Writer's Block

By Yanalovesyouu

7M 283K 48.9K

A fantasy which seems to be more like a reality. Or a reality which seems to be more like a fantasy? Or perha... More

WB1
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 19

111K 5.8K 1.2K
By Yanalovesyouu

My hands were shaking and I could no longer control my whole body. Kahit sobrang lakas ng ulan, I felt warm tears start to stream down my face. I closed my eyes tightly and balled my fists knowing that I might have to fight for my life.

"Pallium" I softly whispered. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko para tignan kung naging invisible ako. Pero shit! Anong nangyari? Bakit nakikita ko pa rin ang sarili ko?

"Pallium!" This time may halo ng inis ang pagkakasabi ko kaya mas malakas na ang boses ko. Sinabayan pa ng pagkulog at pagkidlat. I heard the Cerberus growled kaya mas lalo akong nagpanic. "Pallium!" P*taragis na pallium bakit ayaw umepekto?

"Alexis ano bang ginagawa mo? Umalis na tayo" the rat pleaded.

"Sinusubukan kong maging invisible" Mabilis na sagot ko at saka ulit nagsalita ng "Pallium!!" Asar na asar na ako dahil kung kailan namang kailangan—

"Hindi gagana 'yan dahil hindi gumagana ang mga magic spells dito sa loob ng Oldewood"

What the fudge? Hindi ko alam kung anong ire-react ko sa sinabi niya dahil para akong pinanghinaan ng loob. Pinikit ko ang mga mata ko dahil wala na akong ibang naiisip na paraan.

Naghintay ako ng ilang segundo bago ko imulat ang mga mata ko. I looked up at sakto namang kumidlat kaya I got to see the man na walang takot na dumaan sa gitna ng Cerberus. Unti-unting tumila ang malakas na buhos ng ulan at nahawi ang makapal ng ulap sa langit kaya bahagyang lumiwanag ang Oldewood.

"L-Lucian" I couldn't take my eyes off him while he's slowly walking towards my direction. Pulang-pula ang mga mata niya at nakalabas ang mga pangil niya. Tinignan ko ang mga Cerberus, they're all sitting on the ground na parang mga maaamong aso.

"A-Alexis umalis na tayo!"

"Alexis tumayo ka na dyan. Mamamatay tayo dito"

"Huhuhu Alexis"

Takot na takot at nanginginig ang boses nila Luella, Calista at Neesha pero kabaligtaran naman ang nararamdaman ko ngayon.

Tumigil si Lucian sa paglalakad. Ilang hakbang pa ang layo niya sa'min, pero hindi niya inaalis ang titig niya sa'kin.

"Alexis, alis na tayo" Aray ko ha! Nararamdaman ko ang paghila nilang tatlo sa mga hibla ng buhok ko.

"H-hinahanap kasi namin 'yung daan palabas dito sa Oldewood. Tapos hinabol kami ng mga Cerberus," Hindi ko alam kung bakit nag-e-explain ako ngayon. Basta na-feel ko lang na kailangan kong mag-explain. Lumingon sya saglit sa mga Cerberus, kaya tumingin din ako sa mga iyon. They are creating fearful sounds and bow their heads at him.

Ang mga sumunod na nangyari ang nakapagpalundag ng puso ko sa sobrang gulat at takot. In just a blink of an eye, lahat ng Cerberus na kanina ay maamong nakaupo ay wala ng buhay na nakahiga sa sahig. What the fudge happened?

Ibinalik ko ang tingin kay Lucian at ang mas ikinadagdag ng gulat at takot ko ay 'yung kanang kamay niya na may mahahabang kuko habang may mga tumutulong dugo.

"Alexis huhuhu umalis na tayo"

"P-P-Papaano mo ginawa 'yun?" I softly asked with my voice shaking. Imbis na sagutin niya ako ay lumapit sya sa'kin at umupo sa harap ko.

"Waaaaaa!"

"Alexis Arentsvelt 'yan!!

"Tara na Alexis!"

Nagpapanic na ang boses ng mga langaw at ilang ulit na akong sinasabunutan. Pero wala akong panahon para paglaanan sila ng oras.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Hindi ko pa rin inaalis ang titig ko kay Lucian hanggang sa makita ko kung paano sya nagbago ng anyo. Mula sa nakakatakot na itsura niya ay bumalik na sya sa normal niyang itsura. "Ako dapat ang nagtatanong sa'yo niyan" sagot niya. Marahan niya akong binuhat at saka niya tinignan ang tatlong lamok na nagtago sa buhok ko.

"Huwag mong pansinin ang mga yan. Mga flying ipis lang 'yan na nakita ko kanina" Natatawang paliwanag ko. Hindi nagsalita si Lucian. Naramdan ko na lang ang mabilis na kilos niya. Daig ko pa ang nakasakay sa roller coaster. Wala akong makita at halos bumaliktad ang sikmura ko sa sobrang bilis.

It lasted for about 15 seconds bago kami tumigil. "Nasaan tayo?" Well obviously Alexis, nasa isang bahay kayo na hindi gaanong malaki, at hindi rin gaano maliit. Pinagmasdan kong maigi ang bahay na yari sa bricks at kahoy na napapalibutan ng mga malalaki at tuyot na puno. Nakasara ang mga bintana na gawa sa kahoy kaya I don't know kung may tao ba sa loob. It's an old style of house, and it's really creepy. Marami ring mga tuyot na dahon at sanga na nagkalat sa paligid ng bahay.

"Bahay ni Gynweilla"

Kumunot ang noo ko at tumingin kay Lucian. Nakatingin sya ng diretso sa lumang pinto na gawa sa kahoy. Parang kapag tinulak mo ng konti eh bibigay agad ang pinto sa sobrang kalumaan. "Sino naman si Gynweilla?" Nagtatakhang tanong ko.

"Waaaaaa si Gynweilla!"

"Masama si Gynweilla Alexis!"

"Black sorcerer 'yan!! Kukulamin tayo ng bruhang 'yun!"

Hindi pa ako nakaka-react ay bumukas na ang pinto. "Oh shit!" Humigpit ang kapit ko sa leeg ni Lucian dahil sa nakakapangilabot na nilalang na lumabas mula sa loob ng bahay.

"Pfft"

"Lord Lucian" Nag-bow ang nakakatakot na babae sa harap naming dalawa ni Lucian.

"Waaaa ayan na sya"

"Huhuhu mamamatay na tayo mamaya"

"Kukulamin niya tayo!"

Tinignan ko ang buhok niya na mukhang ilang dekada ng hindi nasusuklay, it's a straw-like and lifeless. Yung mga mata niya ay parang mata ng pusa. She also has a hooked nose tulad ng itsura ng mga witches sa mga movies. Yung balat niya zombie-white at parang hindi na dinadaluyan ng dugo. I gulped.

"Tuloy po kayo" Magalang na paanyaya ni Gynweilla. Hindi ko inaalis ang tingin sa kanya na isa raw dark sorcerer daw sabi nung tatlong kuto sa ulo ko. Totoo nakakatakot ang itsura niya. Kaya ano nga naman ang ginagawa namin dito ni Lucian?

Inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng bahay. Hell! Nagagamit pa kaya niya ang mga gamit dito sa loob? Sobrang luma na lahat. Ang mga bakal kinakalawang na nga eh.

"Hindi niya maigalaw ang kanang paa niya" Tumingin ako kay Lucian na marahan akong iniupo sa isang silya. Umatras sya ng bahagya at binigyang daan si Gynweilla na naglalakad ngayon palapit sa'kin. Oh no wait, don't tell me iiwan ako ni Lucian dito? "Uy Lucian dito ka lang" Hinila ko ang laylayan ng damit niya bago pa sya makalayo. Kung kaya't hindi na sya umalis sa tabi ko.

"Maaari ko bang suriin ang paa mo, binibini?" Umupo sa harap ko si Gynweilla kaya hindi ako magkaintindihan kung paanong upo ang gagawin ko. Nakakatakot talaga ang itsura niya.

"Kukulamin ka niya Alexis"

"Mamamatay ka na, puputulin niya ang paa mo. Waaa!"

"Huwag mong ipapakita ang paa mo Alexis. May balak syang masama sa'yo."

Kinapa ko ang tatlong butiki sa ibabaw ng ulo ko na kanina pa daldal ng daldal dahil mas lalo lang nilang dinadagdagan ang kaba ko sa dibdib.

Ipinatong ko ang paa ko sa ibabaw ng lap ni Gynweilla. Dahan-dahan niya 'yun hinawakan na parang may kinakapa sya sa mga ugat ko. Kasabay ng paghawak niya sa paa ko ay may scene na rumehistro sa utak ko.

"Waaaa! Huhuhu ang sakit! Mamamatay na ako Lucian"

"Tss. Gagamutin niya ang sugat mo"

The scene was on this exact chair I am sitting. Tumingin ako kay Lucian na nasa exact na position din niya doon sa scene. "I've been here" Bulong ko. Hindi nagreact si Lucian pero tumingin sya sa'kin. "Nagpunta na po ako dito noon?" Tanong ko kay Gynweilla.

Tumigil sya sa ginagawa niya at tumingin sa'kin. Ugh! She's really creepy. Kahit na hindi naman sya mukhang masama, hindi pa rin mawala ang takot ko tuwing titingin sa kanya. Kumunot ang noo niya at pinagmasdan maigi ang mukha ko. Sinubukan kong kapain ang kamay ni Lucian dahil natatakot talaga ako. Leche! Hindi ako chuma-chansing ah! Natatakot lang talaga ako. Magkaiba 'yun!

"Wala akong naaalala na nanggaling ka na rito" Sagot niya. Really? "Pero nanggaling na ako dito eh" Sagot ko. Kaming dalawa talaga ni Lucian 'yung nakita ko eh. "Diba Lucian? Nanggaling na tayo dito noon?" Mukhang nag-isip pa ng ilang segundo si Lucian bago sya tumango.

"Oo maraming beses na dahil lagi kang nasusugatan" Pagsang-ayon niya kaya ngumiti ako at tumingin ulit kay Gynweilla.

"Oh see, sabi na sa'yo nanggaling na kami dito eh!" Hindi ko alam kung paano at ano ang nangyayari, pero now I am sure na 'yung mga nakikita ko ay part ng memories ko.

"Ipagpatawad nyo binibini. Ngunit hindi ko maalala na nakita na kita noon" Tinitignan kong mabuti ang mga mata niya at mukhang hindi naman sya nagsisinungaling kaya ibinalik ko ulit ang tingin k okay Lucian na may halong pagtatakha. "Hindi niya naaalala, pero nanggaling na talaga tayo dito diba? Diba sabi mo—"

"Oo" Pinutol na niya ang tanong ko.

"Huwaaa may malaking kaldero dito Alexis tignan mo"

"Dito niya siguro niluluto ang mga nakukuha niyang nilalang"

"Iluluto ka niya dito mamaya Alexis, tapos pati kami iluluto niya dito kaya umalis na tayo"

Tinignan ko ng masama 'yung tatlong surot na paikot-ikot na dito sa loob ng bahay ni Gynweilla. "Pag hindi kayo pumirmi sa isang lugar, ako mismo ang aadobo sa inyo," pagbabanta ko sa kanilang tatlo. Ang kukulit kasi! Imagine daan-daan na ang edad nila, pero daig pa mga bata sa kakulitan.

Tumayo si Gynweilla mula sa pagkakaupo sa harap ko at naupo di kalayuan sa amin. "Shit! Ang astig! Hindi na masakit ang paa ko" Naigagalaw ko na ngayon ang paa ko na parang hindi man lan ako napilayan kanina. "Paano niya ginawa 'yun? Hinawakan niya lang naman ang paa ko" Bulong ko.

"Mangkukulam nga kasi sya—" Tinignan ko ng masama si Neesha bago pa man din sya matapos sa sasabihin niya.

"Maraming salamat po" I said as I shifted my glance at Gynweilla. I received no response at mukhang malalim ang iniisip niya. Dahil okay na ang paa ko, sinubukan kong tumayo para maglakad-lakad dito sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa isang bookshelf na halos magigiba na sa sobrang luma at kumuha ng isang libro.

Book of spells

Darn! This is cool!

I opened the book with full of excitement dahil sa title. But hell! "Walang nakasulat, bakit ganoon?" Bulong ko. Iniscan ko lahat ng pages pero walang kahit isang spell akong mabasa.

"Selyado ang aklat ng isang orasyon kung kaya't wala kang mabasa,"

"Ahh ganun po ba?" Tumango-tango ako at saka tumingin sa kaliwa ko.Napalundag ako sa sobrang pagkagulat at saka mabilis na tumakbo pabalik kay Lucian dahil sa takot nung makita kong magkatabi na ang mukha naming dalawa ni Gynweilla. "Leche! Mamamatay ako sa takot" Bulong ko habang hawak-hawak ang dibdib ko. Hawak ko pa rin sa isang kamay ang libro na kinuha ko.

"Pfft" Natatawa si Lucian kaya tinignan ko sya ng masama. Isa pa 'tong lintik na 'to. Kanina pa ako tinatawanan. Hanggang mamaya tatamaan na 'to sa'kin.

Naka-seal ang book ng isang orasyon?

Biglang sumagi sa isip ko ang librong isinulat ni Queen Freya na nakita ko sa library ng mga Arentsvelt. "Papaano ko naman po mababasa ang libro kung may seal pala?" Tanong ko.

Bahagya syang natahimik at nag-isip. "Hindi ko alam ang sagot sa iyong katanungan, binibini. Ipagpaumanhin mo." Sinsero niyang sagot at saka tumungo sa harap namin ni Lucian. "Patawad po Lord Lucian, ngunit hindi ko po talaga alam ang isasagot sa binibini na iyong kasama"

"Kailangan ba talaga ganyan sila kagalang Lucian?" Bulong ko. Pero ngumiti lang si Lucian sa'kin.

**

"Hindi ko talaga alam kung bakit hindi niya ako maalala" Basag ko sa katahimikan. Nakaupo ako sa isang patay na sanga dito sa loob pa rin ng Oldewood. Hindi na ako nakakaramdam ng takot ngayon. Kahit nga 'yung tatlong tutubi, hayun at palipad-lipad at ginawang playground ang mga patay na puno.

"Ang dami kong nalaman Lucian alam mo ba?" Tanong ko sabay lingon sa kanya. Nakatayo lang sya at nakasandal sa isang puno habang nakatingin ng diretso sa'kin. Hindi niya ako sinagot kaya nag-kwento ako. "Naalala ko 'yung unang beses tayo nagkakilala. 'Yung kinu-kwento kong panaginip sa'yo. Ngayon ko lang narealize na hindi pala 'yun panaginip" Tumigil ako at tumungo. Ang tanga ko kasi.

"Yung tinutukoy mo na babae na kumalimot sa'yo...ako pala" Wika ko. Pero ang ipinagtatakha ko lang. "Bakit ko hiniling na kalimutan ang lahat?" Diretsong tanong ko kay Lucian pero hindi sya sumagot.

"Oy Lucian naman eh. Gusto ko malaman lahat"

Iniba niya ang direksyon ng tingin niya. "Ikaw ang humiling na kahit anong mangyari, huwag naming hahayaan na bumalik ang mga alaala mo" Pagkatapos niyang sabihin 'yun ay ibinalik niya ang tingin niya sa'kin. "Alexis, kapag sinabi ko sa'yo ang lahat, para ko na ring sinira ang tiwala na ibinigay mo sa'kin. Kaya patawarin mo ako kung pagkatapos nito, aalisin ulit namin ang alaala mo"

Umiling ako. "Hindi, ayoko! Kung ano man ang sinabi ko sa'yo noon kalimutan mo na. Gusto ko ng maalala ulit ang lahat" Mariing wika ko. Umalis sya sa pagkakasandal sa puno at saka naglakad palapit sa'kin at umupo rin sa patay na puno.

"Kapag sinabi ko sa'yo ang lahat, para ko na ring sinira ang pangako ko" Mariing sagot niya pagkaupo sa tabi ko. "Sana maintindihan mo ang lahat..." Putragis! Gusto ko ngang malaman lahat!

"Hindi ko alam kung ano ang sinabi ko noon at kung ano ang dahilan ko kung bakit ko kinalimutan lahat. Pero diba mas maganda na iayos kung ano man ang mga nagawa ko?"

"Nasa ayos na ang lahat mahal ko"

Asdfghk! B-bakit ba sya biglang nasasalita ng ganun. Pakshit! Natameme tuloy ako dahil biglang bumilis ang tibog ng puso ko.

"P-pero ayaw mo bang maalala kita?" Seryosong tanong ko. Natahimik na naman sya saglit kaya nagsalita ako. "Sure ako na mabigat ang dahilan kaya pinili kong mawala ang memorya ko. Pero sigurado rin ako ngayon na gusto kong harapin ang mga tinakasan kong problema" Mariing pahayag ko.

"Ano kaya ang pinag-uusapan nila?"

"Hindi ko alam, inuuto siguro ni Alexis 'yung prinsipe ng kadiliman"

"Oo nga, at mukha namang nagpapauto 'yung Arentsvelt"

Tinignan ko ng masama 'yung tatlong tutubi, kaya bumalik sila sa paglalaro nila. Mga lokong 'to. Nakikisali na naman sa usapan ng may usapan.

Tumikhim si Lucian at saka nagsimulang mag-kwento. "Ikaw ang pina-kamakapangyarihang wizard noon. Ang nag-iisang tagapagmana ng kaharian ng Queinsville. At ang magiging reyna sana ng ikaapat na henerasyon..."

Continue Reading

You'll Also Like

5.6M 179K 75
Yung nababalita noon na kalahating ahas na nakatira sa mall at nangunguha ng tao? Sabi nila isa lang siyang mythical creature na gawa-gawa, hindi tot...
172K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
24.2M 983K 41
Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang l...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...