I'm Lori, I'm Lori too.

By Inkshiwp

190 64 4

There is a woman who lives a very simple life. She is Lori, her family is complete but she feels that it is n... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9

Kabanata 3

13 7 0
By Inkshiwp

***

Maaga kami pinauwe ni Ms. Raule. Ewan kung Maaga lang ba talaga kami pinauwe o ganito talaga ang uwian dito. Yung mga kaklase ko nag si uwian samantalang ako nandito sa labas ng room ko. Wag daw kasi ako uuwe agad dahil pupuntahan ako rito ni Jian.

Walang ibang taong naka pag pasunod sa akin bukod kay Mama. Yung Tatay ko nga hindi ko sinusunod eh. Noong bata oo, siguro. Tapos itong Jian nato napa sunod ako. Alam mo bakit? Syempre hindi mo alam. Diba kanina sa Principal office dapat hindi muna raw ako pwede umalis. Pero sumama na ako kay Ms. Raule papunta sa Room namin. Tapos itong si Jian nagalit hinanap ako tapos ayon nung nalaman na sa room na ako ayon pinag bantaan ako. Hindi niya raw ako isasabay.

Sabi nya pa nga sa akin kanina eh. "Kapag hindi ka nakinig sa akin. Mag lakad ka pauwe." Ayon yung sabi nya. Kaya nandito pa rin ako sa room. Diba kinder.

Habang hinihintay ko yung pinsan ko. Nakita ko si Lori the second naka upo sya malapit sa pintuan ng kabilang room. Mukhang may inaantay sya. Hawak hawak nya yung cellphone nya. May kinakalikot sya ganon.

"Hoy Lorisus!" Pag tawag ko sa kanya. Lumingon naman ito at tumingin ulit sa cellphone nya. Edi wow.

Lalapitan ko sana sya kaso dumating na yung pinsan ko. "Let's go. Beth" Saad nito. Namoha. "Luh?Lori kasi!" Bulyaw ko rito.

"Hayi nevermind!" Sambit nito at nag simula ng lumakad. Lilingonin ko sana si Lori kaso nauna na syang lumakad. Luh saan ka dumaan.

"Bye Lorisus!Ingat ka!" Sigaw ko sa kanya pag baba nya ng hagdan. Napatingin pa nga sa akin ang pinsan ko at nakunot ang noo.


Dali dali akong sumakay sa kotse nitong pinsan ko. Dito ako sa likod ayoko sya katabi baka batukan ako eh. Nakita ko si Lori na nakikipag usap sa guard. Mukhang wala pa syang sundo. Saan naba si pinsan.

Nakita ko na lumapit si Jian sa guard tapos may inabot naman yung guard na parang note book. Pumirma naman itong isa.

Sumilip ako sa bintana at tinawag si pinsan. "Jian!" Tawag ko sa kanya. Nangunot naman ang noo nito. Naku tatanda ka ng maaga nyan.

"Gusto mo ma pektusan?Tawagin mo kong Kuya!" Galit na sigaw nya. At tinuloy ang pag sulat sa notebook ni Kuya guard. Na ngisi naman itong Lori nato.

"Sabay na natin si Lorisus oh!"

Napatingin naman sa akin si Lorisus. Si Jian naman napatingin kay Lorisus. Luh? Mag sasalita na sana si Jian ng may bumusina. Hindi ako yun.

"Sir Ron! Pasensya na ngayon lang. Nasiraan kasi ako eh" Saad nitong isang lalaki sa sasakyan na itim. Humarang ba naman sa harap ng sasakyan namin. Like duh? Laki ng space dun oh.

Tinignan ko yung lalaki na naka upo sa waiting shed. At saktong natingin din sya. Bakit hindi pa sya tumatayo ayan na driver nya oh. Nakita ko naman na palapit si Lorisus sa banda ko. "Lorisus sasabay kana sa amin?" Masayang tanong ko.

Tumingin naman ito. "Thanks but no thanks." Saad nito at dumiretso sa pag lakad at sumakay sa itim na sasakyan. Luh. Edi wow. Baho. Pero Lorisus pangalan nya ah. Sya rin ba si Ron? Edi wow Ikaw na maraming pangalan. Lorisus Ron!

"Ano pahiya ka noh?" Natatawang sabi nitong pinsan ko pag sakay nya ng kotse. Paepal.

"Edi wow, Baho. Mama mo pahiya!" Bulyaw ko sa kanya. Hala Tita Venice! Joke only

"Sumbong kita kay Mama." Umangat ang sulok ng labi nito. Paepal.

"Joke lang naman Kuya pinsan." Saad ko at binatak ang damit nya.

"Don't touch me. Iww" Saad nito at kunwareng tinabig ang kamay ko. Edi wow bading. Joke


Nakarating kami ni Jian bading sa bahay. Buti na lang safe kami na kauwe muntik na kase kami mabangga dahil sa pusa. Grabe ginabi kami ng uwe dahil sa pinsan kong ito. Paano may binalikan sa Room nya. Tapos tagal tagal pa hinanap.

"Inuwe mo pa yang pusang yan. Muntik na nga tayo ma bangga eh" Saad nito pag pasok namin sa bahay. Naabutan naman namin sila na nasa sala.

"Eh bakit ba. Kawawa kaya sya."

"Nag aaway ba kayo?" Tanong ni Mama at lumapit sa amin. Habang sina Lola ay naka tingin lang sa amin.

"Eto kasing Jian nato eh" Sumbong ko. Napalaki naman ang mata ni Jian.

"Abat!" Saad nito at tangkang pe-pektusan ako ng mag tago ako sa likod ni mama.

"Jian" Tawag sa kanya ng Mama nya at tinaasan sya ng kilay. Binelat ko naman sya. "Bleah!" Asar ko sa kanya. At tumakbo papuntang kusina. Hinabol naman ako nito. At sila Tita, Tito at Mama naman ay tawa ng tawa.

"Pagalitan. Baho!" Asar ko sa kanya. Habang tumatakbo. "Pahiya ka naman kanina. Kay sino nga yun?" Bara ko sa kanya.

"Kawawa yung muning!" Singit ni Kuya Alejandro. Kaya inabot ko sa kanya. "Pabantay"

"Huli ka." Saad ni sino kaba?kasali ka ba Kuya Clayton? Hinawakan ako nito sa balikat at dahil malaking tao si Kuya Clayton ay hindi ako maka alis hanggang sa pag tulungan na nila ako.

"Ehhh wag na kayo sumali" Saad ko kina Kuya Clayton.

"Ang ingay ingay mo kase. Rinig hanggang banyo" Saad ni Kuya Clayton.

"Apaka daldal eh" Gatong ni Kuya Alejandro.

"Ayan pag tulungan yang bruhilda na yan." Sundot nitong si Jian. Baho. At pinag kiliti ako.

"Tama na yan baka ma untog si Lori." Sigaw ni Tito Vincent.

"Hayaan nyo na muna sila. Ngayon lang nag ka pinsan na babae yan." Masayang ani ni Lola. Kaya pala para akong bola patalbog talbog sa sahig. Hah!

"Suko na ako." Saad ko sa kanila at itinaas ang dalawang kamay. dahil halos ma ihi na ako sa pants ko. Grabe ang tutulis ng kuko.

"Sus iyak ka lang eh" Asar ni Jian. Beh may luha ba?

"May luha ba? Paepal." Saad ko rito. Tumawa naman itong sina Kuya pinsan.

"Hayaan mo na yan si Jian." Sabi ni Kuya Clayton at inakbayan ako papunta kina Lola.

"Lola pinag tulungan ako." Iyak ko kunware kay Lola. "Hayaan mo na sila Kuya mo!" Saad nito tumingin naman ako kina Kuya pinsan. Nag belat sila sa akin. Paepal kayong tatlo 🤬

"Bakit ang panghe mo apo?" Seryosong tanong ni Lola. At inamoy ako. Luh?

"Na ihi na yata sa salawal" Natatawang Saad ni Kuya Alejandro. Natawa naman sila Tita at Mama.

"Sinong humawak sa akin na galing banyo?" Naka busangot kong saad sa tatlo kong pinsan. Tumayo naman si Mama at Lola.

Tumingin naman sila kay Kuya Clayton kaya kinunutan ko sya ng noo.

"Naka limutan kong mag hugas ng kamay hehe" Tinaas nya ang dalawa nyang kamay. Kadiri kaya pala kanina pa lang may naamoy na ako.

"Disgusting" Sabay na sabi ni Kuya Alejandro at Jian.

"Kadiri Kuya Clayton!" Saad ko at hinablot yung muning kay Kuya Alejandro.


Kakatapos lang namin kumain. At sobrang nabusog ako. Parang laging may fiesta dito sa bahay ni Lola. Sabay sabay kami kumakain bawal ang mahuli. Kase ang mahuli ma uubusan. Joke.

At tsaka ang swerte ko kina Kuya pinsan at Kina Tita at Tito. Paano ba naman kase never ko naranasan na itrato ng ganito ng pinsan at mga tita ko. Paano sa side ng Tatay ko panay ako inaapi buti na lang andyan yung Mama at mga friends ko para ipagtanggol ako. Speaking of friends. Na miss ko na yung mga kaibigan ko sa kanto. Si Joni at Agatha, I miss them! Gusto ko sana sila kamustahin kaso wala akong cellphone. Hehe.

If may time ako bibisitahin ko talaga sila. Swear!

"Tulala nanaman ang anak ko!" Gulat ni Mama sa akin at sinuklayan ang buhok ko.

"Na isip ko lang po mga friends ko, hindi kase ako naka pag paalam sa kanila."

"Bakit hindi mo sila puntahan pag tapos ng klase mo."

"Hindi papayag si Kuya Jian." Sagot ko at napa nguso na lang.

"Mag pasama ka sa kanya. Papayag yun!" Tumango na lamang ako.

"Paano po kung makita ako ng Tatay ko"

"Wag ka na lang siguro pumunta, nak. Next time mo na lang sila bisitahin." Saad ni Mama at inilapag na ang suklay at humiga sa kama. "Tulog na maaga ka pa bukas."

Nag mumuni muni ako rito sa tabi ni Mama. Si Mama kase naka tulog na. Napagod raw sya kanina kase pumunta raw sya sa bahay ni Tita Venice at tinulungan nya ito na linisin yung garden.

Ilang araw na rin kami rito pero hindi pa rin ako nakaka-libot dito. Hindi pa ako nakaka punta sa bahay ng mga pinsan ko. Eh mag kakatabi lang naman tirahan namin. Iisang compound lang sila. Like literal na Armani resident's only. Gets mo ba?

Dahil tulog na si Mama at alas otso pa lang naman eh lumabas muna ako ng bahay. Sinilip ko kung naka bantay pa yung guard sa gate pero mukhang wala naman. Sinilip ko rin yung mga bahay nila Kuya pinsan at bukas naman ang mga ilaw nila. Mukhang gising pa sila o sadyang masayang talaga sa kuryente. Joke

Palabas na ako ng gate ng may lumabas na maid sa pinto ng bahay ni Lola. Mag tatago sana ako kaso mapapa-galitan ako pag ganon.

"Manong Dino? Ikaw ba nandyan?" Tanong nito.

"Ah Manang! ako po ito si Lori" Saad ko at lumapit naman ito sa akin.

"Gabi na aano kapa?"

"Ah papa-hangin lang po!"

"Bakit dito ka papa-hangin eh pwede naman sa garden. Nilinis nila Mama mo yun kasama si Manang Rosaryo."

"Ah gusto ko po kase bumili sa 7 eleven. Malapit lang naman po iyon diba. Pero don't worry po babalik din po ako agad." Saad ko at nginitian sya.

"Osige na bilisan mo lang rin ha, una na ako sa loob" Tumalikod na ito sa akin. Yes

Lumabas ako at nag lakad lakad hanggang sa maka rating akong 7 eleven. Grabe ang lapit lang dito. Habang namimili nga ako ng bibilin ko ay naalala ko na may ganito pala sa bahay! So ano bibilin ko dito? Baka isipin ng cashier ay nag papa-lamig lang ako.

"Ito na lang siguro. Para hindi nakakahiya." Saad ko sa sarili ko at dinampot yung Oreo. Tumingin naman ako sa paligid ng may mahagip yung mata ko tumitingin sya sa mga inumin. "Si Lorisus ba yon?" Saad ko sa sarili ko. Napatingin naman ito. At dali daling lumabas.

Hahabulin ko sana sya kaso sinita ako ng cashier.

"Miss hindi pa bayad yang Oreo!" Napalingon ako sa cashier kaya pumunta agad ako sa kanya. Kahiya naman. Buti walang naka pila. Wala gaanong tao.

"Pasensya na Kuya, may kamukha kasi yung lalaki eh" Saad ko sa cashier at inabot yung Oreo.

"Sino hong lalaki?yung tumakbo?"

"Opo, kilala nyo ho?" Tanong ko sa kinuha yung binili ko.

"Ay si Sir Flores?" Flores? Sino yun? Baka hindi sya yun ah. Namalikmata lang siguro ako. Luh!

"Ano pong name nya?" Usisa ko.

"Ron...Ron Flores." Sagot nito. Eh? Hindi nga sya yun may Ron din naman sya pero Lorisus Ron yun. Tsaka hindi ata Flores apilido nun.

"Ay! Hindi ko kilala baka namalikmata lang ako. Thankyou po!"

"Bagong lipat ka dito?" Tanong nito.

"Opo." "Ah! kaya pala hindi ka familiar. Saan ka banda naka Tira?" Usisa nya.

"Dyan sa Armani Villa" "Una na ako Sir" Saad ko at nag lakad na palabas. Narinig ko pa sya na nag ba-bye!

Anong Oras naba? Wala pa naman akong relo o kaya'y selpon. Sana tinanong ko sa cashier kanina. Bobo talaga eh.

Pero feeling ko talaga si Lorisus yun. Pero iba pangalan eh. Nubayan kala ko pa naman eh.

"Ayaw bumukas" Saad ko sa sarili ko habang binubuksan yung gate. Hala naka lock na. Mamaa. Tinignan ko kung gaano ka taas yung gate at ayoko hindi ako aakyat. No!

"Ma. Mama!" Mahina kong sabi. Habang pinipilit buksan yung gate. Kaiyak ka naman bessy ko. Bakit ni lock.

May parating na kotse kaya nag tago ako sa mga halaman. Baka mapag kamalan akong akyat bahay. Huminto. Sa tapat ng gate.

"Thankyou bro!" Saad nung lalaki pag baba nya. At marahang hinampas ang pinto ng kotse. Umandar naman yung kotse. "See you bro" Saad nung nasa sasakyan at bumusina.

Sinilip ko yung lalaki. Lumingon naman ito sa gawi ko. Naneto kasing daga nato eh. Wait Kuya Clayton. Lumabas ako sa pinag tataguan ko at nagulat naman si Kuya Clayton.

"Woah!" Sigaw nya at nag karate pose.

"Hep hep. Kuya si Lori toh" Saad ko at kinamot kamot yung binti ko. Ang kati.

"Umaano ka sa damo!"

"Nag tago natakot ako eh"

"Natakot? Umaano kaba kase! Gabi na oh!" Sermon nito. Wow hiya naman ako sayo ha.

"Eh nasa raduhan ako ng gate ih" Sagot ko.

"Tara dito sunod ka sa akin." Saad nito at inakay ako.

"Saan tayo dadaan. Naka lock na gate." Tanong ko.

Hinatak ako ni Kuya Clayton sa mga halaman at may maliit na gate dito. Wow. Puro damo.

"Oh una kana pasok" Lumusot na ako sa mini gate na ito. "Aray!" Nauntog ako. Ouch!

"Deserve. Alam mong maliit yung gate eh." Paepal parang di pinsan ah.

Naka lusot na kami ni Kuya Clayton at isinarado nya na ulit yung mini gate. Tinabunan nya pa ito ng mga sako ng mga tuyong damo.

"Kaming mga Kuya mo lang ang nakaka-alam ng gate na yan." Saad nya at pinag-pag ang kamay at pants nya. Bago tumingin sa akin. "Pero ngayon pati Ikaw."

"Don't worry hindi ko sasabihin na may gate dyan." Tumango naman ito.

"Pasok kana. Palit ka ng suot mo."

"Opo. Buti nandyan kapa sa labas hehe. Muntik na ako umiyak eh." Saad ko dito bago lumakad. Liningon ko ito para mag ba-bye sana kaso nag lakad na rin sya papunta sa bahay nila. Bilis lumakad. "Goodnight Kuya Clayton." Bulong ko sa sarili ko.


Dahan dahan kong binuksan yung pinto ng kwarto namin ni Mama. At ang himbing pa rin ng tulog ni Mama. Buti na lang.

Kumuha ako ng bagong pantulog para mag palit ang kati na kasi eh. Pero sayang naman tong pantulog ko nato. Kaka-palit ko lang kanina eh.

Pag tapos kong mag palit ay humiga na ako sa tabi ni Mama. Tinignan ko yung selpon nya para malaman Anong Oras na. Alas Dyes na pala. Tagal ko yata sa labas.

Nag pray muna ako bago ipinikit yung mata at tuluyang natulog. Lovelots!



Continue Reading

You'll Also Like

432K 17.6K 61
โ•ฐโ”ˆโžค *โ‹†โ ๐ข'๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ก๐ž๐ซ ๐ง๐จ๐ญ ๐ฅ๐จ๐ฌ๐ž ๐ฆ๐ฒ ๐œ๐จ๐Ÿ๐Ÿ๐ž๐ž ๐ญ๐š๐›๐ฅ๐ž ๐š๐ฌ ๐š ๐ซ๐ž๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐ฒ๐จ๐ฎ ๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐ง๐  ๐จ๐Ÿ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐š๐ญ ๐ญ๐ข๐ฆ๐ž-๐›...
244K 6K 52
โŽฏโŽฏโŽฏโŽฏโŽฏโŽฏโŽฏ เชœโ€โžด ๐…๐„๐„๐‹๐’ ๐‹๐ˆ๐Š๐„ .แŸ โ› & i need you sometimes, we'll be alright. โœ IN WHICH; kate martin's crush on the basketball photographer is...
2.2M 115K 64
โ†ณ โ [ INSANITY ] โž โ” yandere alastor x fem! reader โ”• ๐ˆ๐ง ๐ฐ๐ก๐ข๐œ๐ก, (y/n) dies and for some strange reason, reincarnates as a ...
1.1M 49.2K 95
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC