DG Series #3: Never Gonna Let...

By lhiamaya

797K 26.7K 2.6K

Limang taon ng ginugulo ang isip ni Atlas ng isang babae sa kanyang nakaraan. Pilit nyang kinakalimutan ito a... More

A/N
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
END
Special Chapter

Chapter 23

17.3K 646 51
By lhiamaya

Jolene

NAKULONG ang pagsinghap ko sa loob ng bibig ng biglang sakupin ni Atlas ang aking labi. Tila may bolta boltaheng kuryente ang dumaloy sa bawat himaymay ng mga ugat ko patawid sa puso na ikinabilis ng tibok nito. Kasabay din niyon ang sensasyong ilang taon ko ng hindi naramdaman. May pananabik at takot akong nararamdaman. Nasabik ako na muli kong naramdaman ang mainit nyang halik pero may takot din akong nararamdaman na baka muli akong malulong at hirap na namang makaahon.

Naging madiin ang halik nya. Iniipit ng kanyang labi ang labi ko. Natataranta ang aking puso at nakikipag talo sa aking isip na nagmamatigas na tugunin ang kanyang halik. Pero sa huli ay nanaig ang alab na nasa aking puso. Natagpuan ko ang sariling tumutugon sa kanyang halik.

Naging mapusok ang halik na pinagsasaluhan namin. Malikot ang bawat galaw ng labing sabik na sabik sa isa't isa.  Kinabig pa nya ang batok ko at mas nilaliman pa ang halik. Hindi naman ako nagpatalo at gumanti din ng malalim na halik. Nilukob na rin ng pamilyar na init ang aking katawan. Darang na darang na ako sa init ng halik na aming pinagsasaluhan.

Hanggang sa may kumahol na aso sa harapan ng gate ng compound na ikinagulat ko. Mabilis kong tinulak sa dibdib si Atlas. Namimilog ang aking mata habang habol ko ang aking hininga. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na tila may naghahabulang mga daga sa loob.

Nilingon ko ang aso sa gate. May tinatahulan syang grupo ng mga kabataan na naglalakad at medyo maingay. Bumalik ang tingin ko kay Atlas na mapupungay ang matang nakatingin din sa akin.

"Sugar.." Anas nya at tinaas ang kamay. Akmang hahaplusin nya ang pisngi ko pero mabilis akong lumayo at tumayo.

"P-Papasok na ako sa loob. M-Matutulog na ko." Nauutal na sabi ko at dali daling pumasok sa loob. Malalaki ang hakbang na tinungo ko ang kwarto at pumasok sabay lock. Sumandal ako sa likod ng pinto sapo ang kumakabog na dibdib.

Sinandal ko ang ulo sa pinto at pumikit ng mariin. Tila naman tuksong naglalaro sa isip ko ang ginawa naming halikan ni Atlas kanina sa labas. Nararamdaman ko pa nga ang labi nya sa labi ko. Kung paano nya ito ipitin at sipsipin. Kung hindi pa kumahol ang aso ay baka kung saan pa kami humantong. At mabuti na lang madilim sa may terrace.

Kung bakit naman kasi ang bilis kong bumigay. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Kaya iniiwasan ko talagang madikit sa kanya lalo na kung kaming dalawa lang dahil ganito ang mangyayari.

'Kalokah ka naman Jolene! Ang rupok rupok mo! Haplos at yakap lang nya bumigay ka na agad.' Sermon ko sa sarili.

Dumilat ako at humugot ng malalim na hininga para kalmahin ang nagwawala kong puso. Pero wa epek. Lalo lang itong nagwawala kapag sumasagi sa isip ang nangyaring halikan kanina.

Ipinilig pilig ko ang ulo at humiga na sa kutson ko.

Pero ilang minuto na akong nakapikit ay di na namumbalik ang antok ko at tila nanunuksong paulit ulit kong nakikita sa isip ang halikan namin ni Atlas kanina. Kinuha ko ang isang unan at itinakip sa aking mukha sabay tili ng tahimik. Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko tuloy alam kung paano ko haharapin ang kumag na yun bukas.

.

.

Hihikab hikab ako paglabas ng kwarto. Naabutan kong nasa mesa na si Jeremiah at nasa harap naman ng kalan si Atlas at nagpiprito. Marunong na syang magprito ng itlog, hotdog at ham. Marunong na rin syang magsaing sa kalan. Hindi pa nya ako napapansin dahil tutok na tutok ang mata nya sa pagpiprito. Binistahan ko naman ang kabuuan nya. Naka t-shirt lang sya at itim na cotton shorts pero ang lakas pa rin ng dating nya. Naggagalawan ang mga masel nya sa braso kapag kumikilos sya.

Ipinilig pilig ko ang ulo at iniwas na ang tingin sa kanya. Nawiwili na naman akong pagmasdan sya kapag hindi sya nakatingin gaya noon.

"Good morning po mama."

Bumaling ako kay Jeremiah na binati ako. Doon naman lumingon sa akin si Atlas pero di ko na sya tiningnan. Hindi ko yata kayang salubungin ang tingin nya.

"Morning baby ko." Lumapit ako sa anak at hinalikan sya sa ulo. Yumakap naman sya sa bewang ko.

"Morning sugar." Malambing na bati din sa akin ni Atlas.

"Morning." Malamyang sabi ko na hindi tumitingin sa kanya.

"Malapit ng matapos tong piniprito ko hotdog na lang." Saad ni Atlas.

"Papa di po sunog yan?" Tanong ni Jeremiah.

"Syempre hindi. Marunong na kayang magluto si papa." Pagyayabang ni Atlas sa anak.

"Prito lang naman alam mo po lutuin papa eh." Inosenteng bira ni Jeremiah na ikinangisi ko.

Nabura naman ang ngisi ni Atlas. "Ikaw talaga anak lagi mo na lang binabara si papa. Hayaan mo magaaral pa akong magluto para sa inyo ni mama."

Kumislot naman ang puso ko sa sinabi nya. Talagang nage-effort sya para sa aming mag ina.

"Heto na ang pandesal mainit init pa." Malakas ang boses na sabi ng pinsan kong si Leah na kapapasok lang at may dalang paper bag ng pandesal. Lumapit sya sa mesa at nilapag iyon doon. Binuksan naman yun ni Jeremiah at kumuha ng isa.

"Dahan dahan lang anak mainit yan." Paalala ko sa anak.

"Opo mama." Hinipan hipan nya muna ang pandesal bago kinagat.

"Kakain na tayo." Nilapag ni Atlas ang pinggan na may lamang hotdog at itlog sa gitna ng mesa.

Humihikab na kumuha naman ako ng mga plato at kutsara. Si Leah naman ay nagsandok na ng sinangag at sabay sabay na kaming kumain.

Hindi ko naman mapigilan ang paghikab sa gitna ng almusal.

"Mukhang antok na antok ka pa insan ah. Hindi ka ba nakatulog kagabi?" Untag ni Leah sa akin.

Natigilan naman ako at tumingin kay Atlas na may nakasungaw na ngisi sa labi. Naginit naman ang pisngi ko at inirapan sya. Malamang iniisip nya na sya ang dahilan kung bakit ako antok na antok pa.

Tumikhim ako. "Hindi.. ano.. nakulangan lang ako sa tulog. Napagod ako sa production kahapon eh." Palusot ko.

Tumango tango naman si Leah pero may kakaibang kislap sa kanyang mata at may pilyang ngisi din sa labi. Nahihiwagaan tuloy ako.

Tinuloy ko na lang ang pagkain para makapagasikaso na.

-

Nakatanaw ako sa labas ng bintana ng kotse habang binabaybay ang kahabaan ng kalsada patungo sa planta. Kahahatid lang namin kay Jeremiah sa school at ako naman ngayon ang hinahatid ni Atlas sa planta. Araw araw din nya akong hinahatid sa planta. Noong una ay tumatanggi ako pero sobrang kulit nya kaya hinahayaan ko na lang sya dahil baka malate pa ako sa pilitan namin.

Sa gilid ng mata ko ay nakikita kong pasulyap sulyap sya sa akin na tila may gustong sabihin. Alam ko naman kung ano ang gusto nyang sabihin. Ano pa nga ba eh di yung tungkol sa kagabi.

Tumikhim sya. "Sugar."

Pumikit ako at humugot ng malalim na hininga. Ito na nga.

"Ano?" Walang kabuhay buhay na tanong ko.

"Yung.. nangyari kagabi."

Tumingin ako sa kanya at tinaasan sya ng kilay. "Ano naman ang tungkol don?" Kunwaring di ako apektado.

"Hinalikan mo ko kagabi."

Namilog ang mata ko at napaawang ang labi sa kanyang sinabi.

"Anong hinalikan kita? Ang kapal mo! Ikaw ang humalik sa akin no." Sikmat ko sa kanya.

Ang kapal ng mukha neto.

Tumawa sya. "Oo nga pala. Ako pala ang unang nanghalik akala ko ikaw eh. Grabe ka rin kasi humalik kagabi."

Lalong nag init ang mukha ko. Pinalo ko sya sa braso.

"Ang kapal mo talaga! Nadala lang ako no!"

Gumuhit ang ngisi sa kanyang labi. May kislap din ng kapilyuhan ang kanyang mata.

"Nadala ka kasi namiss mo ang halik ko no?" Nanunuksong sabi nya.

Umawang na naman ang labi ko. Ngali ngaling sabunutan ko sya kung hindi lang sya nagmamaneho.

"Heh! Ewan ko sayo! Hanap ka ng kausap mo." Asik ko sa kanya at humalukipkip. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Aminin mo na kasi sugar na namiss mo ang halik ko." Turan nya sabay sundot sa tagiliran ko na aking ikinaigtad. Tumawa naman sya ng malakas.

Sinamaan ko sya ng tingin. Ramdam ko namang sobrang pula na ng mukha ko.

"Magtigil ka Atlas ha, kung hindi ito na ang huling hatid mo sa akin." Banta ko.

Tumigil naman sya sa pagtawa at mariing pinaglapat ang mga labi. Pero nakaguhit pa rin sa kanyang mukha ang kapilyuhan.

Inirapan ko naman sya. Ayoko na syang kausap.

"Sugar."

"Ano na naman?"

Mariin akong napapikit sa pagkadismaya sa sarili.

'Shet naman Jolene, akala ko ba ayaw mo syang makausap.' Sermon ko sa sarili.

Nahigit ko ang hininga ng kunin nya ang kamay ko. Akmang hihilahin ko ito pero mahigpit nya itong hinawakan. Tumingin sya sa akin. Seryoso na ang kanyang mukha at wala ng bakas ng kapilyuhan.

Ngumiti sya. "Alam mo bang sobrang saya ko kagabi? Halos di rin ako nakatulog sa kakaisip sa halik na pinagsaluhan natin."

Napalunok ako ng dalhin nya ang kamay ko sa labi nya at hinalik halikan ito habang ang mata ay pasulyap sulyap sa akin at sa kalsada. Lalo namang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Akala ko nga itutulak mo ko at sasampalin kagabi. Akala ko wala ng katugon ang nararamdaman ko sayo."

Napalunok ako. "Atlas -- "

"Sugar." Putol nya sa sasabihin ko at hininto sa gilid ng kalsada ang kotse.

"Bakit mo tinigil ang kotse? Male-late na ko."

"Ilang minuto lang sugar, may gusto lang akong sabihin." Mapupungay ang mga mata nyang nakatingin sa akin.

Bumuntong hininga ako. Parang hindi ako handa sa kung anuman ang sasabihin nya at kinakabahan ako.

"Atlas kung anuman ang sasabihin mo pwedeng mamaya na lang sa bahay. Male-late na ko."

Pinisil pisil nya ang kamay ko. "Saglit lang to sugar."

Mukhang di na sya makakahintay ng mamaya.

"Ano ba kasi yun?"

"Sugar, mahal kita. Mahal na mahal pa rin kita."

Naumid ang dila ko sa sinambit nya. Lalong nagwala ang puso ko sa loob at tila gusto ng kumawala. Ito ang salitang matagal ko ng gustong marinig sa kanya noon.

Kumagat labi ako. Pinipigilan ko ang luha kong gustong pumatak.

"T-Totoo? Baka pinapasakay mo lang ako." Nauutal na wika ko.

Umawang ang labi nya at nagsalubong ang kilay. "Of course not sugar! Totoong mahal kita. Noon pa man mahal na kita. Kahit kelan di nawala ang pagmamahal ko sayo."

"B-Baka nagsisinungaling ka lang."

Lumungkot ang kislap sa kanyang mata. "Ano naman ang magiging dahilan ko para magsinugaling sayo."

"E-Ewan ko. Natatakot na akong umasa, masaktan at mabigo."

"Hindi ko ipagsisiksikan ang sarili ko sayo kung hindi kita mahal Jolene."

Pumatak ang luha ko sa pisngi. Mabilis ko naman itong pinahid.

"Baka mahal mo lang ako dahil may anak tayo."

"Mali ka. Mas lalo lang kitang minahal."

Sunod sunod ng pumatak ang luha ko at tuluyan ng natibag ang pader na hinarang ko sa pagitan naming dalawa.

Pinalo ko sya ng mahina sa dibdib. Kinabig naman nya ako at niyakap ng mahigpit habang paulit ulit nyang sinasabi na mahal nya ako.

*****

Pasensya na mga beks kung ngayon lang ako nakapag update. Hindi ako mapagconcentrate sa pagsusulat dahil sa isang linggong pag uulan. Binaha pa ang lugar namin dito sa Bulacan. Sana ok lang din kayo. Ingat palagi at magdasal.

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 141K 28
Yuka wants nothing in the world more than a good old rags-to-riches kind of story. She's dealt with the rags part of it and trying to get to the rich...
11.6M 472K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
8.6M 147K 46
Always the bestfriend but never the girlfriend
1M 29.5K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...