Savouring Cappuccino (Café Fl...

By ElleyziiBubble

1.6K 109 16

Izen Kanemoto was just trying his best to carry out his role as a barista at Café Fleuri, offering his custom... More

Disclaimer
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7

Chapter 1

262 15 11
By ElleyziiBubble

ICARUS "IZEN/ICY" KANEMOTO

"PARA!"

Hindi ko napigilang mapapaypay sa sobrang init ng panahon, idagdag pang ang choosy ng mga jeepney drivers na halos hindi magpasakay. Akala mo talaga ang gaganda ng dyip nila. Hmp!

"PARAAA!" ulit kong sigaw para dama talaga nilang kailangan ko na makasakay kasi nga malelate na ako! Although, 7:23 AM pa lang.

Bakit ba, e, early butterfly ako, e.

At sa wakas ay tumalab na rin ang karisma ko, may napakagandang dyip na rin ang tumigil sa harapan ko. Nakaraos na rin. Sakto, wala masyadong pasahero. Hindi ako mahahaggard masyado.

"Bayad po, sa ***** lang. Estudyante po." sigaw ko habang inaabot ang pambayad sa kasamahan kong pasahero.

Syempre dahil kulang ang barya ko, kailangan nating dumiskarte. Like duh! Hindi naman kahina-hinala, e. Cute ko nga, e. 'Di ba?

Tinignan naman ako ng aleng inabutan ko ng bayad na para bang inoobserbahan niya ang buong kagandahan ko. Pero hindi ako nagpakabog at tinaasan ko ng kilay.

Hinarap ko siya, "Bayad po." pag-uulit ko sa kaniya, baka kasi hindi niya narinig.

Pero hindi naman nakakabastos 'yong dating ng pagkakasabi ko ha. Syempre may respeto pa rin ako sa mga old folks. Depende nga lang sa kung paano ako pakitunguhan.

"Estudyante ka ba talaga, iho? "

Luh!

Oh, 'di ba? Bida-bida talaga, e. Akala mo talaga ikinaganda niya. Dapat talaga hiwalay ng dyip 'yong mga panira ng trip, e. Hindi naman siya uunlad sa pagpapakayabayani niya sa dalawang piso.

Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis, 'yong ngiting magkakadiabetes ang lahat. Yes, gano'n katamis. "Opo, want niyo ng proof?"

Tinignan ko siya sa mata na para bang sinasabi ko sa kanya na 'Iabot mo na 'yan sa driver, hindi ikaw makikinabang dyan'.

Pakialamerang frog.

So, 'yon nga nakarating na ako sa Café na ligtas at nakatipid, ng dalawang piso. Hindi naman na kumontra pa si Ale dahil talagang makikipag-debatehan ako sa kanya. Masyadong sawsawera.

Mula sa labas ay kitang-kita ko ang 'Sorry, we're closed' na signboard sa pinto. Meaning, tulog-mantika pa ang mga kaibigan ko.

Isa pa 'tong mga 'to, e. Wala namang mga sariling pamilyang binubuhay pero akala mo ang daming anak na pinapakain sa gabi kasi palaging tinatanghali ng gising. Ako tuloy palaging natotokang magbukas ng Café.

"Izen, simulan natin ang araw na maging productive. Work, money, work!"

Pumasok na ako sa loob at nagsimulang maglinis ng station. Wala talaga akong tinirang kahit anong mga alikabok dahil kapag may natira, baka lumipad lahat ng equipments na meron dito. Iba pa naman magalit si Little Boss Maki Takata.

Well, hindi naman ako takot sa liit na 'yon. Siya dapat matakot sa 'kin, isabit ko pa siya sa taas ng pinto, e.

"Hoy!"

"Ah!! Kelan ka lang dyan?"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Mateo, ang butihing demonyong ex ni Kael. Ginagawa nito dito? Naks naman, ganda ng bungad sa akin ng araw na 'to, relasyong hahadlangan.

Ibinalik ko na ang pamunas sa cleaning trolly at pinameywangan ko siya. “Ginagawa mo dito, Inspector Park?” taas-kilay ko siyang hinarap.

Ramdam kong sumasanib sa akin si Kael kaya malakas loob ko ngayon na tarayan siya. Paniguradong kukulitin na naman ako nito.

“Hindi ikaw kailangan ko,” irap niya, medyo nagulat ako do'n. “Si Kael? Gusto ko siya makita.”

“Ah, Kael...” Binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti. Ako pa talaga, nilapitan mo ha. “May date.”

Sandaling sumama ang timpla ng mukha niya pero maya-maya ay nagulat ako nang bigla niya akong nilagpasan. Pumasok siya ng café!

“Hoy! Masama 'yan. Trespassing ka na! Wala nga si Kael. Ako pa lang nandito! Hoy!” Halos mamaos ako kakasigaw sa kanya habang siya abala sa paglilinga-linga sa paligid.

Sa bagay, open naman na kami— pero grabe, nakakabastos 'yon ah!

Tumigil sa paglalakad kaya nabangga ako sa likod niya. Wow, naol. Broad shoulder.

“Problema mo?” Umupo siya sa isa sa mga upuan. “O-order na lang ako. Bukas naman na kayo, 'di ba? I'll take cold brewed coffee.”

Tignan niyo na? Hindi maayos makitungo. Mabuti na lang talaga hiniwalayan na 'to ni Kael. Umamba na akong aalis para gawin na ang order niya nang pigilan niya ako.

“And for pastry, a blueberry scone, please.”

Bigyan kita lason, maya ka lang.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng server apron na suot ko dahil narinig kong tumunog iyon. Saka ko lang napansin na madami na palang messages sa GC namin. Sorry ha? Busy kasi ako magtrabaho.

CAFÉ FLEURI SUNSHINES
Messages
Today 7:15 AM

MAKI TAKATA
Sino nakatokang magbukas ng café ngayon?

WAYLEN BANG
Grabe ka naman, Maki. Hindi ba pwedeng tanungin mo muna kung nag-almusal na kami? Abusado ka na sa mga empleyado mo.

DEVIN PARK
Tama.

AKIO HAMADA
Si Kael nakatoka ngayon.

KAEL CHOI
Excuse me?! Walang Wednesday sa schedule ko! Hindi ako ngayon!

MAKI TAKATA
Kung walang magbubukas, babawasan ko lahat ng sweldo niyo!

DEVIN PARK
Ah hahaha! 'Wag naman. Palabas na nga ako ng bahay, e. Ang hahighblood niyo.

IZEN KANEMOTO
Kung hindi tatakutin, hindi pa papasok, e. Grabe, hindi na talaga kayo nahiya sa boss natin.

KAEL CHOI
Bida-bida.

IZEN KANEMOTO
Hoy! Ex mo, hinahanap ka na dito. Dinamay niyo pa ako sa karupukan niyo. Pati trabaho ko naaapektuhan.

MAKI TAKATA
Nasa café ka na?

IZEN KANEMOTO
Kanina pa po, ako na nagbukas. Ang bagal ni Devin, e.

DEVIN PARK
Ako lang ba empleyado dito?

KAEL CHOI
Sinong ex?

IZEN KANEMOTO
Tigas ng ingrown, isa lang naman ex mo.

WAYLEN BANG
Naririnig ko na 'yong huni ng comeback.

KAEL CHOI
Mga pakyu kayo! Maki, next year na ako papasok.

MAKI TAKATA
Putulin ko mga benefits mo. Pati buhay mo.

WAYLEN BANG
HAHAHA! Galit na si liit.

IZEN KANEMOTO
Luh! Nanliit 'yong matakaw sa cake oh.

MAKI TAKATA
Walang magmemeryenda ng isang linggo.

DEVIN PARK
Maki naman! Hindi ako kasali dyan. Grabe sasakalin talaga kita, Waylen!

WAYLEN BANG
Ang pangit niyo maging kaibigan *//crying*//

Deserve.

Binalingan ko ulit si Mateo pero nagulat ako nang makitang nasa harapan ko na siya, nakasilip sa phone ko. Agad ko namang tinago ang phone ko at tinaasan siya ng kilay. Chismoso!

“Si Kael ba 'yon? Nasaan na siya?” prenteng umupo siya sa isa sa mga stool.

Bumalik na ako sa paggawa ng orders niya. Lagyan ko 'to ng asin, e. “Mukha ba akong hanapan ng nawawalang pagmamahal?” pamimilosopo ko. “At saka, kung gusto mo talaga siyang makausap, chat mo o puntahan mo na lang sa bahay niya. Alam mo naman address, 'di ba? Nadadamay 'yong pagtatrabaho ko ng maayos, e.”

Sino ba naman kasi hindi mabubwesit kung sa bawat pagpasok ko rito sa café, si Mateo ang mabubungaran ko, palaging hinahanap sa akin si Kael. Wala na nga akong lovelife tapos hindi pa ako pagkakalooban ng peace of mind.

Grabe ba.

Hindi ko na nagegets ang gustong ibigay sa akin ni Bro sa itaas. Kung kapayapaan o aayusing namuong kaguluhan ng dalawang taong hindi matahimik sa maaga nilang tinapos na pagmamahalan.

Oh pak! Ni-rhyme ko 'yon para dama. Kapag talaga ako nakahanap ng chupapips ko, iuuntog ko 'tong mag-ex na 'to sa pader. Hinding-hindi nila ako maiistorbo.

“Paano ko ichachat, binlock nga ako sa lahat ng socmed accounts niya. Nakailang palit na rin ako ng sim pero nakikilala niya talaga ako. Tsaka paano ko mapupuntahan sa bahay niya kung sa mismong gate pa lang, inabangan na ako ng napakalaking aso niya.”

Napairap na lang ako. Mabuti nga 'yan sa 'yo. “Minsan kailangan mong magtiis lalo na kapag cheater ka.”

Sinamaan niya ako ng tingin, tumayo na rin siya sa inuupuan niya at biglang umalis na hindi nagpapaalam.

“Hoy, order mo! Gago 'yon ah!”

Kung minamalas ka ba naman. Buena mano mo siraulo. Naibagsak ko na lang ang milk jug na nasa tabi ko na ihahagis ko sana  sa kaniya. Isipin niyo ha? Nagpakahirapa akong gawin ang order niya at pakitunguhan siya ng maayos, pero sa tingin ko naasar ko ata, hindi pa rin makatarungan na talikuran niya ako.

'Buti na lang talaga hiniwalayan ka ni Kael, bwesit ka.

“Good morning, bitch!” Sinalubong ako ng nakakairitang boses ni Waylen.

Inilapag niya ang bag niya sa counter. “Hoy, alisin mo 'yan dyan. Kalilinis ko lang niyan!”

“Anong makakain dyan?” tanong niya habang nakapangalumbaba.

“Wala,” sagot ko. “Hindi na available para sa 'yo. Sino ba naman kasi nagsabi sa 'yo na magdiet ka sa bahay niyo at maghasik ka ng lagim dito sa café. Nalulugi si Maki sa 'yo, e.”

“OA mo, tira-tira lang naman tinitira ko.”

“Tira-tira daw, tirahin ko mukha mo, e. May tira-tira bang bagong bake at mainit-init pang pinapapak sa storage room?”

Inambahan ko siya ng hampas ng tasa. Ang takaw talaga, akala mo naman ginugutom sa kanila. Minsan sumasama na loob ni Tita sa siraulong 'to, e.

“Hindi totoo 'yon!” sigaw niya pabalik at akmang ihahagis sa akin ang bag niya nang bumukas ang pinto at dumating na rin ang first customer namin.

Nagbihis na si Waylen habang ako ay abala sa paggawa ng kape, ako na rin ang nagdala no'n sa mismong table ng customer. Ilang sandali ay dumating na rin si Akio na ang laki pa ng eyebags na halatang wala pa sa sarili.

Palagi na lang 'yang ganyan. Gabi-gabi ba namang nakatutok sa kdrama pero maka-judge sa mga real-life couples, akala mo may experiences na.

Nilapitan ko siya at inakbayan. “Kumain ka na?” tanong ko sa kaniya.

Marahan siyang umiling. “Walang pagkain sa bahay.” walang ganang sagot niya.

“Yown! Halika, may bago akong binake. Kung papasa sa 'yo, hihingin ko na naman ang approval ni Maki para maisali na siya sa menu. Sa tingin mo?”

“Geh.”

Halos mapatalon ako nang biglang sumulpot si Waylen sa tabi namin. “Wow, grabe. Ang sarap mo maging kaibigan kay Akio tapos ako, tinataguan mo ng pagkain.”

Hinawi ko siya sa daanan namin na para bang hindi ko siya nakita at panay lang siya sa pagrereklamo. Bahala ka dyan, hindi ka naman marunong magtira. Selfish ka sa pagkain, bwesit ka. Iginiya ko na si Akio patungo sa kusina.

Kinuha ko na sa oven ang isinalang kong Cinnamon Hazelnut Biscotti. Gumawa na rin ako ng banana smoothie. Pinaupo ko na siya at sinerve sa kaniya ang mga ginawa ko nang tumunog ang cellphone ko. Ang ingay na naman ng GC na 'to.

CAFÉ FLEURI SUNSHINES
Today 8:35 AM

KAEL CHOI
Izen, andyan pa ba?

IZEN KANEMOTO
Wala na, nagwalk-out. Pababalikin ko ba?

KAEL CHOI
Gago ka ba? Tinatanong ko lang kung nakaalis na para makapasok na ako. Sayang 570 ko.

DEVIN PARK
Wow sweldo mo pa talaga inalala mo.

IZEN KANEMOTO
Alangan ikaw.

DEVIN PARK
Bastos.

KAEL CHOI
Kaibigan ko ba kayo?

IZEN KANEMOTO
Half-half.

KAEL CHOI
T

angina mo.

DEVIN PARK
*rin.

MAKI TAKATA
Marami na bang customers?

IZEN KANEMOTO
Wala pa masyado. Maaga pa naman.

WAYLEN BANG
SIR MAKI WER NA U?!

MAKI TAKATA
Malelate ako, paki-receive na lang 'yong deliveries. Bayad na 'yan.

WAYLEN BANG
Wala bang paalmusal dyan?

MAKI TAKATA
Ginugutom ko ba kayo?

WAYLEN BANG
Si Izen ginugutom ako.

IZEN KANEMOTO
LUH!

MAKI TAKATA
Kumuha kayo ng kung ano dyan sa café.

WAYLEN BANG
Ano ba 'yan. Nakakaumay na kasi mga pagkain dito, e. Wala bang pa-McDo dyan?

MAKI TAKATA
Sige, basta ikaw magbabayad.

WAYLEN BANG
Grabe na, hindi ka na nakakatuwa, Boss Maki!

MAKI TAKATA
Hawak ko suswelduhin mo sa araw na 'to.

WAYLEN BANG

Nagugutom na kasi ako, e. Tinago ni Mama lahat ng pagkain kasi nahuli niya akong inuubos ang laman ng ref kaninang madaling araw.

AKIO HAMADA
Kasibaan mo kasi.

KAEL CHOI
May maiaambag ba 'yang katakawan mo sa mundong 'to?

WAYLEN BANG
Oo, maiibsan ang nasasayang na pagkain.

DEVIN PARK
Sakalin ka na lang kaya namin?

“Pakainin niyo 'ko!” pagngawa ni Waylen habang nakasalampak sa sahig.

Kadarating lang din nila Devin at Kael at pareho silang may pinagkakaabalahan. Mabuti na lang talaga, wala ng customers kundi nakakahiya talaga. Masisira ang image ng Café Fleuri, pati image ko. Iw, hindi ko talaga kilala 'yan.

“Wala akong maiaambag sa tiyan mo, nakikikain lang din ako dito.” sabi ni Devin na naghuhugas ng mga kitchen utensils.

Mas lalong humiga si Waylen sa sahig. Huhuhu, wala akong kilalang Waylen Bang. Hindi namin kaibigan 'yan.

Hinampas naman siya ni Kael ng tray. “Tumayo ka dyan kung ayaw mong ihagis kita sa labas.”

Napalingon kami sa pinto nang bumukas iyon at may pumasok na gwapings, nakasuot siya ng uniform ng Grab. “Deliveries.”

At dahil si Akio ang malapit sa pinto ay siya na ang sumalubong. Pansin ko pa ang malalagkit na tingin ng delivery guy kay Akio na nakabusangot pa rin.

Tumayo naman agad si Waylen para sumalubong na rin. “May pagkain ba dyan?” tanong niya sa delivery guy.

“Hoy, Waylen. Nakakahiya ka. Wala ka ng pinipili.” sigaw ko sa kaniya.

“Yes. He has sent you a plethora of food and Mr. Takata has conveyed a message for all of you: Make sure to eat your fill, he'll be joining you shortly. He's just busy taking care of some pressing matters at the moment, but he'll be over soon.”

Nagkatinginan kaming lahat sa mga pinagsasabi ng delivery guy. Wala akong nagets maliban sa foods.

“Ah! Foods! Sige, thank you!” kunwari naintindihan ko.

Inilahad niya ang isang makapal na papel kay Akio. Kita ko naman ang pagngiwi ni Akio. “Ano 'to?”

“I need your name and signature to confirm the delivery is sent.” nakangiting-aso pa si pogi.

May gano'n na pala sa grab?

Walang pag-aalinlangang pumirma naman si Akio. “Alis na po kayo, hindi ko na nagugustuhan ang naririnig ko.”

“Akio, what a nice name.”

“Pengeng fries.”

Humagalpak ako ng tawa nang lagpasan ni Akio ang lalaki at dumeritso na kina Waylen na pinagpiyestahan na ang mga pagkain.

“OMG! Hulog ka talaga ng langit, Maki!” bulalas ni Waylen.

Binatukan naman siya ni Kael. “Buraot ka talaga, e.”

“Palakasan lang 'yan ng orasyon.”

At muli na naman siyang nahampas ng tray.

Continue Reading

You'll Also Like

140K 5.7K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
1.4M 32.2K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
932K 32K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.