Her Last Hope (Vista Alegre S...

By WhiteGelPen

2.5K 386 72

Sky Demeter Illarionova, a girl who was diagnosed with cancer, has to pretend and makes her friends and other... More

Disclaimer
Synopsis
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16

Chapter 05

106 21 1
By WhiteGelPen

"KUYA..."

"Wala pa ba ang instructor niyo? I have something to tell you" seryosong sabi nito sa kanya na ipinagtaka naman ni Sky. She keeps on looking at her classmates na nasa kanila rin ang buong atensiyon.

Iniiwas niya ang tingin sa mga ito at muling tiningnan ang kuya Skyde niya. Seryoso pa rin ito at kunot na kunot ang noo, tila ba napakalalim ng iniisip.

She sighed deeply before she spoke. "Let's talk somewhere else, kuya Skyde..."

Hindi naman ito nagsalita at tumalikod na. Tahimik naman siyang sumunod sa kuya niya.

She have no idea why her brother needs to talk to her. Para bang napaka-importante talaga ng sasabihin nito at kailangan pa na dito sa school nila dapat pag-usapan. Hindi ba pwedeng mamaya nalang pagka-uwi nila sa bahay?

Mukha ring kararating palang nito sa Vista Alegre dahil basa pa rin ang buhok nito at dumiretso agad sa department nila para lamang kausapin siya.

Dinala siya nito sa lugar na masyadong familiar sa kanya, sa garden ng university. Nang huminto ito sa pinakagitna ng garden, doon lamang siya kinabahan.

She bit her lower lips as she wait for him to speak. Hindi niya alam kung para saan ang pag-uusapan nila. May nagawa na naman ba siyang mali na hindi niya alam?

"Kuya?"

She heard him sighed deeply. "Mom called me earlier. Gusto ka daw niyang kausapin mamaya..."

Nangunot naman ang noo niya sa sinabi nito. She wants to talk to her later? Bakit hindi siya ang tinawagan nito?

Agad namang binuksan ni Sky ang cellphone niya to check if there's any missed call from their mom pero wala.

"Why she didn't call me, instead? If ako naman pala ang gusto niyang kausapin mamaya?" may halong pait na tanong niya sa kuya Skyde niya. Doon lamang humarap sa kanya ang kapatid.

"She told me that she keeps on calling you but you're not answering her call" nagtatakang sabi pa nito.

Doon siya mapait na natawa. She keeps on calling her? Kung gano'n, bakit wala man lang siyang natanggap na missed call ni isa mula sa mom nila?

"I don't know, kuya Skyde. At akala ko ba hanggang 3-4 days sila doon? So, paano niya ako kakausapin mamaya?" she asked him.

Iyon naman kasi ang pagkakaalam niya. Kahapon palang kasi umalis ang mga ito.

"Iyon din ang pagkakaalam ko. But she said na hindi na raw matutuloy at uuwi na sila mamaya. We need to be there at home before 5:30pm" dagdag pa nito.

5:30pm? "But, kuya Skyde, may class pa ako from 5:00pm to 6:30pm!"

"I know that, Sky. Pero kilala mo si mom..." naiiling na sagot lamang nito.

Napayuko nalang si Sky. Makikinig ba siya? Siguro nga kilala niya talaga ang mom nila na walang ibang ginawa kundi ang kontrolin ang buhay niya.

Hindi ka pa ba nagsasawa, Sky?

"I'm sorry, kuya Skyde, pero ayokong um-absent sa last class ko mamaya..." seryosong sagot niya sa kapatid.

"But, Sky—"

Seryoso niya itong tiningnan bago muling magsalita. "Why, kuya? Hindi ba pwede na even for once, sundin ko naman kung ano ang gusto ko? Kung nag-aalala kang mapagalitan ako ni mom and dad, sa tingin mo ba may bago pa do'n?"

Nakita niya kung paano nito marahas na ginulo ang buhok at tiningnan siya na para bang isang kahibangan ang pinagsasabi niya.

"Are you crazy, Sky? Mas lalong magagalit sila mom and dad sayo if magiging matigas ang ulo mo"

Napakagat labi siya at tumingala sa kalangitan. Hindi na makulimlim, hindi katulad kaninang umaga.

"I'm not crazy, kuya Skyde. Pero you know what, mas mabuti pa nga ang baliw, inaalagaan at kailangan bantayan dahil wala sa tamang pag-iisip. Samantala ako, hindi nga baliw pero mababaliw na sa kakaisip kung saan ba ako nagkulang para maranasan ang lahat ng ito..."

"What are you talking about?"

She looked at him then she smiled. Kapagkuwan ay umiling siya. "Nothing, kuya Skyde. Anyway, ire-ready ko nalang ang sarili ko para sa sermon ni mom mamaya. Babalik na ako sa department namin"

Tumalikod na siya at nagsimula nang maglakad palayo sa kuya niya. Hindi pa man siya masyadong nakakalayo nang muli itong magsalita.

"Do you really need to sacrifice yourself para lang sa last class mo?"

Napahinto siya sa paghakbang nang marinig ang sinabi nito. "Isang subject lang iyon, Sky, pero mas gugustuhin mong mapagalitan ka ni mom para lang do'n?"

Nilingon niya ang kuya Skyde at malungkot itong nginitian. "Para lang do'n? Isang subject lang? I'm trying my best to achieve everything para lamang ma-reach 'yong expectation and standard ni mom and dad, then you're going to asked me that question? Na para lang do'n?"

Natigilan naman ito sa sinabi niya. Nagpatuloy siyang magsalita.

"You see, kuya... I'm not like you and ate Skylla. Unlike you, I'm not genius and competitive enough sa class namin. Sinubukan ko naman, but still I failed. Unlike ate Skylla, I'm not famous and talented para ipagmalaki rin nila mom and dad. Kaya huwag ka nang magtaka kung mas gugustuhin kong mapagalitan kaysa um-absent sa class ko. Gusto ko lang naman patunayan kay mom and dad na kahit bobo ako, gusto ko pa ring makapagtapos ng pag-aaral at makamit ang pangarap ko..."

After saying all those words, tuluyan na siyang naglakad palayo at umalis sa lugar na iyon.

"YOU looked pale, langit. Sigurado ka bang okay ka lang?"

Tipid na tinanguan lamang niya si Ruin ng muli siya nitong tanungin. Kanina pa sumasakit ang ulo niya at hindi niya magawang makapag-focus sa test paper na nasa desk niya ngayon dahil may mga times na bigla nalang lumalabo ang paningin niya.

This is the real reason why she chose to attend her last  class. Hindi niya na nagawa pang banggitin sa kuya Skyde niya kanina pero mid term talaga nila sa subject nilang Art Appreciation.

Masyado lang din siyang nadala ng sariling emosyon niya kanina kaya kung anu-ano ang kusang lumalabas sa bibig niya.

"Last 10 minutes. Finish or not finish, you have to submit your test paper..."

Medyo marami-rami ang hindi niya pa nasasagutan. Sobrang sakit kasi talaga ng ulo niya.

"Ahh..." Nasapo nalang niya ang kanyang ulo ng bigla itong kumirot. Not now, please! Not now...

"Okay ka lang?" tanong naman ng nasa left side niya, si Dina. Tumango lang siya sa babae at muling itinuon ang buong atensiyon sa test paper na nasa harapan niya.

Think faster, Sky! Marami ka pang sasagutan...

Pinilit niya pa ring mag-focus sa pagsagot ng test paper niya. Nagawa niya namang sagutan ang ibang items pero hindi niya talaga kayang sagutan ang iba. Wala naman kasi iyon sa mga topic na idiniscuss ni Mr. Lanuza sa kanila.

"Okay. Time is up. Pass your paper to the front, now."

Walang nagawa si Sky kundi ang i-pass ang test paper niya. Hindi pa rin nababawasan ang pananakit ng ulo niya kaya bahagya niyang isinandal ang ulo sa desk niya, paharap kay Ruin.

Tumingin naman ito sa kanya, bakas ang pag-aalala sa mukha. "Okay ka lang talaga? Sure ka?"

She nodded again. Napailing naman ito at panay ang sulyap sa kanya. Ipinikit niya ang dalawang mata upang i-relax ang kanyang sarili. Hindi niya naman maiwasang muling sumagi sa isipan ang isang familiar na boses ng isang tao.

If ever na biglang sumakit ang ulo mo at hindi mo nadala ang gamot mo, just calm and  relax yourself...

Hanggang sa i-dismissed sila ni Mr. Lanuza, their instructor in Art Appreciation ay nanatili pa ring tahimik si Sky. Medyo effective naman ang ginawa niyang pagr-relax sa sarili dahil nabawasan kahit papano ang sakit ng ulo niya.

"Susunduin ka ng dear brother mo?" Ruin asked her. Natigilan siya sa tanong nito.

"O-Oo...On t-the way na d-daw si k-kuya"

Hindi niya alam kung bakit iyon ang naisagot niya sa tanong ng kaibigan. Seriously, Sky? After what happened kanina, do you think na susunduin ka no'n?

Tinaasan naman siya nito ng kilay, tila hindi kumbensido sa sagot niya. "Eh, bakit nauutal ka?"

Nagpanggap siyang tiningnan ang cellphone niya. "Hindi ah, nag-text na nga si kuya Skyde. Mauna na ako sayo. Mag-iingat ka sa pag-uwi mo..."

Kumaway pa siya kay Ruin at patakbong tinahak ang hallway papalabas ng gate. Sinulyapan niya lang ang guard na naroon at tuluyan nang lumabas ng Vista Alegre.

She glanced at her wrist watch, at nang makitang lampas 6:30pm na ang oras ay binalot na naman ng kaba ang sarili niya. For sure, papagalitan na talaga siya ng mom and dad nila.

Hindi niya rin maiwasang malungkot ng makitang wala man lang ni isang text message mula sa mga ito. Kahit sa kuya Skyde at ate Skylla niya, wala. Minsan naiisip niya kung nag-aalala nga ba ang mga ito sa kanya.

Dream on, Sky. Huwag ka nang umasa kasi malambong mangyari 'yon.

Wala ring sasakyan na gustong magpasakay sa kanya dahil halos punuan ang mga ito. Kung maglalakad naman siya patungong bus station, matatagalan pa siya kasi medyo malayo iyon sa university.

Medyo nabuhayan naman siya ng loob ng mapansin ang isang bus na paparating. Pero mukhang puno rin siguro dahil may mga pasaherong nakatayo malapit sa driver.

Nang huminto ang bus sa harap niya ay nagdalawang-isip pa siya kung sasakay ba siya o hindi. Pero hindi pa man siya nakakagalaw sa kinatatayuan niya ng may dalawang estudyante ang naunang sumakay kaysa sa kanya.

Tumingin naman sa kanya ang conductor ng bus. "Kasya pa isa, miss. Sumakay ka nalang kaysa maghintay ka pa nang susunod na bus na dadaan..."

Tatanggi na sana siya at handang sabihin na mag-aabang nalang ng panibagong bus, nang biglang may humila sa braso niya papasakay sa bus.

Hindi man lang magawang maka-react ni Sky at gulat pa rin sa pangyayari hanggang sa umandar ang bus. Ilang sandali pa bago siya mahimasmasan at doon niya lamang nagawang tingalain ang taong basta nalang humila sa kanya.

At ayon na naman ang traydor na puso niya, bigla na namang tumibok ng mabilis, parang kakapusin yata siya ng paghinga.

"Have you seen my ID? Mukhang naiwan ko kasi sa bus kanina..."

And her heart skipped a beat once again.

   

A/N: Enjoy reading!

Continue Reading

You'll Also Like

1M 15.3K 38
Ivy Williams had always aspired to complete her university journey without any interruptions or complications. However, not even two months into her...
3M 192K 89
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
3.4M 145K 61
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
148K 11.5K 20
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...