Ex girlfriend
Late na palang umuwi si Kuya kagabi mga 1:00AM ata, pag gising ko niligpit ko na kaagad ang higaan tsaka bumaba, nakita ko naman si Ate Akirra nag luluto ng pang umagahan, tulog mantika si Kuya tapos lasing pa ata ka gabi tsk.
"Ate, Tutulongan na kita jan", Saad ko
"Cge"
Marunong pala syang mag luto ng Adobong baboy?basic lang naman,eh.Nag lapag na ako ng baso, kutsara, tinidor at plato sa lamesa, maya maya nagising na si Kuya naka topless lang sya halatang di na nag palit ng damit bago matulog neto. Na pa upo sya sa salas at ayan cellphone nanaman ang hawak umang umaga.
"Oh?, tutunga nga ka jan?tumulong ka naman", Pag mamataray ko, ganyan si Kuya, hasyt, masipag lang yan pag meron sina Mama at Papa, pabibo jokeeyyy
"Teka lang", Iritang sagot nya
Pftt, naupo na oh nag cellphone na wala na!
"Haynaku, teka lang, tumatakbo yung oras, Clevion", Saad ko tsaka ako napahawak sa bewang ko, ginaya ko lang naman si Mama ganyan yung sinasabi iconic lines na mga nya sakain 'yan
"Tss", Tumayo sya tsaka lumapit samin
"Anong maitutulong ko?", Bored na tanong nya
"Hugasan mo yang mga ginamit ni Ate sa pag luluto para maliit na nalang ang hugasin mamaya, di pa luto ang ulam kaya hugas well", Saad ko
HAHAHAHA, para ngang napilitan si Mukong ganoon na ganoon si Mama samin hasyt.
"Kuya, sino pala si Hannah?bat dimo sya bina banggit sakin?", Tanong ko habang nag tetempla ng kape
"Wala kana doon, tsaka bat ba na punta jan yung usapan?", Seryosong tanong nya habang nag huhugas, si Ate naman napatingin sakin
"Aba!, kapatid mo ako, sa mga kaibigan ko pa mismo ang nakaalaman ko tungkol jan", Kunware galit at malungkot ako, HAHAHAHAHAH
Clevion's POV
FLASH BACK
"Clevion", Mahinang sabi ni Hannah sakin habang naka higa sya sa binti ko, nasa parke pala kami ngayon
"Hmm?", Napatingin ako sa kanya
"Mahal mo ba si Akirra?", Seryosong tanong nya.
"Bakit mo naman na tanong yan?", Tanong ko habang pinag mamasdan ang mga bata na nag lalaro
"Pansin ko kasi madalas kayong mag kasama", Sabi nya
"Hindi, tsaka kung nag seselos ka sa kanya iiwasan ko"
Mag kaibigan palang kami ni Akirra noong panahong yan kaya palagi kaming nag sasama, palagi nga kaming napag kakamalan ng mga magulang namin na mag jowa kami sa sobrang lapit namin sa isat isa.
Ilang months na di nag paparamdam si Hannah sakin, para akong tangang nag hihintay ng text, tawag o kaya naman chat nya, pero wala, na balitaan ko nalang na pupunta na daw sya sa America para ikasal, subra akong na lungkot noon, nasa kwarto lang ako noon ayukong lumabas, kumain, yung babaeng pinaka mamahal ko, yung babaeng nag paramdam sakin na importante ako , yung babaeng nag bigay sakin ng saya, yung babaeng pinag laban ko sa kamay ni Marcos na 'yon, ngayon malalaman kulang na ikakasal na pala sya sa ibang lalake. Napaka gago ko
1 year ago noong nawala si Hannah.
Palaging nanjan si Akirra para sakin, parati nga akong kinukunporta, Parati kaming mag kasama, hanggang sa nahulog na nga ang loob ko sa kanya.
Dinala ko sya sa malapit na dagat samin.
"Akirra", Panimula ko, habang naka tingin sa kanya
"Ang ganda, no?" Masayang sabi nya habang naka tingin sa dagat
"Akirra, wag ka sanang mabibigla sa sasabihin ko", Napatingin sya sakin
"Ano, yun?wag mong sabihing mahal mo pa sya? Kakalbohin talaga kita!", Kumurot ang noo nya
"Mahal kita", deredso ko
"Huh?, may lagnat kaba?", Tinawakan nya yung noo ko para tignan kung may lagnat ba ako.
"Tss, ayan kananaman"
"Seryoso?"
"Oo nga!"
Masaya naman ang relasyon namin noon pag merong di pag kakaintindihab agad namang naaayos, hanggang sa tumading sa puntong di naming inaasahan.
Tumongo ako sa malapit na bar samin, diko inaasahan na darating pala si Akirra.
"Clevion, bat ka naman ganyan!, parati ka nalang nag iinom wala sa sarili", Galit na sambit nito
Pinag patuloy kulang ang pag inom ko ng alak
"Clevion, Ako pa ba?", Mahinang tanong neto habang umaagos ang luha nya sa kanyang pisngi.
Di ko sya pinapansin, parang wala lang sya sakin.
"Clevion, mahal mo parin ba si Hannah hanggang ngayon?", Maiyak iyak na tanong nya
Napatingin ako sa kanya
"Oo!, mahal ko parin sya hanggang ngayon!, maliwanag na ba lahat sayo?!", Sigaw ko na ikina gulat nya, salakas ng tugtug sa bar buti walang nakakarinig samin
"Ano bang meron sa kanga na wala sakin?", Tanong nya
"Mas mabuti pang taposin nanatin to", Saad nya tsaka umalis
Fvck!, bat ko sya pinayagang makipag hiwalay sakin?ano bang nangyayari sayo, Clevion?!
Kaagad akong tumayo at lumabas sa bar para hanapin si Akirra, agad kung pinabuhay ang makita ng kots tsaka ko pinausa nakita kong nag lalakad si Akirra habang pinupunasan ang kanyang luha.Kaagad kung itinigil sa tabi ni Akirra ang kotse ko tsaka lumabas. At dali daling hinawakan ang pupulsunan nya
"Akirra, mag papaliwanag ako", Pakiusap ko
"Ano pang ipapa liwanag mo?malinaw na sakin ang lahat, Clevion", Umiiyak na sambit neto
"Please, ayusin natin 'ton"
"Ayuko na, Clevion", Tinanggal nya ang kamay nya sa pag kakahawak ko sa kanya tsaka nag lakad palayo sakin
Na sontok ko nalanang ang ulo ko sa ka tangahan ko.
1week ago
Nabalitaan kung pupunta na daw si Akirra sa China doon na daw sya mag aaral, ni hindi manlang ako tinext o mag papa alam manlang. Hanggang sa tuloyang na ngang pumunta si Akirra sa China, sina Mama, Papa at Geisha lang ang nag hatid sa kanya sa airport, ayukong sumama pag ka tapos ang ginawa kung walang ka hihiyan sa kanya mag papakita pa ako sa kanya.
End of flash back
Akirra's POV
Pagka tapos kumain na pag pasyahan namin ni Isha na mag jogging mo na o kaya walking.
Si Clevion sasama daw wala daw syang magawa sa bahay.
"Ate, may naka jowa ka ba sa china?", Tanong ni Isha habang hinahabol yung hininga nya, buti may dala syang inhaler
Napatingin si Clevion samin, mukhang hinihintay ang sagot ko
"Naka flirt lang"
Tumango tango naman sya.
"Gwapo?", Mabilis na tanong nya tsaka ngumiti, hetong batang to walang preno
Tumango tango ako
Clevion's POV
Nak ng tinapa ano to jogging na may halong chissmisan?,tsk. Sa tingin ko yang Trent nanaman ang nag sabi kay Isha tungkol jan.
"Kuya, ice cream", Turo ni Isha sa nag titinda ng ice cream malapit sa kina tatayohan namin, nak ng
"Bilhan mo na baka mag ka lagnat 'yan 'di oras", Saad ni Akirra na nasa tabi ko
"Manong tatlo nga po", Saad ko, iisang favor lang pala ang meron sya chocolate lang , napatingin ako kay Akirra at Geisha na napa upo sa swing binayaran ko na din ang binili kong ice cream tsaka lumapit sa kanila.
Pag katapos naming nakain 'yung ice cream kaagad na kaming umuwi, baka atakehin nanaman si Isha ng asthma. Pag karating namin sa bahay ayun tumungo na naman kaagad si Isha sa kwarto nya tiyak na mag wawattpad nanaman yun, wala na talaga syang ibang ginagawa kundi mag basa ng libro at wattpad.
Vote and Comment