I'm Lori, I'm Lori too.

By Inkshiwp

190 64 4

There is a woman who lives a very simple life. She is Lori, her family is complete but she feels that it is n... More

Simula
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9

Kabanata 1

36 13 0
By Inkshiwp

***

LORIBETH ARMANI

Andito kami ngayon ni Mama sa dati nyang kwarto grabe ang laki. Kumpara sa bahay na inuupahan namin dati mas malaki toh kesa don. Inaayos ko ngayon yung mga damit ko akala ko kase inayos na ng maids ni Lola yung mga gamit namin. Yun pala pina iwan lang ni Mama at kami pa rin ang mag aayos.

Sabi ni Mama noon ay baka nabulok na raw itong kwarto nya na ito dahil sa tagal nyang nawala dito. Pero ang linis linis at parang walang agiw o kaya'y mga ipis, daga alikabok ang kwarto nya. May nakita ako sa study table na picture kaya kinuha ko ito agad para tignan. Picture ito ng Lola ko at ni Mama pati ng mga kapatid nya. Totoo nga na sya ang bunso. Halata naman.

"Nayy!" Tawag ko sa Mama ko. "Ano yun nak?" Sagot nito habang hina-hanger yung mga damit namin at pina pasok sa aparador.

Lumapit ako sa kanya at ipinakita ang litrato na nakita ko. "Ang saya nyo dito oh!Ang liliit nyo pa!" Masayang ani ko kay Mama. Tinapunan nya naman ng kaunting tingin ang litrato at kaagad ding bumalik sa pag ha-hanger ng damit.

"Sana nga ganyan ulit yung saya eh!" Malungkot na ani ni Mama. Lumapit ako kay Mama para yakapin sya. "Mukha naman po silang mabait Nay, baka maging bati kayo ulit kapag nalaman nila na bumalik ka!"

"Hindi mo sure nak." Saad ni Mama sa akin at hinaplos ang likod ko. "Basta yung sinabi ko sayo ha, hanggat nandito tayo umasal ka ng ayos wag yung asal kanto ha" Napatawa naman kami pareho ni Mama. Naisingit mo pa yan ma.

"Ma'am Beatriz! Labas na raw po kayo sabay-sabay na raw po kayo mag hapunan" Masayang Ani ng kung sino sa tapat ng pintuan. "Susunod kami Yaya" Sigaw ni Mama at pinakawalan na ako. Hala Uyy!

Pag labas ni Mama sa banyo ay kaagad na rin akong pumasok dala yung damit at Pajama na susuotin ko. Power puff girl design. Mag papalit na ako para naman maka-baba na kami sa sosyal nilang hagdan na may pa red carpet pa. Daig mo pa ang ga-graduate eh. Joke.

"Bakit ganyan ang suot mo?" Tanong ni Mama sa akin.

"Bakit Ma, ayos naman suot ko ah pajama at damit."

"Wala tayo sa bahay nak, nasa bahay tayo ng Lola mo"

"Atleast bahay pa din, Joke" Saad ko dito at nag peace sign. "Eh Ma sanay ako sa ganto eh, ayoko mag panggap na kagaya nila ako"

"Pero nak—

"Nay sinanay mo ako sa ganito, kaya masanay rin sila na ganito ako." Saad ko kay Mama. Nakita ko na naluluha sya. Hala ma bakit?

"Kahit loko-loko ka, may katinuan ka pa rin talaga" Saad nito sa akin at niyakap ako. Nebe Mama. "Halika na Nay!"

Dadaan na kami sa red carpet ahihi, habang pababa kami ni Mama ay pinag mamasdan ko yung lamesang malaki at puno ito ng pag kain. Yummy! Si Lola pa lamang ang nasa Lamesa at yung iba ay parang kapatid yata ito ni Mama. Isang lalaki dalawang babae sure ako kapatid nya ito.

"Lolaa" Saad ko pag lapit pa lang sa lamesa at yumakap kay Lola Vina. Si Mama naman ay bumeso kay Lola. Nakita ko na masama ang tingin ng mga kapatid ni Mama kaya ngumiti ako sa kanila. "Magandang Gabi po" Sambit ko sa kanila at yumuko bilang pag-galang. Ganon ba yon?

"Umupo na kayo." Sabi ni Lola umupo naman si Mama malapit kay Lola at ako naman sa tabi ni Mama.

"Asan na ang mga anak nyo?" Tanong ni Lola sa mga kapatid ni Mama. Mukha silang masungit na ewan.

"Nasa office pa si Jian" Saad nung isang babae, pag kaka-tanda ko sya si Venice yung close ni Mama. Mukha naman syang mabait.

"Si Alejandro naman nasa site pa raw" Saad nitong isa. I think sya si Viola. Mukhang mataray pero don't judge the book by its cover, ika nila.

"Si Clayton bumabyahe na, Ano bang special occasion?" Saad nito at tumingin kay Lola. Ang special occasion ay ang pag balik namin. Yehey! Joke. Ikaw siguro si Vincent? Obvious naman. Sungit e.

"Nakikita nyo naman ang special occasion diba" "Ayan bumalik na yung bunso nyo" Masayang ani ni Lola at tinuro si Mama. Proud! Nagulat naman yung mga Kapatid ni Mama. Don't tell me hindi nyo sya nakilala.

"Bini?" Sabay sabay na tanong nila. Napa-ngiti naman si Mama. Kaagad na tumayo ang dalawa nyang Kapatid at niyakap sya ng mahigpit. Naiwan si Tita Venice sa upuan nya at titig na titig lang.

"Bi Ikaw na pala iyan" Naiiyak na ani ng Kuya nya. "I missed you so much Kuya ko" Saad ni Mama at niyakap ang Kuya nya ng mahigpit. Na halos maiyak na.

"Bini miss na miss ka namin!" Pagalit na Saad ni Tita Viola. At yumakap ng mahigpit kay Mama. Sabi ko na nga ba eh mabait kayo!

Nakita ko na tumingin si Mama kay Tita Venice at ngumiti. Kaagad na tumakbo palapit si Tita Venice kay Mama. Tumabi naman sila Tito at Tita para mayakap ni Tita Venice si Mama.

Umiiyak si Tita Venice habang yakap si Mama na para bang ayaw nya na itong bitawan. "Beatriz ko! Miss na miss kita bini ko!" Saad ni Tita Venice at hinawakan ang mukha ni Mama at hinalikan sa pisngi ng sobrang Dami. "Mahal na mahal kita Beatriz ko!"
"Mahal na mahal din kita Ate Venice so much! I missed you."

Naiiyak tuloy ako dahil sa nakikita ko. Tama nga ang desisyon namin ni Mama na pumunta dito. Dito magiging ayos siya. Dito hindi kami mapupuntahan ng Tatay kong magaling.

Tumingin ako kay Lola na pinipigilang umiyak. Tumayo ako at umikot sa kabilang daan dahil naka harang sina Tita Viola at Tito Vincent. Pag lapit ko kay Lola ay niyakap ko sya kaagad.

"Kuya Vincent, Ate Venice at Ate Viola. Meet my beautiful daughter. Loribeth" Saad ni Mama at tinuro ako. Kaya kaagad na natingin sila sa akin. Ngumiti naman ako sa kanila.

"Hello po hehe" Saad ko at ikinaway ang aking kamay. Kaagad na itinaas ni Tita at Tito ang kamay nila na para bang gusto nila na yumakap ako sa kanila. Ngumiti ako at agad na lumapit sa kanila.

Niyakap ko sila isa isa at ngumiti sa kanila.

"Ang ganda ganda naman" Pag puri sa akin ni Tito Vincent. At ngumiti sa akin.

"Mana ka talaga sa 'kin Loribeth" Saad ni Tita Viola. Sus sinungitan nyo nga kami eh. Joke!

"Hindi man lang kita nakitang lumaki" Saad ni Tita Venice at niyakap ako. "Okay lang po yan, atleast nakita nyo po ako na malaki na"

"Ay sha sha, mag si upo na kayo at pag madaliin nyo na ang mga anak nyo na umuwe." Saad ni Lola. "Baka lumamig ang pagkain."

Habang hinihintay namin yung mga anak ng Kapatid ni Mama ay nag k-kwentuhan muna sila at kamustahan.

"Ma'am Vina andyan na po ang mga apo nyo" Saad ni Manang ano. Diko alam.

"Lola, I'm Home!" Sigaw nung isang lalaki na magulo yung damit. Puro pintura.

Habang palapit yung tatlong lalaki kay Lola ay naka-tingin ito sa amin ni Mama. Nagagandahan ba kayo sa amin? Hehe pweh!

"Sino sila?" Tanong nitong isa yung naka Itim na polo. Mukhang masungit.

"Yeah sino sila?" Tanong rin nitong naka suot ng ano Basta ewan anong tawag dyan. Basta magara yung suot. Naka neck tie pa nga eh. Sya siguro yung galing sa office.

"Lori pakilala ka sa mga pinsan mo!" Saad ni Lola. Nagulat naman ang mga ito.

"Ah hello po?Ako si Loribeth Armani!" Pag papa kilala ko.

"Mag pakilala rin kayong tatlo" Saad ni Tito Vincent sa tatlong kolokoy.

"Kailangan pa ba?" Saad nitong naka polong black. Oo beh kailangan. Paepal. "Yes kailangan." Sagot ni Tito Vincent.

"Jian" Saad nitong naka black na polo. Ayy mali ako! Ikaw pala yung galing sa office?

"Alejandro" Saad nitong may pintura ang damit. Anak ka ni Tita Viola.

"Clayton" Saad naman nitong naka magarang damit. Akala ko Ikaw yung galing sa office hehe. Pero inpernes ang cute nyo mga pinsan.

"Umupo na kayo mga apo" Tumango naman itong tatlo at umupo na.

Bali si Lola yung gitna at Si Tito Vincent, Bali dulot dulo ganon. Si Mama naman sa kanan na side ni Lola sa kaliwa naman si Tita Viola. Katapat ko si Tita Venice, sa tabi ni Tita Venice si Jian. Katabi ko naman si Alejandro tapos tabi nya si Clayton. Gets? 

Habang kumakain kami ay biglang nag tanong si Alejandro.

"Ilang taon kana." Tanong nitong katabi ko sa akin.

"18 po" Sagot ko naman dito kay Alejandro.

"So Kuya mo pala kami!" Saad naman nitong si Clayton. Edi wow.

"Btw bakit pala Armani parin ang apilido mo?Bakit hindi apilido ng Daddy mo?" Tanong sa akin ni Jian.

"Oo nga pala, bakit hindi apilido ng Tatay mo?" Tanong din ni Lola.

Tumingin ako kay Mama at tumango naman ito sa akin.

"Ah kase po ang bantot po ng apilido ng Tatay ko eh" Seryoso kong sagot. Habang kagat itong fried chicken. Kaagad naman natawa si Tito Vincent at halos mabulunan naman sila Tita at Mama. Bakit tama naman sagot ko. Napatingin ako sa mga kolokoy wala naman silang reaksyon so bakit natatawa sila Mama.

"Seryoso ka sa sagot mo?" — Jian
"Hindi kaba takot mapa galitan ng Dad mo?" — Clayton

"Hayaan nyo na lang si Lori ganyan talaga sya." Saad ni Mama. Loh

Pag katapos ng masaya at nakaka-iyak na hapunan ay ngayon ay nandito na kami sa kwarto ni Mama. Hindi mawala ang ngiti ni Mama dahil akala nya daw talaga ay hindi na sya tanggap ng mga Kapatid nya at tuluyang kinalimutan.

"Oh ano Ma, okay ka paba dyan?" Tanong ko sa kanya dahil hindi talaga mawala yung ngiti sa labi nya. At iyan ang gusto ko lagi kang masaya.

"Sino ba namang hindi sasaya sa reaction nila." "Hindi pala nila ako nakilala kaya parang ang sungit nila." Saad ni Mama.

"Ay sha sha matulog na tayo, bukas i-enroll na kita" Saad ni Mama at humiga na sa kama namin.

"Patugtog ka naman sa Spotify, nakita ko may wifi dito." Saad ko at yumakap kay Mama. Natawa naman ito bago nag pa tugtog.

Sana pag panganak mo pa lang sa akin Ma iniwan mo na yung Tatay ko na yun. Para hindi na ako, tayo nahirapan sa puder nya.
Pero okay lang naman sa akin. Masaya naman ako kase kahit papaano eh may Tatay ako. Naging mabuti rin naman siya sa akin, sa atin.

thankyou for reading. lovelots!



Continue Reading

You'll Also Like

1M 18.2K 43
What if Aaron Warner's sunshine daughter fell for Kenji Kishimoto's grumpy son? - This fanfic takes place almost 20 years after Believe me. Aaron and...
Fake love By :)

Fanfiction

113K 2.6K 42
When your PR team tells you that we have to date a girl on the UCONN women basketball team and you can't say no to it... At first you don't think too...
906K 41.4K 175
𝒊𝒏 𝒘𝒉𝒊𝒄𝒉 the boy who lived falls for the girl who had no one
430K 17.5K 61
╰┈➤ *⋆❝ 𝐢'𝐝 𝐫𝐚𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐧𝐨𝐭 𝐥𝐨𝐬𝐞 𝐦𝐲 𝐜𝐨𝐟𝐟𝐞𝐞 𝐭𝐚𝐛𝐥𝐞 𝐚𝐬 𝐚 𝐫𝐞𝐬𝐮𝐥𝐭 𝐨𝐟 𝐲𝐨𝐮 𝐩𝐢𝐬𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐟𝐟 𝐭𝐡𝐚𝐭 𝐭𝐢𝐦𝐞-𝐛...