𝐑𝐄𝐒𝐓 𝐌𝐘 𝐒𝐎𝐔𝐋 | Bloo...

By arynvel

35.2K 899 414

𝐆𝐢𝐥𝐥𝐢𝐚𝐧𝐚 𝐀𝐥𝐜𝐚𝐥𝐝𝐞 has guarded a powerful secret for years, known only to a select few, not unti... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
AUTHOR'S NOTE
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37

Kabanata 8

1K 21 8
By arynvel

Hatid

It's been a week since our classes at Lyceum-Northwestern University started. Freshmen week ang nauna kaya karamihan sa mga department ay walang klase, ang iba naman ay nag start agad gaya sa allied health.

"She's pretty, and kind. I'm just worried that others may harm her because of her family status," Masayang pagkwekwento ko kay kuya ngunit napawi rin naman at napalitan ng lungkot ng maalala kung papaano makatingin ang iba sa kaniya.

Simula ng magsimula ang klase ay hindi ko inaasahang magkakaroon ako ng kaibigan. I don't have any friends back in high school because they think I'm weird for some reason, of course not, hindi ako weird.

"Who are we talking?"

Napahalukipkip ako sa tanong ni kuya habang pinapanood itong magdilig ng halaman gamit ang hose, my brother is topless revealing his tanned and well-toned body. He's wearing a jeans and no slippers.

Basa na rin ang katawan nito dahil inayos pa nito ang hose dahil nasira iyon bago siya magdilig ng mga halaman namin sa bakuran. Nakaupo ako ngayon sa hagdanan ng mansiyon sa labas habang napapairap na pinapanood siya.

"My friend, kuya! I told you already, her name is Audrina Arisha Veronica Santiago!"

Nakita ko ang pagngiwi nito ng banggitin ko ang buong pangalan ni Audrey. Nilingon ako nito bago sumagot.

"Ang haba naman ng pangalan niya," Komento nito. Nagkibit balikat naman ako bago nagpatuloy sa pagkwekwento.

"Hindi ba't may trabaho ka kila Gov? baka makita mo siya," Dagdag na sabi ko pa sa kaniya. This time, he shrugged. Napabuntong hininga naman ako bago siya pinagmasdan.

Nitong mga nakaraang linggo rin ay nagkaaksidente sa trabaho ni kuya dahilan para masugatan siya. Hindi naman ganon kalalim ang sugat na natamo niya, pero inabisuhan pa rin kami ng doktor na huwag muna siyang maggagagalaw.

Nuong isang araw naman ay pinilit nitong magtrabaho kaya naman nagalit si papa at wala ng nagawa si kuya kundi ang makinig. Nagkaroon tuloy siya ng maliit na sugat sa noo, kahit na ganon ay gwapo pa rin naman.

Kaya naman eto siya ngayon at nasa bahay, kung hindi nagiging hardinero ay nag aayos naman siya ng kung ano ano sa loob ng bahay. Mamaya ay aalis na rin ako at bababa na, maaga ang klase ko bukas.

Maayos naman na si kuya, kaya nga lang ay pinagbabawalan na siya ni papa na makisama sa ibang mga trabahador na may mga delikadong trabaho. But knowing my brother, he's as stubborn as me. Mana mana lang.

Hindi ko pa rin nasasabi sa kaniya ang pagtatrabaho ko sa Starbucks, humahanap pa ako ng magandang tiyempo at sa tingin ko ay hindi pa ito ang tamang panahon.

"Baby girl!" Napairap ako ng makita ang humangos na si Mavi na kakapasok lamang ng gate namin, kunwari pa ay maluha luha itong dumalo sa akin at niyakap ako.

"Miss na kita, miss mo rin ba ako?"

I rolled my eyes once again after hearing his stupid voice. Hindi ko kasi pinapansin ang mga ito sa eskwelahan, iyon rin kasi ang napagkasunduan namin ni kuya at alam kong nasabi niya na rin ito sa dalawa.

Sadyang OA lang si Mavi

Gaya noon ay takot pa rin si papa at kuya na masangkot ako sa kung ano anong usapan dahil sa pamilya namin, mas mabuti nga iyong hindi ako kilala ng ibang tao. Mas kokonti ang nakakaalam, mas madaling itago.

Even my only friend, Audrey, didn't know. Hindi ko siya sinabihan, hindi sa wala akong tiwala ngunit iyon na kasi ang napagkasunduan namin ni kuya at papa. Nalaman ko rin kasing siya pala ang nag-iisang anak ni Governor Santiago, mahirap nang masangkot pa uli sa politiko.

"Mavius," Sabay naming nilingon ang kakapasok lang sa gate na si Iverson.

Mariin nitong tinawag ang pangalan ni Mavi, napapabuntong hininga na lumayo ito bago tumayo at inilagay ang dalawang kamay sa batok. Pinagmasdan ko ang dalawa na maglakad papalapit kay kuya.

Speaking of the devil, I remember how shocked I am when I came to view his examination papers. Alam kong matalino si Iverson—actually, silang tatlo—hindi lang halata kay Mavi. Pero wala namang nakapagsabi sa akin na ni isang tanong sa papel niya ay wala siyang mintis.

"The fuck?" Narinig kong malutong na mura ni Iverson kaya nilingon ko silang tatlo.

Si Mavi na ang may hawak ng hose na pandilig ni kuya at nakatutok iyon sa basang basa ng si Iverson. Gaya ni kuya ay wala na ring damit pang itaas si Mavi at tanging nakasuot na lamang ito ng pantalon at puting sapatos.

Iverson on the other side is still wearing his wet black shirt, masama itong nakatingin kay Mavi na tuwang tuwa naman na binabasa ang kaibigan. Pinapanood lamang ni kuya ang dalawa at kung minsan ay nakikitawa pa sa kalokohan ng isang kaibigan.

"Fuck you," Muling mura ni Iverson kay Mavi bago nito mabilis na hinubad ang basang basa nitong damit.

Oh...My...God.

Wala sa sariling napapaypay ako sa sarili kahit na mahangin naman dahil nasa labas kami.

"Pass, kita ko yung sa'yo. Masakit yan," Nakangising biro sa kaniya ni Mavi bago muling itinutok ang hose sa mukha ni Iverson dahilan para mabasa uli ito.

Iverson is now dripping wet.

Mas lalong dumilim ang mukha ni Iverson dahilan para mapatakbo ang isa ng humakbang ito para habulin siya. Iniwas ko ang tingin sa kanila, tumayo na rin ako at pumasok sa loob.

Pakiramdam ko ay biglang uminit ang paligid kahit pa na ang hangin hangin. Napasampal ako sa magkabilang pisnge ng makapasok ako sa loob ng mansiyon.

Ano bang nangyayari sa akin? Hindi naman na bago sa akin ang makakita ng hubad barong lalaki, may kapatid akong lalaki at may ama rin ako, hindi na bago 'yon sakin.

And Mavi, ilang beses ko na rin siyang nakitang topless dahil pagka naglalaro sila noon ni kuya ng basketball ay wala silang damit pang itaas.

B-But I-Iverson...

Earl freaking Iverson! He's...he's...

"Gilian, samahan mo muna ako rito,"

Natauhan lamang ako ng marinig kong tawagin ako ni kuya na nasa kusina na pala, napapalunok na lumapit ako sa kaniya at nakita itong naghahanda ng meryenda.

Napapabuntong hininga na tinulungan ko siyang dalhin ang meryenda sa labas, naabutan namin ang dalawa na parang batang naglalaro pa rin sa damuhan.

"You're going to pay for this," I heard Iverson's threatening voice. Hindi ko na ito nilingon dahil baka mamula nanaman ako.

"Magkano ba?" Tumawa ni Mavi, tunog nang aasar pa rin.

Maya maya ay naramdaman ko ang yabag ng dalawa kaya naman lumapit ako sa tabi ni kuya at doon dumukot ng meryenda. Tatawa tawang lumapit sa amin ang dalawa, parehong basang basa ang katawan.

"Ano 'yan, juice? Gusto ko ng alak, Kyros!"

I rolled my eyes on Mavi's complaint and request.

"Tanghaling tapat, tanga." Iverson scoffed.

"Wag kang mag meryenda kung ganon," Sabi ni kuya.

Imbes na magreklamo uli ay mas lalong natawa si Mavi, napailing na lamang ako. Panay na lang talaga ang katarantaduhan ng lalaking 'to, magugulat ka na lang talaga na nagseseryoso pala siya sa pag-aaral. Ugaling dugyot kasi.

Nagpatuloy ang dalawa sa pagbabangayan sa terrace kung saan kami ngayon nagmemeryenda, wala si papa at may inaayos sa bukid. Akmang magsasalin na sana ako ng juice sa baso ng maunahan ako ni Iverson sa pitsel.

Napanguso ako habang inaantay itong magsalin sa baso, nang matapos ito sa paglalagay ng juice sa baso ay kukuhanin ko na sana ang pitsel ngunit ang basong sinalinan niya ang ibinigay niya sa akin.

Oh...

"T-Thanks," Sabi ko sabay inom ng juice. Tumango lamang ito bago nagsalin uli sa panibagong baso.

"Ay bro," Narinig kong tawag ni Mavi sa katabi matapos itong uminom sa baso.

"What?" Parang inis pang sagot ni Iverson.

"Yung chic sa CDD, hiningi number mo." Makahulugang sabi sa kaniya ni Mavi.

CDD or Colegio de Dagupan is a university a bit far from our school, malapit lang doon ang sakayan ng bus. Kung doon ka sasakay ay makakaupo ka kaagad dahil doon ang unang ruta ng bus pauwi.

Iverson raised a brow at Mavi. "And?"

Umangat ang gilid ng labi ni Mavi at lumapit pa sa gilid ng tenga nito at bumulong. Iyong bulong na rinig naman namin ni kuya.

"Binigay ko na, bro." Para pang proud na bulong ni Mavi.

"Siraulo," Singhal sa kaniya ng kaibigan.

"Kyros, palayasin mo na nga ang gagong 'to." Sabi pa ni Iverson kay kuya.

Natawa lamang si kuya sa sinabi niya bago nagpaalam na maliligo muna kaya nauna na itong pumasok sa loob. Naiwan ako sa harapan ng dalawa, hindi mapigilang bumaba ng mata ko sa hubad barong katawan ni Iverson.

Hindi ko siya minamanyak, okay? I'm just appreciating—no, that sounds like a pervert. Well, uhmm, back to where I was saying, ngayon ko pa lamang kasi siyang nakitang walang suot na damit pang itaas.

"Seryoso, binigay ko nga. Hot niya bro, di ko sana ibibigay number mo kaso kawawa ka naman." Rinig kong sabi pa ni Mavi.

"Cute rin naman 'yon, ganon mga type mo, diba? Maliit," Dagdag pa nito bago tawa. Maya maya pa ay nagpaalam na rin ito na kukuha ng damit sa kwarto ni kuya.

Nang makaalis si Mavi ay hindi pa rin natitinag ang atensyon ko sa hubad barong katawan ni Iverson. I know, I know very well that it's rude to stare lalo na't sa kaniya pa—we're not even close enough like Mavi para hindi ako mamula kung maghubad man ito ng pang itaas na damit sa harapan ko.

"Eyes up here, princess."

My body stilled when I felt his fingers touching the bottom of my chin, slowly lifting it up making me look at his eyes. His pair of black orbs met my brown ones, para akong hinahagod ng tingin ng mga mata nito mula taas hanggang baba.

"Sorry," Sabi ko sabay tikhim at tinalikuran na siya.

Nagmamartsa akong nagpunta sa taas at isinubsob ang mukha sa malambot na kama. Gusto kong magisigaw sigaw sa kahihiyan ngunit pinigilan ko na ang sarili baka marinig pa nila sa baba.

Kinahapunan ay silang dalawa ang naghatid sa akin sa bahay na pansamantala kong tinitirahan. Kahit pa na ayaw ko ay wala rin naman akong magagawa dahil si kuya na ang nagsabi na makisabay na ako kina Iverson.

Hindi dinala ni Mavi ang motorsiklo niya, tinatamad na ata. Kaya naman talaga no choice kundi sumabay kay Iverson, si Mavi ay panay pa rin ang daldal sa loob ng kotse. He's talking about his past and current flings, kaming dalawa na nakakarinig ay hinahayaan lamang siya.

Agad akong nag-iwas ng tingin ng magtama ang mata namin ni Iverson sa harapang salamin ng sasakyan nito, ipinilig ko ang ulo at nagkunwaring tinatanaw ang tanawin sa labas kahit na wala naman akong makita at gabi na.

Tanging ang ilaw lamang sa headlights ng sasakyan ang nagbibigay sa amin ng liwanag sa daan, maging ang liwanag na nanggagaling sa buwan.

"Inaantok na ako, nap muna ako sa kwarto mo, baby girl."

Napairap ako ng marinig si Mavi, kitang kita ko naman ang pagkunot ng noo ni Iverson. Sumama ang mukha nito ngunit nanatili pa rin ang mukha sa daan.

"Payag ka naman diba? Tapos cuddle tayo, masarap akong—"

"Putangina!" Mura ni Mavi ng hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil biglang bumilis ang paandar ni Iverson sa sasakyan ng makarating kami sa hindi baku bakong kalsada.

Muntikan na kasi itong mapasubsob sa dashboard ng sasakyan, Mavi didn't put on his seatbelt because according to him weakshit ang mga nagseseatbelt at maangas siya.

Hindi naman ako natinag dahil nakaseatbelt ako gaya ni Iverson, kitang kita ko ang pagsama ng mukha ni Mavi habang nakaharap sa kaibigan. Agad nitong isinuot ang seatbelt at ipinagpatuloy ang masamang titig kay Iverson.

"Are you trying to get myself killed?!" Pagalit na tanong ni Mavi sa kaibigan matapos nitong masuot ang seatbelt niya.

"No, why would I?" Bakas ang sarkasmo sa boses ni Iverson ng sagutin niya ang kaibigan. Nanunuya ang boses nito habang nakataas ang sulok ng labi.

"Tangina, paano kung nabangasan ang guwapo kong mukha?" That's what Mavi says.

"Maraming babae ang iiyak," Dagdag pa nito.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5K 366 44
(Eleazar Cousin's Series #2) High School Reunion. Kung saan, muli mong makikita ang taong mga naging parte ng buhay highschool mo. Pati na rin ang ta...
782K 18.8K 43
(Delilah Series # 3) "You were my father's mistress. How else do you want me to treat you?" Halos matumba ako sa bigat na dumagan sa puso ko dahil sa...
497K 9.8K 48
PUBLISHED under Immac PPH ***** "You better learn to love yourself kasi ako, mahal ko ang bawat sulok ng pagkatao mo" ***** Known as an outstanding l...