The Rare Ones

By EvasiveSpecter

119K 3.5K 73

||COMPLETED|| Death was supposed to be the end - or so she thought. But when one young girl awakens in the bo... More

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Epilogue

Kabanata 42

1.4K 46 0
By EvasiveSpecter

╔══ஓ๑♡๑ஓ══╗
  Kabanata 42.
Opening anniversary
program
╚══ஓ๑♡๑ஓ══╝

Third Person's Point of View

Kasalukuyang naglalagay ng light makeup si Luna sa kaniyang mukha dito sa loob ng kwarto niya. Nang may kumatok sa pintuan ng kwarto niya. Napalingon siya doon.

“Bakit?”

Mabilis niyang iniligpit ang gamit niya at kaagad na isinuot ang kaniyang salamin.

“Tara na! Magsisimula na ang opening remarks, Gianna! Hindi ka pa ba tapos?” Anas ni Elleanor sa labas ng kaniyang kwarto.

Eto na! Palabas na,”

Nang makalabas ay saglit siyang namangha sa suot ni Elleanor. Napangiti naman ito sa kaniya na para bang inaasahan na nito ang magiging reaksyon niya.

“Ganda noh!” Sabi ni Elleanor at umikot pa para makita ni Luna ng buo ang suot nito. Nakasuot ito ng floral dress at mukhang may pupuntahan na date.

“Ano ba 'yang suot mo? Napaka-pormal mo naman manamit.” Ani pa ni Elleanor sa kaniya nang makita ang suot nito.

Naka uniporme kasi siya kasi akala niya ay hindi pwedeng magsuot ng kahit na ano hanggat hindi pinahihintulutan.

Lumabas naman si Ellesse at Olivia sa kanilang kwarto. Katulad din ni Elleanor ay naka dress din ang dalawa. Si Ellesse ay matching sila ng kakambal niya habang si Olivia naman ay nakasuot ng black long sleeve off shoulder dress na hanggang tuhod niya lang ang haba. 

Saglit na umawang ang labi ni Luna sa itsura ng tatlo. Mamaya pang gabi ang masquerade ngunit mukhang mascara na lang ang kulang sa tatlo at ready to go na sila sa masquerade party.

Napakamot naman si Luna sa kaniyang leeg.

“Nahiya naman ako sa inyo. Wait lang at magbibihis ako.”

Nagmadali siyang pumasok sa loob at kaagad na naghanap ng dress sa wardrobe niya. Ang tatlo naman ay humalakhak sa naging reaksyon ni Luna.

“The good student award goes to…” ani Olivia.

“Gianna Abigail!” Sigaw ng dalawang magkakambal at itinaas pa ang kamao sa ere.

Muli ay humalakhak ang tatlo. Napairap na lang si Luna sa loob habang nagbibihis sa dress na napili niya no'ng marinig niya ang pag-uusap ng tatlo. Minsan talaga ay trip siyang inisin ng tatlo. Alam kasi nila na mabilis lang siyang mainis kaya gano'n na lamang ang mga ito sa kaniya.

Nang matapos ay lumabas na siya.

The three were in awe. Naninibago sila sa suot ni Luna. Hindi pa kasi nila ito nakitang nagsuot ng maikli. No'ng birthday kasi ni Olivia ay long fitted dress ang sinuot nito na hanggang paa talaga niya kaya naninibago sila ngayon. Ang uniporme naman nila ay lagpas hanggang tuhod ang haba nito. Kung sa dorm naman sila ay hindi nila ito nakikitang nag-sho-short man lang. Palagi kasi itong nagsusuot ng pajamas.

“Why? Is it bad? Hindi ba bagay sa'kin?”

Mabilis na umiling ang tatlo sa tanong ni Luna. 

“Hindi… bagay na bagay nga e.” Papuri ni Elleanor.

“Maganda sana kung wala ang eyeglasses tsaka nakalugay ang buhok.” Panunukso naman ni Olivia.

“Bagay na bagay,” komento naman ni Ellesse.

Napangiti naman si Luna sa sinabi ng tatlo sa kaniya. Sanay naman siyang magsuot ng ganito noon pero mukhang naninibago siya ngayon. Ito lang kasi ang dress na nakita niyang babagay sa gagawin nila ngayong araw na 'to. Tapos mamaya naman ay mag-aasikaso na naman sila para sa masquerade. Nakakapagod iyon para sa kaniya.

“Tara na! Ano pang hinihintay ninyo?” Aya ni Ellesse.

Nagtama naman ang paningin nilang dalawa. Ngumiti ito sa kaniya at tsaka siya tinabihan sa paglalakad. Bahagya siyang siniko nito.

“Sorry kahapon. Nabigla lang talaga ako. Importante kasi ang cellphone key chain na 'to sa'kin e, tapos binasa mo ng juice. Akala ko hindi na matatanggal ang mantsa.” Sabi nito sa kaniya.

“Okay lang 'yon. Kasalanan ko naman e,” sagot niya rito.

Bumaba na sila ng building. Pagbaba pa nila ay marami ng mga estudyante ang nagkalat sa paligid. Naghahanda sa mga gagawin nilang palaro o kung ano-ano pa mang entertainment na papatok sa mga estudyante. But some of the students ay nasa field na katulad nila.

“Woah! Ang dami pala talagang nag-aaral dito.” Anas Ni Elleanor.

“Saan nga ba ang section natin, Olivia?” Tanong ni Luna kay Olivia.

Kumapit naman si Olivia sa balikat ni Luna tsaka tumingkayad para hanapin ang pwesto nila. Nakita naman niya ang kumakaway na si Shamil na may malapad pang ngiti sa labi.

“Ayun! Kumakaway si Shamil.” Sagot nito sa kaniya.

Nagpaalam naman ang magkakambal sa kanila kasi magkaiba nga ang section nito. Tumungo na sila Luna at Olivia ngayon sa pwesto nila.

“Ganda natin ngayon a! Kabog!” Masayang ani ni Shamil at binangga pa ang pwetan niya sa pwetan ni Olivia.

“Always!” Sagot rin ni Olivia.

Bahagya naman na natawa si Luna sa dalawa. Pati na si Mirra na kakarating lang din at narinig ang usapan nila. Maya-maya pa ay nagsalita na ang emcee na si Calvert, ang bagong Supreme President, kaya napaayos na sila ng tayo sa pwesto nila.

“Celebrating 50 Years of Success: Together We Thrive!” Panimula ni Calvert.

Naghiyawan naman ang ibang manununod sa sinabi ni Calvert. Bahagya siyang napangiti dahil sa hype ng buong mag-aaral. Muli ay nagpatuloy siya sa pagsasalita niya sa harap.

“Ladies and gentlemen, welcome to our extraordinary anniversary celebration! Tonight, we gather here to honor a significant milestone - Syne Attunement University's 50th anniversary.” Muli ay nagpalakpakan ang mga hurado.

“In the span of 50 years, we have grown, evolved, and achieved remarkable accomplishments. This day is a tribute to the dedication, creativity, and unwavering support of each and every member of our organization.” Dugtong pa nito.

“We stand here tonight, united by a common purpose, as we reflect on the past achievements and look towards a future filled with infinite possibilities. Let us embark on this celebratory journey with joy in our hearts and gratitude for the remarkable journey that has brought us here. Ladies and gentlemen, let the festivities begin as we raise a toast to the past, present, and future of  Syne Attunement University. Together, we thrive! Enjoy this special day!” Dugtong niya muli at itinaas niya ang glass wine na hawak niya.

Kahit walang glass wine sila Luna at Olivia ay umakto pa rin sila na nag cheers. 'Yong ibang estudyante naman ay may hawak talaga na wine glass at mukhang hindi sila na inform. 'Yung iba naman ay ginamit ang attunement nila para makagawa ng wine glass.

Natapos ang opening remarks ay nagsimula na ang aktibidad na inihanda ng bawat estudyante. May mga food cart, dart competition, some concerts, and some entertainment show na gawa sa ibang mga estudyante na naatasan.

Masayang naglilibot si Luna kasama sina Olivia, Mirra at Shamil. Hinila siya ni Shamil doon sa may food cart na ang gamit na pangluto ay ang mga kapangyarihan nito.

“Wow! Ang galing!” Papuri ni Shamil sa mga gumagawa ng pagkain na nasa harapan niya.

“Magkano po kuya?” Tanong naman ni Olivia dito.

“100 pesos. Pero kapag pwede kami humalik sa inyo ay free na lahat.”

Kusang tumaas ang kilay ni Luna sa sinabi ng lalaki. Babaero!

“Aba! Wag na lang kuya, salamat.” Anas niya at hinila na ang dalawa.

Sumunod naman sa kanila si Mirra na nakabuntot lang din at mukhang may hinahanap. Napansin naman iyon ni Luna kaya kaagad niya itong nilapitan.

“Sino hinahanap mo?” tanong niya rito.

Napapitlag naman ito at mabilis na umiling, “W-Wala naman.” Sagot nito.

Sa paglilibot pa nila ay nakasulubong nila ang ang apat na lalaki na kaklase rin nila. Nakita naman ni Luna ang kumakaway na si Miles ngunit ang paningin niya ay kaagad na dumako kay Zyriex na mabilis lang na nag-iwas ng tingin sa kaniya, as if it is mad at her.

“Hello, Ladies! Gaganda niyo naman.” Papuri ni Miles sa mga ito ng makarating sa pwesto nila.

“Stunning…” Matt voiced out pertaining to Mirra but Luna overheard it kaya kusa siyang napatingin kay Matt kung saan ito nakatingin.

Lumapit naman si Damonn kay Luna, “You look gorgeous today.” He complimented the girl.

Bahagya naman na napangiti si Luna, “Thanks…” sagot niya.

Bigla naman niyang napansin si Zyriex na kusa na lang na umalis habang nakapamulsa pa na para bang walang pake sa kaniya. Ikinainis naman iyon ni Luna kasi hindi siya sanay na ganon ang binata sa kaniya.

Busy sa pag-uusap ang kasamahan niya nang magpaalam siya sa kanila. “May tatawagan lang ako saglit.” Sabi niya kahit na ang totoo ay susundan niya talaga si Zyriex to clear things up between them.

Maraming tao kaya naman ay medyo nahirapan siyang sundan si Zyriex but she manages to follow him in the corridor. Kung saan walang katao-tao kasi nasa filled ang lahat.

Doon niya nakita si Zyriex na humihithit ng sigarilyo na ngayon niya pa lang nakita. Akala niya ay wala itong bisyo ngunit nagkamali na naman siya ng akala. Mariin siyang tinitigan ni Zyriex nang makalapit siya sa pwesto nito.

“Why are you following me?” Malamig na tanong nito sa kaniya.

“Problema mo ba?” Diretsahan niyang tanong dito.

“Ikaw…”

Nalukot naman ang mukha niya sa pagkakalito. She then sighs. Ngayon ay lilinawin na niya ang relasyon nilang dalawa. Wala ng saysay pa ang pagpapanggap nila kasi wala na ang fiancee niya. Ibinigay na siya nito sa kaniya.

“Our agreement ends here. Wala na ang fiancée mo. Ibinigay ka na niya sa'kin kaya hindi ka na maikaka— argh!”

Hindi natapos ni Luna ang sinasabi niya nang bigla na lang siyang hilahin ni Zyriex at isinandal ng marahas sa pader. Napadaing siya dahil sa sakit na dulot nito sa likod niya.

“F*ck!” Galit na anas ni Zyriex.

Ayaw na niyang bitawan pa ang babae na ito. Dahil baka mabaliw na siya ng tuluyan kapag nawala na naman muli ito sa kaniya. He will never let go of her ever again, over his dead body.

“Zyriex! Ano bang problema mo?” Galit rin na anas ni Luna.

Amoy na amoy niya ang mint flavor na hininga ng lalaki na mula sa sigarilyo hinithit nito kanina. Hindi na niya maintindihan ang lalaki na 'to but at the same time she felt different feelings kapag malapit ang mukha nito sa mukha niya. A kind of feeling na dapat ay hindi niya nararamdaman sa sitwasyon na kinakaharap niya ngayon sa kaniyang buhay.

“I told you already, I want you to be my wife.” Bulong ni Zyriex sa tenga ni Luna.

Kinilabutan naman si Luna sa ginawa ni Zyriex. Hindi niya alam pero iba ang epekto nito sa kaniya. She snaps and then she pushes Zyriex away from her kasi medyo malapit na talaga ito sa kaniya. But then it didn't budge. Mariin lang siyang tinitigan nito sa mga mata niya.

And now she's mesmerized again by this man's eyes. Tila ba nalulunod naman siya sa asul na mga mata nito. Biglang bumaba ang tingin niya sa mag labi nito patungo sa leeg nito. She gulps nang unti-unting lumapit ang mukha ni Zyriex sa kaniya.

She wanted to stop. Gusto niyang pigilan ito but at the same time na blanko ang isipan niya na para bang na hypnotize siya sa ganda ng lalaki na ito sa harapan niya. At hindi na niya namalayan na hinahalikan na pala siya nito sa labi.

Noong una ay marahan lang ito. A passionate kiss na parang may kasamang pangungulila. She didn't respond at napapikit na lang ng mga mata niya. But when the kiss became aggressive like it's thirsty ay doon na siya napatugon sa mga halik nito.

Zyriex cupped her face to deepen their kiss. Inilagay naman ni Luna ang kamay niya sa buhok ni Zyriex para mapadiin din ang halikan nilang dalawa.

Luna didn't know. Hindi niya alam kung gusto niya ba ang lalaki o nadala lang siya sa galing ng paghalik nito but this time she's certain. There's a difference between him at sa mga lalaki noon na nakahalikan niya. This feeling is kinda new to her. Na para bang may naghahabulang alitaptap sa kaniyang tiyan.

Nang maubusan ng hininga ay itinigil na kaagad nila ang paghahalikan. Their both panting while resting their face on each other's forehead.

Buti na lang at walang nakakita sa kanila. Madilim din kasi ang corridor na tinungo nila e.

“You're my wife. Whether I have a fiancee or none, I'm still gonna marry you.” Said Zyriex in a panting voice.

Again, Luna gulped. “W-Why? W-Why me?” Nanginginig niyang tanong dito.

Sumilay naman ang ngiti ni Zyriex sa labi na bahagya na naman niyang ikinabigla. Tumingin ito sa kaniya at malapit pa rin ang mukha nila sa isa't isa.

“'Cause I want to, at gusto ko na ikaw ang mapapangasawa ko.” Sabi pa nito sa kaniya.

Itinulak naman niya ito nang mainis siya sa sagot. Parehas lang naman ang isinagot nito e. She wants to hear a different satisfying answer. 'Yung maiisip niya na mag-ee-stay sa lalaking 'to. Baka kasi ay kung kailan pa siya magkakagusto ay doon na naman siya iiwan nito.

“Your answers don't make sense! Kung gusto mo akong makuha. Then ligawan mo ako!” Asik niya rito.

Zyriex's eyes furrowed in amusement. Napangisi na naman siya sa ipinapakita ni Luna sa kaniya. Dahan-dahan na naman siyang lumapit sa dalaga na ngayo'y umaatras rin ng paunti-unti.

“Don't look at me like that! Seryoso ako Zyriex!”

“You kissed me back, my wife. And you're telling me to court you? That doesn't make sense also, right?”

“H-Hindi pa rin ako pumapayag na pakasalan ka!”

Uminit naman ang mukha ni Luna. Now she's certain na namumula na siya ngayon sa harapan ni Zyriex. How embarrassing. Mabilis siyang yumuko at kunyaring inaayos ang salamin niya sa mata na tumabingi kanina no'ng maghalikan sila.

Oo nga naman. Tumugon siya sa halik nito. Sarkastiko naman siyang tumawa.

“Last na 'yon. Hindi ka na makakahalik sa'kin hinayupak ka! Napakamanyak mo! Diyan ka na nga!” Inis niyang wika rito at nagmartsa na paalis.

Sumunod naman ito sa kaniya na bahagyang nakangiti habang nakapamulsa pa.

“But… you kissed me back that means you like me too.” Panunukso pa nito sa kaniya.

Naikuyom naman niya ang kamao sa inis. Tang*ina talaga! Dapat pala hindi na siya tumugon sa halik nito.

Bigla itong tumabi sa kaniya and then grab her hands to intertwine them. Mabilis naman niya iyong itinakwil. “Ano ba! Wag mo nga akong hawakan!” singhal niya.

“E kung bakit ka naman kasi nagsuot ng ganiyang damit. Kita ang cleavage mo! Tsaka naglagay ka pa ng lipstick. It's tempting me, Wife.”

Mas lalo naman na nainis si Luna, “Lumayo ka sa'kin, Manyak!” Mabilis siyang naglakad ngunit sinundan pa rin siya ni Zyriex.

———

Hapon na at naghahanda na sila ngayon para sa masquerade party. Nasa kwarto si Luna at busy sa pag-aayos ng buhok niya nang may dumungaw sa nakabukas niyang pintuan.

It was Olivia wearing a big smile on her face. “Kain muna tayo Abigail bago magbihis.” Aya nito sa kaniya.

Gumanti naman siya ng ngiti at lumabas na ng kwarto niya. “Oo ba.” Sagot niya.

Pagpasok nila sa kusina ay nauna na ang magkakambal sa hapag kainan. Kumaway naman ang dalawa sa kaniya.

“May special recipe ngayon si Olivia, Gianna. Look how delicious is this.” Sabi ni Ellesse pertaining to spring veggie pasta. Gulay kasi ang gusto ng kakambal kaya gayon na lamang ang galak nila sa niluto ni Olivia.

“You cook my favorite?” tanong niya kay Olivia.

“Yup, roasted shrimp and peppers with creamy rice. Pinakaunang nalaman ko sa'yo no'ng magkakilala tayo.” sagot ni Olivia.

Napangiti naman si Luna sa sinabi ni Olivia sa kaniya. She's lucky to have Olivia in her life. Noon kasi ay wala talaga siyang naging kaibigan kahit ni isa man lang 'cause all of them are just fake to her kasi nga mayaman siya. Umupo na sila at kumain na may ngiti sa labi.

Napatingin naman si Olivia sa kaniyang mga kaibigan na masayang kumakain sa niluto niya. Suddenly her smile fades away. This is the last day. Ito na ang huling araw na makikita niyang nakangiti sa kaniya ang tatlo. She needs to let them go so that she can proceed to her goals in life.

Especially to her last mission.

─•~❉᯽❉~•─

Leave a vote and comment(⁠^⁠^⁠)

Continue Reading

You'll Also Like

3M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
10.8K 436 28
[BOOK 2] Limang daan taon na ang nakakalipas nang matapos ang huling digmaan. At sa nakalipas na panahon ay naging mapaya naman ang pamumuhay ng bawa...
65.3K 3.1K 37
Ang lahat ng mga tagapagmana ng apat na bayan ay nararapat pumasok at mag-aral sa akademyang ginawa para sa kanila. Sinasanay sila doon upang makont...
10.8K 417 25
A story about a woman who holds the biggest responsibility, LIFE. "We just wanted to love, but we were unable to just love. That's our tragedy." Toge...