Thessa
"No! I can't accept it! I gave you everything! I gave everything you asked for! I gave you everything you need!" No no no. This is ain't happening. This is just a dream. Joseph loves me, I know he loves me so much. I held his hands. "Look at me Joseph. Look at me"
He looked at my hands before he looked at me "Is that your everything Thessa? Is that it?" What? Napanganga ako sa mga salita niya. Nabitawan ko din ang kamay niyang mahigpit ang pagkakahawak ko kanina. "Well your everything is not enough Thessa. Kulang pa. Kulang na kulang pa"
Tagos saakin ang bawat titig at salita niya. Tagos ang sakit na nararamdaman ko. Seeing him looking at me without any emotions, Yung mga tingin niyang parang sinasabing sinayang ko lang lahat ng oras at panahon niya. Hindi ko kaya.
"Now Thessa, Can you please fucking let me go? Can you please accept the fact na hindi na kita mahal? Na tapos na tayo?" Tumango tango ako at tinitigan siya. Itinaas ko ang dalawang kamay ko as a sign of defeat.
"Go Joseph. Im setting you free. Sana sa susunod ay makahanap ka ng babae na maibibigay kung ano man yung enough para sayo" I wiped my tears "From now on Im letting you go"
Tinalikuran ko siya, I walked a way. Pero sa paglayo ko ay inaasahan ko padin na sundan niya ako o kaya ay tawagin niya man lang ako. Umaasa pa din ako na kasinungalingan lang ang lahat. Na pinagttripan niya lang ako. Pero hanggang sa tuluyan akong makalayo, Walang Joseph na humabol o tumawag man lang sakin.
----------------------------------
"Thessa? Wake up! Tanghali na" I heard a knock. Ang sakit ng ulo ko at parang hindi ko kayang buksan ang mga mata ko. Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok kung sino man yung kumakatok. "Hey Thessa"
"What?" I tried to answer.
"It's late. You don't usually woke up this late. Wala pa ang boyfriend mo. Hindi ka niya susunduin?" Sumikip ang dibdib ko. Naalala ko na ang nangyari kagabi kaya sobrang sakit ng ulo ko. I remembered it clearly. Was it a dream? Hindi ko napigilang mapaiyak. "Hey. What happened?"
Inalis ko ang pagkatakip ng kumot sa mukha ko at umupo. "Shit" I heard Ate Rhy cussed. Mabilis siyang tumabi saakin at niyakap ako. "What happened? Tell me"
"He left me ate. He left me" Ang sakit ng dibdib ko. Hindi ko mapigilan ang paghikbi ko "He said my everything is not enough. He said he doesn't love me anymore"
"No. he can't do that, Joseph can't do that to you" She faced me and wipe my tears.
"He just did ate" Patuloy ang pagiyak ko sa maghapon. Hindi ako lumabas ng kwarto. Sinamahan lang ako ni ate. Maya maya ay nagpaalam siyang lalabas sandali. Lumabas ako sa veranda, Madilim na pala. Umupo ako doon at tumingala.
God, why am I feeling this pain? Why do I have to feel this pain? Can't you just take it away from me? Can't you just save my tears? Napapikit ako ng maramdaman ko nanaman ang mga luha sa mata ko. Hindi ko ito pinunasan. Hinayaan kong tumulo ito. Alam kong kahit ano ang gawin ko, kahit anong dasal ko, hindi mawawala ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ito sakit ng ulo na pwedeng mapawi overnight.
Is this why they call it heart break? Dahil ba you can feel that your heart is breaking into pieces. Unti unting nababasag sa maliliit na parte na parang wala ng kayang bumuo pa ulit nito. Na walang ibang makakapag balik nito sa dati kung hindi yung taong dumurog din nito. I couldn't believe na nangyayari ito. Maayos kami ni Joseph, Hindi ko namalayang nawawala na ang pagmamahal niya. Na naghahanap pa siya ng higit pa. Na kulang pa ako sakaniya.
Narinig kong may nagbubulungan sa likod ko. Parang nagtatalo sila kung sino ang unang lalapit saakin "I heard you guys. Lumapit nakayo" I looked at them at nabigla sila, pero sa pagkabiglang yon ay kaagad din silang tumakbo palapit. They hugged me. Group hug.
"Im sorry Thessa. Hindi namin kaagad nalaman" Lalo akong napaiyak. Lalong napahagulgol sa presensya nila dito.
"Stop crying Thessa, I will surely kill that bastard pag nagkita kami" Inalis nila ang pagkakayap at umupo sa mga upuan dito sa veranda.
Umiling ako "No nik, Don't kill him. Gusto kong magkita kami pag kaya ko na, Pag malakas na ako at kaya ko ng maging okay na wala siya"
"Don't worry, We will help you. Hindi ka namin iiwan" I know, Alam kong ang mga kaibigan at pamilya ko ang mga taong maaasahan ko ngayon. Alam kong hindi nila ko bibitawan kahit anong mangyari, Kahit na sumuko na ako ay alam kong hindi sila susuko para saakin.
Days and months have passed. Hindi ko namalayang nakakamove on na pala ko. Natapos na pala yung mga araw na umiiyak ako magdamag, na naglalasing, na naaalala ko siya. Unti unti, Matagal at mahirap pero kinaya ko. Hinayaan kong ilabas ko lahat ng masamang nararamdaman ko at pinalaya ko ang sarili ko.
Not until that day, when that One letter came. The letter that changes my whole life.
Joseph
I left her, I let her go. Sinaktan ko siya. Ako na yata ang pinakagagong lalaki sa mundo. Pero anong magagawa ko? I love her so damn much to the point that I need to let her go. I need to sacrifice for my feelings. Alam ko na pag binitawan ko siya ngayon mas mababawasan ang sakit na nararamdaman niya. I just save her from me.
"Hindi mo yun dapat ginawa Joseph! Hindi mo lang siya sinaktan! Sinasaktan mo lang lalo ang sarili mo!" She hissed
"I know Denise! Pinaaga ko lang naman ah? Soon enough iiwan ko din siya! Mas masasaktan lang siya" Umiling nalang siya
"Hindi ka Diyos Joseph! Hindi mo alam kung mamamatay ka na! Hindi mo alam baka dahil sa pag iwan mo sakaniya baka mauna pa siyang mamatay sayo!" Then she walked a way. Sige lang, iwanan niyo akong lahat. I don't want everyone to see kung gaano ako ka duwag. I let her go, Dahil lang may sakit ako. I have this deadly Coronary Artery Disease. Hindi ko ito naramdaman, basta nalang isang araw bumigay ang katawan ko at dun ako nagpatingin sa doctor.
Pagka diagnose saakin ng doctor at sinabing malala na ang kondisyon ng katawan ko, siya agad ang pumasok sa isip ko. Hindi niya kakayanin ang sakit pag nalaman niyang mamamatay ako. Hindi niya kakayaning iiwan ko siya sa paraang ganoon.
Ilang araw akong nagtiis at nagisip bago ako nakipaghiwalay sakaniya. Bago ko siya sinaktan. I said she was never enough, pero ang totoo sobra sobra pa siya para saakin. Sa tingin ko nga ay hindi ko pa siya deserve.
Then on the day I left her, I really wanted to hug her. Gustong gusto kong sabihing nagbibiro lang ako. Na mahal na mahal ko siya. Gustong gusto ko siyang habulin ng lumayo siya. Pero pinigilan ko ang sarili ko, dahil para sakaniya to. Para sumaya siya, Para bago ako mamatay makita ko man lang na okay siya.
"Joseph we really have to go back na sa hospital. 30mns lang sabi natin sa mom mo"
Nandito kami ngayon sa harap ng bahay ni Thessa. Hinihintay siyang umuwi.
"5 mins Denise. Uuwi na din yun" It's almost 8 at wala pa siya, dati naman ganitong oras ay nandito na yun sakanila. Then I saw her na bumaba sa taxi. She's fucking drunk! At bakit siya naka taxi? Wala bang sumundo sakaniya? Akma akong lalabas pero pinigil ako ni Denise.
"Wag na. Diba ito ang pinili mo? You're making it hard for yourself" tama siya. Im making it hard for the both of us. Araw araw ganoon ang naging buhay ko. Tinitignan siya sa malayo. Minsan sa bahay nila, sa trabaho niya, sa bahay ng kaibigan niya. Hanggang hindi na ako pinayagan umalis ng hospital.
"Ma, I wanna see her. Please?" Nakita kong naluluha si mommy. Palagi siyang ganiyan. Simula nung nagkasakit ako.
"Anak, mas lalo ka lang mahihirapan. Bakit ba kasi hindi mo nalang sinabi kay Thessa" Umiling ako kay mom. Hindi na, okay na akong nakita siyang nagiging okay nung mga huling araw ko siyang nakita sa malayo. Okay na ako. Matatahimik na ko.
Isang araw nagising ako na okay ako, na walang nararamdaman. Hindi na ako nagaksaya ng oras. Sinulatan ko si Thessa.
Thessa,
I know by this time wala na ako sa tabi mo. But I want you to know how much I love you. I've been a jerk. Duwag ako. Duwag ako dahil alam kong masasaktan lamang kita. Please, live for me. Ituloy mo ang buhay mo. Sa mga huling araw ko sa mundo, I've spend it watching you from a far. And because of that medyo nagtagal pa ako. Sorry If I haven't told you. I know you, Iyakin ka. At ayoko yun. Ayokong mahirapan ka. I think this would be the last, be happy for me okay? You're more than enough Thessa. Until we meet again.
Love,
Joseph
After I wrote the letter, I felt weak. Eto na ba yon Lord? Kukunin mo na ba ako? I held my mom's hand. She's sleeping in my hospital bed. Goodbye mom, goodbye Thessa. Take me now Lord. I am very willing to come with you. I closed my eyes, I smiled. Then, I never woke up again.
End -----