Perfect (Montenegro Series #7)

By ynknpaper

1.1K 54 5

Montengro Series #7. Everything needs to be perfect. As one of the eldest Montenegro heirs, Makyla Corrine Mo... More

Perfect
SIMULA
01
02
03
05
06
07
08
09
10
11
12

04

44 3 0
By ynknpaper

Naiilang akong naglakad papasok ng school dahil sa dami ng taong tumitingin sa gawi ko. Sanay naman akong napapansin ng iba because my cousins are quite loud and proud here sa school and some of the students know me pero iba itong ngayon. Kung ang tingin ng mga tao noon ay pagkakalilanlan dahil nakita na nila ang isa sa mga pinsan ng mga Montenegro ngayon halo halo ito. May ibang matataray na paniguradong mga taga-hanga ni Caspian. May ibang mga nakikiisyoso lang. May iba namang nginingitian siya.

May dumaang kumpol ng kalalakihan na alam kong mga basketball players na ngumiti sa akin. I know that Caspian is part of the team. I awkwardly smiled at them before walking away as fast as I can. I never felt more exposed in my life. Hinihingal akong umupo sa upuan ko at bumuntong hininga. Mas kinabahan pa ata ako sa nangyaring pagpasok ko kanina kaysa sa ginawa kong dare ni Kian sa akin.

"Buti at buhay ka pa." puna ni Janine sa akin na himalang maagang pumasok ngayon.

"I am barely alive." bulong ko na alam kong narinig niya. 

"May boyfriend ka kasing sikat." asar nito kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tumawa lang ito sa akin kaya umiling naman ako.

Dumako ang tingin ko sa pintuan at nakita kong papasok ng classroom si Rei. Nagtama saglit ang mga mata namin bago niya ito iniwas at dumiretso sa upuan niya na nasa kabilang bahagi ng room. Sinundan ko siya ng tingin at hindi ko maiwasang hindi maguilty kahit naman hindi naman dapat dahil wala namang namamagitan sa amin ni Caspian. Pinagmasdan ko siyang masayang nakipag-usap sa mga kaibigan niya bago ako umiwas ng tingin at hinintay ang prof naman na alam kong parating na.

"Samahan mo na ako, Corrine. Gusto ko kasi nung ice candy na binebenta ngayon sa canteen. Please." pagmamakaawa sa akin ni Janine habang nililigpit ko ang gamit ko.

"Pwede namang ikaw nalang. May baon naman kasi ako."

"Dali na please. Ililibre kita ng gusto mo basta samahan mo lang ako." pagpipilit niyang muli. 

Bumuntong hininga ako at malakas naman siyang tumili. Ikinawit niya na ang braso niya sa braso ko ng tumayo ako at pinilit ang sarili kong lumabas ng classroom. I feel like I am walking into a lion's den by agreeing to accompany Janine to the canteen. As much as possible, ayaw ko munang lumabas labas ng classroom dahil sa mga nangyari. Siguro pahuhupain ko muna ang issue.

"Kung hindi naman totoo, bakit ka magtatago." iyan ang sabi sa akin ng magaling kong kaibigan. "You will act like you are guilty kapag nagtatago ka."

Pagpasok namin ng canteen ay bumungad sa amin ang maingay nitong surroundings. May ilang mga napatingin sa gawi namin pero ipinagpatuloy nalang ang pagkain o di kaya'y pag-uusap nila sa kaklase. Napansin kong medyo marami ang tao ngayon sa canteen at naalala na sabay nga palang nag-lulunch ang mga Senior High School.

"Anong gusto mo? Bibilhin ko." tanong sa akin ni Janine at tiningnan ko naman ang binebenta sa canteen.

"Kahit yung club sandwich nalang." 

"Okay, hanap ka na ng upuan natin." utos sabay tulak niya ng marahan sa akin palayo.

Tinalikuran ko na siya at agad naman akong nakahanap ng bakanteng upuan sa hindi kalayuan. Naglakad ako patungo don at nagulat ng may humawak ng upuan sa katapat ko kaya napaangat ako ng tingin. I gaped my mouth at him dahil hindi niya pa ako nililingon. Napansin ko ding unti-unting naging tahimik ang buong canteen.

"Corrine, right?" napabaling ako sa kasama niya kaya napabaling na ang lalaking nasa harapan ko sa akin.

"Glen. Glen Cho." pakilala ng lalaki sabay lahad ng kamay nito.

May pagkasingkit din ito kagaya ni Caspian at mukhang Chinese din katulad niya. He is a little bit shorter than Caspian and less bulky. Naka-army cut ito na bumagay sa itsura nito. Mas maputi siya ng kunti kaysa kay Caspian. Tinanggap ko ang nakalahad nitong kamay at agad binitawan pagkatapos.

"Glen." saway ni Caspian kaya napatingin ako sa kanya. "Sorry, hindi ko alam na nakaupo ka dito. Sa iba nalang kami."

"Anong sa iba? Wala na tayong ibang mauupuan." sabat ng isa pa niyang kasama. "Pwede ba kaming maki-upo dito, Miss Corrine? Jace Santos nga pala." sabay upo sa bakanteng upuan sa harapan ko.

Naramdaman ko ang presensya ng kaibigan ko sa tabi ko dahil sinundot nito ang tagiliran ko. Nilingon ko siya at pinandilatan ng mata upang magtigil siya sa kung naiisip niya.

"Ano tatayo nalang ba tayong lahat buong lunch break?" puna ni Jace kaya naupo na ako agad upang hindi na kami pagtuunan ng pansin ng mga tao dito sa canteen.

Kinuha ko na ang pagkaing binili ni Janine sa akin at tahimik ng kamain. Ramdam ko ang tingin ng mga kaibigan ni Caspian sa akin pero hindi ko nalang ito pinansin habang si Janine naman ay komportableng nakikipag-usap sa mga kasama namin sa lamesa. I didn't sign up for this and I don't like this.

That dare really ruin my life. Kung nasa tamang pag-iisip lang ako at hindi sinunod ang kahibangan ng pinsan ay hindi ako malalagay sa ganitong sitwasyon. I slightly look up and saw Kuya Ajeer entering the canteen kaya napasinghap ako ng mahina ng makitang papalapit siya sa upuan natin.

"Bilisan na natin. Parating si Kuya Ajeer dito." bulong ko kay Janine at mukhang hindi naman niya ako naintindihan sa sobrang hina ng pagkakasabi ko nito. "Janine..."

"Hmm?"

"Caspian, Jace, Glen." rinig kong tawag ni Kuya Ajeer sa mga lalaking nakaupo sa tapat namin.

Napapikit ako ng mariin at patagong bumuntong hininga. Nilingon ko si Kuya Ajeer na seryosong nakatingin sa mga kasama ko. Lumingon siya sa akin kaya tumayo ako para batiin siya sa pamamagitan ng pagyakap.

"We're not bothering her kung iyan ang iniisip mo, Ajeer." rinig kong seryosong saad ni Caspian.

Nilingon ko siya at nakitang nakatingin lang siya sa kinakain niya na parang iyon ang pinakainteresting na bagay sa harapan niya ngayon. Lumingon siya sa gawi ko at sinenyasan ko naman siya na tumigil siya pero hindi niya naintindihan ang senyas kong iyon.

"Wala ng maupuan kaya dito kami umupo ng mga kaibigan ko. Hindi na ba pwede iyon?" 

He is provoking Kuya Ajeer and I can't help but be annoyed by this guy. Pwede naman siyang manahimik nalang.

"I am not saying anything, Caspian. Nilapitan ko lang ang pinsan ko." sagot naman ni Kuya Ajeer.

"Tapos naman na kaming kumain ni Janine, Kuya. Babalik na rin kami sa classroom." saad ko upang hindi na mamuo pa ang tensyon na namamagitan sa kanilang dalawa.

I don't want to deal with boys right now. Marahan kong itinulak palayo si Kuya at sinenyasan si Janine na tumayo na. Buti naman at nakuha ng kaibigan ko ang gusto kong iparating.

"Great, let us walk you both to you classroom." agad akong napalingon ng sabihin iyon ni Caspian.

What is he doing? Hindi ko alam kung anong meron sa kanila ni Kuya Ajeer pero ayaw kong maipit sa kung anong init ng dugo ang meron sila sa isa't isa. Pero dahil sa ginagawa ni Caspian ay mas lalo akong naiinvolve. 

"May paa naman ang pinsan ko at ang kaklase niya. No need to walk them back." sagot ni Kuya at tunog seryoso na ito.

Caspian just shrugged and stood up. Lumapit siya sa akin at sinenyasan ako na maglakad na. Kinunutan ko siya ng noo. He is really provoking Kuya Ajeer. I need to think fast para hindi magkaroon ng alitan dito ang dalawa. Hinawakan ko ang braso ni Kuya Ajeer upang pakalmahin siya.

"You should eat lunch now, Kuya. I'll see you sa bahay." paalam ko at agad na naglakad na palabas ng canteen.

Hindi ko na nilingon pa ang mga kasunod ko basta dire-diretso nalang akong lumabas. Nang medyo makalayo na ako sa canteen ay tumigil ako at nilingon ang mga kasama ko. Nagulat naman sila maliban kay Caspian na nakatingin ng diretso sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin at dahan-dahan namang umexit ang kaibigan ko at ang mga kaibigan niya.

"Why'd you do that for?" seryoso at may diin kong tanong sa kanya. "Kung may problema kayong dalawa ni Kuya Ajeer, 'wag niyo kong idamay please lang. Atsaka sa ginawa mo ay mas lalo tayong pag-uusapan dito sa school. Sapat na naman siguro dapat ang ginawa ko sayo nung nakaraang araw. I don't want anymore stupid rumors with you." 

"Sinong may sabing may problema ako sa pinsan mo? Siya ang may problema sa akin."

"But you are adding fuel to that fire. Look, ayoko ng malaman kung ano pa ang meron sa inyo ni Kuya Ajeer. Just... do me a favor and lessen the issue or rumors that surrounds us." sabay talikod ko at lakad na patungo sa classroom ko.

Pinagmasdan ko ang screenshot ng isang post na sinend sa akin ni Janine kinabukasan. It has a lot of likes and comments. Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil sa post na iyon pero hindi ko alam kung bakit may something akong nararamdaman na hindi ko malaman kung ano.

Caspian Lim

Stop spreading rumors about me. None of what you heard is true. Nakakaabala kayo ng mga taong wala namang kinalaman sa akin.

It was a cryptic message but a lot of the people know na patama ito sa post noong nakarang araw tungkol sa aming dalawa at sa kumakalat na inahas ko siya kay Rei. Pinatay ko ang cellphone ko at bumuntong hininga habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko. Napagpasyahan ko ng bumangon dahil wala akong mapapala kung mananatili akong nakatingin sa kisame ko.

"Mauna na kayo. May gagawin pa kasi kami sa org. I will text Manong nalang if tapos na kami." saad ko kay Isla na pinuntahan ako sa org room.

Alam kong inutusan siya ng bugnutin kong kapatid na si Gio. He's been acting like an angsty teen these days and its pissing me off. It pissing both me and Isla off. Kinoconvince ko nalang ang sarili ko na nagbibinata siya kaya ganon umasta.

"Okay, Ate. You take care." paalam niya at dali-daling tumakbo paalis. Napailing nalang ako at pumasok na sa loob ng org room dahil magsisimula na ang meeting namin.

I am fond of writing articles ever since Grade 8 ako that's why nung nag-SHS ginawa kong goal ang pagpasok sa journalism club ng paaralan. If hindi ako palarin sa pangarap kong maging business woman, I guess being a news reporter or a columnist would be a great career path as well. 

Bilang baguhan sa club ay tahimik lang akong nakikinig ng mga ideas na gusto nilang ilagay sa school paper na ilalabas sa katapusan ng buwan. May halos tatlong linggo pa naman kami para isulat ang ma-aasign na column para sa amin. I am fine with anything as long as hindi ito makakaapekto sa pag-aaral ko.

"Malapit na rin ang Inter-school competitions. I guess, magandang i-feature rin natin ang mga preparations ng mga kilalang athletes ng school sa sports column." suhestyon ng Sports Column head.

Napatango naman ako doon. In that way kasi ay mababasa ng mga baguhan sa school ang dedikasyon ng mga athletes upang magbigay ng karangalan sa school. Mahihikayat din nito ang hindi mahilig sa sports na suportahan ang team namin. Nakita ko namang tumango ang President ng org sa sinabi ng Sports Column Head.

"Sino-sino naman ang i-fefeature natin kung ganon?" tanong ng VP.

"We have a lot of athletes Pamela Faustino, a 3x swimming champion. Ryan Esteban and Sherlie Gomez, a mixed double badminton champion from last year na kauna-unahang nagbigay sa atin ng panalo sa larong iyon. Ernie Seqia, 5x chess prodigy." suhestyon ng Sports Column Head.

"Caspian Lim would be a great candidate kung papayag siya. He's a 4x MVP title holder after all." suggest naman ng Secretary ng Sports Column Head na kinikilig pa sa sinabi niya.

"We can feature all of the suggestions you made. Hindi naman tayo mahihirapan na interviewhin sila." confident na saad ng President.

"Diyan ka nagkakamali Presi. Out of all the names na nabanggit, isa lang ang magpapasakit ng ulo sa atin." sabat naman ng Internal Relations Head.

"Who would that be?"

"Caspian Lim." sabay sabay nilang saad at hindi na ako nagulat doon. 

Never kong nakita si Caspian sa kahit katiting na exclusive interview sa school paper. It would be a big opportunity for the club to have him in the school paper dahil ang basketball team ang madalas na nagbibigay ng karangalan sa school. He is that great as a player pero isa ring snob pagdating sa mga ganito. Sabi ng mga fangirls niya, ayaw lang daw maagaw ni Caspian ang spotlight dahil team silang naglaro ng basketball kahit siya ang MVP. For me, he is just a snob,

"Ilang beses na natin siyang hiningian ng invitation upang iinterview but the guy is impossible. Hindi man lang masagot ang email ng org na hindi siya papayag. Napupunta lang ata ang mga email natin sa spam folder niya." reklamo ng Internal Relations Head.

"Atsaka napaka-intimidating naman kasi ni Caspian kung sakaling mapapayag man natin. Hindi ko kaya baka maglaway ako habang ininterview ko siya." biro ng VP ng org na ikinatuwa namin.

Napailing naman ako ng may ngiti sa mga labi. Wala silang mapapala kung ipipilit nila si Caspian. Nagpatuloy ako sa pag-jot down ng notes dahil naatasaan ako sa pagkuha ng minutes of the meeting ngayong araw.

"Well, I get all of your concerns but that was before. Nag-rebrand na ang ating organization and we have a new motto, remember? Achieving the impossible. We aim to feature stories and people who has great stories in the school paper because they are meant to be heard. Kahit na alam kong kilalang kilala na si Caspian. His story about his passion in winning every game for our school is something new for him and for the entire student body. In fact, kapag maganda pa ang pagkakasulat ng part niya ay baka mas lalo pa siyang pagkaguluhan." saad ng President namin.

Nanahimik ang mga tao sa loob ng org room. Pondering on what the president has said. Tama naman siya, hindi dapat kami sumuko sa mga ganitong bagay kahit na ganito kahirap. The school have entrusted us with the freedom to write and it is just right for us to use it accordingly.

"Paano naman natin gagawin yun?" rinig kong tanong ng Secretary ng org.

Tinapos ko muna ang pagsusulat bago umangat ng tingin. Nakita kong nakatingin na sa akin ang President ng org at sumunod na ang ibang mga heads sa pagtingin sa akin. Gusto kong kainin ng lupa sa naiisip kong dahilan ng pagtingin nila sa akin. Ayaw ko ng mainvolve muli kay Caspian. Tatlong araw pa lang ang nakakaraan simula ng ipost niya ang message na iyon sa Facebook page niya.

"We'll give the task to Corrine. She's an amazing writer and she seems close with Caspian. It will also be a great debut for her sa school paper." excited na saad ng President ng org.

Oh, kill me now.

•••

Continue Reading

You'll Also Like

65.9K 1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023
49.4K 3.6K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
93.9M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...
5.5M 278K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...