I'm Lori, I'm Lori too.

By Inkshiwp

190 64 4

There is a woman who lives a very simple life. She is Lori, her family is complete but she feels that it is n... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9

Kabanata 4

13 4 1
By Inkshiwp

***

Nagising ako ng maaga mga alas sinco ganon. Ewan pero dapat talaga matutulog ako ulit pero imbis na matulog ay bumaba na ako para pumunta sa kusina. Wala rin kase si Mama sa tabi ko. Hanapin ko sana.

Pag baba ko ay medyo madilim pa sa labas. Pumunta agad ako sa kusina dahil may parang nag luluto na yata. Baka sila Manang at Mama.

"Unahin na nating iluto yung manok" Boses ng isang lalaki.

"Osige Ikaw na garod ang mag luto." Saad naman ng isa. "Bolaga!" Gulat ko sa kanila.

"Sus maryosep!" Saad ni Manang Rosaryo sabi ko na nga ba Ikaw yan eh. "Aga mo naman nak" Saad ni Mama ng makita ako pag labas nya ng banyo.

"Matutulog pa sana ako kaso rinig ko na sila Manang rosaryo at Manong Dino eh." Saad ko at kumuha ng tubig sa ref.

"Pasensya ka na Lori eto kasing si Dino nag mama-inam eh" Natatawang ani ni Manang Rosaryo at tinuro si Mang Dino.

"Gusto ko lang naman tumulong eh" Sundot naman ni Manong Dino at napa-kamot sa batok.

"Ay sha Lori since andyan ka naman na. Ikaw na ang sumama kina Kuya mo!" Utos ni Mama sa 'kin. Syempre ako lang naman ang Lori sa bahay na ito. Hays bumaba lang naman ako nautusan pa. Joke

"Aano po ba?" Tanong ko. Inabot naman ni Manang ang sandok kay Mang Dino at lumapit sa amin. "Ay Ma'am gusto mo ako na ang sumama?" Saad nito.

"At ano Rosaryo iiwan mo kami ni Ma'am Beatriz dito." Singit ni Mang Dino at kunware pang tinutok ang sandok kay Manang. Napatawa naman si Mama. Para nanaman akong matutunaw sa ngiti mo Ma.

"Sige na Nay ako na sasama!" Sambit ko at ngumiti sa kanya. Inabot naman nya ang listahan sa akin ng mga bibilin at ang pera. "Bilin mo lahat yan. Walang labis walang kulang" Saad nito at hinawakan ang balikat ko. "Sige bye-i mudra"

Nag lakad na ako palabas nakita ko naman si Kuya Alejandro at Jian na palabas na ng gate.

"Morning Kuya's!" Sigaw ko napalingon naman yung dalawa at huminto sa labas ng gate. Tumakbo naman ako para maka sabay sa pag sakay nila sa kotse.

Pag sakay namin ay nag tinginan muna kaming apat. Eh bakit ba? Si Kuya Clayton ang driver si Kuya Alejandro naman ang nasa tabi nya. At kami ni Jian sa likod nila.

"Papanget nyo naman!" Lait ni Kuya Clayton sa amin. Napa kunot naman noo namin. Like duh? Porket car mo ito, gaganyan kana? Joke

"Wow hiya kame sayo ha!" Napa angat ang sulok ng labi ni Kuya Jian. Kahit kelan ka talaga init ng ulo eh noh? Yan tama yan.
Si Kuya Alejandro naman eh napa iling-iling lang. "Mga isip bata." Asar nito.

Pinaandar na ni Kuya Clayton yung kotse dahil nakita nya raw sinisilip kami nila Mama. Baka sitahin daw kami. May mga chismis sa utak ko wait.

Nung una curious ako bakit wala yung father ni Kuya Alejandro at Jian. At wala yung mother ni Kuya Clayton. Tapos dahil chismosa akong tunay eh nalaman ko yung reason.

Yung father ni Kuya Alejandro at Jian nag cheat sa mga nanay nila. Tapos nang hihingi ng 2nd chance hindi pinagbigyan kase raw hindi raw uso ang 2nd chance. Yung Mother naman ni Kuya Clayton eh namatay nung ipinanganak sya. So sad for him. Ako naman may Tatay pero Ewan. Okay lang naman.

"Alam nyo ba guys may pinopormahan itong si Lori!" Banggit nitong si Jian kina Kuya pinsan. Napalaki naman ang mata ko at tumingin sa kanya.

"Wag kayo maniwala sa lalaking toh!" Saad ko kina Kuya pinsan dahil tinignan ako ni Kuya Clayton sa salamin sa harap nya. Humarap naman sa amin si Kuya Alejandro.

"Aysus binata na si Lori!" Asar ni Kuya Clayton at tumawa naman itong katabi nya. "Dalaga ako. Maka binata ka naman. Ka offend ha!" Inis kong sabi sa kanila at umirap sa hangin.

"Pikon ay!" Asar ni Jian. Kala mo hindi na kita tatawaging Kuya. "Eh Ikaw nga bading eh!" Asar ko sa kanya at hinampas sa braso.

"Aba may dalaga pala tayo!" Sabat ni Kuya Alejandro kahit naka talikod. Napatawa naman ako ng malakas. "Paepal!" Pinitik ako nitong katabi ko.

"Tama yan Kuya Alejandro!" Saad ko sa kanya at mahinang hinampas ang balikat nya.

"Wag nyong ganyanin ang baby girl ko!" Asar ni Kuya Clayton kay Jian. Napa irap naman itong katabi ko. Oh ano ka ngayon?

Natigil na nga ang asaran namin dahil naka rating na kami sa palengke. Mag kaka pareho kami ng bibilin pero sari-sarili pa ang listahan o diba. Tinawag ako ni Kuya Alejandro at inabot sa akin yung listahan nya.

"Kung ano nasa listahan mo doblehin mo yung kuha para kasama na yung amin!" Saad nito tumango naman yung dalawa. Luh? Nautusan pa nga!

"Don't worry, Ikaw ang bibili kami ang mag bubuhat!" Singit ni Kuya Clayton. Tumango naman yung dalawa. Okay! Nilahad ko naman yung kamay ko.

"Ano yan?" Tanong ni Jian. "Abay yung pambili?" Sakto lang kaya itong pera na inabot ni Mama.

"Ay kala naman namin kung ano!" Pag ka tapos ay inabot nila sa akin yung tag 4k nila. Itakbo ko na kaya ito? Joke

Una naming pinuntahan ay yung bilihan ng mga Karne/isda ganon. Ito kase yung nasa listahan.

Mga bibilin.
— Bangus - Tilapia - Galunggong - Hipon - Crabs - Pusit - Dilis - Boneless na isda.
— 3kilo ng Manok at ng baboy
- hindi ko na iisa-isahin yung bibilin mo mahirap mag sulat. Basta bumili ka ng Sangkap pang nilaga, tinola, pang sigang, at pang adobo.

Ayan yung naka sulat sa papel. Pero yung naka sulat sa papel ng mga pinsan ko ay literal na sangkap ng mga bibilin nila. Tapos yung akin parang galit pa ang sulat. Tamad talaga mag sulat ni Mama. Joke

Sinunod na nga namin ang mga bibilin. Bumili kami ng mga naka sulat sa listahan. Isa na nga lang ang pupuntahan namin sa bilihan nang mga itlog. Wala naman naka sulat pero sabi nila eh pang emergency raw ang itlog kaya bumili na raw kami. Sila naman ang mag dadala kaya okay!

"Oh AL kunin mo toh!" Inabot ni Kuya Clayton yung bitbit nyang isda kay Kuya Alejandro. "Bigat!" Reklamo nito paano ba naman ay nasa kanya na ang manok eh ilang kilo yung manok ang rami. Habang itong si Jian ay nakikipag laban sa mga crabs na dala nya.

At ako eto dala ko yung Dilis at Hipon. "Kaya mo pa Kuya Al?" Tanong ko. Tumingin naman ito at tumango.

"Boss tatlong tray na itlog po!" Pag lapit ni Kuya Clayton sa tindero. "Tulad ho ng dati boss, 1,080" Saad nung Tindero pag abot ng itlog. Kung ako sayo Kuyang tindero literal na tatlong tray ang iaabot ko. Joke

Pag ka kuha nga ni Kuya sa itlog ay aayain ko na sana sina Kuya AL ang kaso nauna na pala sila sa Kotse. Nangawit na siguro at Hindi na kami hinantay pero bakit hindi ako tinawag!

"Nandito na pala kayo. Hindi nyo ako hinantay!" Reklamo ko sa dalawa nang makitang inaayos na nila yung mga pinamili sa likod ng sasakyan.

"Ang bigat kaya ng dala namin!" Sabi ni Jian habang inaayos yung mga crabs.

"Sorry naman dong!" Saad ko sa kanya. "Palibhasa Dilis at Hipon lang ang dala mo eh!" Habol nya pa at kunwareng galit.

"Baka mag away pa kayo nyan." Singit ni Kuya AL.

"Bilisan nyo naman kokotongan ko kayo eh. Nangangawit na ako dito oh!" Bulyaw sa amin ni Kuya Clayton mula sa likod namin. Andyan ka pala. Kaagad naman kaming gumilid tatlo at pinaraan sya para mailagay yung itlog.

"Hoy ano ibaba nyo!" Saad nito at nginusuan yung itlog. Nag katinginan pa kami ni Kuya AL bago kuhanin yung itlog. Si Jian naman eh pumasok na sa kotse.

Habang bumabyahe kame eh may nakita silang kainan balak pa nilang kumain kami pero sabi ko alas syete na baka mahuli kami sa klase namin. Kaya dumiretso na kami pauwe ng bahay.

7 : 30 na ng makauwe kami ng bahay. Ipina kuha na lang yung mga pinamili sa mga kanya kanya nilang maids. At ako nandito ako sa kwarto nag hahanap na ng susuotin. Pag baba kase namin sabi ni Jian bilisan ko raw kase bago mag alas otso eh dapat nasa school na kami.

Naka bihis na ako at isinuot ko lang yung regalo sa 'kin ni Mama na Pants na may design na power puff girl sa laylayan. At ang suot ko pang itaas ay white shirt na may maliit na design sa kaliwa. Si buttercup hehe my baby.

Pag ka baba ko ay naabutan ko sila Mama na nag aayos na para sa breakfast. Nakita ko naman si Jian na nakiki kuwit sa bawat putaheng nilalapag nila Manang Rosaryo at Manang Roda. Wala si Mang Dino.

"Huy bading Tara na!" Aya ko sa kanya at sinundot sya sa tagiliran.

"Kain muna tayo, sarap luto nila oh. Di nag luto si Mommy!" Masayang wika nito at naupo pa.

"Alam kong sasabihin mo yan kaya nag pabaon na ako kay Mama!" Sagot ko at sakto namang inabot ni Mama yung baon namin ni Jian tig-isa kaming lunch box. Hehe!

"Thankyou Tita Beatriz!" Saad nito at inaya na ako. "Bye mudra" Paalam ko at nag flying kiss. "Muah!"

Bumabyahe kami ni Jian papuntang skwelahan. Nang mahagip ng mata ko yung sasakyan nila Lorisus. Alam ko ganon yun eh!

"Mukha kang tanga dyan. Mabali yang leeg mo sige!"

"Parang sasakyan ni Lorisus yun eh."

"Bukang bibig mo nanaman yan! Naku ha nahahalata ka." "Baka nag kakamali ka lang!"

"Mag kakamali, pero hindi susuko." Seryoso kong sabi. Napa Luh naman sya.

"Seryoso mo naman!"

"Pina-alala mo yung pag kakamali eh!"

"Sus sino nanaman na-alala mo dyan sa sinabi ko?" Usisa nya.

"Si Papa!" Nalungkot ako bigla. Na miss ko na si Papa kahit kakaiba ang ugali nya. Hindi tulad dati na sobrang normal namin.

"Naku na miss mo lang Dad mo. Try to visit him if you have time!" Lumingon ito sa gawi ko. Buti wala ako sa tabi mo baka makita mo tumulo onti sipon ko.

Nakarating kami ni Jian sa skwelahan at dating gawi ibinaba nya ako sa gate at ipinarada nya yung kotse nya. Sanaol may kotse.

Habang hinahantay ko si Jian eh nakita ko naman na lumabas si Lorisus sa kotseng itim. Wow naka hoodie! Malamig ba sa inyo? Nakita ko na biglang napatili yung mga babae sa gilid. Inaabangan ba nila si Lori? Wow famous.

"Good morning, Lori." Bati ko sa kanya lumingon naman ito sa akin at biglang tumakbo ng mabilis. Napatingin naman sa akin yung tatlong babae na natili kanina.

"Bruha!" Gulat sa akin ni Jian kaya hinampas ko sya sa braso. Nauna naman itong lumakad. Sumunod naman ako narinig ko pa na nag bulungan yung tatlong babae. Bulong pero narinig ko panis!

Hinatid ako ni Jian sa tapat ng hagdan sabi nya eh hanggang dito na lang raw kase may kailangan syang asikasuhin. Ano kaya yung aasikasuhin nya? Baka girlalu ah! Hala binata na. Hala Uyy!

Nasa kalahati na ako ng pag akyat sa hagdan ng makita ko si Lorisus sa gilid naka sandal sa pader at naka cross arms. Mukhang may hinahantay sya. Nang makita ako ay mabilis syang humakbang pataas na. Hahabulin ko sana pero bigla akong natapilok. Naka rubber shoes na nga natapilok pa. Tanga.

Literal na mag kakamali, pero hindi susuko. "Mag kakamali ng hakbang pero hindi susuko sa pag akyat." Hay Paps.

Pag pasok ko sa room namin ay hinanap ko kaagad si Lorisus. Parang di tayo mag ka pangalan ah.

"Hi Lori!" Bati sa akin nitong si Ms. Ganda sya yung babaeng nasa tapat ng pinto. Napatingin naman si Lorisus. Assuming ako yung binati!

"Hello din po, Ikaw po si?" Tanong ko sa kanya.

"Haven" Sagot nya at nilahad yung kamay nya inabot ko naman ito. Nag shake hands kami. "President"

"Nice to meet you po hehe. Pres!"

"GUYS!" Sigaw ni Haven sa mga classmates namin. Wow ang aga pa pero andami na namin. "Let's welcome Loribeth or Lori for short!" Umakbay ito sa akin. Ehe hala!

"Hi Lori!"
"Wow same nickname Lorisus!"
"Wow hi! Hindi halatang favorite mo ang power puff girl!"
"Hi bessy welcome!"
"Family kana namin!"

Sari saring saad nila. Akala ko masungit kayo! Mabait pala kayo sorry guys judgemental lang! Ngumiti naman ako sa kanila.

"Thankyou!" Saad ko at yumuko bilang pag galang. Basta ewan ganon ako nayuko na lang hehe.

"Tara doon ka muna sa tabi ko." Turo nya sa bakanteng upuan. At marahan akong hinila. Aray.

"Teka masakit yung paa ko hehe!" Saad ko. Napa tingin naman sya sa akin. "Napano ka?"

"Ah wala na ano lang ako sa hagdan. Natapilok" Sagot ko at kumamot sa ulo ko.

Nag usap kami ni Haven mga ilang minutes din ganon. May mga ibang kaklase ako na lumapit para makipag kilala ganon. Jinudge ko lang talaga sila nung una akala ko kase masungit sila.

"Power puff girl pati notebook mo!" Sigaw nitong si Kaylen kaibigan ni Haven. Heaven hehe. "Sige lakas mo pa sis!" Inis na Saad ni Haven. "POWER PUFF GIRL PATI NOTEBOOK MO!" Sigaw nga nitong ni Kaylen.

"Ang dali nyang kausap noh! Uto uto sya!" Natatawang wika ko kay Haven.

"Grabe ka naman Lori!" Saad nito.

"Trot naman kase Kaylen parang di nag grade 2 ah!" Singit ni Haven.

"Balik muna ako sa upuan ko ha!" Paalam ko sa kanila. "Sige bebe!" Sabay nilang sagot.

"Wag masyado maingay guys!" Sigaw ni Haven sa mga kaklase namin pag talikod ko.

Gusto ko lang talaga medyo malapit kay Lorisus hehe.

"Lorisus feeling ko, Ikaw yung nakita ko sa 7 eleven last night!" Ibinaba ko yung bag ko sa upuan ko at lumipat sa tabi ni Lorisus.

Hindi naman ako nito pinansin at inilabas ang selpon. "Huyy!"

"Hindi ako lumalabas ng gabi." "Okay kana?" Wika nito, nang hindi manlang lumingon sa akin. Sungit. Napairap na lang ako sa hangin.

Continue Reading

You'll Also Like

423K 17.2K 61
╰┈➤ *⋆❝ 𝐢'𝐝 𝐫𝐚𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐧𝐨𝐭 𝐥𝐨𝐬𝐞 𝐦𝐲 𝐜𝐨𝐟𝐟𝐞𝐞 𝐭𝐚𝐛𝐥𝐞 𝐚𝐬 𝐚 𝐫𝐞𝐬𝐮𝐥𝐭 𝐨𝐟 𝐲𝐨𝐮 𝐩𝐢𝐬𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐟𝐟 𝐭𝐡𝐚𝐭 𝐭𝐢𝐦𝐞-𝐛...
2.2M 115K 64
↳ ❝ [ INSANITY ] ❞ ━ yandere alastor x fem! reader ┕ 𝐈𝐧 𝐰𝐡𝐢𝐜𝐡, (y/n) dies and for some strange reason, reincarnates as a ...
155K 7.2K 52
Four siblings, two elder brothers and two younger sisters living with their rich parents!! Get ready to enter the life of these siblings and their fa...
605K 14.7K 34
Diana Featherington is the only child of the younger brother of the Baron Featherington. With the passing of both parents Diana has lived with the Ba...