DELACROIXVERN SERIES #1 (Tami...

By queen_yeliah

21.2K 445 19

Serena Vienn Delacroixvern is the spoiled heiress of Delacroixvern Family. Trouble maker, hot tempered and e... More

Disclaimer
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22

Chapter 9

876 19 3
By queen_yeliah

Simula nung gabing iyon ay palagi na akong nilalambing ni Clevy. Nililigawan na niya din ako pero hindi pa rin namin sinasabi kay Dad ang tungkol doon. Baka kase mabigla sila kapag nalaman nilang nililigawan na ako ni Clevy. Saka alam kong hindi papayag ang mga Kuya ko dahil napaka strikto nila.

Halos lahat kase ng lalaking nanliligaw sa akin noon ay tinatakot nila at bina-black mail nila. Naalala ko pa nung may nanligaw sa akin noon na half korean ay pinagbantaan nila na hindi na makakapasok ito sa country ng Pilipinas kapag hindi niya pa ako hiniwalayan.

Yung isa ko namang naging boyfriend na anak ng isang business partner ay na bankrupt dahil sa mga kapatid ko kaya wala akong nagawa kung hindi hiwalayan yung lalaki para maayos ang buhay nila.

Ayokong mawala si Clevy sa akin kaya napagpasyahan kong itago muna ang tungkol dito. Also I'm sure that they will freak out when they found out about this.

Kasalukuyan akong namimili ng susuotin kong dress para sa party na pupuntahan namin nila Kuya at Dad ngayon. Siyempre kasama si Clevy dahil siya ang bodyguard ko. Napatigil ako sa pag hahanap nang maramdaman ko ang mainit na braso niyang pumalibot sa aking bewang bago niya hinalikan ang leeg ko.

“Ang aga mo naman magising ngayon. Bakit hindi mo agad ako ginising?” tanong ni Clevy bago ko isinara ang cabinet dahil nakapili na ako ng dress.

“Kailangan kong gumising ng maaga. Alam mo naman na may pupuntahan pa tayong party mamaya.” saad ko bago ako humarap sa kaniya at niyakap ko siya pabalik.

“Good Morning.” bati ko bago ako bumitaw sa yakapan namin.

“Good Morning din pero hindi ba mamaya pang hapon yung party? Bakit parang excited ka? Makikipag kita ka sa ibang lalaki sa party na iyon 'no?” taas kilay na saad niya dahilan para matawa ako. Kung noong nakaraan ako ang tamang hinala, siya naman ngayon.

“Hindi 'no! Edi binar*l mo kung sino man yung lalaking kikitain ko doon.” natatawang aniya bago ko pinisil ang ilong niya.

“Talagang babar*lin ko yun. Ayaw ko ng inaagawan 'no! Saka kung ano yung akin ay hindi ko na hinahayaang agawin pa ng iba” saad nito bago siya naupo sa may kama ko.

“Bakit sayo na ba ako?” tanong ko dahilan para matahimik siya.

“Tulog muna tayo. Maaga pa eh saka gusto pa kitang yakapin.” pag lalambing niya bago niya ako pinaupo sa hita niya.

“Ano ba talaga kita? Manliligaw pa lang kita diba? Bakit parang boyfriend na kita kung umasta ka?” taas kilay na tanong ko sa kaniya dahilan para mapanguso siya.

“Bakit bawal ba na lambingin ko ang future girlfriend ko?”saad niya bago niya ako hinalikan sa pisnge.

“Bahala ka dyan ayaw ko pang matulog.” aniya bago ako tumayo.

“Saan ka pupunta?” tanong niya.

“Alas otso na ng umaga oh. Saka nagugutom na din ako, antayin na lang kita sa baba.” saad ko baho ako lumabas ng kwarto ko. Nag diretso ako sa may dining area at naabutan kong naka upo na sila Mom at Dad habang kasama ang tatlo kong kapatid.

“Good Morning Anak. How's your sleep?” pag bati ni Mom bago ako umupo sa bangko.

“Okay naman po. Good morning din.” aniya bago ako inabutan ni Mom ng kanin at agad akong nag sandok.

“Serena we're going to an important party later. Make sure that you behave because there are important people in that party.” pag papaalala nanaman sa akin ni Dad.

“Muka bang gagawa nanaman ako ng gulo?” tanong ko dahilan para matawa yung tatlo kong kapatid.

“Bakit hindi ba? Kilala ka na namin Serena. Halos lahat ng pinintahan nating party noon as a family ay palagi kang may ginagawang kalokohan.” natatawang saad ni Kuya Simon. Pinaalala niya pa yun?

“Matagal na nung nangyari yun Kuya. Past is past.” aniya bago ko siya inirapan.

“Eh nung time na hinampas mo ng vase yung anak nung business partner ni Dad dahil inunahan ka niya kumuha ng cupcake?” biglaang singit ni Kuya Shawn dahilan para mainis ako.

“Nakakainis yung babae eh. Saka matagal na yun!” inis na saad ko. Akmang mag sasalita na si Kuya Stanley ng unahan ko siya

“Ano may sasabihin ka din?” taas kilay na tanong ko sa kaniya kaya agad naman itong natahimik.

“Basta be behave Serena. If you behave really well I'll transfer 50 Million in your black card.” nakangising saad ni Dad. 50 Million? Is he serious?

“What? That's unfair Dad! Matagal na akong behave kapag nasa important party tayo tapos ako walang 50 Million?” saad ni Kuya Stanley dahilan para matawa ako.

“I already give you you're 10 Million last month Stanley. And where did you spent it? On books for god sake!” saad ni Dad habang si Mom naman ay nag pipigil tumawa.

“How about me Dad? Where's my 50 Million?” tanong naman ni Kuya Simon.

“Binigyan na din kita ng 10 Million last month. At saan mo ginastos?” tanong ni Dad at agad ko itong sinagot.

“Sa mga bagong bag nung girlfriend niyang mukang hipon. You literally buy whatever your girlfriend pouts her lips for.” aniya bago ko siya inirapan. Like what the f*ck! Kadiri ang chaka nung girlfriend niya.

“Paano naman ak—” hindi na natapos ni Kuya Shawn ang sasabihin niya nang unahan na siya ni Dad.

“Binigyan na din kita ng pera last month. Ginastos mo lang naman sa mga babae mo. Akala mo siguro hindi ko alam na palagi kang nasa XEM Hotel dahil doon mo dinadala lahat ng babae mo.”  saad ni Dad. Ano nabuking ka ngayon 'no! Puro kase pambababae ang inaatupag ng Kuya kong ito.

“Yan mambabae pa more.” pang aasar ko kaya matalim niya akong tinitigan. Pikon naman pala siya eh.

“So ano nga pa lang sagot mo Serena?” muling tanong ni Dad. Nginisian ko sila bago ako tumingin kay Dad.

“Sure Dad. I promise that I'll behave like a mouse. Wala akong gagawing gulo at mananahimik lang ako.” aniya at agad namang ngumiti si Dad.

“Okay, I'll transfer the money to you tomorrow.” aniya at agad naman akong tumango.

“By the way Serena, I also want you to meet my business partners son. Artista ang lalaking iyon at gwapo siya kaya sigurado akong bagay kayo.” saad ni Dad dahilan para mapatahimik ako. Anong gagawin ko? Hindi naman pwedeng sabihin ko na ayaw ko dahil si Clevy ang gusto ko.

“Don't worry Serena. Ipapakilala lang kita, hindi kita pipilitin makipag relasyon sa lalaking iyon. Pero kung magiging interesado ka sa kaniya, why not?” pag papaliwanag niya bago ito uminom ng tubig.

“Mauna na ako. May importante pa akong meeting sa Malacañang ngayon. See you all later at 5:00 PM.” huling saad ni Dad bago siya umalis kasama ni Mom.

“Aalis na din ako. May date kami ng girlfriend ko ngayon.” ani naman ni Kuya Simon bago siya tumayo at umalis.

“I have to finish reading my new book. I'll get going.” aniya naman ni Kuya Stanley bago siya umalis. Tahimik na umalis si Kuya Shawn at hindi na ito nag salita.

Nang matapos akong kumain ay bumalik na din ako kaagad sa kwarto ko at naabutan kong humihilik si Clevy. Mukqng antok na antok pa talaga siya. Kaya agad kong nilock yung pinto at humiga sa tabi niya para mag pahinga ulit.

_

“Sigurado ka bang yan ang susuotin mo?” tanong ni Ckevy habang nakatingin ako sa sarili ko ngayon habang nakatingin sa salamin.

“Bakit pangit ba sa akin? Hindi ba bagay? Tumaba ba ako?” sunod sunod na tanong ko.

“Hindi 'no! Ang sexy mo kaya dyan. Pero parang gusto ko kase ako lang ang pwede mong makasama habang suot mo yan.” nakangusong saad niya bago niya ako niyakap mula sa likuran.

“Bakit mag seselos ka kapag may tumingi sa akin habang suot ko itong dress na ito?” tanong ko sa kaniya. Tumango lang ito bilang pag responde dahilan para matawa ako.

“Huwag kang mag alala. Itong dress lang naman ang makikita nila eh. Ikaw nga nakita mo na buong katawan ko eh.” aniya dahilan para matawa siya.

“Oo na lang. Pero promise me na akin lang yan. Saka baka bastusin ka nila. Alam mo namang ayaw kong mangyari 'yon.” aniya at agad naman akong nag promise dahil baka hindi niya ako palabasin ng ganito ang suot kapag hindi ko sinunod ang gusto niya.

“Kasama naman kita ah. Hindi ako mababastos dahil nasa tabi kita para protektahan ako” I said before smiling at him. Nabigla ako nang mamula siya at tumalikod.

“Ano ka ba pinapakilig mo naman ako.” aniya kaya naman natawa ako bago ko siya hinalikan sa pisnge. Akmang mag sasalita na siya nang biglang sumigaw si Dad.

“Serena tapos ka na ba mag bihis? Ikaw na lang hinihintay namin.” sigaw ni Dad kaya agad kaming lumabas sa kwarto at bumaba kung saan naabutan naming naka upo si Dad at Mom habang sila Kuya naman ay nakatayo.

“Nag bihis ka diba Serena? Bakit kasama mo yung bodyguard mo?” taas kilay na tanong ni Kuya dahilan para kabahan ako.

“Sa walk in closet ko ako nag bihis Kuya. Saka kayo ang nag sabi na dapat kasama ko ang bodyguard ko all the time.” aniya sabay irap ko sa kanila.

“Okay, if you say so.” saad ni Kuya Shawn.

“Let's go now. Baka hinihintay na nila tayo.” aniya ni Dad kaya agad kaming lumabas. Naka bukod ako ng sasakyan sa kanila dahil kasama ko naman si Clevy. Sumakay kaagad kami ni Ckevy at nag simula na siyang mag maneho.

Habang nag mamaneho siya ay naramdaman kong gumapang ang kamay niya sa hita ko. Hinihimas himas niya ito habang naka focus siya sa pag mamaneho.

“Yung kamay mo ha.” pag susuway ko sa kaniya at agad naman siyang ngumisi bago niya ipinagpatuloy ang pag mamaneho.

Maya maya lang ay nakarating na kami sa tapat ng isang malaking mansion. Nandoon na sila Dad at hinihintay lang nila kami.

“Good Evening Mr President.” pag bati ng mga taong nakakakita kay Dad. Agad niya naman itong binabati pabalik. Nakakatuwa dahil kinakausap pa rin ni Dad yung iba hindi katulad nung ibang mga naging Presidente na hindi namamansin.

“Delecroixvern Family.” maikling saad ni Dad at agad nila kaming pinapasok sa loob. Halos lahat ng taong nakaka salubong namin ay yumuyuko kapag nakikita nila si Dad.

“Simeon!” pag tawag ng kung sino kay Dad at agad kaming napatingin sa gawi non.

“Marcus, ikaw pala yan.” nakangiting pag bati ni Dad bago niya niyakap si Tito Marcus.

“Hindi ko nga inaakalang maiimbitahan ang buong pamilya ng Montellarez dito. Kasalukuyan silang nandoon sa may table. Kakarating niyo lang ba?” tanong ni Tito Marcus.

“Oo bago lang kami nakarating. Nandito na ba si Trevor? Nakakagulat yung lalaking yon dahil bigla bigla siyang nag pa-party.” saad ni Dad dahilan para matawa si Tito Marcus.

“Mauna na kayo sa table natin. Lahat ng table ay mayroong apilyedo na nakalagay. Kapag may nakita kayong table na may Delacroixvern, doon ang table natin.” aniya bago sila nag lakad ni Tito Marcus papaalis. Nag lakad lang kami ng kaunti at agad naming nakita ang table namin. Ang ganda ng design ng table namin. Halatang pinaganda nila dahil Presidente ang tatay ko.

Naupo kami sa may upuan at nanatili si Clevy sa may likuran ko.

“Clevy ijo, umupo ka na din.” utos ni Mom at agad namang umupo si Clevy sa may tabi ko. Maya maya lang ay bumalik na si Dad at may kasama siyang lalaki na mukang kasing tandaan ko lang.

“Anak meet Ferguz, he's one of my business partners son.” pag papakilala ni Dad sa lalaking nakatayo sa harapan namin ngayon na sa muka pa lang ay halatang playboy na playboy.

“Oh, nice to meet you.” aniya bago ko pinilit ngumiti. Si Clevy naman ay masamang nakatingin sa kaniya.

“You're so beautiful Serena, let me court you.” aniya dahilan para ma cringe ako. Kakakilala lang namin tapos gusto na niya akong ligawan.

“We just met Ferguz. Also, you're not my type.” saad ko. Kita ko ang hiya sa kaniyang muka pero nginitian niya ako.

“It's okay Serena. I'll go now.” aniya bago siya nag paalam kay Dad at umalis.

“Pasmado bibig mo Serena. Kakakilala niyo lqng basted agad.” natatawang saad ni Kuya Simon.

“Hindi ko naman kase talaga type yung lalaki eh.” saad ko bago ko siya inirapan.

“Serena!” pag tawag ng kung sino sa pangalan ko dahilan para mapangiti ako.

“Klea!” masayang sigaw ko bago ako tumayo sa kinauupuan ko at nakipag yakapan sa kaniya. Klea is Kuya Theo's wife. I met her when she was just his girlfriend and she's so nice. Since that day we became friends.

“Omg I miss you so much. Antagal na din since nung huli kang pumunta dito.” masayang saad niya. The last time we met is when they got married. I have to say, ang galing talaga pumili ni Kuya Theo. Mas maganda pa si Klea kaysa dun sa ex niya

“Nandoon sa may kabilang table sila Pearl, tara punta tayo don.” pag aaya niya kaya agad naman akong pumayag pero kailangan ko munang mag paalam kay Dad.

“Mom, Dad pupunta muna kami ni Klea doon sa table kung nasaan sila Pearl.” pag papaalam ko.

“Sure honey. Just be careful dahil baka may gawin ka nanamang gulo.” pag papaalala ni Dad at tumango na lang ako bilang pag responde. Sinenyasan ko si Clevy na huwag nang sumunod dahil kami kami lang namang mga babae ang nandoon sa kabilang table.

“Don't worry Tito, pipigilan ko si Serena kapag may inaway siya.” aniya bago kami umalis.

“Girl I miss you so much.” bungad sa akin ni Pearl bago niya ako niyakap.

“Looking good as always. Balita ko medyo bumait ka na daw sabi ni Tito Simeon.” natatawang saad ni Keisha dahilan para matawa kaming lahat.

“Hindi naman masyado. Kapag kase nagpaka bait ako ay may reward ako dun sa lalaking yun oh.” saad ko baho ko itinuro si Clevy na kasalukuyang nakikipag usap kay Dad.

“Siya yung bodyguard mo diba?” tanong ni Sevy.

“Yes and siya din ang lalaking gusto ko. Nililigawan niya ako ngayon pero hindi ko sinasabi kila Dad at sa mga kapatid kong lalaki dahil baka may kung ano nanaman silang gawin.” aniya bago kami naupo at nag kwentuhan.

I miss them all. Kilala ko ang ugali nila Kuya Tyler, Tristan, Xander at Kuya Theo kaya hindi ako makapaniwalang napaamo sila ng mga babaeng ito. Para bang may powers sila kaya napapasunod nila yung mga lalaking yon.

Habang nag uusap kaming lahat ngayon ay may limang lalaki ang lumapit sa amin. Sa hitsura pa lang nila ay muka na silang babaero. Lahat sila ay nakangisi habang nakatingin sa akin dahilan para mapangiwi ako. Yuck!

“Hi beautiful ladies. Nice to meet all of you.” sabay sabay na saad nila dahilan para mapangiwi nanaman ako sa sobrang cringe.

“I'm married to Theorenz Damian MonteAlveroz.” biglaang saad ni Klea.

“I'm Tristan Carl Valdez's girlfriend.” aniya naman ni Keisha.

“I'm married to Xander Ethan Montellarez.” saad ni Pearl.

“I'm married to Tyler Clyde Valdez.” wika ni Sevy kaya napatingin yung limang lalaki sa akin.

“May boyfriend na ako. Namamar*l yon kapag nag seselos.” nakangising saad ko at agad naman sikang nag lakad papaalis. Akala siguro nila makukuha nila kami ng ganoon kadali.

“Wait, namamar*l yung bodyguard mo na yon?” nag tatakang tanong ni Klea dahilan para matawa ako .

“Oo lalo na't selos na selos siya.” saad ko kaya naman natawa sila.

To Be Continue×

× Comment for next part
×Thanks for reading
×Work of fiction
×Open for criticism
×Plagiarism is a Crime (Do not repost or copy my story without my permission)

By: Yeliah Writes

Wattpad Acc: queen_yeliah

Continue Reading

You'll Also Like

134K 2.1K 27
Klea and Theo's Love Story 💜 Klearrah Lexie Callorez has long been inlove with their principal also his boss named Theorenz Damian MonteAlveroz. Han...
14.2K 317 10
【COMPLETE】 ╔═══════ ೋღ 🕯 ღೋ ═══════╗ If you want to steal or borrow my work, please at least give credits 👍. Made in: 1/21/2022 ╚═══════ ೋღ 🕯 ღೋ...
2K 104 17
FAILURE. HEARTACHE. SADNESS. RANDOM "Mga tulang mapanakit para sa mga taong may lihim na hinanakit"
150K 2.2K 169
The stories begin...and will end CountryHumans Oneshots & Mini stories ( Apologies for my spelling mistakes,grammar and story writing Image cover be...