Among the Dead #Wattys2016

By Yllianna

37K 673 216

Choose your alliances well, sacrifice those of no use to you, outsmart the living and survive the dead. Sa mu... More

Among the Dead
⇜Prologue⇝
⇜CHAPTER 1⇝
⇜CHAPTER 2⇝
⇜CHAPTER 3⇝
⇜CHAPTER 4⇝
⇜CHAPTER 5⇝
⇜CHAPTER 6⇝
⇜CHAPTER 7⇝
⇜CHAPTER 8⇝
⇜CHAPTER 9⇝
⇜CHAPTER 10⇝
⇜CHAPTER 11⇝
⇜CHAPTER 12⇝
⇜CHAPTER 13⇝
⇜CHAPTER 14⇝
⇜CHAPTER 15⇝
⇜CHAPTER 16⇝
⇜CHAPTER 17⇝
⇜CHAPTER 18⇝ PART 1
⇜CHAPTER 18⇝ PART 2
⇜CHAPTER 19⇝
⇜CHAPTER 20⇝
⇜CHAPTER 21⇝
⇜CHAPTER 22⇝
⇜CHAPTER 23⇝
⇜CHAPTER 24⇝
⇜CHAPTER 25⇝
⇜CHAPTER 26⇝
⇜CHAPTER 27⇝
⇜CHAPTER 29⇝
⇜CHAPTER 30⇝
⇜CHAPTER 31⇝
⇜CHAPTER 32⇝
⇜CHAPTER 33⇝
⇜CHAPTER 34⇝
⇜CHAPTER 35⇝
⇜CHAPTER 36⇝
⇜CHAPTER 37⇝

⇜CHAPTER 28⇝

204 10 0
By Yllianna

            "O Kenji, anak, gising ka na pala. Halika maupo ka na dito," agad na bati sa kaniya ni Nanay Magda nang bumungad siya sa kusina. Nagluluto ito ng agahan. Sumunod siya at naupo sa isa sa tatlong mataas na silyang nakahilera sa harap ng kitchen island.  

            "May kape dito. Umiinom ka ba ng kape?"

            "Hindi po. Pero sige po titikman ko," halos parang walang ganang sagot niya. Pinanood niya ang matanda habang ipinagtitimpla siya nito ng inumin.

            "O eto. Inumin mo muna 'yan nang mainitan ang sikmura mo. Malapit nang matapos 'tong niluluto ko," sabi ni Nanay Magda nang maibaba ang tasa ng kape. Agad nitong binalikan ang niluluto. Humigop si Kenji ng mainit ng inumin. Hindi siya umiinom niyon gaya ng sinabi niya. Ngunit sa mga nakikita niya sa matatanda sa juvenile facility na umiinom ng kape kapag stressed o inaantok, mukhang ang inuming iyon ang kailangan niya ngayon.

            "Kumusta ang timpla, anak?" tanong ni Nanay Magda na tuloy sa pagsasangag ng kanin.

            "Ayos lang po," sagot niya. Ang totoo nagustuhan niya ang lasa niyon. Ngunit ayaw niyang masanay. Ayaw niyang tanggaping gusto niya iyon. Dahil ayaw niyang hanap-hanapin ang lasa ng inumin. Lalo't alam niyang hindi siya laging makakatikim ng mainit na kape.

            "'Nay Magda," untag niya sa dating tagapag-alaga.

            "Hmm?"

            "Kahapon, noong dumating kami galing sa palengke, nabanggit ninyong matagal nang ipinasara ni Hirano ang kwarto ko. Ano pong ibig ninyong sabihin?"

            Saglit na natigilan sa paghahalo ng niluluto ang matanda. Pansin niya ang pag-aalangan nito bago ipinagpatuloy ang ginagawa.

            "Wala naman, anak. Ipinasara lang ng ama-amahan mo ang silid mo dahil wala ka na naman daw dito sa mansiyon. Gusto niyang ibaling naming mga katulong ang oras namin sa paglilinis ng ibang bahagi ng bahay. Wala daw silbi ang paglilinis ng silid mo dahil wala naman daw gagamit noon."

            Hindi siya agad sumagot. Pinagmamasdan lang niya ang matandang mayordoma. Kahit nakatalikod ito ay ramdam niyang may itinatago ito sa kaniya.

            "Nanay Magda," tawag niya dito nang hindi inaalis ang mga mata sa likod ng matanda.

            "Ano 'yon?"

            "May inililihim ka sa akin. Ano'ng hindi mo sinasabi sa 'kin?"

            Saglit muling natigilan si Nanay Magda. Sa pagkakataong iyon, hinarap siya nito. Nababasa niya sa mga mata ng matanda ang magkahalong pag-aalala at pagkabahala.

            "Isang buwan matapos kang ipakulong ni Don Hirano ay itinigil ng lahat ng katulong ang paglilinis ng silid mo sa utos niya. Kung ilang taon kang nawala, halos ganoon ding katagal hindi nagalaw ang silid na iyon. Noong mga unang linggo, nakikita namin ang Mama mong pumapasok sa silid mo. Alam ko nililinis niya ang kwarto mo dahil minsan ay naiwan niyang nakaawang ang pinto at nakita ko siya habang pinapalitan ang mga kubre-kama. Ngunit nang malaman ni Don Hirano ang ginagawa niya, naging dahilan iyon ng kanilang pag-aaway. Simula noon dumalang na ang pagpasok ni Senora sa silid mo. Hanggang sa tuluyan na niya iyong hindi dalawin. Nakakalungkot mang isipin ngunit dumating ang panahong halos wala nang makapansin ng kwartong iyon kahit mapadaan man ang isa sa amin sa harap niyon," mahabang kwento ng tagapagsilbi.

            Lumunok si Kenji para tanggalin ang pait sa kaniyang panlasa.

            "So ano pong hindi nyo sinasabi? Ano'ng dapat kong malaman?"

            "Kenji..." panimula ng kausap na parang hindi malaman kung paano sasabihin sa kaniya ang nasa isip. "...mahigit lamang isang linggo mula nang magbago ang mundo, biglang nawala ang Mama mo."

            Nangunot ang noo ni Kenji.

            "Ano!? Ano pong ibig ninyong sabihing nawala si Mama?" nagtataka, gulat at nababahalang bulalas ni Kenji.

            "Hindi ko rin alam, anak. Basta isang araw, bigla na lang siyang nawala. Ang usap-usapan ng mga katulong, isinama daw ni Don Hirano sa paghahanap ng supplies. Pero nang bumalik ang grupo nila ay hindi na kasama ang Mama mo."

            Ibinagsak ni Kenji ang kamao sa counter habang pigil ang sarili sa pagwawala. Salubong ang mga kilay niya at mabilis ang paghinga.

            "Kenji..." untag ng matanda sa kaniya. "...halos dalawang linggo na mula ngayon...nagsimula akong makaramdam ng hindi maganda sa silid mo."

            Lalong nangunot ang noo ni Kenji. Napatingin siya sa matanda mula sa pagkakatitig sa makinis at puting artipisyal na bato sa counter. Bakas sa mga mata niya ang pagtatanong. Nagpatuloy ni Nanay Magda.

            "Nang minsang mapadaan ako sa silid mo mula sa paglilinis ng library, may narinig akong pagkalabog mula sa loob. Nang subukan kong tingnan kung ano'ng nangyayari, hindi ko mabuksan ang pinto niyon. Naka-lock ang silid mo, anak. Ang alam ko dati nama'y hindi naka-lock iyon. Basta wala lang pumapasok. Kaya hindi ko rin alam kung kailan at sino ang nagkandado ng silid mo."

            "Kung sino man ang nag-lock ng pinto niyon ay naiwan lang bukas ang bintana. May hinangin lang siguro at bumagsak sa sahig," sagot niyang naalala ang nakita niyang bukas na bintana sa ikalawang palapag nang dumating sila sa mansiyon.

            Nangunot ang noo ng matanda.

            "Sigurado ka ba, Kenjirou?"

            Marahan siyang tumango.

            "Bakit po?"

            "Kanina lang nang lumabas ako para abutan ng kape si Haru ay napatingin ako sa ikalawang palapag. At nakita kong sarado ang bintana ng silid mo."

            "Kung ganoon...may pumapasok pa sa kwarto ko."

            Nagpalinga-linga si Nanay Magda saka sumagot.

            "May kutob akong...nakakulong ang Mama mo sa dati mong silid," halos pabulong na sabi nito.


***☼***


            Kaswal na naglalakad si Kenji sa maluwang na livingroom ng malaking bahay. Nakapamulsa ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng suot niyang pantalon. Tinanguan niya ang isang ginang na kaniyang nakasalubong. Hindi niya ito namumukhaan ngunit inisip na lamang niyang isa ito sa mga nakikitira sa bakuran ng kanilang pag-aari. Saglit niya itong nilingon at nang makitang tumuloy na ito sa silid na nagkakabit sa sala at kusina ay tumigil siya. Tiningala niya ang mataas na hagdan patungo sa ikalawang palapag ng bahay. Katulad pa rin iyon ng imahe sa kaniyang alaala ngunit hindi na mukhang kasing taas ng dati. Sa tuktok niyon ay ang palapag kung saan tanaw niya ang pinto ng mga kwarto. Natutok ang paningin niya sa isang partikular na silid. Sarado ang pintong kakulay ng katawan ng puno. Ngunit naglalaro ang iba't ibang mga imahe sa kaniyang imahinasyon na maaari niyang matuklasan sa likod ng pintong iyon.

            Bumilis ang tibok ng puso ni Kenji. Gusto niyang malaman kung ano ang nasa loob ng kaniyang dating silid. Gusto niyang malaman ang maaaring lihim niyon. Lalong kumabog ang kaniyang dibdib nang sumayad ang kaniyang palad sa makinis na harang ng hagdan. Habang nakatitig siya sa pinto ng sariling silid, pakiramdam niya ay hinihila siya niyong palapit.

            Nagsimulang umangat ang paa ni Kenji sa sahig. Ngunit hindi pa halos humihiwalay ang swelas ng kaniyang sapatos mula sa sahig ay bigla niyang naramdaman ang pagdantay ng isang kamay sa kaniyang balikat. Hindi iyon mahigpit. Ngunit dama niya ang intensiyon niyong pigilin siya sa balak na gawin. Natigilan si Kenji. Nilingon niya ang nagmamay-ari ng kamay sa kaniyang balikat.

            "Kung ano man ang binabalak mo, 'wag mo nang ituloy," sabi ni Haru. Tinanggal nito ang kamay sa balikat niya at tumayo sa kaniyang tabi. Nakitingin ito sa ikalawang palapag. Kung nahulaan nito kung aling pinto ang tinititigan niya kani-kanina ay hindi niya alam.

            "Ano'ng ibig mong sabihin?" pagmamaang-maangan niya.

            "Kung itinuturing mo itong bahay dati, kalimutan mo na ang damdaming iyan. Dahil kahit ano pang isipin mo, kahit ano pa sa tingin mo ang tama, hindi mo na ito bahay ngayon. At ang kwartong iyon..." sabi nito na tinanguan ang direksyon ng kaniyang dating silid. "...hindi mo na kwarto ngayon. Kagaya ng sinabi ko sayo kahapon, iba na ang kalakaran sa dati mong tahanan. Mas makabubuti sayo at sa mga kasama mo kung susundin mo ang mga patakaran ni amo."

            Hindi siya sumagot. Saglit pa niya itong tinitigan saka dumako ang mga mata niya sa pinto ng dating silid. May panghihinayang siyang nararamdaman kahalo ng galit, ngunit walang mababakas na emosyon sa kaniyang mga mata.

            "Halika, may ipapakita ako sayo," narinig niyang sabi ni Haru saka ito nagpatiuna sa paglalakad. Sinundan niya ito. Dinala siya ni Haru sa likod-bahay. Nagulat siya nang makitang abalang-abala na ang isang grupo ng kabataan sa pag-aasikaso ng mga pananim na siya niyang nakita noong ikalawang araw nila sa mansiyon.

            "Kagaya ng sabi ni amo, lahat ay nagko-contribute sa survival ng lahat ng nakatira dito," sabi ni Haru habang pinapanood ang mga nagdidilig ng pananim at nagtatanggal ng damo sa pagitan ng mga iyon.

            "Ideya mo raw ito," sabi niya. Sa mga tao din siya nakatingin gaya ng kausap.

            Tumango si Haru.

            "Sayang ang lupa. Maganda ang disenyo ng mga batong dating nakalatag dito pero mas kailangan ng lahat ang makakain."

            Huminga siya nang malalim saka binalingan ang katabi.

            "Saan ka nakakuha ng mga maitatanim?"

            "Natiyempuhan ko lang noong minsang maghanap kami ng supplies. May nakita kaming bahay. May mga binhi sa isang basket doon. Kinuha ko para mapakinabangan. Alam kong hindi habang panahong may mahahanap kaming pagkain. Kahit na konti lang ang mga survivors, mauubos pa rin ang mga supplies na maaari naming mahanap. Mas mabuting ngayon pa lang magsimula na kaming magpundar ng sarili naming makukunan ng pagkain."

            Kenji bit his tongue. Masakit para sa kaniya na mawala ang dekorasyon sa likod-bahay dahil disenyo iyon ng kaniyang Mama. Ngunit naiintindihan niya ito. Tama si Haru. Mas importante na may mapagkunan ng pagkain ang mga tao.

            "Ang...ang mga kulungan..." panimula niyang parang pilit pa ring tinatanggap ang sitwasyon. "...may mga hayop na bang maaalagaan?"

            Umiling si Haru.

            "Wala pa kaming nakikita. Iyong mga nahuli namin sa pagha-hunt agad ding kinakatay."

            "Bakit?"

            "Una ay dahil kailangang pakainin ang mga tao. At bihira ang ganoong pagkakataong makakain ang lahat ng karne. Kailangan ng katawan natin ang protina kaya kahit ako ay hindi makatutol. Isa pa, palaging kritikal ang sugat na natatamo ng ano mang mahuhuli namin. Isa lang kasi ang paraang alam ng lahat sa pangangaso. Sibatin o barilin iyon. Kaya laging hindi nagtatagal ang hayop at agad ding namamatay," paliwanag ni Haru.

            Tumangu-tango si Kenji.   

            "Ito ang isang paraan kung paano makakatulong ang grupo ninyo."

            "Sige. Kaya ng mga babae 'yan. Pati na rin ng mga bata. Pero bigyan muna natin si Manang Lupe ng ilang araw para maka-recover siya bago siya magsimulang tumulong."

            "Walang problema. Hayaan mo, sasabihan ko ang mga kasama natin na bigyan ng magaang na trahabo ang dalawang bata para hindi naman sila gaanong mapagod."

            "Salamat."

            "Pero ikaw..." dagdag nito na sadyang ibinitin ang sinasabi bilang pagtatanong sa kaniyang pangalan.

            "Kenji," sagot niya.

            "...Kenji. Kailangan kita sa ibang bagay."

            Nangunot ang kaniyang noo.

            "Pangangaso. May karanasan ka sa pamumuhay sa labas ng bakurang ito. At...kahit alam kong hindi ka sana nakaligtas mula sa mga zombie sa palengke kung hindi dahil sa akin, nakarating ka pa rin sa gibang pader. Ibig sabihin, may potensiyal ka. Ano'ng masasabi mo?"

            Marahan at alanganin siyang tumango.

            "S-sige." 

            "Good. Sige bukas lalakad tayo," sabi ni Haru saka siya nito iniwan. Sinundan niya ito ng tingin saka niya ibinalik ang atensyon sa mga nag-aalaga ng pananim. Nang makita niyang nagbibiruan pa ang ilan sa mga iyon ay tuluyan nang naging panatag ang loob niya. Eh ano kung nawala ang mga batong dating disenyo ng bakuran? Hindi naman niyon matutulungan ang mga tao sa mansiyon. At alam niya, mas gugustuhin ng kaniyang Mama na tibagin iyon at gawing taniman kesa masayang ang lupang pwede namang mapakinabangan.

            Pumihit si Kenji para bisitahin sana ang ibang bahagi ng bakuran nang mamataan niya si Ren sa di kalayuan. Nakaupo ito sa isang pang-dalawahang upuan sa ilalim ng punong bayabas. Pinapalitan nito ng benda ang sariling sugat sa hita.

Kenji let out a deep sigh while watching Ren. Nilapitan niya ito. Sandaling natigilan si Ren nang mapansin ang kaniyang presensya, saka ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Ren..."

"Kenji," putol nito sa sasabihin sana niya. Itinali nito ang dalawang dulo ng benda saka ito tumuwid nang upo at sinalubong ang kaniyang mga mata.

"Kung ano man ang sasabihin mo...'wag na. Okay lang."

"Pero, Ren," tutol niya ngunit hindi naman niya malaman kung anong sasabihin. Nagbaba siya ng tingin. Tinapik ni Ren ang bakanteng upuan sa tabi nito. Alanganin siyang tumalima at naupo sa tabi ng binata. Saglit na namayani ang katahimikan sa pagitan nila bago siya nagkalakas-loob na magsalitang muli.

"Tungkol sa...sa nangyari sa palengke kahapon..."

"Nakita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata mo noon, Kenji," putol nito sa kaniyang sinasabi. Bakas ang pagdadamdam sa tinig nito. "Ayokong isipin na kung malalagay ako sa ganoong sitwasyon ay iiwan ko ang kaibigan ko. Pero napag-isip-isip ko...kung ako nga ang nasa sitwasyon mo noon, baka piliin ko ring iwan ka. Isakripisyo...alang-alang sa sarili kong kaligtasan."

            "Patawarin mo ko, Ren."

            Sinalubong ni Ren ang kaniyang mga mata. Their eyes talked for a while before Ren patted him on his shoulder and left, leaving Kenji feeling both relieved and guilty.

Continue Reading

You'll Also Like

29.9M 991K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
21.6M 752K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
EMPIRE HIGH By sai

Mystery / Thriller

5.8M 177K 63
Empire High was built for the Empire Society: Reapers, Gangsters, Assassins and Mafias. And as the classes starts, a nerd girl named Fuschia will enr...
25.9M 642K 64
[FIL/ENG] The Mhorfell Academy of Gangsters was innovated mainly for the accommodation of the so-called black sheep of the society and their families...