Boyfriends Season 1 | Heartfu...

By chrisseaven

21K 666 228

Christian struggled to come out as a bisexual, he kept it hidden and pretend straight. Despite of that he som... More

Boyfriends
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Author's Note
About Boyfriends
About Self
Bonus Scenes
Annoucement

Chapter 3

818 23 0
By chrisseaven


CHRISTIAN LAKE

IT'S 12 noon and it's probably our lunch time, kaya patungo kami ngayon ng mga kaibigan kong sina Hweb at Jason sa cafeteria.

Habang naglalakad kami sa loob ng campus ay hindi ko mapigilang mainggit sa nakikita kong mga gay na confident rumampa sa daan na parang kasali sa beauty pagent, daig pa nila kung lumakad ang mga kasama nilang babae.

"Mabuti pa sila, loud and proud, samantalang tayo, wala namang mali sa atin, pero takot na takot tayo ipakita ang totoong tayo," napabuntong hininga nalang ako.

Hinawakan ni Hweb ang likod ko. "It's okay, everything takes time naman, soon kapag handa na tayo, we will unite with them, sasama tayo sa kanila sa pagtaas ng bandera natin," may ngiti sa labi niya.

Biglang nagtaas ng nakakuyom na kamay si Jason. "And I'm here to always support you guys..." abot tenga ang ngiti niya.

"Shhh...magiging katulad ka din namin, sinasabi ko sa 'yo," pabirong sabi ni Hweb at nagtawanan na kami.

Kahit na hindi ko pa maipakita sa lahat ang totoong ako, masaya naman ako dahil may dalawang kaibigan ako na naiintindihan ako, kahit papaano ay may mga oras na hindi ko kailangang magpanggap.




I am thankful when I meet Hweb. It all started when we are in grade 6 sa ibang school, naging mag classmate din kami no'n. Every time na pumapasok ako, siya ang binabantayan ko at kung minsan ay iniiwasan ko, dahil parang lagi niya ako ino-observed bawat galaw ko.

Pero hindi madali dahil naging magkatabi pa kami, pariho kasing sa L nag start ang mga surname namin, Lake and Last. Ganun ang setting arrangement namin dati, by alphabetical order.

There was a time na gustong-gusto ko na no'n ipagpatuloy ang pagbabasa ko sa isang pocket book na boys love o bromance. Tinignan ko muna ang paligid bago ko ito kunin sa bag ko.

Mukhang busy naman lahat ng students dahil uwian na kaya siguradong walang makakapansin sa akin. Kinuha ko na sa bag ang libro at habang nagbabasa ay sinigurado ko pang natatakpan ng mga kamay ko ang book cover nito para walang makapansin.

Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko ay narinig ko ang malakas na sigaw ng mga students na naghahabulan sa daan, bagay na gumulat sa akin, subrang magulatin kasi ako, kaya nabitawan ko pa ang libro.


Pupulutin ko na sana ang libro ngunit naunahan ako ng isang lalaki. Dahan-dahan siyang tumayo at inabot sa akin ang libro. "Your book, nahulog mo..." mahinahong sabi niya.

Napanganga ako at hindi ko mapigilan ang kaba sa dibdib dahil si Hweb pala ito, lalo pa akong kinabahan nang tinitignan niya ang book cover ng libro habang hinihintay na kunin ko ito sa kamay niya.

"S-Salamat..." kabadong sabi ko habang dahan-dahan na kinuha ang libro.

Bigla nalang siya ngumiti. "S-Sige, mauna na ako..." sabi niya.

Habang nakalayo na siya ay nanatili naman akong nakatayo dito, hindi ko mapigilang mag-isip anong ibig sabihin ng ngiti niya at kung bakit hindi niya ako tinawanan nang makita ang binabasa ko, tulad nalang ng mga kapitbahay namin.




Sumunod na araw, dala-dala ko pa rin no'n ang libro, lagi naman talaga akong may dala ng libro sa bag, mas nakakalimutan ko pa ang pencil case ko kaysa sa libro.

Lunch time ang perfect time para magbasa ako, dahil ako lang mag-isa ngayon sa classroom, nando'n ang lahat sa canteen. Dahil ako lang isa dito ay nakuha ko pang sumigaw nang sumigaw sa subrang kilig.

Hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili ko, sa subrang kilig ay aksidenti kong natapon ang libro, kasabay naman nito ang pagpasok ni Hweb. Tatayo sana ako para kunin ang libro pero kinuha na niya ito sa sahig at dahan-dahan na lumakad papunta sa akin.

Nahihiya ako, hindi ko siya magawang tignan.

Nakaupo na siya ngayon sa tabi ko. "Your book, again..." tumawa siya na nakangiti.

"T-Thanks..." dahan-dahan ko kinuha ang libro habang nakayuko pa rin.

"Ang ganda ng taste mo sa libro," biglang sabi niya.

"Thanks," nakayuko pa rin ako habang hindi ko magawang buksan ang libro.


Mayamaya ay nagtataka na ako dahil hindi na siya nagsasalita at para bang may kinuha din siya sa bag niya. Dahan-dahan ko siyang nilingon at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang librong binabasa niya.

"GL?" Napanganga ako.

Nilingon niya ako. "Yeah, I do love reading this...pati na bl, tulad ng binabasa mo, actually kakatapos ko palang n'yan..." maaliwalas ang ngiti sa mukha niya.

Naging abot tenga naman ang ngiti ko at muling nagpatuloy sa pagbabasa, hindi na ako nakaramdam ng hiya sa kanya, tulad ko ay napapangiti din siya sa librong binabasa niya.

Tahimik ang paligid, kaya pagkakataon ko na para tanongin siya sa bagay na gumugulo sa akin.

"H-Have you ever questioned yourself, like "ano ba talaga ako?" "may mali ba sa akin?" kasi ako, oo. This curiosity about my sexuality, kills me, for a long time..." naging mababa ang tuno ng boses ko.

Dahan-dahan niya akong nilingon. "Yeah, everyday. That feeling of having love interest to a girl, then the next day you meet a boy, you appreciate him, and feelings turn to something deeper. I hate it. Every night, I kept thinking "why am I like this?" pero hanggang ngayon hindi ko pa rin masasagot," sa tuno ng boses niya ramdam ko ang lungkot.

Natahimik kami at parang hindi namin magawang magsalita.

Pinilit kong ngumiti. "But we don't need to figured everything out right now. Maybe this is just a part of who we are, and we don't need to hate ourselves." Kalmadong sabi ko.

"Yeah, your right." Ngumiti siya.





The next day turn so worst. Akala ko magiging okay na ang lahat, akala ko matatanggap na ako ng iba like how Hweb did, pero hindi pala, hindi pala lahat katulad ni Hweb. Subra akong umasa.

Hindi na ako nahihiya basahin ang libro na 'yon. Habang naglalakad sa loob ng campus ay pinagtitinginan ako ng mga kapwa ko elementary students, may iba pang nagbubulongan, masama ang tingin nila sa akin na para bang isa akong kriminal.

Pagkapasok ko sa classroom namin ang libro na hawak ko ang agad nilang napansin. "Christian, ano 'yang binabasa mo?" Tanong ng pasaway naming classmate na lalaki.

Dahil akala ko maintindihan nila ako, itinaas ko pa ang libro para makita nilang lahat. "It's a bromance novel, never heard of it? Maganda siya, about siya sa prince na nagkagusto sa bodyguard niyang lalaki, try niyo basahin 'to, nakakakilig siya..." ngumi-ngiti pa akong nagsalita sa harapan nila.

Natahimik silang lahat at halos nahulog na ang baba.

"So bakla ka?" Kunot-noong tanong ng isa ko pang classmate.

Hindi ko masagot ang tanong niya dahil hindi ko pa nga alam kung ano ba talaga ako. And I am not a completely gay dahil may nagugustohan naman akong babae na kaibigan ko lang.


Bigla niyang kinuha sa akin ang libro. "Bakla pala 'tong si Christian eh...ito ba ang crush niyo girls, nagpapanggap na lalaki, dakilang bakla naman pala..." natatawang sabi niya at tinawanan na nila akong lahat ngayon.

"H-Hindi ako bakla..." hindi ko napigilan magsalita.

"Anong hindi?! Eh wala namang tunay na lalaki ang nagbabasa ng ganitong klase ng libro," iniwagay-way niya pa sa itaas ang libro.

Dahan-dahan siya lumapit sa akin at itinutulak-tulak niya ako. "Umamin ka na, bakla ka, bakla ka..." tuwang-tuwa siya sa ginagawa niya sa akin.

Hindi pa niya ako nilubayan dahil sinasapak pa niya ang dibdib ko gamit ang libro. Hindi ko naman magawang manlaban dahil napangunahan ako ng hiya at takot.


Biglang may kung sino ang humawak ng kamay niya, lumingon ako at napanganga nang makitang si Hweb ito.

"Tama na 'yan. Hindi siya bakla. Isa siyang bisexual." Sabi niya dito na mukhang nagpagulat sa lahat, maging ako ay nagulat dahil ngayon ko lang narinig 'yon.

"Huh? Anong 'yang sinasabi mo?! Huwag muna pagtakpan ang kabaklaan ni Christian, bakla 'yan eh, mga salut daw sabi ng papa ko..." umangal pa rin ang classmate namin.

"Salot..." bigla akong itinulak ng pagkalakas ng dalawa ko pang classmates, kaya tumilapon ako ngayon at nadapa sa sahig.

"Tumigil na kayo!" Sigaw sa kanila ni Hweb habang hinarangan sila para hindi makalapit sa akin.

Nasa likod ako ni Hweb at hindi ko mapigilang lumuha habang dahan-dahan na tumayo. Pagkatayo ko ay hindi ko na nakayanan ang sakit, kaya agad akong tumakbo palayo dito.




Mag-isa akong tumambay dito sa playground at habang nakaupo sa duyan ay patuloy naman sa pagpatak ang mga luha ko.

Biglang may nag abot sa akin ng panyo. "Stop crying, I'm always here, ipagtatanggol kita laban sa kanila..." ang familiar na boses na 'yon ay kay Hweb.

Dahan-dahan ako nag angat ng tingin at tinanggap ko ang panyo niya. "T-Thank you..." pinunasan ko ngayon ang luha ko.

"Ito pala ang libro mo, kinuha ko sa kanila," inabot niya sa akin ang libro at dahan ko naman itong kinuha.

Umupo siya sa kabilang duyan. "Huwag muna silang pansinin. Ang mahalaga wala tayong ginawang masama sa kanila." Saad niya.

Tumango naman ako bilang pag sang-ayon. "Ano pala 'yong bisexual na sinabi mo kanina?" Tanong ko.

"Nag search ako kagabi tungkol sa sexuality natin, I searched on google "what is it called when you like a girl and a boy?" and the answer is we are a bisexual!" Nakangiting sabi niya.

Bisexual: Refers to an individual who has the capacity for attraction—sexually, romantically, emotionally, or otherwise—to people with the same, and to people with a different, gender and/or gender identity as themselves.

"And napag-alaman kong we are part of the LGBT Community, a defined group of lesbian, gay, bisexual and transgender individuals united by a common culture and social movements. Ang cool 'di ba, akala ko tayo lang, napakarami pala natin, we should also be loud and proud..." nakita ko ang tuwa sa mukha ni Hweb.


Napangiti naman ako sa sinabi niya, pero may iilang bagay pa rin ang gumugulo sa akin ngayon, kaya nakaramdam pa rin ako ng lungkot.

"Anong meron? Bakit parang hindi ka masaya? Ito na oh, alam na natin kung ano ba talaga tayo,"

Nilingon ko siya. "Pero hindi lahat ng tao tanggap tayo. That's the reality. Kaya napag decisionan kong itago muna ito sa lahat." Sagot ko.

"Pero hanggang kailan mo itatago?" Tanong niya.

"Hanggat kaya ko. At kapag handa na ako, hindi na ako mahihiyang sasabihin sa kanilang bisexual ako." Naging mahinahon ako.

Hinawakan naman ni Hweb ang likod ko. "I respect your decision. Ganun na rin siguro ako, magpapanggap tayong straight sa high school, pero hindi nila alam na mga bading pala tayo..." nagtawanan naman kami sa biro niya.

"Pero seryoso. Kapag handa na tayo, itataas natin ang ating kulay." Tugon niya at ngumiti naman ako.




Do'n nagsimula ang pagkakaibigan namin ni Hweb. Best actors na 'ata kami, daig pa namin si Tian Martell sa subrang galing namin umacting. Mula grade 7 hanggang grade 10 ay walang nakakaalam na mga bisexual kami.

Liban nalang pagtungtong namin ng senior high. Si Jason ang unang nakakaalam sa sekreto namin, ilang beses na niya kami nahuling nanunuod ng bl shows, lalo na't magkatabi lang kami sa likod, pero ilang beses din kaming nagsinungaling sa kanya.

Alam naming nakakahalata na siya, kaya naging maingat kami sa mga kilos namin. Napalapit din naman kami sa kanya dahil madalas namin siyang nakakausap sa likod.

Kahit alam naming straight siya ay pinapakisamahan pa rin namin siya dahil pinipili naman niyang lumapit sa amin at makipag kaibigan.

Pero nong araw na sumama kaming dalawa sa bahay niya para gumawa ng project ay nalaman naming puro lesbian ang mga ate niya at support niya ang mga ito.

Dahil do'n ay naging comfortable na rin kami sa kanya. Sinabi namin sa kanya na pariho kaming bisexual ni Hweb, at naintindihan naman niya kami na kailangan muna naming itago sa iba dahil hindi pa kami handa mag out.

Laking pasalamat ko dahil nagkaroon ako ng mga kaibigan tulad nila.




Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 251K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
Tropa-Chups By Marie

Teen Fiction

9K 282 52
There was once a group of friends- Hazel, Joselle, Vanessa, Hannah, Cross, JC and Steve- who are always together. One day, Hannah and Hazel experienc...
111K 3.4K 29
You see Claire is human and Justin is well, um... An alien. When she finds him she takes him under her wing. Will things work out?
1.7M 94.6K 87
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...