Hidden Village

By ashleyhuelin

10 0 0

A place where everything is mysterious, enchanted and a place where killing is legal. More

WORK OF FICTION
HIDDEN VILLAGE
CHAPTER 2

CHAPTER 1

3 0 0
By ashleyhuelin


BABALA: May mga maseselang bahagi ang kwentong ito. Breath in,Breath out. Hingang malalim at sabay-sabay nating pasukin ang tagong nayon.

Chapter 1;welcome to the village/nightmare

ASHLEY'S POINT OF VIEW

"Ahhh!" Agad akong napalingon matapos kong marinig ang malakas na sigaw ni Kristy. Grabe din itong babaeng 'to ang ingay.

"Ang ingay mo naman–" hindi ko na natapos ang aking sasabihin,naestatwa ako sa aking kinatatayuan.

Sssssssssss

Mariin kong naipikit ang aking mga mata. Oh gosh ang laki nung ahas.

"Guys walang gagalaw..." Mariing utos sa amin ni Chase.

Buti nalang talaga kasama namin si Chase,I feel safe kahit papaano.

Nanatili kaming tahimik habang hinihintay na umalis yung malaking ahas. Ilang minuto din kaming nakatayo,at pag alis nung ahas ay napasalampak nalang ako ng upo. Grabe nakakangawit yun.

"Ayos ka lang?" Namula ako sa tanong ni Chase saka dahan-dahang tumango.

Inilahad niya sa akin ang kamay niya. Tinanggap ko ito at akmang tatayo na ng biglang,damn! Bakit ba ako nawalan ng balanse.

Sabay kaming natumba,siya ngayon ay nasa ibabaw ko. Ilang minuto kaming nakatingin sa isa't isa hanggang sa may marinig kaming tumikhim.

"Aherm...ang alam ko–"

"Guys!" Hindi na natapos ni Clarenz ang sasabihin niya ng tinawag ni Gab ang aming atensyon. Tumayo na kami ni Chase at nilapitan sila Gab.

"Look..." Ani Kath sabay turo sa harap. The time I lend my eyes infront my mouth form an 'o',gosh did I just see a... Village? Village inside the forest?

Nilapitan namin ito at may nakitang karatula na nagsasabing "Don't enter If you are weak!" Weak???

"Ayy di ako weak..." Ani Clarenz saka nakapameywang pa na humarap sa amin "Ikaw weak ka?" Tanong niya at isa-isa kaming itinuro.

Sabay sabay kaming umiling.

"Oh,tara na?" Tanong ni Gab,tumango kami saka sabay sabay na pumasok.

Ngunit pag-apak ng paa ko sa nayon sumama ang pakiramdam ko. Iba ang pakiramdam ko sa lugar na ito,parang may mali. Pagpasok namin sa kabahayan ay pinagtitinginan kami ng mga tao. Yung titig na para ba kaming nililitis,ang tatalim ng mga titig nila. Karamihan sa kanila ay nasa loob na ng kani-kanilang bahay at sumisilip sa pinto,habang ang iba ay nasa labas padin.

Someone approach us and introduce himself as Nicolas,Nico for short. Nakipagkamay siya sa amin.

*Ting/klang
*Ting/klang
*Ting/klang

Napalingon kami sa malaking kampana,nagulat ako ng nanlaki ang mga mata ni Nico sabay lingon sa amin.

"Tayo na bilisan niyo!" Mariin niyang sabi sa amin.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Kristy.

"Mamaya ko na ipapaliwanag" saad ni Nico at giniya kami sa isang bahay.

"Upo kayo" saad niya saka itinuro sa amin ang mga kahoy na upuan.

Nagulat ako ng ikandado niya ang mga pinto at bintana saka humarap sa amin.

"Ano nga ba ang ginagawa niyo dito?" Tanong niya sa amin.

"Mahilig kasi kami sa mga adventures,so napadpad kami sa gubat na 'to tapos nakita namin 'tong village niyo" maikling tugon ko.

"Don't worry,aalis din kami bukas"nakangiting saad ni Kristy.

"Yun ay kung makaka-alis pa nga ba kayo" napakunot ang noo ko sa sinabi niya at unti-unting naglaho ang ngiti sa labi ni Kristy

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Chase

"Nakita niyo yung karatula sa labas bago kayo pumasok?" Tanong niya. Tumango kaming lahat "oh,nagbigay na siya ng babala doon" mas lalong nangunot ang noo ko.

"What do you mean?" Tanong ko,ngumisi naman siya.

"Hindi na kayo makaka labas" nagulat ako sa kanyang sinabi.

"W-what do you mean?"naguguluhang tanong ni Kristy.

"Hindi naman kayo mahihina diba?" Tumango kami "ngayon panindigan niyo...lahat ng pumasok dito ay hindi na naka-labas" oh my it's creeping me out.

"Impossible" naiiritang saad ni Renz. Grabe naman,kung alam ko lang sana di na ako pumasok.

"Sige kung ayaw mo maniwala puntahan mo yung pinasukan niyo kanina. Yun ay kung may makikita ka pa nga ba" nakangisi siya habang nagsasalita.

"Tandaan niyo ito,hindi lahat ng nakikita ng mata ay totoo,at hindi lahat ay nakikita ng mata,makiramdam kayo sa paligid. Di niyo sila na makikita pero kayo nakikita nila kayo. Ayusin ninyo ang mga galaw ninyo,dahil isang maling galaw..."sinadya niyang putulin ang kanyang sasabihin sabay lapat ng kanyang daliri sa kanyang leeg ay kunwaring hiniwa ito.

Nanlaki ang aking mga mata sa ibig niyang sabihin.

"K-kanina,nung tumunog yung kampana,bakit....bakit sila kumaripas ng takbo?" Nangangatal na tanong ko.

"Yun?bloody night ang tawag dun. Legal ang pumatay sa gabi,paglubog ng araw kaylangan nasa bahay na kayo. Kailangan niyong humawak ng patalim kung gustong niyong mabuhay. Sa gabi ay nagkalat sila,naka itim silang lahat kaya mahirap silang makita. Sa oras na makita ka nila na pakalat kalat ay patay ka." Mahaba haba niyang paliwanag na nagpakilabot sa akin.

"W-wala bang paraan para makalabas dito?" Tanong ko.

"Bakit di pa kayo humingi ng tulong sa mga pulis?" Tanong ni Kath

"Paraang makalabas? Hindi ko alam kung meron pa. At kung hindi humingi ng tulong? Kung makalabas kami o kung makakalabas pa nga ba talaga kami,ngunit kahit gawin namin ay wala silang magagawa,masyadong malakas ang pwersa ng namumuno dito" paliwanag niya

"Namumuno?" Ani Gab

Ngumiti siya bago kami tinignan.

"Oo,may kastilyo sa dulo ng nayon na ito. Doon nakatira ang namumuno dito ngunit hindi pa namin siya nakikita. Walang may alam kung sino o ano ang itsura niya. Dahil wala pa ni sino ang nakarating doon" paliwanag ulit niya.

Napakunot ang noo ko. Hindi nila kilala ang namumuno dito? Pero bakit?

"Paanong hindi–" di ko na naituloy ang aking sasabihin at napalingon sa may pintuan ng biglang may kumalabog dito. Sinenyasan kami ni Nico na manahimik. I'm shaking, kinakabahan ako.

Tumigil din ito pagkalipas ng ilang minuto.
Pumasok na kami sa mga kwarto na pinahiram sa amin ni Nico. Bukas na bukas hahanapin ko ang daan palabas ayoko na dito at mas lalong ayokong mamatay dito.

*_*

madilim wala akong makita kundi dilim. Nagpalakad lakad ako hanggang sa may makitang liwanag, palapit na sana ako dito ng bigla nalang akong may maaninagang anino sa liwanag. Akmang lalapitan ko na sana ngunit nakita ko ang kaniyang hawak,may hawak siyang kutsilyo sa kaniyang kamay at mula doon ay nakikita ko ang pagpatak ng dugo galing sa patalim na hawak niya.

Kinilabutan ako at nagsitaasan ang mga balahibo ko ng bigla nalang siyang humarap sa akin ngunit natatakpan ng maskara ang kaniyang mukha kaya hindi ko maaninagan ang kaniyang itsura, akma niya akong lalapitan ngunit tumakbo ako pabalik sa dilim. Akala ko ayos na ngunit pagbalik ko ay napalilibutan na nila ako mga lalaking nakasuot ng puting maskara akmang susugudin nila ako ngunit......

Napabalingkwas ako ng bangon dahil sa takot. Tinignan ko ang aking mga katabi at nakitang mahimbing padin silang natutulog, tinignan ko ang wall clock sa dingding at nakitang alas tres palang ng madaling araw.

Bakit ganon,sino sila? Ngayon lang binangungot. Nakakatakot,

Sinubukan kong matulog ulit dahil maaga pa ngunit kahit anong pilit ko ay di talaga ako makatulog. Lumabas nalang ako sa aming silid na tinutuluyan saka nagtungo sa kusina upang maghugas ng mukha.

"Ang aga mo nagising" napalingon ako sa aking likuran at nakita si Nico na nakatingin sa akin.

"D-di ako makatulog" sagot ko

Tumango siya at umupo sa salas. Sinenyasan niya ako na umupo sa tabi niya kaya ko siya nilapitan ngunit sa kaharap niyang silya ako umupo.

Nakatitig siya sa akin,hindi ko alam kung bakit nangingilabot ako sa uri ng titig niya.

"M-may problema ba?" Naiilang kong tanong.

"Binangungot ka kanina" nagulay ako sa kanyang sinabi.

"Pano mo nalaman" takang tanong ko.

"Narinig kitang humihingi ng tulong" narinig niya ako pero hindi ako narinig ng mga katabi ko? Ang weird

"Anong napanaginipan mo?" Kunot noong tanong niya. Ehh! Chismoso!

"Bakit mo tinatanong?" Tanong ko pabalik

"Nais ko lang kumpirmahin na mali ang hinala ko" hinala? Anong hinala?

A/N:mabitin muna kayo HAHA,chapter 2 will be updated soon!



Continue Reading

You'll Also Like

79.6K 1.9K 56
Y/n and Luz are best friends who have gone through thick and thin. But this time, they will go through thicker and thinner. They are both considered...
158K 3.9K 55
After your defeat, sonic decided to spare you.You became something of a anti-hero like shadow and help them on their adventures.The mad doctor now ha...
12.2K 276 20
Idk first story so please be nice
537K 13.4K 42
Psycho brothers and a little angel sister sounds not so good together right? so what happens when an sweet angel comes live with her lovesick pyscho...