Gazing The Stars (VAS #1) | O...

By WhiteGelPen

2.6K 388 72

Sky Demeter Illarionova, a girl who was diagnosed with cancer, has to pretend and makes her friends and other... More

Disclaimer
Synopsis
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17

Chapter 06

114 24 1
By WhiteGelPen


"THANK YOU..."

She don't know why but she feels like being thankful to him. Kung hindi siya nito hinila pasakay sa bus kanina, baka hanggang ngayon nando'n pa rin siya at nag-aabang ng sasakyan.

Pinauna siya nito sa pagbaba ng bus tsaka ito naman ang sunod na bumaba. Nandito na sila ngayon sa bus station na medyo may kalayuan lamang sa bahay nila.

Hindi naman ito nagsalita. Tinaasan lang siya nito ng kilay tsaka siya nilampasan.

"W-Wait—"

Huminto naman ito at nilingon siya. Hindi maintindihan ni Sky kung bakit napakasungit ng taong ito ngayon. Ibang-iba sa taong nakasabay niya kaninang umaga sa bus.

"Yes?"

Dali-dali niyang kinuha sa loob ng bag ang ID nito. Hindi naman siya nahirapan sa paghahanap at agad niya rin itong nakita sabay abot sa lalaki. "I-Ito p-pala 'yong ID m-mo..."

Seryoso ang mukha na tinitigan muna siya nito bago bumaba ang tingin sa ID nitong hawak-hawak niya. Tahimik lamang nitong kinuha ang ID tsaka siya muling tinalikuran. Hindi alam ni Sky kung bakit bigla siyang nalungkot sa inakto nito.

Hindi man lang magawang magpasalamat, hays.

Sinundan niya lamang ng tingin ang bulto ng lalaki  hanggang sa makalayo at mawala sa paningin niya. Lumiko na kasi ito sa isang eskinita.

Napailing nalang siya at napatingala sa madalim na kalangitan. At agad namang napalitan ng saya ang kaninang lungkot na nararamdaman niya ng makita ang mga bituin sa langit. They're shining like a diamond. Somehow, she can't help but to think about herself becoming one of those beautiful stars someday.

How does it feel? Masaya kaya? 'Yong tipong wala siyang ibang gagawin kundi ang magliwanag at magbigay kinang lamang sa kadiliman ng gabi?

Muli siyang napatingin sa wrist watch niya, and crap! It's already 7:10pm. Kaya naman mabilis na napakuripas ng takbo si Sky. Lagot na talaga siya sa mom and dad nila. Baka isipin ng mga ito na nag-gagala na naman siya!

Maingat niya lamang na binuksan ang gate nila at pumasok na. She's praying silently na sana tulog na ang mga ito.

Napahugot ng malalim na buntong-hininga si Sky bago pihitin pabukas ang pinto, pero hindi niya nagawa dahil naka-locked iyon.

Kumatok siya ng tatlong beses. "Mom? Dad?"

Ilang ulit niyang sinubukang pihitin ang doorknob ng main door pero talagang naka-locked iyon sa loob. Sunod-sunod na pagkatok sa pinto ang ginawa niya pero wala pa ring nagbubukas.

Did they intentionally locked the door? Ayaw niyang mag-isip ng kung anu-ano kaya muli niyang sinubukang kumatok. "Open the door, please..."

Nangingilid ang luhang napatingala siya habang hawak-hawak pa rin ang doorknob. Hold back your tears, Sky. Papapasukin ka din nila...

She waited for another few minutes pero wala talagang nagbukas ng pinto sa kanya. Malungkot na napasandal na lamang siya dito at padausdos na umupo.

Maybe this is your karma, Sky... Ang tigas kasi ng ulo mo.

Naiiyak na naman siya. Hindi naman iyon ang unang beses na ni-locked ng mga ito ang pinto para hindi siya papasukin. She also remembered when she was in grade 2, hindi rin siya pinapasok ng mga ito dahil gabi na siyang nakauwi galing sa magdamag na paglalaro. Kaya naman natulog siya sa labas ng pinto kasama ang mga aso nila dati.

It's okay, Sky. You'll overcome all of this soon...

"ACHUU!"

"Sky? What are you doing here?" Napatingala siya sa taong nagsalita sa harapan niya bago dahan-dahang tumayo upang ayusin ang sarili.

"D-Dad..."

Salubong ang dalawang kilay nito sa labis na pagtataka. Hindi naman maiwasan ni Sky na mapailing at malungkot na matawa sa reaksiyon nito. It's as if he doesn't know everything.

"Dito ka natulog? Anong oras ka nakauwi kagabi?" sunod-sunod pang tanong nito pero wala siya sa tamang huwesyo para sagutin ang dad niya.

Her head is aching, pati likod at buong katawan niya sumasakit din. Feeling niya lalagnatin siya sa sobrang sama ng pakiramdam niya. Idagdag pa na hindi siya nakakain kagabi kaya ramdam na ramdam niya talaga ang panghihina ng katawan niya.

"Sky?" her father called her once again.

Napakurap-kurap naman siya ng maramdaman ang mabilis na pangigilid ng mga luha sa magkabilang mata niya.

"Achuu!— I'm okay, dad... May pagkain pa po ba?" mahina niyang tanong dito. Hindi na niya hinintay pa ang sagot nito at pumasok nalang siya sa loob dahil kagabi pa talaga siya nagugutom.

She can endure everything kahit sobrang nasasaktan na siya. She can't please them to understand and take care of her kaya hindi nalang siya nagrereklamo.

Mabilis niyang binuksan ang rice cooker at nang makitang may kanin pa ay agad siyang kumuha ng plato. Akala niya may ulam pa pero wala na kaya naman magtitiis nalang muna siya sa ulam na toyo.

Her hands are trembling. Gutom na gutom talaga siya. She doesn't know why she has to experience all of this sh*t in life. She badly want to know the answers kasi sa totoo lang, masyado na siyang clues less sa lahat ng mga nangyayari.

Mabilis niyang pinunasan ang mga luhang naglandas sa magkabilang pisngi niya. Hindi niya namalayang umiiyak na pala siya. Pinilit niya nalang ang sarili na pagtuonan na lamang ng pansin ang pagkain nasa harapan niya.

Nakakailang subo palang siya ng pagkain ng maramdaman niyang may pumasok sa loob ng kusina. Napatigil naman si Sky at tiningnan kung sino ang pumasok, kapagkuwan ay napayuko siya.

Ang mom nila...

"Saang lupalop kana naman nagpunta kagabi at ngayon ka lang nakauwi?"

"M-Mom—"

"Your kuya Skyde told me na hanggang 6:30pm lang ang  klase niyo, pero hindi ka pa rin sumipot sa bahay!" she yelled at her.

She bit her tongue to avoid herself from talking back at her. Panay rin ang kurot niya sa likod ng palad niya just to distract herself. Halo-halong emosyon na naman ang nararamdaman niya habang nakikinig sa mga sinasabi nito. Marami pa itong sinabi sa kanya pero nanatiling tikom ang bibig niya.

"Wala ka bang ibang alam na gawin kundi bigyan kami ng problema? We didn't raised you to be like this, Sky. You're so hard-headed. You never fail to disappoint us! Ano bang nangyayari sayo huh?" dagdag pa nito.

Doon lamang nagawang tingnan ni Sky ang mom nila. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit parang sagad sa buto ang galit sa kanya ng mom at dad nila. Kung hindi naman ito galit sa kanya, bakit palagi nalang masama kung ituring siya ng mga ito?

"Am I r-really a disappointment t-to you, m-mom?" Her voice was cracked, nasasaktan na naman siya mentally and emotionally.

Nakita niya kung paano ito matigilan dahil sa tanong niya. Hindi agad ito nakapagsalita at walang emosyon na napatitig lamang sa kanya.

Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Hindi ko po kasi maintindihan eh. All this time, ginawa ko naman po ang lahat para maging proud kayo sa akin. I d-did everything para matuwa rin kayo sa akin at ipagmalaki rin ako kagaya ni Kuya Skyde at ate S-Skylla... Hindi pa ba sapat ang lahat ng iyon at kailangan ko pang paulit-ulit na maranasan ang lahat ng ito?"

"What are you talking about? Kung ayaw mo nang pinagsasabihan ka, then fixed yourself! Prove to us that you can excel in your class just like your ate Skylla and kuya Skyde" seryosong sabi nito sa kanya.

Napayuko si Sky. "Mas importante po ba iyon kaysa sa akin, mom? Kung sabagay, hindi naman kasi ako kasingtalino ni kuya Skyde at ate Skylla, eh. Tanggap ko naman po, mom. At kahit ayaw ko, wala rin naman akong ibang magagawa kundi ang tanggapin ang katotohanan na pang-last choice lang ako..."

Napailing nalang si Sky at malungkot na nginitian ang mom niya bago kunin ang plato niya para hugasan. Pagkatapos ay tumalikod na siya at tahimik na lumabas ng kusina. Tila nawalan na din siya ng gana na ipagpatuloy ang pagkain dahil sa mga sinabi nito sa kanya.

Am I really a disappointment? Am I really that bad? Yes, I'm a hard-headed but only because they always forced me to do the things I really don't want for myself.

May sarili rin naman siyang pag-iisip kaya may karapatan din siyang magdesisyon para sa sarili niya at gawin ang mga bagay na alam niyang makabubuti sa kanya. Wala naman sigurong masama kung iisipin niya mun ang sariling kapakanan.

She also doesn't have to prove anything to them. Bobo siya? Then deal with it, whether they like it or not.

Tahimik na nagtungo na lamang siya sa kwarto niya upang maligo at mag-ayos sa sarili. Dahan-dahan niyang ini-locked ang pinto at nanghihinang napasandal na lamang do'n. This is your reality, Sky, and you can't escape from it.

Hanggang sa hindi niya namalayan na dinala na lamang siya ng sariling mga paa sa harap ng salamin. And there she saw the person who always endure the pain and drowning in tears in every silent night.

As she slowly take off all her clothes in from of the mirror, she can't help but to smile bitterly at her own reflection. She looks like a living corpse. She looks so pale and thin. Hindi lang napapansin ng pamilya niya kasi palagi siyang nagsusuot ng mga malalaking damit.

That worst feeling na kahit buhay pa siya, kabaliktaran naman niyon ang pilit ipinaparanas ng mundo sa kanya.


A/N: I don't know pero naiiyak talaga ako while writing this chapter ༎ຶ⁠‿⁠༎ຶ. Anyway, have fun reading po!

   

Continue Reading

You'll Also Like

26.3M 1.1M 57
{FIRST BOOK IN 'THE GIRL IN THE HOODIE' SERIES} {2014-2018} A girl moved to California two years ago. No one knows what she looks like. All th...
761 206 7
I know you admire someone, especially during your high school days; I'm sure you experience that, and like you, I liked someone too. I'm not sure why...
4.1M 169K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...