Kung Kailan

Por myfinalfantasy

96.1K 1.7K 203

Piyu #1 Malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay o ng tao kapag hindi na hawak ng kamay mo. Malalaman mo... Más

Kung Kailan
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Espesyal na Kabanata
feu

Kabanata 8

1.5K 34 0
Por myfinalfantasy

Kabanata 8

MYX Slam Jam

"Di mo na mababawi iniwang sakit sa mga salitang binitiwan mo. Hindi ba't ikaw na rin ang nagpasya, nagtakda at siyang unang umiwas? Bakit nga ba ako 'yong pinaasa?"

—————

"Magkakaroon ng MYX Slam Jam concert next week."

"Hmm?" Napatingin ako kay Ate Lousha pagkalabas ng Montero ni kuya.

"Hindi ko na nasabi sa'yo kahit na isa ka sa mga Junior Committee Officers." Tinitigan niya ako na may pag-aalala. "Parang wala ka sa sarili mo nitong mga nakaraang linggo."

Medyo nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni ate. "Hindi. May iniisip lang ako."

Ngumisi siya sa akin nang pumasok kami sa bahay. "Tell me if you have a problem especially when it comes to a particular guy. I'm your ate, Saeko. I can and I will help." Kumindat pa siya sa akin.

Medyo natawa ako sa sinabi at ginawa niya. "Ayoko na dagdagan ang mga inaasikaso mo. You are a very, very, very busy lady, Ate Lousha."

"But I'm still your ate." Ngumiti na lang ako sakanya. Hindi na ako nagsalita dahil wala akong masabi. "Sa mismong araw ng concert mo na lang ikaw tumulong sa pag-aayos. Kami ng mga officers na ang bahala sa ngayon." Tinalikuran na niya ako at pumasok na siya sa kanyang kwarto.

Pumasok na rin ako ng kwarto at napahiga sa aking kama. Napaisip ako sa sinabi ni ate. Kung sabihin ko kaya sakanya ang tungkol kay Maru? Baka sakaling may maibigay siya sa aking payo at para naman may masabihan ako bukod kina Precis. Nakakabagabag na rin kasi.

Hindi muna ako nagpapansin kay Maru sa mga sumunod na araw. Nag-iisip kasi ako ng mga paraan kung paano ko ulit makukuha ang atensyon niya at sobrang busy din ako dahil panay ang pagbibigay ng mga paper works ng mga prof. Naiinis nga ako dahil sobrang demanding kahit minor subjects lang sila. Halos hindi na nga ako nakakatulog. Mahaba na ang tatlong oras na tulog sa akin ngayon. Mas naawa nga ako kay Ate Lousha dahil graduating student na nga siya, panay pa ang practice niya ng volleyball. Hindi lang iyon, palagi na siyang ginagabi sa office ng IABF SC. Palagi na nga siyang sinusundo ni Kuya Ashton dahil kahit sarado na ang FEU ay hindi pa rin siya umuuwi. She's always staying at the Starbucks to do some paper works.

Nilalagay namin ang ilang palamuti sa Grandstand dahil mamayang gabi na ang MYX Slam Jam. Kasama ko ang ibang Junior Officer Committee ng IABF. Hindi lang naman ang SC ng IABF ang nandito. Lahat ng student council ng iba't ibang institutes ay nandito para tumulong sa pag-aayos kasama na ang FEU Central Student Organization o FEUCSO. May klase ngayon pero hindi ako pumasok sa subject na iyon dahil lesson lang naman at hihingi na lang ako ng mga notes kina Yuni. I just wanted to help because I'm a part of the student council. Hindi na nga ako pinatulong ni Ate Lousha sa pag-aasikaso noong nakaraan at ang pag-iimbita sa mga sikat na bands kaya ito na lang ang matutulong ko.

Noong gumabi na at naglabasan na ang ibang estudyante ay nagsimula nang umingay sa campus. Alas sais na at alas syete ang umpisa ng MYX Slam Jam. Ang swerte ng mga wala nang mga klase at malas ang may mga klase pa mamayang alas syete. Hindi sila makakapanood. It's either pumasok sila sa klase or mag cut ng class. Puro graduating at irregular students ang may klase tuwing gabi. Ang alam ko ay may klase si ate pero hindi niya ata papasukan dahil namamahala rin siya rito kasama ang ibang officers ng SC.

There are so many sacrifices when you want to do something.

Inayos ko ang pulang v neck t-shirt ko na may tatak na malaking IABF Student Council sa harap at maliit na Project Directorate Committee sa likod gamit ang puting ink. May maliit na simbolo rin ng FEU sa harap, sa bandang kaliwa ng pulang v neck t-shirt. Naka faded jeans lang ako at white converse. May kani-kanila ring mga t-shirt ang mga student council ng ibang institutes at may iba't-ibang kulay at disenyo rin ang mga ito.

Dumadami na ang mga estudyante. Pumasok na rin ang mga taga FEU Tech sa campus namin para manood.

Nagsimula na ang MYX Slam Jam at pinangunahan ito ng mga sikat na DJs sa MYX. I don't know their names. Nakikita ko lang sila minsan sa MYX. May introduction silang ginawa at konting laro kasama ang mga estudyante na nanonood. Nandito lang kaming mga SC sa gilid ng Grandstand kung sakaling may kailanganin sila. Hindi ko makita si Ate Lousha. Pati na rin sina Precis sa dagat ng mga estudyanteng nanonood ngayon. Sobrang dilim kasi at tanging ang Grandstand lang ang may mga nakakasilaw na ilaw.

Lahat kami ay nagtalunan nang sumalang na ang unang bandang kakanta sa gabing ito, ang Mayonnaise. Kinamusta muna niya ang mga nanonood tapos ay narinig ko ang matinis na tunog ng gitara. Nakita ko ang pagtaas ng mga kamay ng estudyante at nakikisabay sa kanta. Sumayaw din ang makukulay na neon lights sa buong campus. Napangiti ako. Parang nasa isang concert kami ngayon.

~Jopay, kamusta ka na?

Palagi kitang pinapanood, nakikita

Jopay, pasensya ka na

Wala rin kasing ako makausap at kasama

Wag ka nang mawala

Wag ka nang mawala

Ngayon~

Nagsitalunan ang mga estudyante nang kinanta na niya ang chorus.

~Dadalhin kita sa aming bahay

Di tayo mag-aaway

Aalis tayo sa tunay na mundo~

Nakisabay na rin kami rito sa gilid sa pagtalon at pagkanta. Kumanta pa sila ng dalawang kanta at nawawala na kami sa wisyo dahil sa boses niya. Ang sarap mag head bang ngayon!

Pagkatapos ng Mayonnaise ay sumunod ang isang bandang hindi pamilyar sa akin. Hindi ko talaga kilala ang bandang ito pero magaganda ang mga kanta nila. Napapapikit ako sa mensahe ng mga kanta nila.

Pagkatapos noon ay lumitaw na naman ang mga DJs ng MYX at nagpalaro na naman sila. May mga papremyo ang mga mananalo galing sa MYX. Nangangalay na ko sa pagtayo rito sa gilid ng Grandstand at gusto ko na umupo pero nang marinig ko ang pagbanggit ng DJ sa pangalan ng bandang gustong gusto ko ay nanayo ang mga balahibo ko sa katawan.

It's Spongecola!

Umalis ako sa gilid ng Grandstand at sumingit sa pinakaharap para makita ko ang Spongecola. Marami akong nabanggang estudyante at masama nila akong tinitignan pero kapag napapatingin sila sa damit ko ay binabaliwala na lang nila ang lahat.

Nakasingit ako sa pinakaunahan. Nasa stage na ang mga members ng Spongecola at inaayos na nila ang kani-kanilang mga instrumento pero wala pa ang vocalist nilang si Yael. Lahat kami ay nagsisigawan na para lumabas siya. Hindi ko alam kung anong meron at kung bakit ayaw pa niya lumabas. Siguro ay isa ito sa mga galawan niya kapag may gig. Mas lalo tuloy kaming naeexcite!

"Good evening, Tamaraw!" Sa gilid ng stage ay nakita kong may lalaking naglalakad suot ang itim na polo shirt.

Napatili kaming mga babae nang makita namin sa harap si Yael Yuzon kasabay ang tunog ng isang gitara. Tumaas ang mga kamay namin sa ere at sinabayan ang intro ng Bitiw. Hindi na siya nagbitiw ng mga salita at diniretso na nila ang unang kantang tutugtugin at kakantahin nila!

Inikot ko ang paningin ko sa aking likod dahil nagtatawanan sila at nanlaki ang mga mata ko sa mga lumilipad sa ere! Hindi lang pala ang mga kamay namin ang naglalaro sa ere kundi pati ang mga transparent na lobo na hugis ari ng lalaki! Shit! It's a condom!

Nag-init ang mukha ko sa nakita at natawa na rin sa mga kalokohan nila! Hindi nakaligtas sa akin ang tawa ng Spongecola lalong lalo na ang tawa ni Yael habang kumakanta dahil nakatutok sakanya ang mic.

Nang matapos ang unang kanta ay nawala na rin ang mga lumilipad na condom sa ere dahil naging malumanay ang sumunod na kanta. Kagat ko ang ibabang labi ko habang kinakanta niya ang kantang Di Na Mababawi. Nakatingin lang ako sa mukha ni Yael. Tumatagos sa puso ko ang lyrics ng kanta.

Umalis na ko sa harap nang kantahin nila ang huling kanta para sa gabing ito. Gusto ko mang panoorin sila ay hindi ko na kinaya dahil naiihi na ako. Naglakad ako papuntang Law Building para mag cr dahil ang daming tao doon malapit sa Grandstand at hindi ako makasingit para makapag cr sa Nicanor Reyes Hall.

Kaunti na lang ang tao nang nasa LB na ako. Nag cr ako pagkatapos ay inayos ko ang sarili ko habang nakatingin ako sa malaking salamin. Kinapa ko ang cellphone ko sa aking bulsa. Kinuha ko iyon at nakitang may isang mensahe galing kay Maru.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Simula nang pinagtabuyan ko siya ay hindi na siya nagtext sa akin. Ilang linggo na rin ang nakakalipas. Bakit siya magtetext sa akin? Nagkamali lang ba siya? Para sa akin ba talaga ang text na ito? Ano ang nakalagay?

Hindi ko pa nabubuksan ang mensahe ay sobra sobra na ang mga tanong na lumalabas sa isipan ko. Huminga ako nang malalim saka binasa ang text niya.

From: Maru Domingo

'Di mo na mababawi iniwang sakit sa mga salitang binitiwan mo. Hindi ba't ikaw na rin ang nagpasya, nagtakda at siyang unang umiwas? Bakit nga ba ako 'yong pinaasa?

Umawang ang bibig ko sa text niya. Nangilid ang luha sa aking mga mata. Parang hinahampas ng tubo ang puso ko. Napasinghap ako. Bakit kailangan niya pang itext sa akin ang lyrics ng kantang Di Na Mababawi? Talaga bang sobra sobra ko siyang nasaktan kaya sinasaktan niya rin ako ngayon?

Mangiyak ngiyak akong lumabas ng cr. Parang gusto ko na lang ulit pumasok sa cr nang makita ko ang pares ng kanyang mga matang nakatingin sa akin. Ngumiti ang mga mata niyang walang salamin ngayon.

"Bagay na bagay sa akin 'yong kanta." Sabi niya.

Umiwas ako ng tingin para hindi niya na mahalata na nangingilid na ang luha ko. "Uhm..."

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang paglapit niya sa akin. "Hindi ka pa ba uuwi?" Napatingin ako sakanya dahil doon. Bakas sa mukha ko ang pagkagulat. Tinignan niya ang itim niyang relo. "Gabi na."

"Tatapusin ko pa ang Slam Jam, eh." Titig na titig ako sa mukha niya.

"Sigurado ka?" Tinaasan niya ako ng isang kilay.

"Hindi ko alam..." Nanginig ang boses ko.

Parang gusto ko na tuloy umuwi. Ang lakas ng pakiramdam ko na baka sabay kaming umuwi kapag ngayon na ako uuwi. Gustong gusto ko siyang makasama at makausap ngayon. Gusto kong ibigay sakanya ang lahat ng uri ng patawad. Gusto kong bumalik kami sa dati. Ngunit nawawalan ako ng lakas ng loob. Nanghihina at nawawalan na ako ng boses bago ko pa man masabi sakanya ang mga iyon.

Nakita ko ang pagdaan ni Ate Lousha. Dala na niya ang mga gamit niya kaya nagtaka ako.

"Ate!"

Huminto siya sa paglalakad. Mapupungay ang mga mata niya nang tignan ako. "Oh! Saeko!" Napatingin siya sa katabi kong si Maru.

"Uuwi na tayo?" Tanong ko.

"Oo. Kanina pa kita hinahanap. Hindi kita matext dahil lowbat na ang cellphone ko. Kailangan na nating umuwi." Sabi niya habang nakatitig kay Maru.

"Bakit? Hindi natin tatapusin ang Slam Jam? Sinong mag aasikaso noon kapag wala ka?"

Bumuntong hininga siya, hindi pa rin binibitawan ang titig kay Maru. "Pinauwi na ako ni sir, eh." Ang tinutukoy niyang sir ay 'yong adviser namin sa IABF SC.

"Bakit daw?"

"I'm sick." Sagot niya na sa wakas ay tumingin na rin sa akin.

Napatango ako sakanya. Inabot niya sa akin ang bag kong iniwan ko sa Student Council Office kanina. Tinignan ko si Maru na nakatayo sa tabi ko. Gusto kong kiligin at magpapadyak dahil nakatingin siya sa akin. Kitang kita ko ang itim niyang mga mata. Wala siyang suot na salamin ngayon at talaga namang kamukhang kamukha niya si Mario Maurer!

"Sasabay na ako sainyo." Tumingin siya kay Ate Lousha.

"Osige." Tumango si Ate Lousha at pinasadahan ako ng nakakalokong tingin bago naglakad palabas ng LB.

Wala sa sarili akong sumunod sakanya. Naramdaman kong sumunod si Maru sa akin kaya nilingon ko siya. Napakunot ang noo ko nang may mapansin akong kulang sakanya.

"Nasaan ang bag mo?"

Hindi niya ako sinagot. Inunahan niya ako sa paglalakad at nakita kong pinulot niya ang violet niyang bag sa bukana ng Law Building. Iniwan niya doon ang bag niya? Eh paano kapag nawala iyon o kaya may kumuha? Wala bang mahalagang bagay diyan sa loob ng bag niya? Cellphone? Wallet? O ano man?

Naririnig pa rin namin ang boses ng vocalist ng 6cyclemind. Kumakanta siya ng Alapaap ng Eraserheads. Sayang lang at uuwi na kami. Hindi ko man lang sila napanood. Medyo kumonti na ang estudyante sa campus. Alas dyes na rin kasi at siguro ay maraming na ang umuwi.

Nang makalabas kami ng gate 4 at pumila sa harap ng 7 eleven para makasakay ng FX, saka ko lang napagtanto ang lahat lahat.

~Masdan mo ang aking mata

Di mo ba nakikita

Ako ngayo'y lumilipad at nasa langit na

Gusto mo ba'ng sumama?~

Tell me if this is true! Tell me! Pinansin ako ni Maru! Hindi lang iyon, sasabay pa siyang uuwi sa amin! Ilang boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko dahil sa saya at kilig! Pinansin na niya ako! Pinansin! Pinansin ako ni Maru!

Halos manginig ang buong sistema ko sa nangyayari. Kalma lang, Saeko. Kalma. Okay?

Seguir leyendo

También te gustarán

312K 1.5K 5
Pain and hardship are part of life, but moving on? That is the hardest part of all. Alessana Martinez thought she had finally buried the past. But in...
22 0 20
Kailangan mo sumugal kung gusto makilala ang taong mahal ka.. Di lahat nag mahal ,minahal din Minsan kailangan pa natìn isugal ang ating buhay natin...
7.6K 122 20
Tsaka mo lang ma rerealize ang halaga ng isang tao kapag nawala na ito. Ano ang gagawin mo kung huli na pala ang lahat para bumawi? Nasa tabi mo si...
175K 3.5K 38
What if na-realize mong mahal mo na ang isang tao kung kailan huli na ang lahat? Ikaw na ang umiiwas pero lagi pa rin syang nasa tabi mo, kaya sa baw...
Wattpad App - Desbloquea funciones exclusivas