Hide and Seek -ON HOLD- (JaTh...

By megapoop

41K 1K 126

Sobrang inlove talaga ko sa dalawang to kaya itatyp ko nalang lahat ng naiimagine ko hahaha ** Paano mo malal... More

Una
Pangalawa
Pangatlo
Pang apat
Pang lima
Pang anim
Pang pito
Pang walo
Pang siyam
Sampo
Labing Isa
Labing Dalawa
Labing Apat
Labing Lima
Labing Anim

Labing Tatlo

2K 60 5
By megapoop

Papikit na sana si Glaiza ng biglang tumunog ang kanyang cellphone

MNB's calling

Nagulat naman si Glaiza dahil ang akala nito'y nakatulog na si Rhian dahil sa hindi nito pagrereply

"Oh? Akala ko natutulog kana?"

"Well... I am not. Silip ka sa bintana mo.."

Dali dali namang tumayo si Glaiza at nagpunta sa bintana para silipin kung ano ang tinutukoy nito..

**
Kinakabahang sumilip si Glaiza sa bintana nito at laking gulat niya nang makita si Rhian na mag isang nakatayo habang nakasandal pa ito sa kotse sa labas ng gate nila

"What? Hahahaha tititigan mo nalang ba ako? I brought you something.." Sabi nito mula sa cellphone

Dali dali namang bumaba si Glaiza patungo sa gate upang pagbuksan ito

"Oh bat nandito ka?" Bungad nito sakanya. Nakita niya na naka pantulog pa ito

"Well uhm.. I cant sleep. And you told me na gusto mo ng siopao? So.. Wait.." Binuksan nito ang passenger seat at kinuha ang isang supot na punong puno ng siopao. Nakita din ni Glaiza na may dala pa itong unan

"Here.." Abot nito sakanya ng supot. Nanlaki naman ang mga mata ni Glaiza nang malaman kung ano ang kinuha ni Rhian

"Wow!! Thank you!" Parang bata naman itong niyakap si Rhian at saka ngumiti ng pagkalawak lawak dahil sa sobrang tuwa. Agad siyang nagbukas ng isa at agad itong kinain. Tinitigan lamang siya ni Rhian at di mapigilang mapangit dahil sa ka'cutan nito.

"Para kang bata hahahaha" sabay punas nito sa sauce na nalagay sa pisngi niya. Hindi siya pinansin ito at nagpatuloy lamang ito sa pagkain ng siopao

Dahil dito ay kinuha na ni rhian ang kanyang unan at dumiretso na papasok sa loob ng bahay nito. Nagulat naman si Glaiza dahil dito

"Huy! San ka pupunta?" Sunod nito sa loob habang nilulunok na nito ang huling kagat sa kanyang siopao

"Papasok na. It's so dangerous outside. Tara na." Aya pa nito at nagpatuloy lamang sa pagpasok hanggang nakarating na ito sa mismong loob ng bahay

"Where's your room?"

"Dito ka talaga matutulog?" Sabay turo naman nito sa isang kwarto sa itaas. Hindi na ito sumagot at dumiretso nalang sa kama nito at humiga. Tinitigan lamang ito ni Glaiza nang mapansin siya ni rhian

"Ahhhh im meltinggg.." Sabi naman ni rhian nang mapansin niya na nakatitig nanaman sakanya si Glaiza. Nagtaka naman si Glaiza dahil dito

"Hahahaha kanina mo pa kasi ko tinititigan. Uyyyyy ikaw ahh" tayo nito at lapit nito kay Glaiza habang tinutusok tusok pa nito ang tagiliran nito. Agad namang nagets ni Glaiza ang tinutukoy nito at dali daling namula ang mga pisngi nito

"Ewan ko sayo. Hahaha B-baliw!" Sabay diretso nito sa banyo upang makapagsipilyo.

Nang makalabas ito ay nakita niya ang mahimbing na mahimbing na natutulog na si Rhian. Napangiti naman siya nang maalala ang pagdadala nito sakanya ng siopao sa ganoong oras. Dahan dahan siyang lumapit dito at hinalikan ang noo nito

"Thank You.." Bulong nito at saka niya ito niyakap mula sa likod..

**

Kasalukuyang nagpapractice ng kanikanilang lines si Glaiza kasama sina Chynna at Katrina

"Cha asan nga pala si Rhi? Para makapag line throwing tayo kasama siya" agad din namang napaisip si Glaiza dahil kanina niya pa ito hindi din nakikita

"Sus. Wala naman siyang gaanong lines dito e! Tayo tayo nalang. Sasama mo pa yun.." Singit naman na sabi ni Katrina dito

"Alam mo ikaw, epal ka talaga e noh?"
"Tumigil na nga kayo.. Pati ba naman dito nag aaway parin kayo?" Pag aawat ni Glaiza sa dalawa.

"Eto kasi. Cinareer pagiging wila e noh"

"Anong ako?! Ikaw nga to--"

"Hahaha! Oh tama na tama na. Eto mansanas ikain niyo nalang yan. Hahaha"

"Mansanas nanaman?!" Sabay na sabi ng dalawa. Palagi kasing mansanas lang ang baon nito sa set

"Hahahaha! Oo. Healthy kaya yan.. Sige na puntahan ko na si Rhi"

Iniwan na nito ang dalawa at nagtungo na sa tent nila ni Rhian. Naabutan naman ni Glaiza ito na tutok na tutok lamang ito sa phone habang seryosong seryoso ang mukha nito. Sa sobrang abala ay hindi na nito napansin pa si Glaiza kaya't dumiretso na lamang ito sa likod niya saka sinilip kung ano ang ginagawa nito

'Naglalaro lang pala' isip ni Glaiza

"Ano yan?" Takang tanong ni Glaiza sa nilalaro nito. Hindi kasi siya pamilyar sa nilalaro nito

"Huy!" Muling agaw ng atensyon ni Glaiza dito dahil hindi siya nito kinikibo

"Wait lang glai. Aattack na ko sa war.." Tugon nito. Kinuha na lamang ni Glaiza ang isang upuan sa tabi nito at pinanood na lamang ang ginagawa nito

"Yes! 3 stars! Aha aha.."

"Why nga pala glai?" Dugtong pa nito at saka tumingin kay Glaiza

"Line throwing daw tayo sabi nila chynn. Kanina ka pa nila hinahanap.. Ano nga pala yang nilalaro mo?"

"Ahhh.. Sige. Wala. Coc lang.. Mauna kana dun, sunod nalang ako.." Ngiting tugon nito. Tumango na lamang ito at saka umalis na ulit

**
Lumipas ang kalahating oras ngunit hindi parin lumalabas si Rhian sa tent nito.

"Ano na cha? Kala ko susunod na si Rhi? Nakailan na tayo, wala parin siya." Chy

"Hay nako. Hayaan niyo na nga kasi yung tao. Pinipilit pa kasi e!" Kat inirapan lamang ito ni Chynna

Nagtaka din si Glaiza dahil ang akala nito ay susunod na si Rhian. Iniisip nito na baka naglalaro nanaman ulit ito ng COC sa cellphone nito. Muli niyang pinuntahan ito sa tent at hindi nga siya nagkamali dahil naglalaro parin pala ito.

"Uy rhi. Kala ko ba susunod ka?"

"Wait lang glai. Pamaya maya na please.."

Magsasalita na sana si Glai nang biglang may nagsalita sa likod nila

"BESTIEEE!" Sigaw nito. Agad namang lumingon si Rhian, saka iniwan ang cellphone at pumunta sa tumawag sakanya para yakapin ito

"Oh my God! You're heree! I miss youu!!" Di makapaniwalang sabi nito. Ni hindi na nga nito napansin na nandun pa nga pala si Glaiza at inis na nakatingin lamang sakanila

"I miss you too bestie!"

"Ahm sorry. Sige una na ko rhi. Sunod kana lang dun.." Pilit na ngiti ni Glaiza sa mga ito

"Ay wait lang glai. I want you to meet my bestie nga pala. Bianca, this is Glaiza my partner sa show. And Glai, this is Bianca, my bestie.." Ngiting pakilala nito.

'Sa show..' Paulit ulit nito sa isip ni Glaiza. Para namang may sumaksak na kutsilyo sa puso nito dahil sa sinabi nito. Inis man ay pinilit na lamang ni Glaiza na ngumiti dito at kinamayan ang alok na kamay ni Bianca sakanya

"Hii.." Ngiting sabi ni Bianca nang abutin nito ang kamay niya

"Hi din. Ahm.. Sige una na ko.." Ngumiti lamang ang mga ito at saka siya umalis

**
Inis namang bumalik si Glaiza sa mga kasama nito na sina Chynna at Katrina. Naiinis siya dahil kanina niya pa kinukuha ang atensyon ni Rhian ngunit hindi man lang siya pinapansin nito ngunit nung tinawag siya ni Bianca ay agad nitong iniwan ang ginagawa at parang isa lang siyang hangin na hindi napansin nito

"Oh? Anong mukha yan?" Tanong ni Chynna nang makita ang kaibigan nitong si Glaiza na nakabusangot at parang inis na inis na umupo sa tabi nila

"Wala." Inis na sagot naman ni Glaiza sa mga nagtatakang sina Chynn at Katrina

Pamaya maya lang ay bigla nang dumating si Rhian kasama si Bianca sa kinauupuan nila

"Ah guys si Bianca nga pala.. Bestie ko.." Ngiting pagpapakilala nito kay chynna at katrina. Agad namang nagtinginan ang dalawa saka tumingin kay Glaiza na nakapoker face lang sa isang tabi

"Ahhh kayaaa.." Sabay na sabi ng mga ito. Takang napatingin naman dito sina Rhian at Bianca

"Huh?"

"Hehe walaa.. Hi BIANCA!" Pang aasar na bati ni chynna at pagpaparinig nito kay Glaiza. Habang si katrina ay ngumiti lamang dito.

Umalis na ang dalawa at umupo sa bakanteng upuan na medyo malayo sakanila. Nang makalayo ay agad namang inasar ng dalawa si Glaiza

"Hoy Katrina ang sweet nila noh?" Sabay nguso nito sa direksyon nila

"E ano namang pake ko?!" Sagot naman nito na nananadyang hindi sakyan ang sinabi nito dahil alam niyang masasaktan lalo si Glaiza. Kasabay nito ay ang pagbato ni Chynna ng tissue kay katrina dahil sa pambabara nito

"Alam mo basag trip ka talaga e noh? Uso kaya makiride!" At inirapan lang siya nito. Napangiti naman si Glaiza dahil sa pagbabangayang muli ng dalawa at tila nakalimutan saglit ang inis na nararamdaman

"Wow. Bipolar lang? Parang kanina lang kung makabusangot ka e noh wagas e oh.." Chy

"Hindi ah. Tara na nga ulit. Magline throwing na lang tayo.."

Pag iiba nito ng usapan. Tinawanan lamang siya ng mga ito at bumalik nalang muli sa pagpapractice ng kanikanilang mga lines

Tinignan naman muli ni Glaiza sina Rhian at Bianca at saka ulit humarap sa kanyang script..

**
Sorry.. Waley ata tong chap na to. Sorry. Huhu. Hanggang kelan kaya sila magtataguan?

Kilig sa #TRMDRescue hahahaha! Laban!

Sige

Please

Comment. Vote. Share lablabs!!

Sorry sa mga errors.
Thanks for reading..

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 55.4K 47
"Anong mas pipiliin mo: taong mahal mo na hindi ka mahal o taong mahal ka pero hindi mo mahal?"
107K 2K 34
Paano kung mahal ka pala ng taong akala mo ay hindi ka gusto? At paano na kung mahal ka rin ng taong akala mo ay nabuhay para pagtripan ka?
280 12 3
Anung gagawin mo.. Kapag yung taong mahal mo ay hindi ka mahal?? Kapag yung taong mahal at pinaglalaban mo ay iiwan ka lang?? Kapag yung taong mahal...
2.7K 61 23
[COMPLETED] Papano kung mahulog ka kaya sa isang tao na akala mo hindi naman magiging kayo? Na akala mo hanggang "MAGKAKILALA LANG" ang magiging turi...
Wattpad App - Unlock exclusive features