ISANG MABUTING MAGULANG O ISA...

By merryvie

6.7K 6 2

More

ISANG MABUTING MAGULANG O ISANG MABUTING ASAWA?

6.7K 6 2
By merryvie

Kung ikaw ang papipiliin, ang pagiging isang mabuting ina/ama (magulang) o ang pagiging isang mabuting asawa?

Kung tutuusin, sadyang napakahirap ang sitwasyon ng isang magulang at asawa. Mahirap manimbang kung iisa lang ang dapat mong katigan.
Mayron tayong iba't ibang karanasan sa buhay pagdating sa pagiging asawa at pagiging ina/ama...
At sa bagay na iyan, kung ako man ay pipili ng panig, sa aking opinion ay mas pipiliin ko ang maging isang mabuting magulang.

Una, isaalang-alang muna natin ang stages o ang panahon na kailangang-kailangan ng anak ang isang ina/ama.
Mula pagkapanganak hanggang sa siya ay makatapos ng pag-aaral. Although ang pagiging isang magulang ay hindi kailanman matatapos hangga't ikaw ay nabubuhay, lalo na sa ating mga Pilipino na kung saan, kasama na sa kultura ang sabi nga ay "close family ties".
Matatapos lang ang responsibilidad mo kapag yumao ka na, kahit pa sabihing at the age of 18, independent na ang isang anak, at may kakayahan na siyang magdesisyon para sa kanyang sarili, hindi pa rin maiiwasan na minsan, kundi man kadalasan, sa magulang pa rin sumasandal ang mga anak kahit pa sabihin nating nasa hustong gulang na sila..
Pag nasa hustong gulang naman na ang mga bata, kapag kaya na nila kahit paano ang mag-isa, hindi na nila gaanong kailangan ang buong atensiyon ng magulang. Guidance na lang ang higit nilang kailangan.

Mahirap pagsabayin ang pagiging isang mabuting ina/ama at isang mabuting asawa, sa panahong maliliit pa ang mga anak ninyo.
Lalo na kung ikaw ay mahirap lamang, walang pangsweldo sa yaya, kaya ikaw mismo ang mag-aalaga sa mga anak mo.
Ngayon, sa madaling sabi, sa panahong ito na maliliit pa ang mga anak ninyo, doon nila kailangan ang isang ina/ama, na kadalasan, "napapabayaan" ang asawa.
Generally and practically speaking, lalo na ang mga mister, dito na nagkakaroon ng problema ang mag-asawa dahil hindi nila maintindihan ang sitwasyon ng isang mabuting magulang.
Kadalasan, si mister ang hindi makaintindi. Sinasabi niyang pinapabayaan siya ng misis niya, kung kaya naman naghahanap siya ng atensiyon mula sa iba.
Dito na pumapasok ang "kerida"...

Subalit, kung ikaw ay isang mabuting mister, bakit hindi mo maintindihan na ang inaasikaso naman ng iyong misis ay galing sa iyong dugo at laman ng iyong laman?
Na kaya naman kadalasan ay hindi ka niya naaasikaso ay dahil kailangang-kailangan siya ng iyong anak/mga anak?
Alalahanin mo, maliliit pa sila. Huwag ka namang makipag-kumpitensiya ng atensiyon sa iyong mga supling.
Unang-una, sila ay maliliit pa, wala silang kakayahang pagsilbihan ang sarili nila, wala silang kakayahang mag-isip pa kung ano ang mali at kung ano ang tama.
Isipin mo na lang ang mga ginagawa ni misis mo. Babangon sa umaga, magluluto ng agahan, maglilinis ng bahay, maglalaba, etc.
Pag nagising si anak, aasikasuhin, paliliguan, dadamitan, pakakainin/papasusuhin.
Nanay lang ang nakakagawa ng nagluluto habang nagpapasuso ng sanggol at hinehele may kasama pang free concert... Multi-tasking kung baga..
Heto pa: naglalaba habang inuugoy ang duyan ni baby, sabay pa ang pagluluto ng tanghalian.
E paano pa kaya kung may mga anak pa kayo na nasa elementarya? E di mas lalong kalbaryo ang feeling ni misis?
Sa umaga paggising niya, magluluto ng agahan, maghahanda ng baon at gamit ni kuya/ate, habang tulog pa si baby. Tapos, paliliguan pa niya, bibihisan, papakainin at ipapasakay sa tricyle papuntang school kundi man ihahatid kung malapit lang ang eskuwelahan, kalong-kalong si baby o kaya naman iniiwan muna sa kapitbahay.
 

Sa araw-raw na ginawa ng Dios, ganyan ang trabaho ni misis mo, ano naman ang nai-ambag mo sa kanya at sa inyong mga anak?
Sapat na ba na ikaw ang nag-uuwi ng pera tuwing kinsena at katapusan?
Tinutulungan mo ba naman siya kahit man lang maglaba ng lampin kapag wala kang trabaho? Magpalit ng diapers? Pakainin si baby?
O nasa upuang tumba-tumba ka lang at nanonood ng tv o nagbabasa ng diaryo?
O baka naman nasa kapitbahay ka at nakikipaghuntahan o nakikipag-inuman?
Alalahanin mo naman, asawa mo siya, hindi mo siya katulong, hindi mo siya yaya.

Ikaw na isang ama, mayroon ka nang sapat na pag-iisip at pang-unawa. Kung ikaw ay isang mabuting mister, bigyan mo naman ng pang-unawa ang iyong misis at ang iyong mga anak.
Tutal naman, pag malalaki na ang mga anak mo, hindi na nila gaanong kailangan ang misis mo, at sa panahong yan, sa iyo naman mapupunta ang buong panahon ng misis mo.

Hindi ko ito sinasabi bilang isang misis, kundi sinasabi ko ito base sa nakikita ko sa aking paligid.
Besides, nagsumpaan kayong magsasama sa hirap at ginhawa, kaya tumulong ka naman sa pag-aasikaso sa inyong mga anak para naman sa gano'n, may lakas pa siya at panahon para naman asikasuhin ka.
Hindi yung maghahanap ka na agad ng iba dahil sa "pinapabayaan" ka niya.
PANG-UNAWA lang naman ang kailangan, di ba?

Continue Reading

You'll Also Like

232K 277 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
154K 6.2K 55
(ʀᴇɪɴᴄᴀʀɴᴀᴛɪᴏɴ sᴇʀɪᴇs 1) Lalaine died in a car accident on her way to her sister's shop. but when she woke up she was already on the rooftop, she tho...
134M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...