DG Series #3: Never Gonna Let...

By lhiamaya

799K 26.7K 2.6K

Limang taon ng ginugulo ang isip ni Atlas ng isang babae sa kanyang nakaraan. Pilit nyang kinakalimutan ito a... More

A/N
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
END
Special Chapter

Chapter 27

16.7K 646 92
By lhiamaya

Jolene

"A-AVA." Nauutal na sambit ko sa pangalan ng kaibigan at kapatid ni Atlas.

"Hi Jo! Pasensya na kung biglaan kaming napadalaw. Nakita kasi naman ni Ivona tong sila Miriam at Ruby sa bayan tapos naisip ka namin. Dalawang buwan na rin tayong di nagkikita kita. Buti na lang pala alam ni Ruby kung saan ka nakatira at malapit lang pala." Madaldal na sabi ni Ava habang hawak sa kamay si Jeremiah.

Oo nga pala. Alam ni Ruby itong tinitirhan ko dahil isang beses nagsabay kami sa traysikel pauwi at sa harap kami ng gate bumabang mag ina.

Binati ko muna ang tatlo. Si Ivona na blooming na blooming at lalo pang gumanda. Siguro hiyang sa pag aasawa. Hindi ko pa nakikita ang asawa nya. Siguro ay mabait din dahil maganda ang awra ni Ivona. Si Ruby at Miriam naman ay nag aaral na ulit ngayon. Buti pa sila. Naiinggit ako sa kanila pero sisikapin ko pa rin talagang bumalik sa pag aaral.

"Teka bakit parang namumutla ka yata Jolene?" Puna ni Ivona.

"May takit po kasi ti mama eh." Si Jeremiah ang sumagot.

Gumuhit naman ang pag aalala sa mukha ng apat.

"Anong sakit mo?" Tanong ni Ava.

Bahagya akong tumawa. "Masakit lang ang puson ko. First day ko ngayon. Hindi nga ako nakapasok eh."

"Ahh."

"Tamang tama lang din pala ang punta namin."

"Tita Ava pasok po kayo ta bahay namin." Aya ni Jeremiah.

"Oh sure!"

"Ano t-teka!"

Natigilan sa paghakbang si Ivona at tila nakakita ng multo sa likuran ko.

"Kuya?"

"Ava."

Tila ako tinakasan ng dugo at nanlamig ang buong katawan ko. Nakakabingi na rin ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang gusto kong lumubog na lang sa kinatatayuan o kaya ay maglahong bigla.

"Anong ginagawa mo dito Ava?"

"Ikaw ang anong ginagawa dito sa bahay ni Jolene kuya. Akala ko ba nasa Batangas ka at minomonitor ang isang project ng kumpanya doon?"

Napakagat labi ako sa sinabi ni Ava. Nagi-guilty din ako. Dahil sa akin nagagawang magsinungaling ni Atlas. Napatingin ako sa tatlo. Nagtitinginan din sila at tila nagtatanong ang mga mata. Siguradong takang taka sila kung bakit nandito sa bahay ko ang kuya ni Ava. Baka kung ano na rin ang iniisip nila.

"Tita Ava dito po nakatira ti papa." Sabat na naman ni Jeremiah. Kunot noong napabaling sa kanya si Ava.

"Papa?"

Nakangiting tumango tango si Jeremiah. "Opo, papa ko po ti papa Atlat." Proud pang sabi nya.

Humagis sa akin ang nalilitong tingin ni Ava.

Napalunok naman ako.

Tumingin din sya sa kuya nya. Nagpalipat lipat ang tingin nya sa aming dalawa.

"What's the meaning of this Jo, kuya?"

Hindi ako makasagot. Parang umurong ang dila ko.

Naramdaman ko naman ang singaw ng katawan ni Atlas sa likuran ko. Hinawakan pa nya ako sa bewang.

"Dito na tayo sa loob mag usap." Wika ni Atlas sa seryosong boses.

Gumilid naman ako para makapasok si Ava na hawak pa rin sa kamay si Jeremiah.

"Ah dito na lang muna kami sa labas para makapag usap kayo ng masinsinan." Sambit ni Ivona na kiming ngumiti sa akin. Nahihiyang ngumiti din ako sa kanilang tatlo.

-

Sa maliit namang sala ay magkakaharap kaming tatlo. Magkatabi kami ni Atlas na nakaupo sa mahabang monoblock chair habang si Ava ay palakad lakad sa harapan namin at naglilitanya, hindi nga kami makasingit ni Atlas. Si Jeremiah naman ay nasa labas at nakikipag kwentuhan sa tatlo. Mainam na rin yung nasa labas sya para di nya marinig ang pag uusap namin.

"My ghad kuya! Alam kong may kalandian kang taglay sa katawan at mahilig ka sa babae. Alam kong bet na bet mo at weakness mo ang mga morena. Pero pati ba naman ang kaibigan kong may anak di mo rin pinalampas!"

Napayuko ako sa sinabi ni Ava. Handa akong tanggapin ang lahat ng salitang ibabato nya sa akin.

Bumaling sa akin si Ava. "I'm sorry Jolene ha, it's not that against ako sayo para sa kuya ko dahil may anak ka na. It's that, kuya ko yan eh! Babaero yan. Matinik yan sa babae. Baka biktimahin ka rin nyan magiging dalawa pa ang panganay mo."

"Shut up Ava."

"Shut up your face! Bakit? Totoo naman ah! Babaero ka. Isasama mo pa sa listahan tong kaibigan ko. Tapos papa na ang tawag sayo ni Jeremiah. Ang kapal ng mukha mo kuya. Gumawa ka ng sarili mong anak hindi yung nang aangkin ka ng anak ng may anak."

"I said shut up. Kapag hindi ka pa tumigil hindi na kita bibigyan ng pera." Mariin ng saway ni Atlas sa kapatid.

Napataas naman ako ng tingin sa dalawang magkapatid. Nag aalala ako na baka mag away ang dalawa dahil sa akin.

Tumahimik naman si Ava pero nakanguso pa rin at nakairap sa kuya nya. Umupo sya sa single monoblock chair.

Ako naman ay hindi pa rin makaimik.

"Ghadammit young woman. Sobrang daldal mo. Kung magsalita ka parang ang dumi dumi ko. Ipapaalala ko lang sayo kuya mo ko." May inis sa boses na sabi ni Atlas.

"Sorry naman! Gigil mo ko eh."

"Tss! Ako rin nanggigigil na sayo eh. Sarap mong ibalik sa sinapupunan ni mommy."

Lalong humaba ang nguso ni Ava. Pero maya maya lang ay naging seryoso na ang kanyang mukha.

"Ok don't change topic na dear brother. Sagutin nyo lang ang tanong ko. Kayo na bang dalawa? At kelan pa?"

Humugot ako ng malalim na hininga para mabawasan ang nerbyos. Ngunit nanginginig pa rin ang mga kamay ko sa kaba. Hinawakan ni Atlas ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya. Ngumiti sya sa akin at parang sinasabing sya na ang bahala.

Tumingin ako kay Ava. Nakatingin sya sa kamay namin ng kuya nya na magkahawak. Nahihiya ako sa kanya. 

"Ang totoo nyan matagal na kami ni Jolene. Five years na kami. Ako ang ama ni Jeremiah." Walang pasakalye at diretsahang sabi ni Atlas sa kapatid.

Umawang ang labi ni Ava. "What? Are you joking me kuya?"

"I'm not joking Ava."

Nagpalipat lipat ang tingin sa amin ni Ava. Bakas sa kanyang mukha ang pagkalito at hindi makapaniwala sa sinasabi ng kanyang kuya. Sa huli nagtagal ang kanyang tingin sa akin.

"Totoo Jolene? Totoo ba ang sinasabi ni kuya?"

Lumunok ako at marahang tumango.

"T-Totoo yun Ava. N-Nagkakilala kami ng kuya mo five years ago sa Zambales."

"Oh yeah, I remember nasa Zambales noon si kuya dahil hinahandle nya ang isang project ng kumpanya doon. Tapos? Paano kayo nagkakilala?"

Tumikhim ako para alisin ang nakabara sa lalamunan sabay hinga ng malalim.

"Nagwowork ako noon sa bar bilang bokalista tapos ang kuya mo gabi gabing nandoon at umiinom. Doon kami nagkakilala hanggang sa naging magkaibigan kami. Tapos niligawan nya ako hanggang sa naging kami."

"Oh I see. Paano nabuo si Jeremiah?"

Napakurap kurap ako sa sumunod na tanong ni Ava. Tumingin ako kay Atlas. Dapat ko pa bang sagutin yun?

"Ano bang tanong yan Ava? Syempre may nangyari sa amin ni Jolene kaya nabuo si Jeremiah. Ang pamangkin mo."

Naginit ang mukha ko sa diretsahang sagot ni Atlas.

Ngumiwi si Ava. "Oo nga pala. Sorry naman sa tangang tanong. Pero nalilito pa rin ako. Ano ba talaga ang nangyari sa inyong dalawa?"

Kinuwento na namin ni Atlas sa kanya ang buong pangyayari. Kung paano kami naghiwalay at nagkita ulit. At kinumpirma din ni Ava na naaksidente nga five years ago  si Atlas sa Cebu. Na-comatose sya ng dalawang linggo at ng magising ay walang maalala.

"So ikaw pala yung Jessica na lagi nyang tinatawag noong nagdedeliryo sya ng tulog."

Kumagat labi ako at tumingin kay Atlas. So totoo nga ang mga sinabi nya noon. Ngumiti sya sa akin.

"Pero may sumagot daw na babae sa tawag nya noon sa akin at sinabing fiancee ko daw sya. Kaya nagalit sya sa akin at tinaguan ako." Pasumbong na sabi pa ni Atlas sa kapatid.

Kumunot naman ang noo ni Ava.

"Fiancee mo? Ah baka yung baliw mong ex na si Lizel. Dumalaw yun sayo sa hospital. Pinalayas lang ni mommy dahil naghihisterikal na parang tanga."

Malutong na nagmura si Atlas. "I knew it!" Bakas ang galit sa kanyang mukha sa ex nya.

Kahit ako man ay nakaramdam din ng galit sa ex nya. Kung hindi dahil dito eh di hindi sana kami nagkahiwalay ni Atlas.

"Kasalanan mo rin naman kasi kuya. Sukat pinatulan mo pa yung bruhang yun. Alam mo namang may saltik."

Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat. Miscommunication ang nangyari sa amin ni Atlas. Mabuti na lang din talaga at nagkita kami ulit dito sa Manila makalipas ang limang taon. Napagtanto ko, siguro para nga talaga kami sa isa't isa. Dahil kahit nagkalayo kami ng ilang taon gumawa naman ang tadhana para muli kaming magtagpo na dalawa.

"Kaya pala magaan ang loob ko kay Jeremiah dahil pamangkin ko pala sya. At kaya rin pala sabi ni mommy parang magkahawig kayong dalawa noong bata ka pa kasi anak mo pala sya."

Namilog ang mata ko sa sinabi ni Ava. "Nakita na ng mommy mo si Jeremiah?"

"Oo, sa mga picture. Cute na cute nga si mommy sa kanya eh. Siguradong matutuwa sya kapag nalamang may apo na sya." Tila excited pa na sabi ni Ava.

Mataman ko syang tinitingnan. Hindi naman sya mukhang galit sa akin. Gulat na gulat lang sya kanina sa mga rebelasyon namin ng kuya nya.

"Hindi ka ba.. galit sa akin?" Tanong ko kay Ava.

"Bakit naman ako magagalit sayo?"

"Dahil.. n-naanakan ako ng kuya mo."

"Ano ka ba hindi ako galit no! Nagulat oo. Pero naiinis ako kay kuya kasi tatang tanga sya. Wala syang kaalam alam na buntis ka noon kaya ayan nataguan sya ng anak."

Sinamaan sya ng tingin ni Atlas. Pero parang balewala lang sa kanya.

"Saka atleast sa lahat ng naging girlfriend nya ikaw ang naanakan nya. Hindi ko matatanggap kapag ibang babae. Mga chaka kasi at maaarte ang ibang ex nya. Mga di ko bet."

Unti unting lumuluwag ang kaninang naninikip kong dibdib. Para ding may naalis na mabigat na nakadagan.

"Salamat Ava. Akala ko magagalit ka sa akin eh."

Ngumiti sya. "Siguro kung ngayon lang kita nakilala baka magalit ako. Pero nakilala na kasi kita. Nakasama na kita sa trabaho. Alam ko ang mga sakripisyo mo para sa anak mo, kay Jeremiah na pamangkin ko.  Hindi biro ang magpalaki ng anak mag isa at hinahangaan talaga kita. Maswerte si kuya sayo. Malas ka lang sa kanya kasi babaero sya."

"Hindi na ako babaero." Sabat ni Atlas.

"Weh? Noong nakaraang linggo nga may nakasalubong kaming babae ni mommy sa mall at tinanong ka sa amin. Hindi mo na raw nirereplayan ang mga text nya paalala daw namin sayo baka nakalimutan mo. Ano nga pangalan nya? Lovely? Lovelyn? Nakalimutan ko na."

Sinamaan ko ng tingin si Atlas. May ibang babae syang tinitext?

Namutla naman sya.

"N-No sugar. Hindi ko kilala ang babaeng yun. Wala na akong ibang babae. Ikaw lang. Malamang imbento lang yun ng kapatid ko."

"Hoy! Hindi ako nagiimbento no. Tanong mo pa si mommy."

Sinamaan din ni Atlas ng tingin ang kapatid, tila nagbabala.

Ngunguso nguso lang si Ava na tila nang aasar pa sa kuya nya.

"Papa, mama, Tita Ava! Tapos na po kayo mag utap?" Biglang pasok ni Jeremiah at dumiretso ng yakap sa bewang ni Ava. Mukhang namiss nya talaga ang Tita Ava nya. Ngayon totoong tita na nya ito at hindi tita-titahan na lang.

Binuhat ni Ava si Jeremiah at inupo sa kandungan nya at niyakap ito.

Napangiti naman ako habang pinagmamasdan ang magtita. Ngayon nakikita ko mukhang mas magiging close pa sila.

Lumingon ako kay Atlas ng akbayan nya ako. Kinabig nya ako at hinalikan sa sentido ng mariin.

"I told you, mabait ang kapatid ko kahit madaldal yan at mukhang pera." Pabulong nyang sabi.

Tumingala ako at ngumiti sa kanya. "I'm sorry kung hindi ako agad naniwala sayo."

"Nah, it's ok. Naiintindihan ko naman sugar."

Yumakap ako sa bewang nya at sumandig sa kanyang dibdib habang nakatingin sa magtita na ngayon ay naglalambingan na. Nabawasan na ang alalahanin ko. Ang mommy na lang nya ngayon ang iisipin ko. At sana gaya ni Ava ay matanggap din nya kaming mag ina.

Mayamaya pa ay umungot na si Jeremiah na nagugutom na. Parehas sila ni Ava. Magtita nga sila.

Nagpadeliver na lang ng pagkain si Atlas na hindi na nakaalis. Dinamihan na nya ang padeliver para dito na rin kumain sila Ava. Nagkanya kanya pa nga ng request ng pagkain ang magtita. Natatawa na lang ako sa hitsura ni Atlas na nakukunsumi na sa makulit na kapatid.

*****



Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 101K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
8M 202K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
116K 7.6K 24
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
493K 23.4K 60
Renesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in he...