Her Last Hope (Vista Alegre S...

By WhiteGelPen

2.5K 386 72

Sky Demeter Illarionova, a girl who was diagnosed with cancer, has to pretend and makes her friends and other... More

Disclaimer
Synopsis
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16

Chapter 03

133 24 2
By WhiteGelPen


BUONG buhay ni Sky, ngayon lang siya naguluhan kung susundin niya ba ang utos ng daddy niya or pagbibigyan niya ang sariling kagustuhan. Sa loob ng 18 years, hindi sumagi sa isipan niya na suwayin ang mga utos nito.

But not now. Kung lagi niyang susundin ang mga ito, then she can't do the things that she wants for herself. She's turning 19 this year and she had a right to decide on her own. Gusto naman niyang pagbigyan ang sarili niya.

Kaya naman pagkatapos maligo at mag-ayos ni Sky, dahan-dahan siyang bumaba sa hagdanan para takasan ulit ang mga kapatid niya. Though her kuya Skyde already knows her plan, gusto pa rin niyang takasan ang mga ito. Baka kasi sumang-ayon lang ito pero deep inside, baka isumbong na siya ng kuya Skyde niya sa dad nila.

Maingat siyang naglakad palabas ng main door habang bitbit ang bagpack niya. Just like what their father said last week, umalis ito kasama ang mom nila. Medyo panatag si Sky na magagawa niya ang lahat ng gusto niyang gawin.

"Sky?"

Napatigil sa paghakbang si Sky ng marinig ang boses na tumawag sa kanyang pangalan.

Shete, ang ate Skylla niya!

Mabilis niya itong tiningnan then she smiled sweetly at her. "Good morning, ate!" bati niya pa dito. Kinabahan siya bigla.

Bumaba naman ito ng hagdanan at nagtatakang pinasadahan siya ng tingin. "Where are you going? You're so early. Hindi ba 9am pa ang first class niyo ngayon?"

Nag-iwas naman ng tingin si Sky sa ate niya. Nakalimutan niya na alam pala ng mga ito ang class schedule niya. Wala siyang takas.

"Sky?"

"Lalabas lang po ako, may bibilhin lang. Then didiretso nalang ako sa Vista Alegre mamaya" paliwanag nalang niya at mabilis itong tinalikuran.

Her sister keep calling her name but she didn't look back again. Not now. Not ever. Kung magpapadala nalang siya palagi sa pananakot ng mga ito, hindi siya kailan man makakalabas sa comfort zone niya.

One year. May isang taon pa siya para gawin ang lahat ng bagay na hindi niya man lang nagawa noon. Masyado kasi siyang bantay-sarado ng kuya Skyde at ate Skylla niya, to the point na hindi niya magawa ang mga nais niyang gawin.

Walang dumadaang tricycle kaya no choice si Sky kundi ang maglakad papuntang bus station na medyo may kalayuan lamang sa bahay nila.

Ang kaninang lakad na ginagawa niya ay naging takbo na nang maramdaman ang unti-unting pagpatak ng ulan mula sa kalangitan. Ghad. Buti nalang nakapagdala siya ng sariling payong. Hindi niya kasi napansin na sobrang kulimlim pala ng langit kanina paglabas niya sa gate nila.

At ngayon, umuulan na nga!

Kinuha ni Sky ang payong sa bag at mabilis na binuksan iyon. Hindi naman gaano malakas ang patak ng ulan kaya hindi siya nababasa kahit tumatakbo na siya. Isinuot nalang niya ang bagpack niya at hinawakan ang bull cap na suot-suot niya.

She used to wear a bull cap since last month. Noong una ay pinagalitan pa siya ng mom niya dahil para raw siyang lalaki kung umasta. Pero wala rin naman itong nagawa dahil gusto niyang magsuot ng gano'n.

Wala ring alam ang mga ito sa totoong kaganapan sa buhay niya. They're living under the same roof, pero wala sa kanya ang priority ng mga ito. Paano rin nila malalaman kung mas interesado pa silang pag-usapan ang about sa mga negosyo kaysa sa mga nangyayari sa kanya ngayon?

Matagal nang tanggap na Sky na pang -last choice lang talaga siya para sa mom and dad nila. Tinanggap na niya ang katotohanan na iyon dati pa, pero bakit masakit pa rin?

Nasasaktan pa rin siya, at mas masasaktan pa sa mga susunod na mga araw. Hindi alam ni Sky kung ano ang mga posibleng mangyari sa buhay niya pero natatakot na siyang umasa.

Lihim na nagpasalamat si Sky ng makarating siya sa waiting area ng bus station. Medyo nabasa lang ng kaunti ang skirt niya pero okay lang. Kusa nalang naman itong matutuyo mamaya.

"Miss, pwede pakiusog ng kahit kunti? Baka kasi mabasa ang mag-ina ko dito..." pakiusap sa kanya ng isang payat na lalaki kaya naman binalingan niya ito.

Sinulyapan niya naman ang mag-inang tinutukoy nito. And there she saw a very skinny and pale woman sitting behind her. Yakap-yakap nito ang isang sanggol na mukhang bagong anak pa lamang. Automatic siyang napangiti.

Mabilis naman siyang humakbang paabante sabay tiklop ng dala-dala niyang payong. Baka kasi mabasa ang ale pati ang baby nito.

Napangiti nalang siya habang pinagmamasdan ang baby na karga-karga nito. Nakakatuwang makita kung paano ito yakapin ng mahigpit ng mama niya. Isang bagay na hindi man lang niya naranasan.

She swallowed hard and immediately erased the thought in her mind.

A newborn baby symbolizes new life, new hope and miracle. Palatandaan lamang na kapag may namamatay, may bagong buhay naman na isisilang.

Wala pa ring bus kaya pinagkasya nalang niya ang sarili sa maliit na space sa gilid. Hindi naman gaano marami ang mga taong naroon sa waiting area, at kagaya niya ay nag-aabang rin yata sa bus. Medyo may kaliitan rin kasi ang bus station kaya hindi imposibleng mabasa ang mga pasaherong nag-aabang ng sasakyan.

Nagulat siya ng biglang humangin ng malakas. Wala sa sariling napakapit siya sumbrerong suot niya. Natatakot na baka basta nalang matanggal sa ulo niya at malipad ng hangin.

Minutes later, dumating naman ang bus. Dito siya madalas sumakay dahil dumadaan rin naman ito sa Vista Alegre. Mas safe rin kaysa sa tricycle.

Hanggang makasakay sa bus ay hindi pa rin niya binibitawan ang sumbrero niya. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan na siya ng mga tao sa loob ng bus. Umupo nalang siya sa pinakadulong upuan at tahimik na nagmasid sa labas ng bintana.

Hindi pa rin tumitigil ang ulan. Medyo malakas rin ang hangin kaya nagpapasalamat siya at dumating agad ang bus na sasakyan nila.

Hindi niya naman maiwasang mapabuntong-hininga ng malalim.

This is the life that she wanted. To live in a normal life despite her situation. Ayaw niyang ipakita sa ibang tao na mahina siya. Ayaw rin niyang kaawaan siya ng pamilya niya, kahit imposible rin yatang mangyari.

She sighed. She only had one remaining year to enjoy her life. But she keeps asking herself, mag-e-enjoy nga ba siya?

When everytime she closed her eyes, natatakot siya na baka hindi na siya magising pa. Na sa bawat buntong-hininga na pinapakawalan niya, baka iyon na ang huling paghinga niya.

And for now, she only had one hope. She badly needs some miracle to happen in her life. Even if she already accepted her cruel fate, she's still hoping that someone will come and give her hope.

"Wala na bang sasakay? Baka naman may mga gamit na naiwan sa waiting area" malakas na sabi ng conductor ng bus. Sandali lamang siyang sumulyap sa unahan at muli na namang itinuon ang buong atensiyon sa labas ng bintana.

Napatingin si Sky sa wrist watch na suot-suot niya. Quarter to 7am palang. Her ate Skylla is right, sobrang aga niya nga talaga.

Akala niya ay aandar na ang bus pero hindi pala. Lalo na nang makitang may iilang tao pa ang nagsakayan. Kinuha nalang niya ang cellphone niya at bubuksan niya na sana nang biglang may magsalita sa tabi niya.

"Can I sit here?" someone asked her.

Mabilis naman niyang tiningala ang taong iyon. At hindi pa man siya nakakasagot ay agad na itong umupo sa tabi niya. Napakurap-kurap nalang siya.

"I-Ikaw 'yong—"

"The handsome SSG President of Vista Alegre University? Well, that's me. I'm Kliev, by the way. What's your name?"

"S-Sky..."

Natawa naman ito. "Sky? You mean, langit? Anghel ka ba?"

Sabi nila cold at masungit raw ang isang ito. Pero ghad... Bakit sobrang daldal niya?

"N-No—"

"Just kidding. We're leaving now. Kumapit ka nang mabuti sa bintana... Mukhang papunta rin yata sa langit ang bus na ito..." then he laughed.

Tumitig pa ito sa kanya kapagkuwan ay napatingin sa may bandang ulo niya. "Nice cap, huh?" then he smiled at her again.

Napatanga nalang siya sa lalaki. Baliw na yata. Hindi maipaliwanag ni Sky kung bakit bigla na lang bumilis ang tibok ng puso niya. Shete!

Kung hindi pa umandar ang bus, baka natunaw na ang lalaking ito sa mga titig niya. Hindi kasi siya makapaniwala. Nagc-commute rin pala ito? Mukhang iilan lang yata ang nakakaalam no'n sa Vista Alegre.

Agad na nag-iwas ng tingin si Sky sa lalaki. Ghad! Bakit ka ba titig ng titig, Sky? Don't tell me na-love at first sight ka?

Napalunok siya ng sunod-sunod sa mga ideyang pumapasok sa isipan niya. May napansin rin siya. Hindi siya nakilala nito.

Eh, ano naman ngayon kung hindi ka niya nakilala? Mas mabuti nga iyon!

Oo nga naman. If ever man na kilala siya nito, wala rin namang big deal do'n. She's only an outcast in Vista Alegre University. Kahit naman kilala ang pamilyang Illarionova, hindi niya pa rin kayang pantayan ang standard ng mga tao about sa pamilya nila. Unlike her kuya Skyde and ate Skylla niya, walang-wala siya sa galing at talino ng mga ito.

Mga bagay na ikinaiinggit niya noon, pero ngayon hindi na. Nagawa niya namang unti-unting tanggapin ang katotohanan, kahit sobrang nakakasakit no'n sa part niya.





A/N: Mananakit na naman si author ng very slight, hehe. Anyway, enjoy reading!

Continue Reading

You'll Also Like

243K 29.3K 23
People meet by accident, People fall in love by accident, But people surely don't become someone's baby daddy accidentally, or do they? What started...
151K 11.9K 21
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
253K 19.3K 39
- Keya x Shivansh Keya Mathur (25yrs old) one of the most youngest and leading wedding planners of India. Shivansh Singh Rawat (27yrs old) the rulin...
313K 25.3K 15
MY Creditor Side Story ပါ။ Parallel Universe သဘောမျိုးပြန်ပြီး Creation လုပ်ထားတာမို့ main story နဲ့ မသက်ဆိုင်ပဲ အရင် character ကို ရသအသစ် တစ်မျိုးနဲ...