak ko na makapasok sa isang eksklusibo at mamahaling subdivision. Siguro kung hindi lang puno ng kaba ang dibdib ko ay kanina pa ako kumukuha ng pictures ng mga nadaanang bahay.

Bumaba na kami sa kotse. Si Atlas ay inalalayan si Jeremiah na bumaba. Nilibot ko naman ang mata sa paligid. May malawak na lawn at marami ding halaman sa paligid na hindi pamilyar sa akin ang iba. May iba pa ngang halaman na halos kasing laki na ng puno na nakalagay pa sa malalaking paso. Mukhang mahilig sa halaman ang mommy ni Atlas.

Tumingala ako sa bahay. Nakakalula ang laki nito at nagsusimigaw ng karangyaan.

"Papa ang ganda ganda po ng bahay nyo!"

Tumawa si Atlas. "Bahay nyo na rin ito ng mama mo son. Nagustuhan mo ba?"

Sunod sunod na tumango si Jeremiah. "Gustong gusto po papa. Dito na po ba kami titira ni mama?"

"Kung gusto ni mama pwedeng pwede."

Bumaling naman sa akin si Jeremiah. "Mama dito na po tayo tumira ni Tita Leah. Ang ganda po ng bahay at ang laki laki."

Ngumiti lang ako sa anak at hindi sumagot. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang isasagot ko dahil kinakabahan ako.

Lumapit naman sa akin si Atlas at hinawakan ang kamay kong nanlalamig.

"Are you ok sugar?"

Lumunok ako. "Kinakabahan ako Atlas. Parang.. parang hindi ko pa yata kaya na humarap sa mommy mo. Umuwi na lang kaya muna tayo."

Pinisil ng kanyang isang kamay ang kamay ko. Ang isa naman ay inabot ang aking kanang pisngi at hinaplos.

"Relax sugar. Kasama mo ko. Wag kang kabahan mabait si mommy. Magugustuhan ka nya. Magtiwala ka lang sa akin hmm?"

Humugot ako ng malalim na hininga para ikalma ang sarili. Pinilit ko ang sariling ngumiti at tumango.

"Tita Ava!"

"Ay nandito na pala ang poging baby boy ni tita!"

Sabay kaming lumingon ni Atlas kay Ava na kalalabas lang ng bahay at patakbong sinalubong si Jeremiah. Nagyakap silang dalawa. Akala mo ang tagal nilang hindi nagkita. Samantalang kahapon ay dumalaw ulit si Ava sa bahay at maraming dalang pasalubong kay Jeremiah na puro mga pagkain. Tapos kanina ay nagvideo call pa silang magtita bago kami pumunta dito.

"Welcome to our lovely home poging pamangkin!" Magiliw na sabi ni Ava at pinanggigilan na naman ang pisngi ni Jermiah. Panay naman ang hagikgik ng anak ko.

"Si mommy?" Tanong ni Atlas habang hawak ang kamay ko.

"Nasa dining nagpe-prepare ng food para sa pagdating nyo."

Tumingin ako kay Atlas. "Alam na ba ng mommy mo? Sinabi mo na ba sa kanya?" Pabulong kong tanong sa kanya.

"Hindi pa sugar. Ewan ko lang dito sa madaldal kong kapatid."

"Let's go guys! Pasok na tayo sa loob. Jolene feel at home ka lang ha wag kang mahihiya lalo na kay mommy. Mabait yun at kalog pa."

Ninenerbyos man ay ngumiti ako kay Ava. "Salamat Ava."

"Tara na pasok na tayo sa loob." Yaya sa amin ni Ava. Nauna na nga syang pumasok tangay si Jeremiah na hawak nya sa kamay habang dinadaldal ito.

Pinisil naman ni Atlas ang kamay ko at niyakag na ako papasok sa loob ng bahay nila.

.

.

.

Tahimik ako at nakayuko lang habang hinihintay ang magiging reaksyon ng mommy ni Atlas. Magkatabi kami ni Atlas na nakaupo dito sa mamahalin nilang couch. Tila tinatambol ang dibdib ko sa lakas ng kabog nito. Naipagtapat na namin ang lahat sa mommy nya. Walang labis walang kulang.

Nahigit ko ang hininga ng tumayo si Tita Anita at lumapit sa amin ni Atlas. Namilog ang mata ko ng bigla nyang pingutin ang tenga ni Atlas.

"Ouch mommy!" Nakangiwing daing ni Atlas.

"Masyado ka kasing maharot na lalaki ka kaya ayan wala kang kamalay malay na may anak ka ng apat na taong gulang." Nanggigil na sambit ni Tita Anita.

"Mommy naipaliwanag ko na sa inyo di ba? Aray! Yung tenga ko mommy parang matatanggal na!" Protesta ni Atlas.

Ako naman ay lalong di nakaimik at napaawang na lang ang labi. Mabuti na lang at wala dito sa sala si Jeremiah. Nilibot sya ni Ava sa ibang parte pa ng bahay.

Binitawan naman ni Tita Anita ang tenga ni Atlas na ngayon ay namumula na. Bumalik ang ginang sa pagkakaupo sa couch at bumaling sa akin. Seryoso ang kanyang mukha.

Napalunok naman ako.

"Jolene right?"

"Y-Yes ma'am." Nauutal na sagot ko.

"Tapatin mo ako. Nagkaroon ka ba ng ibang karelasyon pagkatapos ng relasyon nyo ni Atlas?"

Bahagyang umawang ang labi ko sa tanong ni Tita Anita. Hindi ko inaasahan na itatanong nya iyon.

"Wala po ma'am. Wala na po akong ibang nakarelasyon pagkatapos ng relasyon namin ni Atlas."

"Mabuti ka pa. Pero itong lalaking to kung sino sino ang babaeng nakakasama noon."

"Mom, pati ba naman ikaw." Angal ni Atlas.

"Bakit? Totoo naman ah."

Hindi na nakaimik si Atlas at kakamot kamot na lang sa batok. Tiklop pala sya sa mommy nya.

Bumalik sa akin ang mata ni Tita Anita. "Pero gusto ko pa ring makasigurado iha. Gusto kong ipa-dna test ang bata."

Sabay kaming napasinghap ni Atlas.

"Mommy, bakit may pa-dna pa? Anak ko si Jeremiah. Wala ng ibang nakarelasyon ang sugar ko. At saka di pa ba obvious? Kayo na nga ang nagsabi kamukhang kamukha ko ang anak ko noong bata pa kami. Kaya hindi na kailangan ng dna na yan. Anak ko si Jeremiah."

Binigyan ni Tita Anita ng matalim na tingin si Atlas. "Kinokonta mo ko Atlas?"

"Hindi naman ho sa ganon mommy -- "

Pinisil ko ang kamay ni Atlas para patigilin sya sa pagsasalita. Tuwid na tumingin ako kay Tita Anita.

"Naiintindihan ko po kayo tita. Wala pong problema sa akin. Payag po ako na ipa-dna si Jeremiah." Walang kakaba kabang sabi ko.

Wala naman akong dapat ikakaba. Si Atlas ang ama ni Jeremiah. Wala ng ibang lalaking dumaan sa buhay ko kundi si Atlas lang. Sya ang una ko sa lahat at sya din magiging huli ko.

Ngumiti si Tita Anita. "Salamat sa pang unawa mo iha. Bilang isang ina ay gusto ko rin makasigurado. Sana ay hindi ka na-offend."

"Ayos lang po tita. Kung ako rin ang nasa kalagayan nyo siguro ay ganon rin ang gagawin ko."

"Tama nga si Ava mabait ka at mukhang matalino pa."

Ngumiti ako sa ginang. Nawala na ang kaba ko. Alam kong gingawa lang nya ang tama at kung ano ang makakabuti.

Nilingon ko si Atlas na tahimik lang sa aking tabi at bahagyang nakakunot ang noo.

"Ay teka nasaan na ba ang apo ko?" Tanong ni Tita Anita at lumingon lingon.

Sakto namang papasok ang magtita galing sa lanai.

Tumakbo palapit sa amin si Jeremiah na may malaking ngiti sa labi. Iniyakap nya ang tig isang braso sa amin ng kanyang ama.

"Papa, mama may swimming pool ta likod ng bahay." Nagniningning ang mata na sabi ni Jeremiah.

"Gusto mo bang magswimming apo?" Tanong ni Tita Anita na tila excited pa. Humarap naman sa kanya si Jeremiah at tumango.

"Opo lola, gusto ko po magswimming pero di po ako lunong mag swim"

Parang batang ngumuso si Tita Anita. "Wag mo naman akong tawaging lola apo. Ang lakas makatanda eh. Mamala na lang." Malambing sa saad nya kay Jeremiah.

"Ok po mamala."

Tuwang tuwa naman na pumalakpak si Tita Anita na tila kilig kilig pa.

"Halika nga rito apo. Payakap si mamala." Binuka ni Tita Anita ang dalawang braso.

Tumakbo naman si Jeremiah sa lola nya at yumakap. Pinanggigilan naman sya ng lola nya.

Nagtinginan kami ni Atlas at ngumiti sa isa't isa.

"Hindi ka marunong magswim? Don't worry Tita Ava will teach you."

"Talaga po? Malunong mag swim si Tita Ava?"

"Of course! Lagi kaya akong nagcha-champion sa mga swimming competition sa school noong elementary at high school ako. Don't worry pogi kong pamangkin tuturuan kita how to swim like a pro. Pero syempre may bayad yun. Kuya alam mo. Per hour ang singilan ko." Sabat ni Ava na sumalampak na rin ng upo sa single couch.

"Kuh! Umariba ka na naman. Di bale na. Ako na lang magtuturong lumangoy sa anak ko." Bira ni Atlas sa kapatid.

Ngumuso naman si Ava. "Ang killjoy mo talaga kahit kelan kuya."

"Malunong ka rin pong mag swim papa?" Baling ni Jeremiah sa ama.

"Of course son. Kaya si papa ang magtuturo sayo. Pati si mama tuturuan ko din." Nakangising tumingin sa akin si Atlas.

Umiling iling naman ako. "Naku, hindi bale na. Kayong mag ama na lang. Baka malunod pa ako."

"Sige na Jo, paturo ka na rin kay kuya para ako ang magtuturo kay Jeremiah para bayaran ako ni kuya."

Ngumiwi ako sa suhestiyon ni Ava. Tama nga si Atlas madiskarte sya, may pagka buraot nga lang.

-

Nangingiti ako habang pinagmamasdan si Tita Anita na giliw na giliw sa kabibuhan ni Jeremiah. Gaya ni Ava ay tuwang tuwa sya sa anak ko. Halos ayaw na nga nya ito bitawan.

Natutuwa naman ako dahil kahit hindi pa sya sigurado na apo nga nya ang anak ko ay tanggap na tanggap na nya ito. Mabait din sya gaya ni Ava. May pagkakapareho sila ng ugali mag ina.

"Sugar, ayos lang ba talaga sayo na ipa-dna si Jeremiah? Pwede ka namang tumanggi kung gusto mo. Ako ng bahala kay mommy." Untag sa akin ni Atlas habang nandito kami sa balcony at pinapanood si Tita Anita at Ava na tino-tour sa malawak na lawn si Jeremiah. Nagse-selfie pa sila.

Nilingon ko sya.

"Ayos nga lang sa akin."

Matiim syang tumingin sa akin. "Anak ko si Jeremiah. Dama ko yun sa puso ko."

Ngumiti ako sa kanya. "Anak mo naman talaga sya. Ikaw lang ang lalaking dumaan sa buhay ko."

"I love you Jolene." Naging mapungay ang kislap ng mata nya at hinawakan ang kamay ko.

"Pero paano kung.. hindi mo nga talaga anak si Jeremiah. Paano kung may ibang lalaki akong nakarelasyon? Anong gagawin mo?" Panunubok ko sa kanya.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang gumuhit na sakit sa kanyang mata. Bahagyang humigpit ang hawak nya sa aking kamay.

"Tatanggapin ko pa rin sya at ituturing na anak.. at mamahalin pa rin kita. Kagaya ng tinanggap mo pa rin ako kahit marami ng babaeng dumating sa buhay ko. Ganun kita kamahal sugar. Hindi ko na hahayaang malayo ka sa akin."

Sinunggaban ko sya ng yakap at sumubsob sa dibdib nya. Kagat kagat ko ang labi at pigil ko ang luha na gustong pumatak.

"I love you too Atlas."

"I love you more sugar." Anas nya at niyakap din ako ng mahigpit. Hinalik halikan nya ang buhok ko.

Ngayon ay wala ng pag aalinlangan sa puso ko. Buo na uli itong naniniwala sa kanya. At simula ngayon anomang problema o balakid ang mamagitan sa amin ay hindi ko na sya susukuan.

"Papa! Mama!"

Sabay naming nilingon si Jeremiah na tumatakbo palapit sa amin. Ng makalapit ay sumampa sya sa kandungan namin ni Atlas at yumakap din. Natawa na lang kaming dalawa ni Atlas. Ganito lagi si Jeremiah kapag nakikita nyang magkayakap kami ng papa nya.

*****

May bago po akong story sa dreame The Ruthless Daddy Wallace. Daily update din po sya. Subaybayan nyo sana habang free pa. Salamuch!

Продолжить чтение

Вам также понравится

6.8M 138K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
Control The Game (COMPLETED) beeyotch

Художественная проза

27.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
Almost, But Not Quite (COMPLETED) beeyotch

Художественная проза

29.2M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...
The Pregnant Virgin Rain Gastelier

Художественная проза

39.9M 1M 49
She's pregnant and... a virgin.