Her Last Hope (Vista Alegre S...

By WhiteGelPen

2.5K 386 72

Sky Demeter Illarionova, a girl who was diagnosed with cancer, has to pretend and makes her friends and other... More

Disclaimer
Synopsis
Prologue
Chapter 01
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16

Chapter 02

159 25 13
By WhiteGelPen


"SKY..."

Napaayos si Sky ng upo sa gilid ng kama niya ng sumilip mula sa labas ng pinto ang kuya Skyde niya. Pumasok naman ito at tumabi ng upo sa kanya.

"B-Bakit k-kuya?"

Kinakabahan na naman siya. Kapag ganito lagi ka-seryoso ang kuya niya, tiyak na may nalaman na naman itong hindi maganda about sa kanya. Napabuntong-hininga na lamang si Sky habang hinihintay na magsalita ulit ito.

Baka nakarating na dito ang nangyari kanina sa first class niya.

"Ate Daisy talked to me. Hindi ka raw kumain ng lunch kanina" seryosong sabi nito sa kanya. Akala pa naman niya kung ano na.

Nag-angat naman siya ng tingin at dahan-dahang tumango. "Busog pa nam-"

"Really? Isang pirasong pizza roll lang ang kinain mo tapos sasabihin mong busog ka? You didn't eat your breakfast also kaninang umaga. Tapos tumakas ka pa at nag-commute na naman papasok sa Vista Alegre" nagtitimping sumbat nito.

Agad siyang napaiwas ng tingin sabay kagat ng ibabang labi niya. Here we go again...

"I know isusumbong mo na naman ako kay mom-"

"I will never do that"

"O di kaya kay dad-"

"Stop. Why would I do that?" he hissed.

Nagtaka naman siya. "Huh? I thought -"

Napailing naman ito at bumuntong hininga ng malalim. "Do you really think na isinusumbong ka namin everytime na napapagalitan ka ni mom?" Napayuko siya ng mabakasan ng hinanakit ang boses nito.

Iyon naman talaga ang naiisip niya everytime na pinapagalitan siya ng mom o di kaya ng dad nila. Ang mga ito lang naman ang laging nakakaalam sa mga pinanggagawa niya.

"No, Sky. At kahit isumbong ka pa namin, mom will always had her way para malaman ang lahat ng galaw natin sa loob ng school. You know her. She will do everything just to control our life..." paliwanag pa nito.

Our life? Bakit pakiramdam niya, buhay lang naman niya ang kino-kontrol ng mga ito?

She sighed again. "Sorry, kuya. Hindi na mauulit..."

"You should be-"

"Pero ayaw ko pa ring sumabay sa inyo papuntang Vista Alegre. Mas prefer kong mag-commute ng bus o di kaya tricycle..."

Napatingin naman sa kanya ang kuya Skyde niya. "Seriously? Mas gusto mong gumastos kaysa sumabay sa amin?" nagtatakang tanong nito.

Nakangiting tumango siya. "Yes. At isa pa, ano bang masama sa pag-commute?" tanong niya pa.

"It's very dangerous -"

"Danger is always present, kuya Skyde. Kailangan mo lang naman ay mag-ingat. Isa pa, I want to experience everything in my life, kuya. I want to live in a normal way just like what other people did..."

"I want to go to a place na walang ibang kasama kundi sarili ko lang. I want to learn anything in my very own way. Hindi ako kailan man magg-grow up if I choose to live and stay in my own comfort zone..."

Tinapunan niya ito ng isang seryosong tingin. "I want to know and define life in my own perspective, kuya Skyde..."

Tiningnan rin siya nito pabalik. "Paano kapag nalaman ni dad ang lahat ng pinanggagawa mo?" pananakot pa nito.

Tama ang kuya Skyde niya, nakakatakot naman talaga ang dad nila. All this time, sinunod niya naman ang mga ito. Kahit ilang beses na siyang napagsalitaan ng kung anu-ano, she still trying to obey them. Kahit ilang ulit pa siyang masaktan, ayos lang sa kanya iyon. Hindi na umaasa pa si Sky na magbabago ang trato ng mga ito sa kanya.

Okay lang siya, magiging okay din siya. She hope so.

Umiling lamang siya sa kuya Skyde niya at matamis itong nginitian. "Hindi naman niya malalaman 'yon, unless sabihin mo sa kanya"

Wala rin naman pakialam sa kanya ang daddy nila. Napapansin lang naman siya nito kapag may nagagawa siyang mali. Sanay na sanay na rin naman siya sa gano'n. 'Yong tipong mas matimbang pa ang kamalian niya kaysa sa mga nagagawa niyang mabuti.

Just like her. Makitaan lang siya ng pagkakamali, pakiramdam niya sobrang sama na niyang anak. Pinaparamdam talaga ng mga ito kung gaano siya kawalang-kwentang anak at kapatid.

Well, she's not overreacting. Nagb-based lang naman siya kung paano siya tratuhin ng mga ito.

Napailing naman ang kuya Skyde niya. Wala itong ibang nagawa kundi ang mapabuntong-hininga at tumango na lamang sa kanya.

"Just always be careful"

Napangiti naman si Sky. "I will, kuya... Don't worry."

"WE'RE having a seminar in Davao this coming weekend. Mga 3 to 4 days siguro kaming mawawala ng mom niyo"

A strict and serious voice of their father, Sebastian Illarionova, covered the congealing silence. They're currently having their late dinner dahil late na ring nakauwi ang mga ito kanina. Napansin naman ni Sky na bahagyang natigilan ang dalawang panganay na kapatid.

Samantala siya ay tila walang pakialam na nagpatuloy lamang sa pagsubo ng pagkain. Kahit naman makinig siya, wala rin siyang maiintindihan sa sinasabi ng dad nila. Sigurado siya na about business na naman ang tinutukoy nito. Wala namang bago do'n.

"And Sky?"

Nang banggitin nito ang pangalan niya, do'n lamang siya tumigil sa pagkain at inosenteng tinapunan ito ng tingin. Hindi niya alam kung bakit palagi nalang nadadawit ang pangalan niya. Halos araw-araw nalang siyang napapagalitan at pinagsasabihan ng mom at dad nila.

Nahirapan pa siyang lunukin ang pagkaing nasa loob ng bunganga niya kaya hindi niya magawang makasagot agad.

"P-Po?"

"Stay here with your brother and sister. Huwag puro gala ang inaatupag mo" anito sa kanya kaya naman walang nagawa si Sky kundi ang tumango.

Gala? Kailan naman siya gumala?

"Yes, dad. Pero-"

"What?" seryosong tumingin ito sa kanya, tinaasan pa talaga siya ng kilay. May gusto pa sana siyang sabihin pero hindi nalang niya itinuloy. Tipid na ngumiti lamang siya at nagpatuloy na sa pagkain.

Gusto niya mang sabihin dito na hindi naman siya gumagala. Hindi niya alam kung saan galing ang ideya na iyon. Umuuwi naman siya kaagad kapag dismissal na. Wala naman siyang ibang gagawin sa labas kundi ang tumingala sa kalangitan.To ask God and seek some miracles to happen.

"Isa pa, totoo bang hindi mo nagawang makasagot sa recitation niyo kanina?" dagdag pa nito dahilan kung bakit napatigil siya sa pagsubo ng pagkain. Paano nito nalaman?

Hays. Ngayon naniniwala na talaga siya na totoong may pakpak ang balita. Hindi na nakapagtataka kung bakit nakarating kaagad dito ang nangyari kanina.

Napayuko na lamang siya at dahan-dahang tumango dito. Wala rin namang saysay kung magsisinungaling pa siya di ba?

"Yes, dad. Sorry p-"

"You never fail to disappoint me, Sky. Kahit ba mga basic problem solving sa math hindi mo man lang magawang sagutan? First year college kana. Kaya dapat umayos ka" malamig ang boses na sermon pa nito sa kanya.

"Walang lugar ang kabobohan sa pamilyang ito. Always remember that."

"Dad!" suway ng kuya Skyde niya sa dad nila. Hindi naman ito pinansin ng kanilang ama at nagpatuloy nalang sa pagkain.

He's right. Walang lugar ang kabobohan niya sa pamilyang ito. Dapat kasingtalino siya ng ate Skylla at kuya Skyde niya. At kagaya ng mga ito, dapat may latin honor din siya.

Bobo mo kasi, Sky. Ipinanganak kang bobo, mamamatay ka ring bobo.

"LANGIT, sorry na..."

Hindi alam ni Sky kung matatawa ba siya o maaawa sa kaibigan. Kanina pa kasi ito hingi ng hingi ng sorry sa kanya. Papasok palang siya kanina sa gate ng Vista Alegre ay nakita niya agad ang malungkot na mukha nito. Inabangan pa talaga siya sa gate ng school.

"It's okay, Rui. Naiintindihan naman kita kung bakit nainis ka sa akin kahapon" pagpapagaan niya pa sa loob nito. Napasimangot naman si Ruin at tumabi ng upo sa kanya.

"Eh, sorry pa rin! Nainis lang talaga ako sayo kahapon. Ikaw naman kasi..." paninisi pa nito.

She just smiled at her. Hindi naman niya bini-big deal ang lahat ng mga iyon. Dagdag problema lang kapag nagkataon.

She continued reading her lecture notes. They'll be having a long quiz about their latest topic in Understanding the Self later. Nasa library siya ngayon. Dito niya kasi naisipang tumambay dahil masyadong mainit sa garden ng university. Hindi na rin siya nagulat pa sa biglang pagsulpot ni Ruin sa harapan niya.

"Pero seriously, manhid ka ba?" Napabuntong-hininga ulit ito. "You know what, Sky? If you're gonna ask me, hindi ko kayang tanggapin ang mga salitang iyon kasi wala naman silang karapatan na magsalita ng mga gano'n" saad pa nito sa kanya.

Natigilan naman si Sky sa pagr-review dahil sa sinabi nito. It's really hard to explain things they couldn't understand. Kahit ilang beses pa niyang ipaintindi sa mga ito ang dahilan niya, hindi pa rin naman ito maniniwala.

"I know, Rui. Hindi mo lang alam, pero iyon na lamang ang tanging paraan ko para hindi na lumala pa ang sitwasyon. Sa tingin mo ba maniniwala sa akin ang ibang tao if I try to complain? Hindi. Kung sariling pamilya ko nga hirap akong paniwalaan, 'yong ibang tao pa kaya?" she sighed.

Ito talaga ang pinaka-ayaw niya sa lahat, ang i-explain ang side niya. Pakiramdam niya kasi anytime bigla nalang siyang sasabog. Hindi naman kasi siya manhid. She's still a human. At kagaya ng ibang tao, may pakiramdam din siya. Hindi siya robot para hindi masaktan.

She was like a living bomb that always ready to explode any moment. Nagtitiis lang siya.

"Mas mabuti pa, mag-review na tayo. We will be having a long quiz later sa subject ni Ms. Meneses, right?" pag-iiba niya pa sa usapan. Nakita niyang napairap si Ruin pero tumango din sa kanya.

"Okay fine. Edi mag review!" medyo napalakas pa ang pagkakasabi nito kaya naman napalingon sa direksiyon nila ang ibang college students na naroon.

"Silence!" suway naman ng librarian.



A/N: Don't forget to vote and comment! Thankiesss.

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 98.4K 39
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
604K 32.2K 50
๐’๐œ๐ž๐ง๐ญ ๐Ž๐Ÿ ๐‹๐จ๐ฏ๐žใ€ข๐๐ฒ ๐ฅ๐จ๐ฏ๐ž ๐ญ๐ก๐ž ๐ฌ๐ž๐ซ๐ข๐ž๐ฌ ใ€ˆ๐›๐จ๐จ๐ค 1ใ€‰ ๐‘ถ๐’‘๐’‘๐’๐’”๐’Š๐’•๐’†๐’” ๐’‚๐’“๐’† ๐’‡๐’‚๐’•๐’†๐’… ๐’•๐’ ๐’‚๐’•๐’•๐’“๐’‚๐’„๐’• โ˜†|| ๐‘บ๐’•๐’†๐’๐’๐’‚ ๐‘ด๏ฟฝ...
688K 15.7K 51
"Real lifeแ€™แ€พแ€ฌ แ€…แ€€แ€ฑแ€ธแ€€แ€ผแ€™แ€บแ€ธแ€œแ€ฝแ€”แ€บแ€ธแ€แ€ฒแ€ท แ€…แ€”แ€ญแ€ฏแ€€แ€บแ€€แ€ผแ€ฑแ€ฌแ€บแ€†แ€ญแ€ฏแ€แ€ฌแ€™แ€›แ€พแ€ญแ€˜แ€ฐแ€ธ แ€•แ€ปแ€ฑแ€ฌแ€บแ€แ€„แ€บแ€žแ€ฝแ€ฌแ€ธแ€แ€ฒแ€ทแ€šแ€ฑแ€ฌแ€€แ€ปแ€ฌแ€บแ€ธแ€†แ€ญแ€ฏแ€แ€ฌแ€•แ€ฒแ€›แ€พแ€ญแ€แ€šแ€บ" "แ€แ€ฑแ€ซแ€„แ€บแ€ธแ€œแ€ฑแ€ธแ€•แ€ฒแ€Šแ€ญแ€แ€บแ€•แ€ฑแ€ธ Bae แ€™แ€„แ€บแ€ธแ€„แ€ผแ€ฎแ€ธแ€„แ€ฝแ€ฑแ€ทแ€›แ€œแ€ฑแ€ฌแ€€แ€บแ€กแ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€กแ€‘แ€ญ แ€„แ€ซแ€แ€ป...
3.9M 115K 116
Dr. River Johnson didn't know the consequences of sleeping with the Capo of the Sicilian Mafia. She didn't even remember his name or face. But then t...