That's So Meta!

By akosimeta

289 7 2

This isn't the book "That's So Meta" (it's published already), but this is the story about my book "That's So... More

1.1 Hello po. Ako si Meta.
1.2 That's What Friends Are For What
1.3 The Prince and I
1.4 Farewell, My Prince
1.5 A Marvelous Deal
1.6 The Storycon
2.1 Writing is Daydreaming
2.3 Love at First Snatch
2.4 She's Dating the Snatcher
2.5 Snatch Me, I'm Falling
2.6 She's Dating the Axe Murderer
2.7 Snatch Made in Heaven
2.8 What Really Happened
2.9 That's So... Meta!

2.2 With Friends Like These, Who Need to Flock Together?

10 0 0
By akosimeta

                  Minsan, tulad ngayon, oras ang ginugugol ko sa pagsisimula ng pagsusulat. Honestly, mas masarap mag Facebook mag-twitter, magbasa sa Wattpad, magtext, manood ng downloads. So bakit nga ba ako magsusulat pa? Magpapakahirap ako tapos P30,000 lang ang kikitain ko kapag naging movie yung pinaghirapan ko. Shet.

                  Knowing na hindi ko mapipilit sarili ko magsulat for now, nag-internet na lang ako. Nagcheck ng FB, nagcheck ng Wattpad, nag-download ng TV series na papanoorin ko mamaya kapag bored. Nagcheck na rin ako ng Jobstreet just in case may mga pumasok na sa applications na sinend ko.

                  Minsan nakakatamad na rin mag-Facebook. Lahat naman ng nasa Facebook, napapanood ko na rin sa Kapuso Mo, Jessica Soho—ang on-air FB group ng bayan. Iniisip ko, buong araw kaya walang ginagawa si Jessica Soho kundi mag-FB? "Eto, may bagong pinagkakaguluhan sa FB, gawan natin ng segment," sabi siguro nya. "Tapos kain tayo sa may UP, madaming kainan dun." Sarap naman ng buhay niya. Sana ganun na lang din buhay ko, walang ibang gagawin kundi mag-FB at kumain.

                  Nagcheck uli ako ng Jobstreet. Jut in case within 15 minutes eh may employer na nakatalisod sa profile ko at nagsend ng invitation for interview. Grabe, ang hirap talaga mag-hanap ng trabaho ngayon.

                  Tapos nagcheck uli ako ng FB. Ang galing ng FB no, five minutes ka lang mawala ang dami ng pwedeng mangyari. Kanina pag-check ko, ang daming links tungkol sa naglabasang nude pics ni Jennifer Lawrence. After five minutes, madami ng links tungkol sa mga blog articles na nagsasabing masama daw ang magshare ng nude pics ni Jennifer Lawrence kasi para mo na rin siyang ni-rape. Then, after five minutes, ang dami ng links tungkol sa mga blog articles na nagsasabing isang form of empowerment ang pagshare ng nude pics ni Jennifer Lawrence dahil bilang isang babae, wala siyang dapat ikahiya sa body parts nya. "Power to the Pekpek," sabi nung isang feminist article. Minsan, hindi ko na alam papaniwalaan dito sa FB na to eh. Check ko na lang later, kasi sa dami ng nagsasalita tungkol sa nude pics ni Jennifer Lawrence, ang hindi na lang nagsasalita eh si Jennifer Lawrence.

                  Nagcheck ako ng Twitter. Unlike FB, ang Twitter parang ref namin. Maya't maya ko chinecheck, pero wala pa ring interesting na pagbabago, puro latak at tira-tira lang. Daming requests for fan signs, daming shared quotes na pitumpu't pitong beses ko na nakita tulad ng "If you won't have me at my worst, you don't deserve me at my best" atsaka "Not all those who wander are lost".

                  Pero dahil wala pa rin akong strong feeling na makakapagstart ako sa new book ko, nagcheck uli ako ng FB. Minsan sa FB, alam nyo yung may friend kayo na sobrang nakaka-irita ang post, pero hindi nyo tinatanggal sa News Feed nyo kasi ang sarap sundan ng mga ka-epalan niya sa buhay? Don't get me wrong, friend ko naman talaga si Rhovibert, alam nyo yan. Buong high school life naming kami nina Jedelyn, Danimae, at Rhovibert ang magkakasama. Tatlo kaming girls, si Rhovibert ang beki. Siya yung nakakainis sa barkada, pero love nyo pa rin. Ganun for us si Rhovibert.

                  Pero now that we've all graduated from college, and may kanya-kanya ng adult life, parang raised to tenth power ang pagiging annoying netong baklang to. Two weeks ago kasi nakipag-break sa kanya bago niyang jowa after three days of being together, so si bakla todo post ng mga kadramahan tulad ng:

                  "Letting go is part of growing up." Tapos may selfie niya na nakangiti.

                  "Stronger. Happier." Tapos may selfie niya sa gym, pero ang taba-taba niya pa rin kahit araw-araw siyang nagpopost ng selfie sa gym. Sabi ko nga sa comment "Hoy bakla, walang nabuburn na calories ang pag-post! Baklang to, ampanget! Love you."

                  "Missing you in the spaces between my fingers." Tapos picture ng kamay niya katabi picture dati nila ng jowa niya na magkaholding hands. I-clicked dun sa link na "REPORT AS SPAM", pero wala pang balik ang admin ng FB. Sana ma-process nila.

                  "Can't put a sexy woman down. #ReadyToObar." Tapos may selfie niya na naka-party wear at todo make-up. Ni-Like ko, tapos ni-right click ko and saved the photo sa desktop. Tapos sinend ko sa FB group namin nina Danimae, at Jedelyn (pero hindi member si Rhovibert) yung photo with caption "Nakakaloka si bakla, gigimik na naman." Di pa sila nagrereply, baka tulog pa sila or walang load pang mobile data. Hashtag: budget.

                  O, tapos ang pinakabago niyang post, nakahubad sya sa bed, nakatakip lang chest niya ng kumot. Sa likod niya may kuya na nakahubad din at nakasubsob sa leeg niya. Caption "If you won't have me at my worst, you don't deserve me at my best. #CrazyInLove #BackInTheGame #SexyAsFuck." Nakakaloka, nabasa nya lang sa Twitter yun, kaka-retweet ko nga lang.

                  This time, hindi ko na kailangan ishare sa FB group namin ang picture niya dahil naunahan na ako ni Danimae. "Good afternoon. Nakakaloka tong bagong paandar ni Rhovibert, teh."

                  Me. "Bakla, gising ka na pala! Hahaha. Di ba? Lumabas lang last night, may kuya na kaagad sa pic."

                  Danimae. "Teh, hayaan mo na. May pinagdadaanan. #Stronger nga daw siya di ba?"

                  Me. "Mamaya #broken na naman hashtag ni ate, hahaha."

                  Pero love namin siya ha, don't get us wrong. Hindi por que hindi siya member ng FB group ng barkada namin, tsaka pinagchichikaha namin siya eh hindi na namin siya friend. We gossip because we care. We care a lot.

                  Jedelyn. "Grabe. Ang mean nyo. Hahaha."

                  Hay, nako. Trust on Jedelyn to be the moral center of the barkada. Minsan, basag trip talaga tong si Jedelyn eh.

                  Instead of mag-react kay Jedelyn, lumipat na lang ako dun sa isa pa naming FB group kung saan hindi member si Jedelyn, pero member si Rhovibert.

                  Me. "Danimae! Nakakaloka si Jedelyn. Bait-baitan na naman si ate. Hahaha. #Blessed."

                  Danimae. "Korak. Akala ko ako lang nakapansin hahaha."

                  Rhovibert. "Anong meron?"

                  Me. "Girl, congrats. Nakakaloka, may bago ka na namang boylet."

                  Rhovibert. "#Blessed."

                  Danimae: Laughing Emoticon.

                  Me. "Nakakaloka ka! Kumusta naman ang boylet?"

                  Rhovibert. "Hashtag blessed ang kay kuya."

                  Danimae: Wide eyes emoticon.

                  Me: "Kalokaaaaaaaa!"

                  Rhovibert. "Venti sa Starbucks, teh. Nabiyak ata ako."

                  Danimae: Eyes Wide Emoticon. Shaking Head Emoticon. Blushing Emoticon.

                  Me. "So in love ka na naman?"

                  Rhovibert. "I think."

                  Danimae. "#LoveMeLikeYouDo #RhoviBlessed"

                  Me. "Hahaha." Like Emoticon. "Saan mo naman nakilala yan? Anong drama?"

                  Rhovibert. "Sa O-bar kagabi. Marketing chorva ang raket ni kuya. May girlfriend daw siya. Pero OK naman na mag-date-date kami."

                  Me. "Ayan ka na naman, baklaaaaa. Tapos magpo-post ka na naman ng selfie mo na umiiyak kapag nagka-alaman sa GF nya yang boylet mo."

                  Rhovibert. "Ready naman ako to be #broken. Sabi nga sa Twitter quotes na fino-follow ko 'All good things come to an end.'"

                  Me. "Mag-pacing ka naman, teh. Avengers nga, every two years lang maglabas ng movie."

                  Rhovibert. "Look who's talking. Kaw nga tong may bagong romantic interest every chapter eh."

                  Me. "Oy, wala ah. #single ako ngayon. #blessed."

                  Danimae. "Weh."

                  Rhovibert. "Weh."

                  Rhovibert. "Teh nakakaloka, single daw siya ngayon. Naniniwala ka?"

                  Me. "HOY RHOVIBERT, ANDITO AKO. WRONG WINDOW KA."

                  Rhovibert. "Shet. Hahaha."

                  Danimae. Shaking Head Emoticon.

                  Rhovibert. "Nakakaloka, teh. Nagkamali pa ako ng pag-message. Hahah. Akala ko, yun yung FB Group Message natin na di siya kasama. Hahaha."

                  Me. "Bakla! Andito pa rin ako! May FB Group Message kayong tatlo na hindi ako kasama no?"

                  Rhovibert. "Ay, pota. Hahaha. Wait, wag ka ngang epal. Pagchichismisan ka muna namin. Because we care."

                  Silence. Di na sila nagreply. Baka magkakachikahan silang tatlo, mga backstabbers.

                  Pero napaisip ako dun ah. Medyo totoo naman kasi ang sinabi ni Rhovibert. Since high school, parang sunod-sunod ang labas-pasok ng mga lalake sa buhay ko. Buti nga ngayon, wala akong boylet, walang distraction from my writing.

                  But at the same time, hindi ba sila ang inspiration from my writing? After all, ang book kong "That's So Meta!" is basically a collection of my adventures in love. Maybe yun ang problema kaya hindi ako makapagsulat ngayon ng bagong book: I don't have a man to inspire me.

                  I remember, kaya  ko naman nasimulan isulat ang "That's So Meta!" is because after years of no contact, bigla akong in-add sa FB ni Jeminard Magaspac. Until now, hindi ko pa rin in-aaccept ang friend request ni Jeminard. Tarantado siya, pagkatapos ng ginawa niya sa akin, siya pa tong may kapal ng mukha na i-add ako sa FB! Antipatiko talaga! Isa pa siya! Magsama sila ni Philip Soriano, mga antipatiko.

                  Para maintindihan ninyo kung bakit ayaw ko i-accept ang friend request sa FB ni Jeminard, narito ang events that I've already written about in my first book. Pero condensed version lang para hindi kayo masyado ma-boring. Time for another flashback... 

Continue Reading

You'll Also Like

1.2K 123 32
We used to know each other in ways that only our quiet glances and midnight conversations could explain. There was a time when your name felt like ho...
1.3K 425 46
When we fall in love, we become completely focused on that one person, even if they end up hurting us. It's like we build walls around ourselves and...
12.1K 485 13
"Shhh baby. Don't cry. I told you that escaping here is useless. See? Napagod lang tayong dalawa." malambing na sabi nito habang pinupunasan ang luha...
740K 18.1K 46
"I'd like to wrap your legs around my head and eat you like a feed bag." - Yulo Halverson. She's Yulo Halverson. She has a naughty but grumpy attitu...
Wattpad App - Unlock exclusive features