Elemental Kingdoms: The Rule...

By RinkakuMayo

2.4M 78.4K 9.3K

In order to maintain the balance of this world, there's a rule to be followed. Don't fall in love with someon... More

INTRODUCTION
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
DREAME come true🥰
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
OMG! WE ARE ON THE "WHAT'S HOT!"
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Miss Ai's Note♡
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
What is the meaning of Prophecy?
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Thanks Giving
BOOK II ♡
Miss Ai's echoserang Note ✌

Chapter 48

24.8K 785 75
By RinkakuMayo


Third Person's POV

Samantala, sa Yoso Academy ay hindi na magkamayaw sina Tyrone, Nuraya, Ela at Laydon dahil sa biglaan na pagkawala nina Aria.

"May hindi magandang nangyayari," sabi ni Tyrone. Kasalukuyan silang nasa kanilang silid at masinsinang nag-uusap dahil nga wala sina Fire kanina sa klase.

"Kailangan siguro nating makausap sina Heiro. Baka may alam sila sa biglaang pagkawala nina Aria," Ela suggested. Halata sa kanilang apat ang pag-aalala. E sino ba naman kasi ang hindi mag-aalala kapag bigla na lang nawala ang apat na kaklase ninyo, 'di ba? Sinubukan na nilang puntahan sina Aria sa dorm house nila pero wala sila doon kaya lalo silang kinabahan.

"Mabuti pa nga siguro," sagot naman ni Laydon. Sabay-sabay silang lumabas sa kanilang silid para pumunta sa Elemental Head's Office at balak nila ang kausapin sina Heiro tungkol sa bagay na 'to.

Pagkalabas nila ay siya namang pagkagulat nila dahil biglang nagkatipon-tipon ang mga estudyante sa Yoso. Nasa labas silang lahat at tila may hinihintay na dumating. Ilang sandali pa ang lumipas at dumating na nga ang Elemental Ministry. Silang apat ay nababalot ng bilog na harang. Si Detero ay kulay abo na harang ang nakapalibot sa kaniya, kulay pula naman ang kay Brizto, asul ang kay Cassandra at kulay berde naman ang kay Alne. Agad na yumuko ang mga estudyante bilang pagbibigay galang sa Elemental Ministry.

Isa itong nakabibiglang pagkakataon dahil kahit kailan ay hindi pa pumunta sa Yoso ang Elemental Ministry. Ngayon pa lang at 'yon ay dahil sa kaguluhan na kailangan na nilang aksyunan.

"Nasaan sina Heiro?" tanong ni Detero sa mga estudyante. Walang sino man ang sumagot ngunit ilang sandali pa ay lumabas si Heiro at agad na nagpakita sa kanila kasama sina Ferno, Ciero at Zeira. Si Hera ay bigla ring lumitaw at tumabi kina Heiro. Uy umeeksena si Hera!

"Ano'ng ginagawa ninyo dito?" tanong ni Heiro. Biglang sumama ang tingin ni Brizto sa kaniya at kung hindi nga lang niya nakokontrol ang katawan niya ay baka kanina pa lumiyab si Heiro.

"Nasaan na ang dalawang bata na sumira sa balanse ng Elemental World? Bakit hindi mo sila inihatid sa Elemental Hall?" kalmadong tanong ni Detero. Hindi agad nakapagsalita sina Heiro dahil sa tinuran nito. Sina Tyrone ay biglang nadoble ang kabang nararamdaman at lalo silang nagtataka sa mga nasasaksihan nila.

"Papatayin na ba sina Aria at Fire?" tanong ni Nuraya kay Tyrone pero nagkibit-balikat lamang si Tyrone bilang sagot sa tanong ni Nuraya dahil maging siya ay walang alam sa mga nangyayari.

"Wala na rito sa Yoso sina Fire at hindi namin alam kung saan sila pumunta," sagot ni Heiro pero bigla siyang napaluhod at napahawak sa kaniyang dibdib. Pakiramdam niya ay sinusunog ang kaniyang kaloob-looban at talagang nahihirapan na siyang huminga.

"Mamamatay ka kapag hindi mo sinabi kung ano ang totoo, Heiro." Agad na nag-apoy ang mga mata ni Brizto at napasigaw na sa sobrang sakit si Heiro.

"Brizto, tama na!" sigaw ni Alne. Agad na inihinto ni Brizto ang kaniyang ginagawa kay Heiro. Isa ito sa kaniyang kakayahan na kinatatakutan ng lahat dahil kapag hindi niya ito naitigil agad ay maaari kang mamatay.

Agad na nilapitan nina Zeira si Heiro na ngayon ay halos hindi na makahinga at may sakit pa rin na nararamdaman sa kaniyang puso.

"Nasaan sina Fire?" tanong ulit ni Brizto. Walang sino man ang sumubok na sumagot dahil alam nilang maaari silang mapahamak. Maging sina Tyrone ay hindi makapaniwala sa kanilang nakikita. Hindi nila naisip na maaari palang humantong sa ganito ang sitwasyon.

"Alne, gawin mo na," utos ni Detero. Tumango si Alne bago siya naglabas ng sanga ng puno mula sa bilog na harang na nakapalibot sa kaniya at iniangat nito si Heiro.

"Tumingin ka sa mga mata ko, Heiro," sabi ni Alne. Naging mas matingkad ang kulay berde niyang mga mata na tila ba hinihikayat nito si Heiro na tumingin dito. Wala nang nagawa pa si Heiro kundi ang tingnan ang mga mata ni Alne.

"Nasaan sina Fire?" tanong ni Alne. Isa ito sa kaniyang kakayahan na ang sino man na titingin sa ganitong uri ng kaniyang mga mata ay magsasabi ng totoo kahit ayaw man nito.

"Nasa---" Hindi naituloy ni Heiro ang sasabihin niya noong naglabas ng apoy si Ferno at nasunog ang sanga na humahawak kay Heiro. Agad na napasigaw si Alne dahil kadugtong niya ang sangang iyon. Agad na naglabas si Alne ng napakaraming sanga na nag-anyong kamay at bigla nitong sinakal si Ferno.

"Sino ka para kalabanin ako?!" Inihagis ni Alne si Ferno kasabay ng paggalaw ng mga puno sa Yoso Academy. Biglang nataranta ang mga estudyante at nagsitakbuhan silang lahat dahil sa labanan na nagaganap sa pagitan ng Elemental Heads at Elemental Ministry.

Agad na gumawa si Ferno ng isang apoy na harang na nakapalibot sa kaniya ngunit patuloy pa rin ang mga puno sa paglapit sa kaniyang pwesto. Biglang umangat sa ere ang mga bato sa palibot ng Yoso at nakabuo ito ng isang higanteng tao na siyang susugod kay Ferno.

"Lapastangan!" sigaw ni Alne bago sumugod kay Ferno ang taong gawa sa bato.

"Tigil!" sigaw ni Detero. Agad na huminto sa pagsugod ang mga puno at maging ang higanteng tao na ginawa ni Alne dahil nalipat kay Detero ang atensyon niya.

"Nandito tayo para ayusin ang problema at hindi para dumagdag dito!" galit na asik ni Detero. Hindi na kasi siya natutuwa sa kinahahantungan ng mga pangyayari dito sa Yoso Academy. Maging ang Elemental Heads at Elemental Ministry ay hindi na nagkakasundo at hindi na 'yon maganda. Nawawala na ang katahimikan at kapayapaan sa Elemental World.

"Sabihin mo na sa amin kung nasaan ang dalawang bata, Heiro." Nakipagtitigan pa si Detero kay Heiro na hanggang ngayon ay hindi pa rin gumaganda ang pakiramdam dahil sa mga kaganapan kanina. Ayaw niyang sabihin na nasa mundo ng mga tao sina Aria dahil kapag nangyari 'yon ay kinakailangan na niyang ibalik dito sina Fire at mababalewala lang lahat ng pagsasakripisyo nila ni Shebah.

"Ibinalik ko na sila sa Elemental Kingdoms. Nasa Ka Kingdom na si Fire at nasa Kaze Kingdom si Aria," pagsisinungaling niya na alam niyang ikapapahamak niya. Agad namang nagtaka sina Tyrone. Bakit kailangang bumalik nina Fire sa Elemental Kingdoms? Ano ba talaga ang nangyayari? Iyon ang mga tanong sa kanilang isipan na hindi masagot-sagot.

"Nagsasabi ka ba nang totoo, Heiro?!" tanong ni Cassandra. Alam niya at nahahalata niya kay Heiro na nagsisinungaling ito at ang gusto niya ay magsabi na ito ng totoo dahil maaari siyang makasuhan ng pagiging rebelde sa Elemental World at baka mapagdesisyonan na patayin siya.

"Nagsasabi ako nang totoo," Heiro firmly said.

"Sinungaling!" sigaw ni Alne. Susugurin na sana niya si Heiro pero pinigilan siya ni Cassandra.

"Alam mo kung ano ang maaaring mangyari sa iyo, Heiro. Oras na mapag-alaman namin na nagsisinungaling ka at tinutulungan mo ang mga batang iyon sa paglabag sa batas na meron tayo, isa ka sa mga dapat na mamatay." Sa sinabing iyon ni Cassandra ay napasinghap sina Zeira ngunit nanatiling walang emosyon ang mukha ni Heiro. Maging sina Tyrone ay hindi alam kung paano magrereact sa nakikita nilang nagaganap sa harapan nila.

"Alam ko at naiintindihan ko," sagot ni Heiro. Hindi alam ni Cassandra kung bakit mas pinipili ni Heiro ang sumuway at maging rebelde sa Elemental World gayong hindi naman siya ganito noon. Isa si Heiro sa mahigpit pagdating sa pagpapatupad ng mga batas sa Yoso Academy at hindi nila naisip na isa siya sa sisira ng mga ito.

"Humanda ka kapag hindi namin nakita sa Ka at Kaze Kingdom sina Fire at Aria. Mamamatay ka, Heiro." Agad na lumisan ang apat na miyembro ng Elemental Ministry na pupunta sa Elemental Kingdoms. Agad na nilapitan nina Ciero si Heiro na napaluhod na dahil hanggang ngayon ay nararamdamam pa rin niya ang paghapdi sa kaloob-looban niya.

"Ayos ka lang ba, Heiro? Nasaan ba kasi sina Aria?! Bakit hindi mo sila dinala sa Elemental Hall? Nagpapakamatay ka na ba?!" sigaw ni Hera. Kung tutuusin ay mukha siyang nag-aalala sa kalagayan ni Heiro pero ang totoo ay masaya siya sa mga nakikita niyang kaguluhan sa Yoso Academy. Hindi man natuloy ang pagpatay kina Aria ay alam niyang masaya pa rin si Valgemon sa nangyayari.

"Hera, tumigil ka na. Hindi ito ang tamang oras para sisihin natin si Heiro," saad ni Zeira. Agad nilang dinala si Heiro sa Elemental Clinic upang mabigyang lunas ang nararamdaman niya.

"Malala ito. Naglagay ng apoy si Brizto sa palibot ng puso mo, Heiro. Kontrol niya ang apoy na ito na kahit nasaan ka pa, kapag pinalakas niya ang apoy na iyan sa puso mo ay maaari kang mamatay," sabi ni Sylvia matapos niyang suriin ang kalagayan ni Heiro. Walang kahit na anong bahid ng kaba o pagkatakot ang makikita kay Heiro. Alam niya na hahantong sa ganito ang pagprotekta niya kina Aria at Fire at inihanda na niya ang kaniyang sarili sa posibilidad na mamamatay na siya sa oras na makarating sa Elemental Kingdoms sina Detero at malalaman nila na nagsisinungaling siya.

"Pa!" sigaw ni Zephyrus. Nabalitaan niya ang nangyari dahil sa kaguluhan kanina at alam niyang hindi maayos ang kalagayan ng kaniyang ama.

"Ano'ng nangyari?!" kinakabahang tanong ni Zep na sinagot naman ni Heiro ng isang pilit na ngiti.

"Ayos lang ba kayo? Ano po ba talaga ang nangyari? Sabi ng mga nakakita ay naglaban kayong dalawa ni Ministro Brizto." Halata ang sobrang pag-aalala sa mukha ni Zephyrus dahil sa nakikita niya sa mukha ng kaniyang ama na may masama itong dinaramdam.

"Lumabas na muna kayong lahat," sabi ni Heiro na agad namang sinunod nina Zeira. Naiwan si Zephyrus na nakaupo sa tabi ng kama na hinihigaan ni Heiro. Nahihirapan siyang huminga dahil pakiramdam niya ay lalong sumisikip ang kaniyang dibdib.

"Pa, ano po ba talaga ang nangyayari? Sagutin ninyo ako," sabi ni Zep. Ilang sandali munang napatitig sa kaniya si Heiro bago niya hinawakan ang mukha ng kaniyang anak.

"Zep, iingatan mo ang iyong ina. 'Wag mong hahayaan na mapahamak siya at maging ikaw ay iingatan mo ang sarili mo," sabi ni Heiro na agad namang naging dahilan ng pagkunot ng noo ni Zep. Ano ba ang talagang nangyayari? Bakit ganito si Papa? Tanong niya sa kaniyang sarili.

"Ilang sandali pa ay malalaman na nina Brizto na nagsinungaling ako sa kanila tungkol kina Aria at maaaring ilang sandali na lamang din ang itatagal ko. Kung sakali man na totohanin nila ang pagpatay sa akin, gusto ko na iingatan mo ang iyong sarili at ang iyong ina maging ang Yoso Academy, Zep." Hindi man naiintindihan ni Zephyrus ay tumango siya bilang sagot sa bilin sa kaniya ni Heiro.

"Sina Aria, nasa mundo sila ng mga tao," sabi ni Heiro na siya namang ikinagulat ni Zep.

"Pero bakit, Pa? Bakit sila nando'n at sino ang nagdala sa kanila sa mundo ng mga tao?" Maraming katanungan ang nagsisulputan sa utak ni Zephyrus. Noon pa man ay napapansin na niya na may kakaiba kina Aria at Fire at alam niyang iyon ang dahilan kung bakit sila nasa mundo ng mga tao ngayon. Ang hindi niya maintindihan ay kung sino ang pumuprotekta kina Aria.

"Ako ang nagdala sa kanila sa mundo ng mga tao," mahinang sagot ni Heiro pero sapat lang para marinig ni Zephyrus. Hindi agad siya nakapagsalita dahil sa sinabi ng kaniyang ama. Kung gano'n ay si Papa ang nagpoprotekta kina Aria?! Pero bakit?! Iyon ang tumatakbo sa isipan niya noong mga oras na 'yon.

"Bakit mo 'yon ginawa, Pa? Bakit mo 'to ginagawa?" tanong niya. Kahit anong isip niya na ayos lang at isang mabuting gawain ang ginagawa ni Heiro ay hindi niya maiwasan ang magdamdam. Isinasakripisyo ng kaniyang ama ang sarili nitong buhay para sa dalawang taong hindi niya naman kaano-ano. Punong-puno siya ng pagtataka at sama ng loob sa ginagawa ni Heiro.

"Zep, sana ay intindihin mo ako. Hindi nararapat na mamatay sina Aria," sabi ni Heiro. Napatayo si Zep at saka niya hinimas ang kaniyang noo dahil kahit anong pag-intindi ang gawin niya ay hindi niya pa rin maintindihan kung bakit kailangang humantong sa ganito.

"Hindi sila nararapat na mamatay at pagkatapos ano? Ikaw ang mamamatay, Pa? Gano'n ba?" Halata sa boses ni Zephyrus ang hinanakit niya sa desisyon ng kaniyang ama. Hindi niya rin naman gustong mamatay si Aria o maging si Fire pero lalong hindi niya gusto na mamatay ang kaniyang ama.

"Zep, kailangan may magbuwis ng buhay upang patuloy na mabuhay ang iba. Iyan ang batas ng mundo na ginagalawan natin," sagot ni Heiro. Hindi na sumagot pa si Zep at lumabas na siya sa Elemental Clinic nang hindi alam kung ano ba ang dapat niyang gawin. Alam niyang naging bastos siya sa kaniyang ama pero hindi niya na muna 'yon inisip dahil sa mga oras na 'to ay nasasaktan siya sa katotohanan na maaaring mamatay si Heiro.

Meanwhile, sa loob ng black forest kung saan naroon ang lihim na lagusan patungo sa kinatataguan ni Valgemon ay may isang babae ang kanina pa sumisigaw.

"Palabasin ninyo ako dito!" Muli ay isang napakalas na sigaw ang umalingaw-ngaw sa loob ng lagusan na 'yon. Biglang natahimik ang babaeng kanina lang ay halos maputulan ng ugat sa leeg dahil sa pagsigaw nito noong biglang bumukas ang bakal sa pintuan at pumasok si Hera na wagas kung makangiti.

"Hera?!" gulat na tanong ng babaeng kasalukuyang pinupuluputan ng ahas na nakaangat sa loob ng lagusan na 'yon.

Hindi siya pinansin ni Hera at nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang sa makatapat niyang muli ang estatwa na anyong ahas. Muli na namang naging kulay pula ang mga mata nito at may lumabas muling dila ng ahas mula rito.

"Ano na ang balita, Hera?" tanong ni Valgemon. Biglang kinilabutan ang babaeng kasama nila ngayon pagkarinig nito sa boses ni Valgemon.

"Ang mga bata ay unti-unti nang hindi nakokontrol ang kapangyarihang taglay nila habang si Heiro naman ay maaari nang mamatay ano mang oras mula ngayon," sagot ni Hera. Biglang kinabahan ang babae sa kaniyang narinig kaya naman hindi na niya napigilan ang magsalita.

"Ano'ng sinasabi mong mamamatay si Heiro?! Hera, walang hiya ka talaga!" sigaw niya na ginantihan lang ni Hera ng isang malakas na pagtawa.

"Matagal na akong walang hiya, Shebah." Ngumisi si Hera sa babaeng kaharap niya na walang iba kundi si Shebah.

"'Wag kang mag-alala dahil papatayin ka rin naman namin kaya magkakasama na kayong dalawa ni Heiro," dagdag pa ni Hera bago siya tumawa nang tulad sa pagtawa ng isang demonyo.

"Bakit? Bakit mo ito ginagawa?!" pasigaw na tanong ni Shebah. Ni minsan ay hindi niya naisip na si Hera ang tatraydor sa kanila. Matagal na silang magkakakilala at magkakaibigan. Sobra ang pagkapoot ni Hera kay Valgemon noon dahil napag-alaman nila na walang awa ring pinatay ni Valgemon ang kapamilya niya noong panahon na 'yon at tanging isa lang ang naiwan na nagpatuloy sa henerasyon nila na humahawak ng bolang kristal. At sa panahon ngayon ay naisalin ang kakayahan na iyon kay Hera.

"Bakit mo 'to ginagawa, Hera?!" sigaw ulit ni Shebah. Ngumisi muna sa kaniya si Hera bago ito sumagot.

"Dahil tanging si Valgemon lang ang nagtiwala sa kakayahan ko. Kailanman ay hindi kayo nagtiwala sa akin! Ni hindi ninyo ako binoto noong tumakbo ako sa pagiging ministro! Palagi niyo na lamang pinagdududahan ang kakayahan ko! Ngayon, makikita ninyo kung hanggang saan ang kaya kong gawin!" Biglang may hangin at apoy na pumalibot kay Hera na siya namang ikinagulat ni Shebah. Paanong nagkaroon siya ng apoy gayong hangin lamang ang kapangyarihan niya?! Tanong ni Shebah sa kaniyang isipan.

"Mula ngayon ay hindi niyo na ako mamaliitin dahil simula ngayon ay ako at si Valgemon ay iisa na! Nasa akin na ang kapangyarihan niya kaya humanda kayong lahat sa paghihiganting gagawin ko! Sisirain ko ang nakagisnan ninyong Elemental World at maghahari na ang Kadiliman!" sigaw ni Hera habang palakas nang palakas ang hangin at apoy na bumabalot sa kaniya. Hindi na makapagsalita pa si Shebah dahil sa nakikita niyang pagbabago kay Hera. Hindi ito ang Hera na itinuring niyang kaibigan at kapatid. Hindi ito ang Hera na kakampi niya sa lahat ng bagay noon. Wala na ang Hera na 'yon. Para kay Shebah, patay na ang Hera na pinagkakatiwalaan niya.

"Mamamatay ka rin, Hera! Hindi ka kailanman magtatagumpay!" sagot ni Shebah na ginantihan lang ni Hera ng isang napakalakas na pagtawa. Natigil lamang siya noong biglang nagsalita si Valgemon.

"Kailangan mo nang bumalik sa mundo ng mga tao at baka hinahanap ka na ng mga bata. Baka makahalata pa sila at mabulilyaso pa ang plano natin," sabi ni Valgemon.

"Masusunod, Lord Valgemon." Hera snapped her fingers and in an instant, naging kamukha na niya si Shebah. Mula sa itsura nito at sa damit na sinusuot nito ay hindi mo talaga mahahalata na hindi siya si Shebah.

"Isa kang traydor, Hera!" sigaw ni Shebah. Lalong humigpit ang pagkakapulupot sa kaniya ng ahas at halos hindi na siya makahinga. Pero sa loob niya, sa isipan at sa puso niya ay isinusumpa niyang siya ang papatay kay Hera. Lalong napuno ng galit ang puso niya noong muling nagsalita si Hera.

"Kung ako ay isang traydor, isa ka namang tanga, Shebah. Tanga kayong dalawa ni Heiro para iligtas at protektahan sina Aria at Fire!" Hera said before she totally disappeared.



Miss Ai

Continue Reading

You'll Also Like

3M 76.4K 62
"Maitatama ba ang kasalanan pagtinago ang katotohanan?" Lucy is just a typical young adult, she's fierce, bold, smart, pretty, curious, easy going pe...
1.4M 95K 89
There's a secret in his every bite. *Cover is not mine. Credits to the rightful owner.
280K 21.3K 34
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
1.1M 29.9K 75
[Trinnity High 1st Series] Madness lies within us all. Welcome to Hell.