Bachelor's Inferno 2: Venomou...

By Whroxie

891K 35.4K 4.3K

Hottest Bachelors... They all have different life goals, purposes, and backstories...as well as different way... More

Bachelor's Inferno
Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32

Chapter 15

26.1K 1K 90
By Whroxie

"WHAT took you so long?" nakangiting tanong ni Sasahh kay Montana at Soft na kakababa lang. Inayos pa nila ang mga sarili nila bago bumaba. Tiniyak nilang walang bakas na makikita sa kanila na may ginawa silang milagro at hindi lang pag-tour sa buong mansiyon ang ginawa nila. Magkatabing nakaupo si Sasahh at Nana Myrna sa six seaters na mesa na lanai.

"Tinapos naming ikutin ang buong third floor," pagsisinungaling ni Soft. Hindi na nga nila natapos ang second floor dahil na stuck na sila sa opisina nito.  Hinila ni Soft ang isang upuan sa kabilang bahagi at tumingin sa kanya, pilyo itong ngumiti na sinamaan naman niya ng tingin kaya marahan itong tumawa. Naupo siya sa silyang hinila ni Soft. A warm smile formed on her lips as she watched the steam rise from a freshly baked lasagna in front of her. She took a deep breath, inhaling the comforting aroma. Sa melted cheese palang na bumabalot sa ibabaw ng lasagna ay natatakam na siya.  Sa halip na maupo si Soft ay  kinuha nito ang gold-plated lasagna spoon at naghiwa ito ng lasagna. Inilagay sa kanyang plato. Akala niya iyon lang ang gagawin pero hindi pa ito nakuntento. Kinuha nito ang tinidor na para sa kanya, humiwa ng lasagna.

"Mom's lasagna is the best, anito na inumang sa kanya ang tinidor na may lasagna. Bahagyang namilog ang mata ni Montana sa hindi inaasahang gagawin nito. Napatingin siya dalawang kasama sa mesa. Si Sasahh ay nakangiting tumango, hinihikayat siyang pagbigyan ang anak nito. Naiilang man ay walang nagawa si Montana kundi ang tanggapin ang inaalok ni Soft.

The Earth appeared to cease spinning as she took her first bite, when the flavor erupted in her mouth. The taste is an explosion of flavors, just as it was all those years ago.  Her heart suddenly filled with nostalgia.

"Masarap?" Hindi nakatugon si Montana sa tanong ni Soft. Ninamnam niya ang pamilyar na lasa ng lasagna. Ang lasa na pilit niyang sinubukan gayahin. Ang lasa na nagbibigay sa kanya ng kaligayahin sa tuwing natitikman niya at pinangulilan niya ng maraming taon. Montana's hands trembled slightly as she took the fork from Soft.  She pierced a piece of the lasagna, and slowly took a bite again. She can't help but be transported back to her childhood. Memories flood her mind like a torrential rain. She vividly remembered how she watched her mother expertly spread homemade marinara sauce on pasta sheets, asking her mother repeatedly if how long she should wait to taste the freshly baked lasagna. The scene where she helped her mother pick fresh basil leaves from their lush garden for her lasagna.  The moment when she was surrounded by family and friends and the dining table was adorned with steaming lasagna pans. The room is filled with laughter and joy as everyone devours the delicious meal. Her mother's laughter rang to her ears. It was melodious. However, those close family friends vanished along with their fortune.

Montanda closed her eyes, savoring each mouthful, cherishing the flavors that embody her mother's essence. With each bite, she can almost hear her mother's laughter and feel her warm presence. It's her mother's recipe. Hindi siya magkakamali sa bagay na ito.

"Hija, bakit?" nag-aalalang tanong ni Sasahh. Si Soft ay naupo sa silya sa tabi ni Montana at nag-aalalahang hinaplos ang likod niya.

Nagmulat ng mata si Montana at noon lang niya namalayan na lumuluha na pala siya. Agad na sinapo ni Soft ang mukha ni Montana.

"Why are you crying?" nag-aalalang tanong ni Soft. Hinaplos ng daliri ang luhang naglandas sa pisngi ni Montana. Agad siyang kumawala mula sa pagkakahawak ni Soft at agarang pinahid ang luha gamit ang likod ng kamay.

"Pasensiya na. Ang sarap kasi. Naalala ko lang ang nanay ko. Gumagawa rin kasi siya nito. Parang ganito kasarap din." Nanginig ang mga labi niya sa pagpigil na mas maiyak pa.

"Sabi ni Soft, namatay ang parents mo sa sunog?"

Tumango siya. "Ang sarap po ng lasagna niyo, tita. Mabuti ibinigay sa 'yo ng kaibigan mo ang recipe nito. Pangnegosyo na ho ito." Pilit niyang iniwas ang topic sa bagay na iyon. Baka hindi siya makasagot ng tama gayong emosyonal siya.

Sasahh gave her a warm smile. "Nakapaswerte ko nga. Sa 'kin lang niya iyan shinare. Ang sabi niya, ipapamana niya raw sa anak niya ang recipe na 'yan. Gustong-gusto raw ng anak niya 'yan." Gumuhit ang lungkot sa mukha ni Sasahh matapos magkuwento.

"I was just very sad about what happened to that family. Nadamay ang mag-ina sa ka-iresponsablehan ni Garry." Mabilis na tumibok ang puso ni Montana nang marinig ang pangalan ng kanyang ama kahit hindi pa niya sigurado kong iyon ang tinutukoy nito.

"Actually, nagsisimula pa lang sana ang pagkakaibigan namin ni Evelyn. Minsan niya akong iniimbitahan kapag nagkikita-kita silang magkakaibigan. Minsan ko na rin siyang naimbintahan sa bahay at ako sa bahay niya. I've met her beautiful daughter...si Klouber." At this moment she could feel her entire body trembling. Hindi niya matandaan na dumalaw ito sa kanila. Sa dami kasing pumupunta roon na kaibigan ng kanyang mama siguro ay hindi na niya pa napagtuunan ng pansin si Sasahh dela Fuente. May isa siyang natatandaan na kaibigan ng kanyang mama. Clara. Iyon ang natatandaan niyang pangalan. Iyon ang madalas sa kanila. Minsan din ay sinasama pa nito ang dalagang anak nito. Iyon ang best friend ng kanyang mommy pero matapos mamatay ang kanyang mommy ay hindi na niya iyon nakita pa. Halos lahat naman. Ang ilan ay nangumusta pa naman pero ng mga sumunod na araw ay hindi na dumalaw pa hanggang sa may mga taong dumating sa kanilang bahay ilang araw matapos mailibing ang kanyang mommy. Inabisuhan sila na kailangan na nilang lisanin ang kanilang bahay dahil pag-aari na raw iyon ng bangko—ang bangkong pag-aari ng Dela Fuente. Nang araw ring iyon ay inatake ang kanyang papa at higit pang naging mahirap ang sitwasyon nila.

"Sayang...Evelyn ended her life. Hindi niya kinaya ang mga nangyari sa buhay nila. At the end, ang bata ang naging kawawa dahil naiwan. Kumusta na kaya ang batang iyon?"

"Maayos naman siguro siya." Ang muhi ay mabilis na kumalat sa kanyang puso sa narinig mula kay Soft. Paano nitong naisip na maayos siya? Wala siyang matandaan na naging maayos ang buhay niya. Ang lungkot-lungkot ng buhay niya. Araw-araw malungkot.

Nagyuko si Montana. Ipinagpatuloy ang pagkain ng lasagna. Pilit na tinigasan ang puso para hindi malaglag muli ang mga luha sa kanyang mga mata. Napakaswerte. Pati ang paborito niyang pagkain—ang mismong recipe ng kanyang mama ay masyadong in-enjoy ng mga ito. Hindi lang ang pera nila.

***
NAPAPITLAG si Montana nang hawakan ni Soft ang kamay niya. Mula sa pagtanaw sa labas ng sasakyan ay napabaling siya rito.

"Parang nawala ka sa mood?"

"Sumakit lang ang ulo ko." Hinila niya ang kamay mula sa pagkakahawak nito. Sumilip siya sa bintana ng sasakyan. Nasa tapat na pala sila ng kanyang apartment.

"Nandito na pala tayo. Salamat sa paghatid." Inalis niya ang pagkakabit ng seatbelt, bumaba ng sasakyan bitbit ang pinadalang lasagna sa kanya ng mama ni Soft at ang kanyang shoulder bag sa kabilang kamay. Agad namang bumaba si Soft, umikot ng sasakyan patungo kay Montana. Kinuha nito mula sa kanya ang bag na naglalaman ng lasagna. Bumagsak ang paningin niya sa kanyang kamay na kinuha ni Soft. He held it with so much gentleness. With his gesture, she couldn't help but experience the sense of safety and affection that she had previously only experienced with her parents. How could she feel it with the man who had made her life a living hell? Safety and affection talaga? But then, he let him hold her hand as they walked toward her apartment.

Walang imik na inakyat nila ang hagdan. Hinayaan siya ni Soft. Nirespeto nito ang katahimikan na nais niya mula pa man kaninang nasa sasakyan sila. Pinisil nito ang kanyang kamay nang nasa tapat na sila ng pinto ng apartment. Ginantihan niya iyon ng magaan ring pagpisil bago hinila ang kamay mula sa pagkakahawak ni Soft.

"Salamat sa paghatid. Pakisabi rin sa mommy mo salamat sa lasagna."

"Sunduin kita sa school bukas? Bigay mo sched mo sa akin."

Bahagyang tumaas kilay ni Montana. "Akala ko alam mo na."

Marahang natawa si Soft, hinaplos ang likod ng leeg. "Baka may changes."

"Wala naman. Hapon ang pasok ko. Ipapaalam ko sa 'yo kung may mga changes."

"Talaga?" His deep manly voice was mixed with excitement, and it sounded really good. The surrounding felt vibrated every time he spoke. Malagong ang boses nito. It was sexy and powerful but when he got excited it's cute.
Hindi niya mapigil ang mangiti dahil sa nahimigang galak sa boses ng malaking mama na ito.

"Yes, sir." Kinuha niya mula rito ang lasagna.

"Bye, Sir." She reached for the doorknob but was still facing Soft.

"Bye." Soft took steps backward hesitantly. Huminga pa ito ng malalim bago tuluyang tumalikod na para bang mabigat sa loob nitong umalis. Naa-amuse siya sa ganitong mga kilos nito. Nasisiyahan siya. Para kasi itong teenager. Tinalo pa nga ang mga kaedad niyang nanliligaw sa kanya na puro angas.  Ito mama na ito, bilyonaryo pero walang kaangas-angas. Ayon lang, dinadaan siya sa pag-alok ng malaking salapi.

Bumuntong-hininga si Montana at iniling ang ulo. Sinaway ang sarili sa paghanga sa mga magagandang ugali nitong natutuklasan. Pinihit niya ang seradura ng pinto. Bahagya palang niya iyong nabubuksan nang tawagin siya ni Soft. Mabilis itong naglakad pabalik sa kanyang kinaroroonan. Ang sumunod na nangyari ay hindi niya inaasahan. Sinapo ng palad nito ang mukha niya hanggang sa sakupin ng labi nito ang kanya. Nagulat man ay hindi niya iyon tinanggihan, sa halip ay tinugon pa niya. Ang kanyang mga kamay na hawak ang shoulder bag at lasagna ay dinala niya sa magkabilang baywang ni Soft.  Hindi na iyon parte ng pagpapanggap. She wanted to be kissed by him. She liked his kisses and touches. 

Gumuhit ang ngiti sa labi ni Soft matapos nang tapusin nila ang halik. Marahang ikiniskis ang dulo ng ilong sa tungki ng kanyang ilong. "Bye, bebe girl."

Pinigil niya ang mangiti. "I love you." Pagkasabi nito niyon ay binitawan na siya at mabilis nang tumalikod. Tulalang hinatid ni Montana ng tanaw si Soft habang naglalakad sa pasilyo. Napa-yes pa ito nang nasa dulo ng pasilyo hanggang sa lumiko na.

"He loves me?" usal niya habang ang tibok ng puso ay hindi mapayapa. Dismayado siyang umiling dahil sa reaksiyon ng sariling katawan at lalo lang niyon pinabigat ang nararamdaman niya. Ang galit ay nahahaluan ngayon ng guilt.

Pumihit siya paharap sa pinto para ituloy ang dapat na pagpasok nang matigilan siya. Halos lumundag ang puso niya palabas ng kanyang ribcage sa gulat nang masilip mula sa siwang ng pinto ang bulto ng tao sa loob ng kanyang apartment. Pero agad namang nakalma ang sarili mula sa matinding pagkagulat nang makilala ang taong naroon. Marahan niyang sinipa ang pinto pabukas at agad ding isinara at in-lock, nag-alala na baka bumalik si Soft at makita ang kasama sa apartment.

"Hey?" bati niya rito. Inilapag niya ang bag sa sofa.

"Ano ang ginagawa mo rito, Trey?" Naglakad siya patungo sa maliit na mesa at inilapag doon ang bag na naglalaman ng lasagna.

"Hindi mo ako tinatanong ng ganyan sa tuwing pupunta ako rito. Pasalubong ang hinihingi. At lulundagin ako ng yakap. You sound disappointed this time." Natigilan si Montana sa sinabi nito. Nahimigan niya sa boses nito ang pagtatampo. Pumihit siya paharap kay Trey. Madilim ang anyo nito. Naglakad siya patungo sa sala at naupo sa katapat na sofa na kinauupuan ni Trey.

"Kasama ko kasi siya. I'm just worried he might see you."

"Kayo na?" Hindi siya umimik sa tanong nito.

"Nag-kiss kayo." Nakita nito marahil dahil sa bahagyang pagkakabukas ng pinto.

"Magdamag kang wala rito. Saan ka galing? Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko." Napahinga si Montana nang malalim sa sunod-sunod nitong tanong.

"Nagpunta ako sa bahay ng mga Dela Fuente. Soft's mother wheedled me to stay there."

"Soft? Nickname basis. Kayo na?"

Ngumisi si Montana. "Not yet. Still playing hard to get."

"Pero nagpahalik ka? Baka naman—"

"Trey, stop! Ito naman ang plano."

"It's only your plan. Iba ang plano. Pabagsakin siya—"

"Na imposible. Ikaw na mismo ang nagsabi. He's very powerful. Habang tumatagal mas lalo lang nagiging matatag ang Dela Fuente empire. Higit na nagiging malawak ang koneksiyon nila lalo na ngayon na pati ang Swift Holding ay hawak na nila. What more kapag ang naging presidente pa ang kapatid niya." Narinig niya sa pamilya na pinag-uusapan ang posibilidad na pagtakbo ni Ryker dela Fuente sa pagka-presidente.

Itinaas ni Montana ang mga paa sa sofa at niyakap ang mga binti. Binalot ng lungkot ang nanggagalit na mukha. "Alam mo bang alam ng mama ni Soft ang recipe ng lasagna ni mommy. Ang recipe na paborito natin, Trey." Sa pagkakataon na iyon ay bumagsak ang mga luha mula sa mata ni Montana nang balutin na naman ng matinding pangungulila ang buong pagkatao niya. 

"I've been craving for that, Trey. You know how much I tried to replicate my mom's recipe, but I kept failing. Kanina...natikman ko siya. Parehas na parehas. Imagine that, Trey. They stole everything from me...from us." Nanlalabo ang kanyang mga mata na tumitig kay Trey.

"My mom died because of him. Ni hindi ko nga nakitang nagpunta sa burol ng mommy ko si Sasahh Rodriguez na sinasabi niyang kaibigan niya. And remember...your parents died, too because of him." She remembered how devastated Trey was when he woke up in the hospital and found out that he's the lone survivor of the vehicle accident. Namatay ang mga magulang nito. Naalala ni Trey na nagtatalo ang mga magulang nito dahil sa pagka-bankrupt ng kumpanyang pinagsususyuhan ng kanilang mga magulang.  Habang nagmamaneho ang  ama nito ay nakikipagtalo ito sa mama ni Trey habang si Trey ay tahimik lang sa likuran ng sasakyan. Nabangga ang sasakyan sa nakasalubong na truck at si Trey lang ang nakaligtas. 

"I want him to suffer. That's the only thing I want!" Mahina niya iyong ibinigkas pero habang sinasambit ang mga salitang iyon ay lalo lang nanikip ang kanyang dibdib.

"I want him to suffer," she said it again while the moment just earlier in front of her apartment door flashed back to her. The kiss. The playful nose-to-nose. The I love you. The tears in her eyes fell down again.

Mabigat na nagpakawala ng malalim na paghinga si Trey. "If that's what you want, Montana. Susuportahan kita. Just make sure to stick with the plan." Tumayo si Trey, humakbang palapit sa kanya. Umuklo ito at inabot ang kanyang mukha. Maingat na ikinulong ang kanyang mukha sa mga palad nito at pinahid ang luha.

"Make him fall for you...then leave him broken."

Bumaba ang tingin nito sa kanyang labi. "Do you understand?" 

Pilit na tumango si Montana. "Good." Nahigit ni Montana ang paghinga nang ilapat ni Trey ang labi sa kanya. Nang ilayo ay tumaas ang sulok ng labi nito na para bang naaliw sa reaksiyon niya.

"Make sure you leave him with your hymen still intact,  I'll kill him." Higit pa niyang nahigit ang kanyang paghinga sa sinabi nito. That's impossible.

"Are we clear, Klouber?" matigas nitong tanong. Muli siyang tumango.

"Then we're good." Pinakawalan siya nito. Naglakad patungo sa sof, kinuha mula roon ang susi ng kotse.

"Nag-grocery ako. I replenished your fridge. Nagluto na rin ako. Kumain ka na lang. Aalis na muna ako." Naglakad ito patungo sa pinto.

"Trey," tawag niya sa binata. Ibinaba niya ang mga paa.

"It would be better kung hindi ka na muna pupunta rito. Anumang oras baka pumunta rito si Soft—Sofronio. Baka mabuko tayo." Tumiim lang ang mukha nito bago tuluyang lumabas. Marahas niyang pinahid ng palad ang kanyang labi. Sumimangot nan maalala ang paghalik ni Trey sa kanya. Why the heck did he kiss her? Dahan-dahan niyang pinakawalan ang mabigat na paghinga at sumandal sa sofa. 

She should be happy now. Ang mga plano niya ay gumagana. Umaayon sa gusto niyang mangyari. Mahirap gawin ang unang plano nila. They should very rich and powerful para lang pabagsakin si Sofronio dela Fuente. Hindi talaga nila kaya. Inip na inip na siya. Parang wala rin namang balak ang Diyos na parusahan ito sa mga maling nagawa. Kaya ito, gumawa siya ng sariling plano na hindi sinasang-ayunan ni Trey. Simple. Mas madali. Gusto lang niyang kahit paano maibsan ang matindi niyang pagnanais na pahirapan ito kahit sa anumang paraan.

Kahit iyong ego man lang nito. Kahit iyon lang ang madurog niya. Ipahiya sa maraming tao. Pagmukhaing talunan.

Hindi niya inaasahan na magiging madali lang palang akitin ang lalaking iyon. Nang makita niya ang pagpunta ng isang lalaki sa club na pag-aari nina Trey para magbook para sa birthday ni Soft ay doon nabuo ang plano niya. Napilit niya si Cleo, ang namamahala sa mga babae sa club na siya ang ipadala na hindi alam ni Trey. Ang plano lang ay sasayaw siya. Hindi kasama ang sex. Pero nang makita niya ang matinding pagnanasa sa kanya ni Soft sa kanya nang gabing iyon ay hindi na niya pinalagpas ang pagkakataon. She's a virgin. Isang stripper na virgin at ito ang makakauna. May palagay siyang hahanapin siya nito at hindi nga siya nagkamali. Sadya niyang iniwan ang employee ID niya. Ang pagiging employee niya sa Bijoux ay hindi rin plinano. Kakasunod niya sa lalaking iyon mula sa opisina nito ay napadpad siya sa Bijoux nang magpunta si Soft doon kasama si Hanny. Tinanong siya ng staff kung ano ang kailangan niya kaya sinabi niyang mag-a-apply siya dahil wala naman sa itsura niya ang afford ang alahas doon.  Itinuloy na nga niya dahil gusto rin niya ng trabaho. Ayaw niyang iasa na lang kay Trey ang gastusin niya sa pang-araw-araw. Ayaw rin naman siya nitong pagtrabahuhin sa club kahit waitress lang. Mag-focus lang daw siya pag-aaral niya.

Tumayo si Montana. Lumabas ng apartment. Dumungaw siya sa terasa para magpahangin. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. Dapat ngayon ay nasisiyahan siya dahil umaayon sa plano niya ang mga nangyayari pero hindi siya ganap na maging masaya. Siguro dahil hindi pa niya nagagawa ng lubos ang plano. Maybe, if she saw Soft broke...baka doon niya maramdaman ang kaligayahang hinahanap niya.

Ipinatong ni Montana ang mga braso sa balustre at ipinaling ang tingin sa kaliwa. Natuon ang kanyang ang atensiyon sa mga batang nagkukumpulan sa tapat ng tindahan sa unahan. Nagpapahusayan sa paglalato-lato. Nilibang na lang ni Montana ang sarili sa panonood ng iba't ibang aktibidad sa labas.  Kapag ganitong naghahapon na may mga tao nang lumabas sa street na ito. Kabila nito ay mainline kung saan dumaraan ang mga jeep. Karaniwan na pampublikong sasakyan na dumadaan dito sa street ay mga pedicab na siyang maghahatid sa sakayan at taxi na dadaan lang kung may ihahatid sa street na ito. 

Sinundan niya ang bata tumakbo palayo sa mga kasamahang naglalaro ng lato-lato. Natigil ang pagsunod niya ng tingin sa bata nang madaanan niya ng paningin ang lalaking nakasampa sa motor na kasalukuyang naninigarilyo. Itinapon nito ang sigarilyo sa kalsada at inapakan iyon para patayin ang sindi. Napansin niya ang tatlong star na tattoo sa gilid ng kamay nito. Ano kaya ang meaning niyon? People get ink on their skin for a variety of reasons. Some get ink for self-expression; to express their unique identity, personality and creativity. Some served as a permanent reminder of a significant event. Katulad niya. Niyuko niya ang kaliwang kamay. Hinila niya ang suot na singsing.  Hinaplos niya ang maliit na tatto na nasa inner ring finger niya. Ang disenyo niyon ay four-leaf-clover. This tattoo will only be visible if she shows her open palm to someone else. Natakpan pa iyon ng singsing. It's the perfect placement to keep her body art private. Itinatago niya ito katulad ng pagtago niya totoo niyang pagkatao...sa totoo niyang pangalan.

This four-leaf-clover tattoo symbolizes her real identity. She's a real Klouber Villarama.

Continue Reading

You'll Also Like

398K 11K 25
Warning: SPG|R-18|MATURED CONTENT Started: 13|Feb.|2021 Ended: 21|Feb.|2021
4.4M 82.9K 40
Warning: SPG | R-18 | Mature Scene What if you fall in love with your dad's friend? Jessy Santiago is a 27 years old girl who likes to party a lot. B...