P.S Always and Forever

By heyclairdelune

11.1K 238 17

Tranquil Series #3 [COMPLETED] ✧・゚: *✧・゚✧ tranquil (adj.) calm, serene, and peaceful. Will the letters of for... More

Tranquil Series #3
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue: A Tranquil Ending
love, Moonlight
Playlist

Chapter 18

170 5 0
By heyclairdelune

"What the fuck, Seanna?!" I said harshly then pushed her. May naaninag akong gumalaw sa labas at nanlamig ako dahil panigurado may nakakita sa amin.

Seanna laughed and even made a peace sign. "I was just testing you!"

"This isn't a fucking a joke! I lost my fucking first kiss to you!"

Seanna's eyes widened and she grinned afterwards. Nakita kong may pang asar na ngiti para sa akin.

"Oops?"

"Kung ibang tao ako, baka nasuntok na kita sa ginawa mo. You violated my boundaries." I said coldly while wiping my lips with water. I even used soap.

"Well...I guess I'm sorry?"

Inirapan ko siya at naglakad na palabas. Hindi ko nga alam kung bakit ako sinundan nito. Para siyang linta kung makadikit kaya nakakairita.

"I'm sorry, Ryder! Deep down you know why I did that!" She apologized and walked beside me.

Papunta na kami sa classroom. Sila Galen ay nauna na dahil kinausap pa ako ni coach sa gym. Nagulat na lang ako dahil biglang sumulpot si Seanna at hinalikan pa ako.

"I want to make him jealous. I think that will help."

I scoffed at her delusional self. "He has a girlfriend. Walang pakialam sa mundo 'yon. Girlfriend niya lang ang iniisip niya."

Seanna pouted next to me before sighing. "I don't even know why I like that fucker. Feeling ko nga papatulan niya ako." She laughed.

I looked at her with my frowning face. "Tangina, tumigil ka nga."

Seanna laughed at me and even bumped her shoulder to mine. Lalo akong lumayo dahil alam kong magkakaroon ako ng issue kasama siya.

"You still like that girl you always tell your friends about?"

"Mahilig ka na nga mag delusyon, chismosa ka pa."

Binatukan niya ako. Lalo akong nainis at gusto na lang takbuhan ito.

"You know, I admire your loyalty and faithfulness to that girl. I heard she's your childhood crush."

"Tumigil ka na."

Seanna laughed amusingly and even poked my cheeks. Minsan talaga ang sarap manakit ng babae. Pero mabait sa amin si Seanna kaya hindi ko rin magawa.

"Kinikilig ka?"

I bit my lip and looked away.

"Oh, gosh! A basketball player of your caliber becomes a softy just because of a girl!"

I looked at her with a warning clear on my face. "She's not just any kind of girl, Seanna. She's my best girl."

"Oh, love...What I would give to have someone so dedicated to me like you." She chuckled.

"'Wag ka kasi maghabol. Kusang lalapit ang para sa iyo."

"Eh, gusto ko nga siya!"

"Hindi ka niya magugustuhan. Marami pang iba diyan. Ako na naaawa sayo."

Seanna pouted at me. "Sakit mo naman magsalita."

I snorted. "I was just telling the truth."

Afterwards, Seanna smiled at me.

Malapit na kami sa building namin. Natatagalan lang maglakad dahil sa mga estudyanteng humaharang sa dinadanaan namin. Buti nga walang nangahas makinig sa mga pinag uusapan namin.

"I am genuinely sorry for taking advantage of you earlier. I know being playful is not an excuse, but I hope you understand where I'm coming from. That's not your first kiss. Bella will be your first. I'll pray to the stars, Benj!" She laughed while I just shook my head at her.

I stopped walking when I saw the woman who shines brighter than the stars.

Bella crouched down to feed one of the cats in the university. She pet its head and gave it bread. Kasama niya ang dalawa niyang kaibigan na nag uusap habang hinihintay siya sa ginagawa.

Ngumiti ako. Kay gandang walang katulad.

Binatukan ako ni Seanna. Tangina. Panira.

"The audacity to talk about being delusional when you look like that now! Tara na! Late na tayo, Benj!" Seanna dragged me away from the woman who consumed my soul.

Nang nakarating kami sa room, nandoon na sila Galen na nakatipon sa isang sulok. They're one block section and I'm one year ahead of them. Nag extend lang ang school years ko dahil athlete. Pero kahit ganon, hindi ako nahirapan pakisamahan sila.

Nakaupo ako noon sa isang bench at pinapahinga ang injury sa kanang paa. Kanina pa kasi ako naglalakad. Nakita ko sila Galen, Brielle, at Kai na pagala gala sa lobby ng main building. May dala dala silang papel kaya inisip kong mga freshmen sila.

"Uy, may kuya sa tabi...Baka alam niya..." Rinig ko ang isang boses ng lalaki. Tumingin ako sa kanila at nakatingin din sila sa akin.

Ang tagal namin mag titigan na parang mga ewan. They look like they forgot what they came for! The dead air makes it more awkward.

Nainis na ako dahil sa pagiging tahimik nila. "Ano problema niyo?"

"Gago...Baka manapak...Tara na nga." Pagyaya ng isang lalaki sa katabi niyang babae na kamukha niya. I assumed they're twins.

Tumikhim ang isang lalaki at pinakita ang papel. It's an invitation for the freshmen's general assembly in the theater.

"Magandang umaga. Itatanong lang sana namin kung saan makikita ang theater? Kanina pa kasi kami umiikot at hindi namin mahanap." The guy formally said.

Parang mga pusa ang magkambal na nag aabang sa sagot ko sa isang tabi.

"Dumiretso kayo diyan sa hallway tapos kanan. Pagka kanan, diretso ulit lakad tapos kaliwa naman. May makikita kayong signage ng theater. Maraming pintuan ang theater pero mas mabuti kung doon kayo pumasok." Sabi ko sa kanila habang tinuturo kung saan sila dadaan. Tango nang tango ang tatlo.

"Ah, sige. Salamat, pre!" The other guy chuckled nervously. I nodded and watched them walk away.

But I was surprised when I became their classmate in most of their classes. We all have the same college program. That sparked our friendship I never thought I needed.

Naging close namin si Coma dahil natapunan siya ni Brielle ng tubig. That's the start of their romance.

Close lang kami ni Lester dahil playmate ko siya at puro basketball lang ang pinag uusapan namin. Ganun din ang isa naming kaklase na si Yuan, nakakausap lang tuwing may klase. Pero hindi sa lahat ng subject ay nandoon siya.

Pero ang pagkakaibigan namin nila Galen at Kai, kasama sila Brielle at Coma, ay parang pare pareho kami ng pinanggalingan. Kumportable akong makipag usap sa kanila at naiintindihan nila ang pagiging tahimik at ilap ko sa tao.

"Gagi, akala ko masamang tao ka. Bait mo pala." Galen said to me one time when we were eating out.

I nodded at him and continued eating my ramen. Nakakatamad magsalita.

Coma laughed after he wiped Brielle's mouth with his handkerchief. "Naalala ko na natakot ka kay Ryder dahil mas matangkad sayo tapos napasigaw ka pa ng 'Gago, lumayo ka!' noong tumayo sa harap mo!"

I chuckled. Kai laughed. Brielle bursted into laughter because of her brother.

"Nakakahiya ka talaga, kuya!"

Umirap lang sa amin si Galen at patuloy kumain ng ramen niya.

"Do you have training later?" Kai asked me. Katabi ko siya sa booth na inuupuan namin.

I nodded.

Brielle looked at me worriedly. "Can you just excuse yourself? May injury ka pa sa huli mong laro!"

Coma nodded. "Tama si Brielle. Baka lumala pa 'yan kapag hindi nakapag pahinga, Ryder."

Galen pouted before giving me a teasing smile. I sighed.

"Oo nga. Tama sila. Sige ka! Hindi ka na magkakaroon ng pasikat moment kay childhood crushie!"

I rolled my eyes. "Hindi naman nanonood ng sports 'yon."

"What if manood na dahil naglalaro ka?" Brielle joined in her brother's banter. Nagtawanan sila nang umiwas ako ng tingin.

The first time they heard about Bella was when they decided to have a drinking session in our house. Pumayag sila mama dahil kilala naman niya sila Galen. Pero hindi ako nakatakas pagtatanong ni mama kila Galen. Alam niya kasi mga may tama na kami noon!

Bawal pa nga ako uminom dahil athlete ako pero naiinggit ako kila Galen kaya hindi maiwasan mapainom. Buti na nga lang talaga ay walang training kinabukasan.

"For sure you know who my son likes. Sabihin niyo nga kung sino! Lahat ng babaeng may gusto sa kanya ay ayaw niya. Mga nirereto ko sa kanya ay ayaw din! I still don't see him get so interested in girls! So please, as his friends, umamin kayo sa akin!"

My father laughed at the side. Hilong hilo ako pero narinig ko pa rin ang sinasabi ni mama.

"Hindi po ata marunong magmahal ang anak niyo." Galen laughed drunkenly. I showed him my middle finger as I was starting to groggily chuckle.

"Onti na lang, iisipin ko na rin 'yan." Sabi ni mama.

"Her name's Bella."

Nagising ang diwa nila Coma at Brielle. Si Kai ay napatingin sa akin. Si Galen ay nanglalaki ang mga mata.

I realized why they have a reaction like that. This is the first time they heard me speak about a woman. Even my parents looked surprised. My mom gave me a teasing smile. She knows I'm drunk yet she continues to take advantage of my situation!

"Tapos?" Si mama ay naupo na sa tabi namin sa lapag. Akala mo makikipag inuman din. Si papa ay nakatayo at nakahalukipkip sa likod ni mama.

I chuckled drunkenly. "The first time I saw her was at the park. Bata pa lang po ako noon pero alam ko na ang nararamdaman ko."

Tahimik sila habang nakikinig. Lahat nakatingin sa akin pero parang wala lang sa akin dahil sa kalasingan.

"Ilang taon ko na nga po hindi nakikita 'yon, pero siya lagi laman ng isip ko. Siya pa rin dahilan kung bakit ang pursigido ako sa ginagawa ko! Ni hindi ko nga alam buong pangalan niya, Bella lang ang alam ko pero parang kilala ko na siya ng sobrang tagal..." I uttered slowly, hoping they can understand.

"Hindi ka na naghanap kasi nakita mo na ang babaeng hinahanap ng puso mo? Ang babaeng 'yon ay si Bella? Anak, baka delusyon mo lang 'yan!" Mama exclaimed dramatically, making my friends laugh.

I groaned and rested my head on the table. I don't want to talk anymore. Onti onti na ako inaantok dahil sa ininom.

"Well, we can't wait to meet her, anak." I heard my mother's voice before I drifted off to sleep.

I remember the surprise I felt when I saw her walking through the same university during her first year. Ilang taon na ang nakalipas pero kilala pa rin siya ng puso ko. Kilala rin siya ng paningin ko.

Hindi ko siya malapitan dahil sa hiya na nadarama ko. Hindi kinakaya ng sarili ko ang kabog ng puso ko kapag nasa malapit siya. Baka mahimatay pa ako 'pag nakalapit sa kanya.

Unang kita ko pa lang sa kanya noon ay bumalik ako sa mga alaala ko sa parke kung saan mas tumatagal ang pagtitig ko sa bata kaysa sa paglalaro ng basketball.

"Uy, si Ryder! May crush!" Pang aasar sa akin ng mga kalaro ko.

Nilagay ko ang hintuturo ko sa labi para patahimikin sila. Lalo sila nagwala habang naglalaro sa court.

Nakita kasi nila ako na nagtatago sa isang puno at nakatingin sa batang babae na nakaupo sa damuhan na may hawak na notebook at ballpen.

She's bobbing her head side by side as she colors her notebook. Her mouth is opening to utter words so I assumed that she's singing.

Bigla ako inakbayan ni Lester, isa sa mga kalaro ko.

"Alam mo, pre. Marami pang girls diyan. Hindi lang naman siya! Laro na kasi tayo!" Pagyaya niya sa akin. Hinatak pa ako.

"Kayo muna! Baka kasi umalis na!" I said, referring to the girl sitting on the grass.

"'Sus! Inuuna na ni Ryder ang babae!" Sigaw ni Lester sa mga kasama namin.

Nanlaki ang mata ko. "Huh? Hindi! Tara na nga!"

Wala na ako nagawa at muling sumulyap sa babae bago maglaro ulit. Nagpatuloy kami sa paglalaro sa court, bitbit sa aking isip ang kanyang mga ngiti sa kanyang ginagawa.

When I learned that we would be merged with another block section that is two years younger than us, well, for me, three, it was a little boring. May mga nakakasama na rin naman kami na ibang section noon sa isang klase kaya hindi na big deal. Tapos ay minor subject pa ito.

But when I found out that the other section was from the engineering department, I rejoiced.

Kahit hindi ko pa alam kung tunay na sila Bella 'yon. Sa ilang taon kong tinitingnan siya mula sa malayo, nalaman ko rin na engineering student siya. Lagi akong napapangiti kapag nakikita ko ang ngiti niya. Namumula ang aking tainga kapag naririnig ang kanyang tawa kasama ang mga kaibigan niya.

"Parang hindi na nakakatamad ang minor subject na 'yon!" Galen laughed during our break time. He's referring to Ma'am Amelia's class we had attended earlier.

Kai snorted. "Ginaganahan ka lang dahil kay Miss Engineering."

Galen blushed. "Hindi pa rin ako makapaniwalang nasa isang klase kami. Lalo ako natotorpe!"

Brielle rolled her eyes. "Maybe that's your karma for rejecting girls all throughout the years, kuya. Kay Crim ka lang pala titiklop!"

The first time that Galen saw Crim during a pageant we needed to cover, he was almost brought to his knees. He literally stopped what he was doing because he became busy watching the woman walk down the stage. Kulang na lang tumulo ang laway niya.

One time, when I was spending time with my parents, I randomly told them that Bella was one of my classmates in a minor subject. Halos sabunutan at sakalin ako ni mama dahil sa tuwa. Ang liit daw ng mundo para sa aming dalawa.

She never stopped saying how beautiful Bella was when she saw my girl's picture. Ang lakas ng kabog sa dibdib ko dahil nagustuhan agad nila mama si Bella kahit hindi pa siya nakikita nila.

"She looks like an angel, Ryder. I hope we get to meet her soon."

"Soon, mama. Dadalhin ko siya sa inyo ni papa."

"Anak, kung ako sayo, lapitan mo na!" Pagpipilit sa akin ni mama. Tinatawanan na lang siya ni papa.

I chuckled. "Natotorpe ako, mama."

Binatukan ako ni mama. "'Wag kang magmana sa ama mo! Ako pa nga ang nanligaw diyan!"

"Bella and I still have plenty of time. I want to wait for her. Ilang taon ko na rin ginagawa 'yon." I said, hopeful because I can sense that it's the truth.

Mama smiled at me before caressing my cheeks. "You have grown into a fine and grown man. Nakakaproud ka, anak. Hindi lang sa galing mo sa basketball, kung hindi ang ganda rin ng taste mo!"

Papa and I laughed at what she before we continued eating, kalaunan ay nagkaroon ng movie marathon kasama ang mga magulang ko.

"Labrador, 62."

Nang narinig ang tawag ni coach, tumakbo ako palapit sa kanya. Kinausap ako tungkol sa possibility na ma recruit ako abroad. Hindi ko nga alam kung masisiyahan ako o hindi.

Pangarap ko ito pero may nadagdag sa pangarap ko. Ang maisip na maiiwan siya dito ay nakakapanghina.

"Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit 'yan ang number mo lagi sa jersey." Lester, my then playmate and now basketball teammate, said. Naging magkaibigan na rin kami dahil pareho na program ang inaaral sa university.

"June 2." I said simply.

He looked at me in confusion. "Hindi mo naman birthday 'yon."

I smirked before walking away from him.

Alalang alala ko ang araw na 'yon. Hindi lang dahil nadapa ako at nagkaroon ng malaking sugat sa tuhod, pero dahil na rin 'yon ang araw kung saan ko siya unang nakita. Ang araw kung saan nagmarka ang paghihintay kong mapasaakin siya.

I almost lose it everytime my elbow touches the side of her left shoulder during class. Everytime I would steal glances at her, it always overwhelms me knowing she's sitting beside me. I was always so caught up in my breath because of her beauty.

Ni hindi ko siya kilala pero parang alam na ng puso ko kung sino ang hinihintay nito. Parang ilang taon na kaming magkakilala. Nakakalambot ng tuhod ang ganda niya.

"Ayan, kuya! Patorpe torpe ka pa kasi! 'Yan tuloy!" The voice of Brielle brought me out of my trance.

Nagyaya si Galen uminom kagabi kaya pumayag kami. I was not allowed to drink that much because I'm an athlete kaya sinamahan ko na lang sila sa bahay namin kagabi. Even Kai and Coma didn't drink that much. Si Brielle naman ay nag movie marathon lang at walang pakialam sa amin.

Si Galen lang ang umiinom at dinadamayan lang namin dahil nalaman niyang may boyfriend na si Crim. Kaya kanina, habang patapos na ang klase namin, biglang nagsuka si Galen sa classroom.

Hindi ko nga alam kung maaawa ako sa kanya o mahihiya. Kami pa nila Kai at Coma ang naglilinis ng kalat niya habang dinala siya ni Brielle sa clinic.

"Fuck!" Napasigaw ako dahil sa biglang panggugulat sa akin ng kambal. Nasa harap ko ang locker ni Bella at balak isilid doon ang tula na lagi kong ginagawa para sa kanya.

Galen narrowed his eyes on me. "Kaya pala bigla kang nawawala, ah. May ginagawa ka pa lang krimen."

I scoffed at him. "At least hindi torpe."

Binatukan kami ni Brielle. "Pare pareho lang kayong torpe! Si Coma lang hindi!"

Galen snorted at his twin. "Marupok ka rin kasi."

Umirap ako at pinabayaan na ang pag aaway nila. Tuluyan ko na sinilid ang papel sa locker ni Bella. I was already secretly smiling because of my anticipation for her reaction.

"Please start thinking about this now, Ryder. They really want you to be part of their league." Coach said to me one time after training.

My initial plan after college was to join the PBA draft. Wala naman talaga sa plano ko ang maglaro sa ibang bansa. Kaso marami na ngang recruiters ang lumalapit sa akin at sabi ni coach ay magandang opportunity din ang mga 'yon.

Then, I remembered that Bella's still in school for about three years. Playing abroad would give me time to distract myself from missing her. Alam kong mahirap dahil nasanay na ako sa presensya niya, pero kakayanin ko dahil si Bella naman iyon.

"I want to join the B.League, coach." I said, fully decided on that. I opened the topic to my parents and they were happy about it. Sad because I would spend years away from them.

The coach patted my back. "I'll relay that information to the recruiter. Sasamahan na rin kita sa meeting. You know, for contracts and such."

I nodded before bidding farewell to him.

The news about Brielle's accident shook me to the core. Parang nawalan ako ng batang kapatid. Ang marinig ang pag iyak ni Galen sa aming dalawa ni Kai ay nakakapag paiyak din sa aming dalawa.

Ang galit na nadarama ko para kay Coma ay lalong lumalaki lalo na kapag nakikita ko siyang parang wala siyang pakialam. Even though he's already crying as Galen continued his punches, Coma remained nonchalant and apathetic.

He remained lifeless as Galen continued to punch him as if his almost four years with Brielle didn't affect him that much. Parang walang pinagsamahan at parang hindi minahal.

Kai was the only level headed among us. He's hurt because Brielle's gone, but he continues to see both sides of the incident. As for Galen and I, we can't see anything anymore other than rage. Our anger for Coma continued to live on.

Hindi na ako makakapayag maging kaibigan ang isang taong katulad niya.

"Hindi ako mapapagod maghintay sayo dahil alam ko sa sarili ko na kailangan kita sa buhay ko."

That's the truth. My universal truth. Hindi na magbabago ang nararamdaman ko para sa kanya.

Sa kanya nga lang ako naging ganito at sa kanya ko lang din matatanggap na maging ganito. Wala nang iba dahil nakalathala na sa mga tala ang magpakailanman naming dalawa.

Ni hindi na nga ako maasar nila Galen, Kai, at Coma sa pagiging corny ko dahil ganun din naman sila! Brielle would only laugh at us.

"Hey, man! The team wants to celebrate the victory. You want to join us?"

One of my teammates approached me as I was tying my shoelaces. I stood up.

"I have to be somewhere else. I have an errand to do."

My teammate understood me quickly. He nodded before chuckling. "Oh, okay! Maybe next time?"

I nodded. "Yes, next time. I got to go."

We patted each other's back before I started walking out of our gym.

Our team won yesterday. Tapos kanina ay pamatay na training ang ginawa namin. We also reviewed our game play for the next games. The pride I feel by the amount of compliments I received over the years because of my play.

"Fuck, ang lamig..." Bulong ko sa sarili ko dahil sa snow ng Japan. Balot na balot na nga ako at nagpapawis na sa gym pero ang lamig ng klima ay hindi ko pa rin makaya.

I rode the Shinkansen because it's the only way to travel to Enoshima. I almost fell asleep on the bullet train but stood up excitedly when I arrived. Parang tanga at parang batang pupunta sa isang toy store.

When I arrived in Enoshima, the snow didn't cover the ground, so it was easier to walk up a hill.

When I arrived at my destination, my mouth gaped at the sight of it. Hindi na ako nakapaghintay at nilabas na agad galing sa bulsa ang bitbit ko. Matagal na 'to sa akin pero ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon makapunta dito.

Some vendors tried to sell me their products, but I respectfully declined. I showed them the thing I brought, and they nodded understandingly. Afterwards, they let me be, so I am now standing in front of the fences.

Huminga nang malalim bago lumapit. I unlocked the thing I was holding before carefully locking it to the fences. Wala pa gaanong padlocks sa lower middle kaya doon ko nilagay ang padlock.

I smiled when I locked it. Sinuot ko ulit ang susi na ginawa kong kwintas.

I remembered that Bella once shared this on Twitter years ago. She retweeted a tweet that specifically said that a love lock is on her bucket list. Thankfully, love locks exist in Japan.

I smiled when I realized I brought her name here. Siya na lang ang kulang.

I looked at the sky blue heart shaped padlock in the fences of Lovers Hill. I smiled when I saw how good it looked.

'B + B'. I wrote with a permanent marker.

I chuckled. The feeling I have now can't be contained.

"I can't wait to come home to you, baby."

|🌙|

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 172K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
851 69 43
Infinity Series #2 -Chessca Buenaventura Can a star meets a star again? Posted: May 30, 2021 Finished: July 28, 2021 The picture is not mine.
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
127K 2.5K 58
In the Aspen University, a student athlete named, Aria Garcia will meet the nerd, weird, introvert and a clumsy man, Luke Marquez. Since the day they...