ViceRylle Collectanea Fandonie

By RuinousMystery

27.3K 740 149

This collections are for the fans and supporters of vicerylle loveteam where you can feel different feelings... More

KUNG MALAYA LANG AKO
THE BIRTHDAY GIFT
HOW CAN I TELL HER
PHOTOGRAPH
DANCING WITH YOUR GHOST
GOODBYE
VLOG1: I'M PREGNANT PRANK (REAL?!)
VLOG2: NAWAWALA SI JOSEPH PRANK
TO MY PARENTS
DOPPELGANGER
BUWAN
ALMOST OVER YOU
HUSBAND AND WIFE
FATE
VLOG3: MUKBANG & PRANK W/ ZEINAB
THE ONE THAT GOT AWAY
CAN WE GO BACK?
HULING GABI
SOMEDAY
GIVING UP
DARKEST SECRET
LETTING GO
KARYLLE IG STORY
DARKEST SECRET II
ORGAN
IF TOMORROW NEVER COMES
HAPPIER
AKLAT
THE GIRL
VK HOME DATE
ECQ
I NEED YOU MORE TODAY
DEJA VU
SANTOL ART
DADDY
THAT GUY
SMILE IN YOUR HEART
EX
OFFCAM
LETTER E
CRUSH
LAST CHRISTMAS
KURBABE
SIR
LOVE YOU MOST
BEST FRIEND
SA'YO NA LANG AKO
PRETTY WOMAN
HIS GUARDIAN ANGEL
SHOWTIME BABIES
BABY KO SI KULOT
UNFAITHFUL LOVE
TAHANAN
DECADES
LEAVES
SHE LEFT
SHE LEFT (2)
BEST FRIEND
KUMPAS
STUCK WITH YOU
DADDY'S SECRETARY
DADDY'S SECRETARY II
DADDY'S SECRETARY III
MY CONSTANT
STUCK WITH YOU
IKAW AT SILA
OLD LOVE
I LOST HIM
TATAY
(UN)LABELED
NATATANGING LIHAM
NATATANGING LIHAM
MY TEACHER, MY MOM
RIGHT PERSON, WRONG TIME
HIS WIFE
THE CORPSE
TRAVEL WITH YOU
BINALEWALA
CONSTANT & BUKO
REUNITED
THE OFW
ALMOST HEAVEN
MAID MAIDEN

THE GOLD DIGGER

128 6 2
By RuinousMystery

Tinitigan ko si Karylle na ngayon ay naka tayo sa may harapan ko. Nakangiti sa akin habang paikot ikot nihang inirarampa ang kasuotan nya. I can say that she is beautiful. Malayo sa karylle na nakilala ko two years ago.

"Love, titig na titig ka sa akin." Sabi niya at binigyan nya ako ng maliit na ngiti.

"Nagagandahan ako sayo. You look different." Saad ko sa kanya at hinalikan ko sya sa noo.

"Hindi naman ganito ang pananamit ko kung hindi dahil sayo. Thank you palagi sa pagbigay ng mga magagarang damit, vice. At salamat rin dahil nandito ka pa rin sakin, kahit na maraming nag sasabi na uubusin ko lamang ang pera mo, na ginagamit lamang kita para makuha ko ang gusto ko, na isa akong gold digger."

Hinawakan ko sya sa kamay at hinalikan ko yun, "mahal kita, karylle. At wala akong pakialam sa sinasabi ng iba."

"Alam naman natin diba, langit ka, lupa ako. At kahit saan tignan hindi tayo magtatagpo. Malaki ang agwat nating dalawa sa estado ng buhay."

Pinatahimik ko sya sa pamamagitan ng halik. Naramdaman ko naman na tinugon niya yun kaya mas lalo ko pa syang hinalikan.

"Mahal na mahal kita, vice."

"At mahal na mahal rin kita, karylle."

I met her sa isang karinderya kung saan nag stop over kami ng mga kaibigan ko dahil nagkayayaan kami mag joy ride. Nakita ko sya doon at nag seserve sys ng mga food sa mga customers. Simple ang pananamit niya.

Ngumiti ako sa kanya noon at ngumiti rin naman sya pabalik sa akin. After that day palagi na ako dun sa karinderya. Kahit hindi ako sanay sa mga ganoon na kainan, okay na sa akin. Naging close kami at nagkasundo kaming dalawa. Niligawan ko din sya and after six months naging kami.

Marami syang bagay na tinuro sa akin na nagustuhan ko. Katulad nang pagkain sa mga karinderya, nagkaroon ako ng tiwala sa mga ganoong klaseng kainan. Natuto akong kumain ng mga streetfoods, at makisalamuha sa mga tao.

Marmaing nag sasabi na baka perahan lang nya ako, but she's different. Hindi sya katulad ng ibang babae na nakilala at naging girlfriend ko. Ayas niya ngang bilhan ko sya ng mga mamahaling materyal na bagay pero ako ang nag pupumilit sa kaniya.

"Ready ka na ba na makilala sina daddy?" Tanong ko sa kanya. Ngayon ko na kasi gusto sya ipakilala sa mga magulang ko. Matagal na rin naman kami at gusto ko magkasundo sila ng mga magulang ko.

"Oo naman, pero magugustuhan kaya nila ako? E hindi naman ako nababagay sayo." Nakita ko na naman ang pangamba sa mga mata niya.

"Magugustuhan ka nila, Karylle. Nandoon ako, kasama mo ako, hindi kita iiwan."

Pagkarating namin sa loob ng bahay namin, nililibot niya ang paningin niya. Pakiwari ko ay namamangha sya.

"Ang yaman mo sobra no? Yung salas nyo, salas at kusina na namin to e. Tapos yung dining nyo pang kwarto na namin to" mahina niyang bulong sa akin habang hawak niya ang kamay ko. Ramdam ko na namamawis iyon dahil kinakabahan siya.

"Hindi ko yaman to, yaman to ng mga magulang ko. At wang wala naman ang yaman na ito kaysa sa pamilya nyo. Simple ang buhay nyo pero nag uusap at nagkikita kita pa rin kayo. Kami, mayaman nga kami pero wala naman kaming time sa isa't isa." Paliwanag ko sa kaniya at ngumiti ako, "tara na?"

Walang bumabasag ng katahimikan habang nasa hapag kainan kaming lahat.

"What's your name ija?" Tanong sa kaniya ni mommy Maricel.

"Karylle po." Nakangiti niyang tugon at marahan na tumingin rin sa akin.

"Mukhang nabihisan ka ng anak ko." Pansin kong minamata ni mommy si karylle mula ulo hanggang paa kahit na nasa hapag kainan kaming lahat.

"Balak mo bang ubusin muna ang yaman ng anak ko bago mo siya iwan at para maka ahon ka sa pagiging mahirap mo?" Mommy maricel.

"Hindi naman po, hindi ko po hiningi lahat ng ito sa kaniya ma'am. "

Binaba ni mommy ang hawak niyang spoon and fork, "hindi ka nababagay sa anak ko at hindi kita gusto para sa kaniya. Hindi ako makakapayag na gagawin mo at ng pamilya mo na bangko ang anak ko. Anong magiging kinabukasan ng anak ko sa inyo? Isang kahig at isang tuka lamang kayo."

"Ma, enough." Pag awat ko sa kanya at hinawakan ko ang kamay ni karylle. Napayuko siya at hindi na muling nagsalita pa.

"Ayaw ni karylle na bilhan ko sya ng mga materyal na bagay, kusa ko itong binili at binigay sa kaniya. Kung ano man ang nakikita mong suot niya ngayon ay hindi niya yan hiningi sa akin." Pangangatwiran ko.

"Vice, tama na." Mahinang sabi ni karylle sa akin at pasimple niyang pinunasan ang luha niya. Tinignan nya ako at binitawan niya ang kamay ko.

"Uuwi na ako, vice. Gabi na rin kasi." Sabi niya sa akin at tumingin sya kay mommy.

"Mauuna na po akong umuwi, salamat po sa pa dinner nyo. Na enjoy ko po ang pagkain. Salamat po." Yumukod pa siyang kaunti para mag bigay galang sa magulang ko. Ni hindi na nya ako muli pang nilingon sa halip tumuloy na sya palabas.

Susundan ko dapat sya dahil sinundan siya ni mommy pero pinigilan ako ng daddy ko at kinausap ako.

Makaraan ang ilang minuto, bumalik si mommy at tumitig sa akin.

"Hindi nararapat sayo si Karylle. Sinubukan kong mag offer sa kaniya ng pera na nagkakahalaga ng sampung milyon para layuan ka. Tinanggap niya yun at kailanman ay hindi na magpapakita sayo. I told you, vice. Hindi ka niya tunay na mahal."

Parang hindi kaya tanggapin ng puso at isip ko kung ano man ang narinig ko. Subalit nang sabihin iyon ni mommy parang nabalot na lang din ng galit ang puso ko.

After five years, nakabalik na ako ulit rito sa Pinas. Nag stay muna ako sa ibang bansa para ipagpatuloy ang career ko roon. And syempre, yung asawa ko at ang unica ija namin hindi ko rin pwedeng iwan basta. Three years ago, kinasal kami ni Katherine Grace sa ibang bansa at bumuo na rin kami ng sarili naming pamilya.

"Hon, order ka na ng food. Bantayan ko lang si Farrah. Need na rin niya mag milk." Kathy. Tumayo na ako at pumunta sa counter.

Then I saw a familiar face. Si Karylle. Ibang iba na sya ngayon. She's beaming from ear to ear. I can say na mas lalo siyang gumanda.

Napansin niya yata na may nakatitig sa kaniya kaya napalingon siya sa gawi ko at alam ko na nabigla sya.

"Good morning sir, can I take your order?" Lumapit pa sya sa akin habang nakangiti.

"How are you ?" Tanong ko habang makatitig sa kaniya, imbis na mag order ako ng food.

"I am all good. Better than before, vice. By the way, thank you for coming here sa restaurant ko." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Sayo to?" Tanong ko at tumango siya sa akin habang nakangiti siya.

"Yes."

Napaisip ako kung saan sya kumuha ng pera para maipatayo ang isang restaurant na ito.

"Let's talk." Sabi ko sa kaniya.

"Okay, follow me." Sinundan ko sya hanggang sa mapunta kami sa stock room ng resto na iyon.

"Anong pag uusapan? I bet mag ina mo ang nasa isang table at hinihintay ka na." Karylle.

"Saan ka kumuha ng pera pang pagawa ng resto na ito? Ito ba ang offer ng nanay ko sayo para layuan mo ako?" Tanong ko sa kaniya habang nakatitig ako. Subalit imbis na sagot ang makuha ko, isang sampal ang binigay nya sa akin.

"Naniwala ka sa nanay mo? Wow. Agad mong kinwestiyon ang buhay na mayroon ako ngayon? Pinag hirapan ko ang lahat ng ito, vice. Sa loob ng limang taon na wala ka, nag sikap ako at nag trabaho. And then my husband came and help me to build this restaurant. Ang kapal naman pala ng mukha mo." Lumuluhang sabi niya sa akin.

"Mahal kitang totoo, vice. At alam mong kahit kailan hindi ko ginusto ang pera mo. Ikaw lang, tanging ikaw lang. Noong gabing pinakilala mo ako sa magulang mo, noong sinundan ako ng nanay mo sinabi niya sa akin na layuan kita kung wala naman akong maitutulong na pera sa inyo financially. At yung asawa mo ngayon? Sya ang sumalo ng mga utang nyo. Kaya ka nga pinakasal sa kaniya diba? Lubog na lubog kayo sa utang, vice. Maraming utang ang daddy mo na hindi pa nababayaran para lang maisalba ang kompanya nyo." Humihikbi syang nakatitig sa akin habang nagkukwento.

"I don't have something to offer kaya ako na mismo nag sabi sa mommy mo na ako na lang ang lalayo. Wala siyang binigay na pera kapalit na layuan kita. Malinis ang pagmamahal ko sayo at kahit kailan man hindi ako nag panggap sa harapan mo. Alam mo kung ano ang pinaniwalaan mo? Yung mga magulang mo lang. Ni hindi mo man lang ako naisip, mas binalot pa ng poot yang puso mo without knowing my side."

Tinignan nya ang paligid at ngumiti sa akin habang naluluha sya, "and this restaurant? Pera namin ng asawa ko ang dahilan kaya nabuo ito. Walang kinalaman ng yaman ng pamilya nyo rito."

Parang bumalik ang sakit na naramdaman ko. Sakit na hindi dahil sa kaniya kundi dahil sa mga magulang ko. At may halo ring pagsisisi at pang hihinayang ang nararamdaman ko ngayon.

" I am really sorry, hindi ko alam.." yun lang ang tanging nasabi ko habang inaabot ko ang kamay nya pero binawi niya yun agad.

"Sorry is not enough after throwing those hurtful words on me. Lumabas ka na, hinihintay ka na ng mag ina mo." Then she left at nag diretso sya sa kitchen.

-----------------




A/N:
Hi. Midnight update! Hope you like this! Please do vote and leave comments! Thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

217K 4.5K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
32.3K 1K 22
(c) 2017 | I want you forever, forever and always. Through the good and the bad and the ugly. We'll grow old together, forever and always. Book 2 of...
29.9K 521 10
Synopsis; Alexa and White is a product of arrange marriage. Alexa is a college professor while White is a college student, and somehow Alexa his wif...
42.5K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"