Test
Wahhhh! Ayuko na talagang mag aral. Pag pasok ko palang sa bahay agad ko ng nilabas ang mga notes ko para maka pag review.
Tapos, hetong ni review ko wala sa test ಥ_ಥ
Nasa kalagitnaan ako ng pag re- review ng tumonog yung cellphone ko, alam ko yung gc na naman ata namin 'to tatanongin kung sino naka pag review.
airafelipe: Review kayo?
tennesseteleb: Natural, anteh
keannamanagad: oo, malaki yung puntos jan
tama!
me: stock knowledge
sabi ng iba ilayo o i off mo daw yung cellphone mo habang nag re- review kayo kasi sagabal daw ito.
Nag research nadin ako sa mga lesson na di ko gets para maintindihan ko. Bobo kasi tong si Isha
____________
"Oh, bat ganyan yang mata mo anak?, nag puyat ka ba?", Alalang tanong ni Mama habang nag sasalin ng plato sa mesa
"Opo, test kasi namin ngayon", Hasyt, kulang ako sa tulog.
"Wag mung i pressure yang sarili mo sa pag aaral, ok na yang 80 atleas naka pasa ka", Napatingin ko kay Papa na naka upo sa sofa habang nag babasa ng diyaryo
80? Really? eh, kung 80 lang average ko tiyak na i co- compera nyo na naman ako sa ibang bata jan.
"Pa!, goal ko ngayon maka with honor para may i sasabit din kayong medal sakin sa entablado", Yan yung isa kung pangarap hasyt, hirap kasing maging honor
"Ikaw, Clevion?", Sabi ni Mama, napatingin ako kay Kuya na naka tulala
"Stock knowledge nalang, Ma", Seryosong sabi ni Kuya
Hoy!, bilib ako sa kanya ah ni hindi ko manlang sya nakikitang stress sa pag aaral nag rereview o ano man pa chill lang sya, ngayon sasabak sya ng test na walang review?!. Tsaka kahit wala syang review at ano man pasok padin sya sa with honor naka high honor nga sya noong g10 sya huhuhu
________
Nasa school na pala kami heto ako ngayon tamang antay sa mga alipongers ko dito sa GH.
"Good luck", Sabi ng kung sino, napatingin ako si Trent naka tayo sya sa harap ko
"Good luck din", Ngumiti ako sa kanya
"Ngayon lang kita nakita, saan kaba na padpad?"
"Netong nakaraang araw naging busy ako tsaka nasa library lang kasi ako"
"Baka nag hahanap ka na naman ng wattpad books doon, ah", Biro nya tsaka tumawa ng mahinhin
Bastos, nag babasakali lang naman
"Tsss. Malay mo meron", Nag pout ako
"Mauna na ako, mag iingat ka", Ginulo nya yung buhok ko tsaka umalis
Anak ng tinapa
"Oh, hinihintay mo ba ako?", Biro ni Grunner
Ayy punyemas heto na naman sya, buti nga hindi sya sumabay samin kanina.
"Hindi, sina Tennesse hinihintay ko hindi ikaw", Aga aga sira na naman araw ko
"'Sus", Pabulong na sabi nya
______
Kaslukuyang nasa room na kami, bat kinakabahan ako?eh, nag review naman ako tsaka kutob ko wala yung mga ni review ko sa test ayy wag naman sana baka makalbo pa ako di oras dito.
Mangongopya nalang ako kay Grunner tutal magaling naman sya, hihihi.
Noong nabigay na samin yung test question, kaad na kaming nag answer number one palang parang familiar na ang sagot sakin.
Uyy, nasa ni review ko 'to, ah parang familiar ano nga ulet yung sagot dito?putcha! nag iisip pa ako kung saan yung tamang sagot dito sa dalawang 'to.
Noong tapos na ang test namin naka hinga ako ng maluwag. Muntik ko ng makalbo sarili ko.
"Saan tayo?", Masayang tanong ni Samuel sa mga kaibigan nya
"Shot!", Sigaw naman ni Karl, mabuti naman wala si Ma'am may pinuntahan kanina tiyak na mapapagalitan na naman tong mga to
"Guys, saan tayo?", Tanong ni Tennesse
"What if mag ccamp nalang tayo? para maiba naman", Masayang sabi ni Keanna
Ayy, gusto ko 'yan sa tabi ng dagat g ako jan!.
"Pwede", Sabi ni Grunner, pwede? Sasama ba 'tong mukong na 'to?
"Ikaw, Isha sama ka?", Tanong ni Aira, napatingin silang apat sakin
"Tignan ko"
"Ayan na naman yang tignan ko", Iritang sambit ni Tennesse
"Ang tanong, may sasakyan ba tayo?", Tanong ni Keanna na naka pamewang
"Kotse ko", Presenta ni Grunner, napatingin ako sa kanya may kotse sya?
"Ang tanong papayagan ka kaya ni Ate Akirra o Si Tita Jella?", Tanong ko
"Oo"
"Saan tayo mag camp ngayon?", Aira
"Sa bahay loob nyo kung pwede", Sarcastic na sagot ko
"Tabing dagat", Seryosong sabi ni Tennesse
Ay, sa bundok ayaw nyo?
"May alam ako", Napatingin kaming apat kay Grunner
"Saan?", Tanong ko
"Bacarra", Tipid na Sagot nya
_______
Nasa Go Kyodai kami ngayon, half day namin kaya naisipan namin na tumambay muna dito, sabi ni Kuya antayin namin sya may gagawin daw syang importante.
"Ang hirap yung test, no", Reklamo ni Aira
"Ay, talagang mahihirapan ka lalona kung di ka nag review", Sabi ko sabay subo ng takoyaki
"Aba, angas mo ah porket nag review ka!", Matapang na sabi ni Aira
Mayabang na agad?nag sasabi lang naman ako ng totoo.
"Hayst, tama na", Awat ni Keanna
Natahimik kaming dalawa, ayaw ko kasi na lumaki na naman 'to, hasyt kasalanan ko ba kung di sya nag review?
"Anong plano nyo?", Tanong ni Keanna
"What time?", Dagdag ni Tennesse
Oh, tapos di matutuloy ayan jan sila magaling plano ng plano di matutuloy
"4 AM naka bihis na kayo para susunduhin nalang namin kayo ni Grunner. Mas maganda kasi pag 4 para masilayan natin yung sunrise", Sabi ko
"4?! Napaka aga naman", Angal ni Aira
"Edi, 1Pm kung gusto mong umitim ng tudo", Mejo Tumaas yung boses ko. Na kaka bwisit puro sya angal problema neto?
Narinig kung tumawa yung tatlo
"G, ako sa 4", Tennesse
"Ako rin", Keanna
"Oh, tent nyo?", Tennesse
"Meron sakin, kasya sa apat na tao", Presenta ko
"Eh, ikaw Grunner?", Tanong ni Tennesse
"Meron", Tipid na sabi neto
"Sina Trent kaya?", Napatingin ako Keanna si Trent na naman iniisip neto
"Sasama daw sila", Sabi ni Tennesse
Really?kung sasama sila sasama din si Kuya?tf!
"So-", Diko pa nasasabi yung dapat kung sabihin ay inunahan na ako ni Tennesse
"Oo, sasama si Kuya Clevion", Pfttt, ayy anak ng tinapa heto na ata yung outing na di 'ko mag eenjoy
Anak ng tinapa naman oh!
"Para rin may kasama si Grunner", Tennesse
Ayy nako, tiyak na di talaga ako mag eenjoy, syempre di mawawala yung mga libro ko i sasama ko sila bukas.
Vote and comment