The Sleepwalker Syndrome

By Serialsleeper

202K 12.9K 6.4K

"Forgive me for what I could do . . . when I fall asleep" More

foreword
red bear sticky note
prologue
chapter one | welcome hell
chapter two | the outcast
chapter three | madam laura
chapter four | fourth life
chapter five | look out
chapter six | red men
chapter seven | witness and evidence
chapter eight | good girl masha
chapter nine | bad little thea
chapter ten | gilbert's cellmate
chapter eleven | the good daughter's promise
chapter twelve | bogart and the boguards
chapter thirteen | the kids aren't alright
chapter fourteen | this is how you stay alive
chapter fifteen | monsters
chapter sixteen | the symptoms
chapter seventeen | the grudge
chapter eighteen | the suspect
chapter nineteen | leap of faith
chapter twenty : tainted
chapter twenty-one | hold on tight
chapter twenty-two | the last word
Chapter twenty-three | squished
chapter twenty-four | us against the island
chapter twenty-five | the bloody party
chapter twenty-six | the party continues
chapter twenty-seven | protect your pack
chapter twenty-nine pt. 1 | the price of survival
chapter twenty-nine pt. 2 | the price of survival
chapter twenty-nine pt. 3 | the price of survival
message from the author
chapter thirty | girl fight
chapter thirty-one | club for the lost and broken
chapter thirty-two | reset

chapter twenty-eight | the sleepwalker survival guide

4K 282 433
By Serialsleeper



Jordan


Whenever my mind is in chaos or my body is burning from any kind of pain, I run to sleep for comfort. However with what's going on right now, sleep will only mean death for me and the people around me. 

"You can do this. Just stay awake," I whispered and looked up at the shower above me, welcoming the hot water pouring down my face. The water felt relaxing, but as it hit my wounds and scratches, all I could feel was pain . . . which I welcomed wholeheartedly, knowing this pain is what will keep me from falling asleep completely. What will keep me from turning into a violent sleepwalking being. 

The spiked water bottles were simply just a theory. For all we know, there's another way for the virus to be transmitted. In the end, all of us could be infected, we just don't know it yet. I don't want to risk it, so I will just stay awake.

All of a sudden, memories from the massacred orphanage suddenly came flooding back my mind. I took it as my cue to turn the shower knob off, dry myself, and put on the fresh set of clothes that I packed inside my bag before heading out of the house.

Dressed in my baby blue shirt and brown shorts, I opened the bathroom door and saw Masha sitting on the bed while staring blankly ahead. 

"You don't like the clothes I brought?" pabiro kong kuha sa kanyang atensiyon sabay turo sa suot niyang white turtleneck sweater at shorts. "Sabagay, black turtleneck na 'yong suot mo kanina. But hey, the shorts are very comfortable whenever we're running for our—"

"Don't worry about me. I'm okay," she cut me off and smiled reassuringly. 

"Good." I grinned and pointed at the first aid kit box sitting on top of the bathroom sink. "Now, get in here and put first aid on my cuts."

Nakunot ang noo ni Masha. "Kay Arnold na lang kaya? 'Di ba medic siya noong high school tayo tapos doktor pa raw ang mama niya."

"Arnold's out there giving first aid to all of the guys," giit ko naman. "Baka mamaya makatulog 'yon sa sobrang pagod."

Masha sighed before standing up from the bed.

***

"Konting tiis, okay?" halos bulong na sambit ni Masha habang nilalapatan ng paunang lunas ang sugat sa gilid ng labi ko.

Bahagya akong tumango. Napakahapdi man, kahit papaano ay nagpapasalamat na rin ako kasi dahil dito ay nawawaksi ang antok na nararamdaman ko. At this point, pain is a friend that will keep us alive.

"Huwag ka ngang gumalaw," mahinang reklamo ni Masha. Nakakatuwa kasi kahit nagrereklamo, napakalambing at malumanay pa rin ng boses niya.

"Mas magalaw ka kaya. Tingnan mo, o? Nanginginig pa ang kamay mo," biro ko sabay baba ng tingin sa kamay niyang nanginginig habang marahang nagdadampi ng bulak sa sugatan kong labi.

"Hindi kaya!" Masha frowned, her lips curling into this really cute pout. She always does this whenever she gets annoyed, and I swear it's one of the cutest things in the world.

"Huwag ka ngang sumigaw. Sobrang lapit ng mga mukha natin, tumatalsik laway mo," I joked, trying to get her more riled up so I can keep seeing her cute little frown.

Umayos siya ng tayo at sa puntong iyon ay para nang umuusok ang ilong niya. Pulang-pula pa ang pisngi niya't nanginginig pa ang labi dahil sa pagpipigil ng tawa. "Laway ko? Eh, ikaw nga, naligo na't lahat-lahat, ambantot-bantot pa rin!"

"Mash, that's the smell of fear. I almost died like five times tonight," pabiro ko pang pagmamalaki.

Sa isang iglap, biglang sumeryoso ang mukha niya. Bago ko pa man siya masita, bigla niya akong niyakap nang mahigpit, dahilan para mapasandal ako sa lababo.

"Don't you dare die, okay?" Narinig ko ang pagpiyok ng boses niya, pati na ang pagbigat ng paghinga niya. My best friend was starting to cry in my arms and it hurt like hell.

Pilit akong tumingala at ngumiti habang nilalabanan ang sarili kong mga luha. Niyakap ko na lamang siya pabalik. "Mash, from now just focus on yourself and—" 

The bathroom door suddenly slammed shut, making us jump and yelp. I couldn't help but laugh over our synchronized reaction, imagining how foolish we would've looked. But Masha reacted differently. 

The Masha I know would've laughed with me, but instead, she quickly let go of me and ran for the door. She tried to turn the knob, but when it didn't open she started screaming and pounding on the door. "Shit! Buksan n'yo 'to! Buksan n'yo to! Nandito kami!"

I instinctively looked around the bathroom, trying to see what made her panic. However, all I could see were the tub, shower, toilet, sink, and the reflection of us in the mirror.

Masha kept banging on the door while screaming at the top of her lungs. Her screams got more and more desperate that it started to scare me.

"Mash, huminahon ka. They're literally just one room away from us," I said as firmly and calmly as I could. I even began walking up to her, but the moment I touched her shoulder, she suddenly freaked out.

"Lumayo ka sa 'kin! Huwag kang lalapit!" Punong-puno ng takot ang mukha niya nang itulak niya ako palayo. Lalo pa niyang pinaghahampas ang pinto habang sumisigaw, nagmamakaawang palabasin siya sa silid.

"Mash. . . " Nanlulumo man, umatras na lamang ako hanggang sa tuluyan akong makasandal ulit sa lababo.

Masha's screaming grew even louder as she began kicking and pounding on the door. She was crying, almost breathless. I've never seen her this terrified and desperate before.

Was she scared of me? Did she think I'll suddenly turn into a sleepwalker and kill her on the spot? Kung ano-ano na ang pumasok sa isip ko, hanggang sa maalala ko ang nangyari sa bahay. Was she scared of hurting me?

All of a sudden, we began to hear frantic footsteps coming from outside. And not long after, I saw their shadows under the door.

"Masha?!" Lincoln began calling out, panicked over Masha's screaming. "Shit! Lock ang pinto! Chad! Susi!"

"Jordan?!" Narinig ko naman ang boses ni Gil mula sa labas. "Lincoln, tabi! Lumayo kayo sa pinto!"

Masha didn't go away and she just continued her panicked pounding on the door. Scared that she'll get hurt if they force the door to open, I quickly ran toward her again and grabbed her by the hand.

"Masha, lumayo ka muna—"

"Huwag kang lalapit sa'kin!" sigaw muli ni Masha at marahas akong tinulak. Nagulat ako sa ginawa niya kaya hindi na ako nakabalanse pa.

Lumikha ng malakas na kalabog ang pagbagsak ko sa sahig, at kasunod naman nito ang lalong pagsigawan ng mga nasa labas.

Pero nang mga sandaling iyon ay nakatuon lamang ang gulat na gulat kong mga mata kay Masha. Maging siya ay nakatingin lamang din sa akin, nakaawang ang bibig at nanlalaki ang lumuluhang mga mata.

All of a sudden, there was a loud crash on the wooden door. It was enough to bring me back to my senses. I quickly stood up and nodded while looking at Masha, my way of telling her that I was alright. That it was alright and I wasn't mad at all.

"Hoy! Huwag n'yo ngang sirain ang pinto! Nandito ang susi!" Narinig kong sumigaw si Chad at ilang sandali pa ay tuluyang bumukas ang pinto. 

Tumambad sa amin ang nag-aalalang mukha ng mga kaibigan namin. Before any of us could speak up, Masha ran out of the bathroom, pushing them out of her way. 

"Masha!" sigaw ni Lincoln na agad humabol sa kanya.

"Jordan?"

Dumako ang tingin ko kay Gil nang tawagin niya ang pangalan ko. With his forehead knotted, he lowered his head like as if he was asking me if I was alright.

Tumango ako at napalunok nang mariin. Doon ko lang napansin na sobrang bilis at lakas na pala ng tibok ng puso ko.

"Ano bang nangyari rito?" tanong ni Bogart.

"Nag-away ba kayo?" tanong naman ni Smoeki.

"Gago, kinabahan ako do'n. Akala ko kinakatay na kayo rito," humahangos namang komento ni Arnold.

"Sinong nag-lock ng pinto?" sabi naman ni Langaw.

Chad suddenly started giggling while hugging his half-empty bottle of beer. "Poging presidente ng loveteam nila."

Agad nakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Chad. "Wait, ikaw ba ang nag-lock sa amin dito?"

"Go gays!" Chad punched the air and started skipping away, leaving all of us stunned and confused.

What the hell is wrong with this guy?

***

In an effort to stay safe and awake, the nine of us gathered at the entertainment room and kept a close eye on each other. Saktong-sakto na may siyam na silya sa round table kaya naman may mayroong nakalaang puwesto sa bawat isa.

Like Masha and I, the guys got to bathe and change their clothes. Ilan sa kanila ay suot ang damit ni PJ na binaon ko, habang ang ilan naman ay suot ang damit na pinahiram ni Chad.

"Pucha! Antok na antok na ako!" reklamo ni Arnold sabay hikab, nganga kung nganga. Wala pang isang segundo, agad tumama ang palad ni Bogart sa pisngi niya. "Aray naman, Bogart! Gusto mo bang matanggal ang ulo ko?!"

Nagkibit-balikat lamang si Bogart at nagpatuloy sa pagsimsim ng kanyang kape. Pagkatapos ng ilang lunok, binaba niya ang tasa at isa-isa kaming tiningnan. "Kung inaantok kayo, magsabi lang kayo."

Sa isang iglap, pare-pareho kaming napaupo nang tuwid, dilat na dilat na ang mga mata.

Naupo si Gil sa bakanteng upuang katabi ko at inabutan ako ng isang tasa ng kape. Suot-suot niya ang kulay itim na t-shirt ni Chad na may print ng 'Friday the 13th' poster. The horror movie shirt was a bit suitable to our current situation considering we were literally living out what feels like a horror movie, except what's happening to us is real and our lives were on the line.

"Thanks, Gil." Tipit kong sambit sabay tanggap sa kape.

"Okay ka lang talaga?" tanong niya sa akin.

Tumango na lamang ako at napasulyap kay Masha na tahimik lang na nakaupo sa isang tabi.

"She's doing her best to stay awake," Gil assured me, almost whispering. "You have to trust her."

I nodded with a heavy sigh. "I know. I'm just really worried."

Masha wouldn't look at me anymore and I think it's because she feels ashamed over freaking out on me. That incident doesn't bother me at all, but knowing Masha, I knew she needed space. Even just for a while.

"You have to trust him too," sabi naman ni Gil sabay turo kay Lincoln na tumabi kay Masha. Lincoln gave her a cup of coffee too.

Napangiti ako at tumango. 

"This is boring!" Chad crawled on top of the table, his little hands buried underneath his chest. His eyes were still half-hooded, lips grinning from ear to ear. "Ayaw n'yo talagang mag-videoke?" 

"If those party people outside turn into sleepwalkers, they'll hear the noise coming from this area," paalala ko sa kanya. "We're dead if that happens."

"Sabing sound-proof nga rito! Tingnan mo? Hindi man lang natin naririnig ang mga ingay nila mula sa labas!" Chad argued like a little kid. Except he's drunk and looks high as fck.

"Hindi ako umaatras sa videoke, pero pagkatapos ng mga nakita ko sa labas?" Langaw paused from talking just to shiver. "Hindi ako magrereklamo kahit pa sabihin n'yong maglagay tayo ng masking tape sa mga labi natin."

As they continued talking and arguing, I stood up from my seat and went to one of the bags I brought with me. With a manila paper, map of the island, and a pen in my hand, I went back to the table and laid it for everyone to see.

"Ano 'yan?" kunot-noong tanong ni Smoeki na tumayo pa mula sa kinatatayuan para mabasa nang mabuti ang nakasulat sa manila paper.

I looked at each of them. "You guys are bored? Help me plan for the worst case scenarios. Help me find ways to stay alive, whether that chopper arrives to save our lives or not. Help me gather information so by the time help finally gets here, they will no longer ask questions and get right down to curing whatever this shit that's making us turn against each other in our sleep."

All of a sudden, the entire room went silent. Even Chad who wouldn't stop grinning and giggling finally looked bothered for the first time tonight.

"Yes, Chad's mansion has everything we could need to shelter us from this nightmare, but there's literally a group of people outside who can kill us. At least, just in case, may ideya tayo anong gagawin kung magkakandeleche-leche ang lahat," paliwanag ko sabay turo sa isang panig ng mapa. "Right now, we're on top of a hill, overlooking the island. If shit hits the fan, we have to know what are the closest safe place we could think of."

Dahan-dahang nagtaas ng kamay si langaw, bakas ang pag-aalalangan sa mukha. "May chapel na malapit dito, puwede ba 'yon?"

Umiling ako. "Chapel sounds safe, but that's probably being used as an evac center right now. Maraming tao, baka magkaproblema pa rin tayo."

"'Y-yung abandonadong poultry farm?" pahayag ni Lincoln at isa-isa kaming tiningnan. "'Di ba malapit 'yon dito?"

"Mas lalong hindi ligtas do'n! Abandonado nga 'di ba?" giit ni Arnold sabay kamot sa kanyang sentido. "Kahit umaga, takot pumunta roon ang mga tao kasi haunted daw—"

"Let's choose that!" I unconsciously snapped my finger and passed the pen for Lincoln to write it down. "In case something bad happens and we get split apart, all of us will head there to regroup. Hindi tayo papasok. Literal na doon lang tayo magkikita-kita."

Tinuro ko naman ang isa pang panig ng manila paper. "I listed the streets that I think is safe enough for us to pass through. If you think I'm wrong, crash it out. If you think something's missing, add one."

And just like that, everyone began sharing their ideas, writing them down on the manila paper. Kahit si Masha ay nakikipag-diskusiyon na rin sa kanila.

"Oh, ano 'yan?" biglang bulalas ni Bogart at nakita naming may sinusulat si Smoeki sa kabilang panig ng manila paper. 

"Let's not just write the safe places. Let's write the most dangerous ones too," sabi pa ni Smoeki at nakita kong sinulat niya ang mga katagang Rosamond Hospice.

"Rosamond Hospice?" pag-uulit ko.

Tumango naman si Smoeki. "Kahit na anong mangyari, huwag na huwag kayong pupunta rito."

"Hindi ba mga matatanda na ang nandiyan?" tanong naman ni Gil. 

"Hindi lang mga matatanda ang nandiyan," wika ni Chad, seryoso na ang boses at mukha. "Lahat ng comatose patients ng isla, diyan dinadala para maalagaan nang husto. May mga equipment pa sila mula sa ibang bansa kaya may ilang dumadayo pa talaga sa isla para dito maipa-admit ang mga pasyente nila."

"Huh? Ba't mo alam? Eh ako nga hindi 'yan alam," sabi naman ni Masha.

Nagkibit-balikat si Chad at doon ko napansin ang pagguhit ng matamlay na ngiti sa kanyang mukha. "May kamag-anak ako na may sakit. Diyan ang opisina ng espesyalista kaya sinasamahan ko siya diyan paminsan-minsan."

"May kamag-anak ka palang sakitin?" tanong naman ni Lincoln.  

Hindi ko alam kung sadyang binago ni Chad ang topic pero bigla na lang siyang bumulalalas, "Smoeki, ano 'yang sinusulat mo?"

Pare-pareho kaming napatingin kay Smoeki na may sinusulat sa pinakaitaas na bahagi ng manila paper. 

"We need a cool title for Inspiration." Bumuntonghininga si Smoeki nang malakas at pinakita sa amin ang mga katagang kanyang sinulat. 

The Sleepwalker Survival Guide.

Biglang nagtawanan sina Arnold, hanggang sa pare-pareho na rin kaming natawa. Hearing their laughter and seeing them smile, it made my heart warm. It also fueled up my drive to keep all of them alive. I want to see more of their smiles. To hear more of their laughter. 

I don't want to see any of them cry, bleed, and scream in terror again. Kuya Vito is the last person I will lose tonight.

After creating our very own survival map, we moved on to listing down ways on how to survive an attack.

"So, we'll just have to turn the lights off and stay as quiet as we can to avoid them?" tanong ni Chad nang ipaliwanag namin ang una naming napansin sa mga ito. Among us, Chad is the only one who hasn't gone face-to-face with a sleepwalker.

Tumango naman si Gil. "We have to avoid detection at all costs."

"Kailangan ding sa ulo sila patamaan para patay agad, " sabi ko naman.

"Man, I'll never get used to this shit," komento ni Arnold at umakto pang nasusuka.

"Masanay ka kung gusto mo pang mabuhay," paalala naman ni Bogart.

"Pero hindi ba talaga sila nadadala sa pakiusap? Alam n'yo na? Power of love?" tanong pa ni Chad.

"Hindi," sabay-sabay naming sagot. At that point, all of us witnessed how the sleepwalkers lacked mercy. Everything that makes them human disappears. All that's left is the rage and thirst to kill.

"We also have to look out for special cases . . . " I crossed my arms, trying to take a deep breath to hide my own fear.

"Special cases?" tanong ni Masha na sa wakas nagagawa nang tumingin sa akin at kausapin ako.

I nodded and looked at Bogart. "You saw it, right? What your grandma did when I pointed the gun at her back at that gate?"

Bogart stilled. I bet memories came flooding back his mind.

"Hala oo!" Suminghap si Bogart nang pagkalakas-lakas. "Umatras 'yung lola niya nang tutukan ni Jordan nang baril!"

Tumango ako. "Most of the sleepwalkers are mindless killing machines who move according to their muscle memory. They can see and hear us, but they can't recognize us or process what's going on. They can't understand what we're saying. All they do is act on their rage and kill. Pero iba ang lola ni Bogart. Nakakarinig siya. Nakakaintindi. Ang pagkakatulad lang niya sa ibang sleepwalker, malakas din siya at uhaw na pumatay."

Sa isang iglap, bigla na lamang may kumalansing. Pare-pareho kaming napatingin kay Smoeki na natabig pala ang baso sa kanyang tabi. Sa kabila nito, nakatutok sa amin ang nanlalaki at takot na takot na mga mata ni Smoeki. "Utang na loob, sabihin ninyong hindi si Madam Laura ang Lola ni Bogart na tinutukoy ninyo."

"May iba ka pang Lola 'di ba?" Mangiyak-ngiyak namang tanong ni Masha kay Bogart dahil sa takot.

"At special case pa talaga?" Nanlulumong sambit naman ni Lincoln habang nakangiwi.

Biglang pumikit si Bogart, dahilan para pare-pareho kaming matahimik. Pagdilat ulit ni Bogart, akala ko ay magpapaulan siya ng mura at banta. Pero nagulat ako dahil lumamlam bigla ang kanyang mga mata. "Nakakulong si Lola sa eskwulehan kaya wala na kayong dapat ikatakot pa. At kung makakaharap man ulit natin siya, pinapangako ko sa inyo, ako mismo ang haharap sa kanya. Hindi ko hahayaang may masaktan siya ulit."

Bogart suddenly looked at Gil and I's direction. The way he looked at us . . . He didn't utter a single word, but I felt it. He was sorry. He was really sorry.

***

We got too engrossed with our so-called 'Sleepwalker Survival Guide' that we got to complete it within an hour. Literal na napuno namin ng kung ano-anong ideya ang manila paper—kung saan magtatago, kung saan tatakbo, kung anong gagawin kung sakaling hindi kami pasakayin sa chopper, o kung sakaling isa sa amin ang makatulog.

The next thing we know, we were bored again while sitting at the round table. Some of us were fighting real hard to stay awake, while others were just forcing themselves to drink coffee.

"Alam n'yo ba? Gusto kong mag-exercise para manatiling gising, pero sobrang sakit pa ng paa ko dahil sa pangangaladkad no'ng sekyu sa akin?" Nakatulalang sambit ni Arnold habang nakahalumbaba sa mesa.

"Sobrang sakit pa rin ng pisngi ko pagkatapos akong sampalin ni Madam Laura," sabi naman ni Langaw sabay himas ng kanyang pisngi.

"Buti nga may ulo ka pa," natatawang komento ni Lincoln.

Smoeki suddenly shivered at his seat. "Ayokong makita ang sleepwalker version ni Madam Laura. Nakakatakot na nga siya no'ng normal siya—Bogart, I love you. Peace tayo."

Agad kaming napatingin kay Bogart. Mabuti na lang at tanging ngiwi lang ang tugon nito sa pinagsasabi ni Smoeki.

"Okay, that's it!" Biglang napahampas si Chad sa mesa. "I'm dying of boredom here! Can't we just do something fun?! Kasi tangina, bahala kayo sa buhay n'yo, lalabas ako doon at makiki-party sa—"

"Like what? Truth or dare?" sarcastic na sambit ni Masha sabay ngiwi.

And just like that, all of our eyes were on Masha.

"Guys, I was being sarcastic." Lalong napangiwi si Masha at napatingin sa amin lahat. "You're not actually—"

"Nasaan ang bote ko!" bulalas ni Chad at sa isang iglap ay nagkumahog agad kami sa paghahanap nito.

Bahala na kung magkalaglagan ng sikreto. Kahit ako, bored na bored na rin. Besides, I needed the distraction so I would stop worrying about PJ. Pati na rin si Smoeki na maya't mayang napapatulala kakaisip kay Thea. All of us needed the distraction!

***

"Dude, no beer!" bulalas ko nang maglabas si Chad ng panibagong bote ng whiskey mula sa ref.

"No worries, kape pa rin naman ang main drink natin. Pampalakas lang 'to ng loob." Ngumisi si Chad at kinindatan ako. "Malay mo, kailanganin mo rin 'to?"

I rolled my eyes and sighed. I sat back on my chair and stared at the chandelier above our round table. The more I stared at it, the more it hurt my eye kaya naman nagbaba na lamang ako ulit ng tingin sa mesa.

Nakita kong nakaluhod na si Chad sa kinauupuan at halos dumapa na sa mesa, malagay lang sa gitna ang walang lamang bote ng alak. Chad looked like a very excited muscle-y little kid as he spun the bottle. Everyone then began to cheer by clapping loudly and screaming some nonsense chant. Even Gil was clapping his hands, a small smile creeping up his face.

Gusto ko sana silang sitahin dahil sa ingay na ginagawa nila pero sa huli, pinili kong magtiwala na lang sa pinagsasabi ni Chad na soundproof ang buong entertainment room, pati na ang mga bedroom na nakakonekta rito.

We needed a morale boost, and this was it. Sa tingin ko ay kahit si Kuya Vito ay sasang-ayon din sa ginagawa namin.

It was also kind of funny dahil may ipinapaikot kaming isang baso ng kape na kailangang inumin ng bawat isa. In normal situations, the cup would've contained alcohol.

All of a sudden, the bottle stopped at Smoeki.

Everyone cheered and laughed, except for Smoeki who grimaced and scratched his red, skinhead-ish hair. "Oo na! Oo na! Ako na!"

"Smoeki my boy! Truth or dare?" tanong ni Chad at bigla na lamang binuksan ang bagong bote ng whiskey lumalaklak sa mismong harapan namin. Isang himala talaga at hindi pa siya nakakatulog sa dami ng ininom niya.

"Truth!" bulalas ni Smoeki, para pang galit, hindi tuloy namin napigilang magtawanan.

"Ba't galit ang baby?" biro ko dahilan para agad niya akong samaan ng tingin. Lalo pa kaming natawa.

"Ako magtatanong! Ako magtatanong!" Halos tumalon na si Langaw sa kinauupuan habang pilit na nagtataas ng kamay. "Maganda ba kapatid mo?"

"Oo naman! Maganda at pogi ang lahi namin!" pagmamalaki ni Smoeki. Times like this I realize that he's still my cutie patootie baby from before.

Chad spun the bottle again, and for the second time, it landed on Smoeki.

Bago pa man makapagtanong si Chad kung Truth ba o Dare, biglang tumayo si Langaw sa kinauupuan at ngiting-ngiti na tinuro si Smoeki. "Dare! I dare you na ilakad ako sa kapatid mo para naman may love team ako sa gitna ng sleepwalker apocalypse."

"Fourteen pa ang kapatid ko, gago!" sigaw ni Smoeki at biglang pinulot ang bote sa gitna ng mesa at saka hinabol si Langaw. Umalingawngaw kaagad ang tawanan at kantiyawan naming lahat.

***

Chad was already sitting on top of the table, ready to spin the bottle for the nth time. Literal na kape lang ang iniinom namin pero para pa rin kaming lasing na tawa nang tawa dahil sa pinaggagawa namin. They dared Arnold to twerk to some Celine Dion ballad song, and even dared Gil to sing a One Direction song—which lead to all of us singing 'What Makes You Beautiful' like we were in some fucked up version of Glee. Kahit ako ay hindi rin nakaligtas. Pinag-rap lang naman ako ng 'Stupid Love' ng Salbakuta at pinagtawanan nang todo-todo.

"Huwag ka na ngang tumawa!" Inis kong siniko si Gil nang makaupo ako ulit. He kept trying to suppress his laughter that he ended up snorting out loud.

"Hindi ko alam na frustrated rapper ka pala," pang-aasar niya. Palibhasa, yung solo performance niya ay naging group performance. Lecheng What Makes You Beautiful.

Napatingin ako sa direksiyon ni Masha na nakaupo sa kabilang dako ng mesa, maghahanap sana ng kakampi, pero sabay pa talaga nila akong inasar ni Lincoln sa pamamagitan ng pagbigay sa akin ng masigabong palakpakan. Humanda talaga kayong dalawa kapag kayo na ang nahintuan ng bote.

"Jordan!"

Narinig ko ang boses ni Smoeki na tumawa sa akin kaya napatingin ako sa kinauupuan niya.

"Stupid!" ngiting-ngiting sigaw ni Smoeki at sa isang iglap ay napunta na sa akin ang tingin ng lahat.

"Loooooove! Soft as an easy chair" at gaya ng inaasahan, sabay-sabay silang nagkantahan, ginagaya ang ginawa kong pagpapahiya sa sarili ko.

"Stupid!" si Chad naman ang sumigaw sabay turo sa akin.

"Looooooove! Fresh as the morning air!" kanta pa nila sabay wagayway ng mga kamay.

When Chad finally spun the bottle again, I finally got to breathe a sigh of relief. And when it landed on Bogart, I was in the mood to grin and laugh again.

Awtomatiko kaming nagkatinginan ni Gil. Kanina pa namin hinihintay na makitang ipahiya ni Bogart ang sarili. It wasn't because we had a grudge on him, we just wanted to see him make a fool of himself too. Para fair.

"Truth." Bumuntonghininga si Bogart. Sobrang lakas ng tawa niya habang pinapahiya namin ang mga sarili namin, pero ngayong siya na ang mapapahiya, ang hinhin na ng kilos ng lintik.

"Sino ang 'yong sinasabi mong crush mo noong high school tayo?" Mabilis na tanong ni Arnold, akala mo pulis na nang-i-interrogate.

"Hanggang ngayon hindi mo pa rin sinasabi! Tapos kapag tinatanong ka, nagbabanta ka agad na bubugbugin kami!" panggagatong pa ni Langaw, may panunumbat ang boses.

Tawang-tawa kami sa kanilang tatlo. Literal na ginamit pala nina Arnold at Langaw ang pagkakataon para tuklasin ang misteryo tungkol sa crush ni Bogart. Tuloy, kahit kami, nagiging curious na rin.

"Dare!" pikit-matang sumigaw si Bogart nang pagkalakas-lakas. Akala mo talaga hinahabol siya ng sleepwalker.

"Sumayaw ka ng Otso-Otso!" Mabilis na utos ni Chad sabay turo sa sofa na pinatungan at ginamit naming stage nina Arnold at Gil para sa dare namin.

Mabilis na tumayo si Bogart, pero mas mabilis siyang tinalunan at pinigilan nina Arnold at Langaw. Tawang-tawa kami dahil halos sakyan talaga nila si Bogart para lang huwag itong makalayo.

"Wait! Let's give him an option!" sigaw ni Masha at nakita kong nanlaki ang mga mata ni Bogart.

Hindi ko napigilang suminghap nang biglang sumagi ang isang ideya sa isip ko. Si Masha????

"Aaminin mo sino ang crush mo o sasayaw ka ng Otso-Otso?" tanong ni Lincoln, may halong pang-aasar ang boses.

"Aamin!" Parehong sigaw nina Langaw at Arnold habang pinipigilan pa ring makawala si Bogart. "Aaamin—"

"Otso-Otso! Sasayaw ako ng Otso-Otso!" desperadong hiyaw ni Bogart habang pilit na kumakawala mula sa dalawa. Akala mo si Katniss Everdeen na sumisigaw ng 'I volunteer!'

"Otso-Otso!" pagpupumiglas pa ni Bogart sabay siko sa dalawa. "Pasayawin n'yo ako ng Otso-Otso!" halos magwala ito na ito.

The three of them literally struggled against each other until they all fell to the floor where they ended up wrestling like a bunch of fools.

Tawa kami nang tawa lalo na nang nakadapa na si Bogart at nakadagan sa ibabaw ng likod niya si Langaw na marahas na hinihila ang balbas niya. Si Arnold naman ay nakaupo sa sahig habang yakap ang mga binti ni Bogart.

"Sino crush mo?! Umamin ka! Sino ang crush mo?! Matotodas na lang tayo, hindi ka pa rin aamin!" Humahangos na sigaw ni Arnold na kulang na lang ay pilipitin ang mga binti ni Bogart para umamin.

"Sasayaw ako ng Otso-Otso!!!!" pagwawala pa ni Bogart habang nagpupumiglas mula kamay ni Langaw na marahas na nakasabunot sa balbas niya. Sa sobrang desperasyon, pilit siyang gumapang habang patuloy pa ring sumisigaw, kita na ang ngalangala. "Magkamatayan na! Sasayaw ako ng Otso-Otso!!!"

"Hala! Hoy! Hoy!" Gulat na gulat sina Arnold at Langaw nang makaladkad sila ni Bogart.

Literal na gumagapang si Bogart patungo sa sofa habang nakasakay pa sa likuran niya si Langaw at nakayakap naman sa mga binti niya si Arnold. Hindi namin alam kung lalo kaming matatawa o mamamangha sa lakas niya.

Namalayan na lang namin na nagrarambulan na ulit sila—sikuhan, suntukan, sabunutan, at halos daganan nila ang isa't isa. Kami naman ay halos maiyak na sa kakatawa.

Sa huli, tagumpay na nakaakyat sa sofa si Bogart, humahangos at parang dinaanan ng bagyo ang balbas. Habang sumasayaw siya ng Otso-Otso sa harapan naming lahat, naiwang nakahandusay sina Arnold at Langaw sa sahig, parahong lupaypay ang mga katawan dahil sa pagod.

Sa pag-aalalang may makatulog sa kanila, tulong-tulong naming inakay sina Arnold at Langaw pabalik sa kanilang mga upuan. Si Bogart naman ay nakatulalang naupo ulit, pulang-pula ang mukha at parang pinagsakluban ng langit at lupa. Na-trauma yata.

Nang kahit papaano'y nahimasmasan na sa nakamamatay naming tawanan, muling pinaikot ni Chad ang bote. Parang numingning naman ang kapaligiran para sa akin nang huminto ito kay Lincoln.

"Truth!" sigaw agad ni Lincoln, patawa-tawa pa.

"Boo!" kantyaw agad ni Masha.

Nakakatuwa silang dalawa. Noon pa lang buwisit na buwisit na si Masha kay Lincoln at halos sumpain niya ito sa bawat pagkakataon. Pero mula nang maglaro kami ng Truth or Dare, para na silang may sariling mundo at wala silang ginawa kundi pagtawanan at asarin kami. Pansin ko pa ngang nagbubulungan sila, halatang bina-backstab kami.

Truth pala ha . . .

"Ako ang magtatanong!" Mabilis akong nagtaas ng dalawang kamay.

Nang magkatinginan kami, agad naglaho ang ngiti sa mukha ni Lincoln. His angelic face literally lost its glow.

"S-Sandali, bakit ka nakangisi ng ganyan?" Bakas ang kaba sa mukha ni Lincoln. "P-Puwede bang huwag na lang si Jordan! Parang ayokong sagutin ang magiging tanong niya!"

Tumawa si Gil na nasa tabi ko. Mabilis na bumaling sa kanya si Lincoln. Tumayo pa ito at halos dumipa sa mesa habang magkasalikop ang mga palad. "Gilbert! Ikaw na lang ang magtanong sa akin! Gilbert, utang na loob—"

"Noong high school tayo, bakit mo pinagkalat na buntis si Masha?" bulalas ko sa tanong na napakatagal nang gumugulo sa isip ko.

Agad na nalaglag ang panga ni Lincoln at walang kabuhay-buhay na bumagsak ulit ang puwet niya sa kinauupuan.

Sa puntong iyon ay napunta ang lahat ng mga mata kay Lincoln.

Kahit si Masha ay sumeryoso bigla. Humarap siya kay Lincoln, naniningkit ang mga matang puno ng pagdududa. "Oo nga? Bakit mo pinagkalat noon na nabuntis ako?"

"Teka, naaalala ko 'yon, a?" komento naman ni Bogart. Nahimasmasan na yata sa Otso-Otso trauma niya dahil nakasagap ng chismis. "Naging sex education bigla ang topic sa homeroom period."

"Pffft!" Bumulusok naman ang tawa palabas sa bibig ni Langaw. "Naalala ko 'yon! Nagpapustahan pa si Ezra kung sino raw ang ama! Si Chad binoto ko mula sa top 5 choices!"

I couldn't help but wince. Yet another reason to throw a sucker punch at Ezra once I get the chance.

"Gago!" Natawa naman nang malakas si Chad at nabatukan nang wala sa oras si Langaw.

"Grabe ka, bro! Ba't ka nagpakalat ng fake news?" Natatawang tanong naman ni Arnold.

"Hindi ko 'yon pinagkalat, okay!" pikit-matang giit ni Lincoln sabay buntonghininga. He looks so bothered, guilty, and embarrassed—all at once. When he opened his eyes, he slowly faced Masha. "Masha, sorry talaga sa nangyari. Hindi ko alam na—Aray!"

"Matagal ko nang gustong gawin 'to!" Gigil na sigaw ni Masha sabay pingot sa tainga ni Lincoln. "Bakit mo pinagkalat na nabuntis ako?! Magsabi ka ng totoo, Lincoln! Hanggang ngayon—"

"Hindi talaga 'yon pinagkalat ni Lincoln," patawa-tawang sabi ni Chad, dahilan para matigilan kaming lahat. Sa puntong 'yon, napunta sa kanya ang atensiyon namin.

"Ganito kasi 'yan, mga bata." Pangisi-ngising umayos ng upo si Chad sa ibabaw ng mesa. He even cleared his throat and took a deep breath. "Isang araw, may usapan kaming—"

"Chaaaaad!" Tarantang tumayo si Lincoln mula sa kinauupuan. Akmang pipigilan niya ito pero mabilis na nahigit ni Masha ang likod ng suot niyang red t-shirt.

Isang tingin lang mula kay Masha, parang naging isang tutang sunod-sunuran si Lincoln at walang nagawa kundi maupo ulit sabay bagsak ng kanyang mukha sa mesa.

Chad cleared his throat again and continued to tell the story. "Isang araw, may usapan kami na magkikita-kita sa tabing-dagat. Wala lang, tambay-tambay lang. Dahil late si Lincoln, siya ang inutusan naming bumili ng alak. Gulat na lang kami, ubos na ang alak na dala niya at umiiyak na siya. Tinanong namin anong problema, ayaw umamin! Kami naman na supportive na mga classmate, dinala namin siya doon sa videokehan. Alam n'yo na, pampawala lang ng sama ng loob. Nag-inuman kami at nagkantahan. Ako pa mismo ang pumili ng kakakantahin niya—Magbalik ng Callalily para damang-dama. Tangina, nag-back up dancer pa kami habang kumakanta siya! Tapos gulat na lang kami, huminto siya sa pagkanta at umiiyak na sumigaw 'Masha, handa akong maging ama ng pinagbubuntis mo! Kung sana alam mo lang kung gaano kita kamahal!'

Gulat na gulat ako sa mga narinig, pero tawang-tawa ako dahil sa acting ni Chad. May paiyak-iyak pa talaga sabay wagayway at laklak sa bote ng alak. Na-i-imagine ko tuloy na 'yon talaga ang ginawa ni Lincoln noon.

Habang tawa kami nang tawa, nakatulala lang si Masha na pulang-pula na ang mukha. Si Lincoln naman ay bagsak pa rin ang mukha sa mesa. Hindi gumagalaw.

"Gago, baka nakatulog na 'yang si Lincoln!" sigaw ni Gil na halos malagutan na rin ng hininga sa pagtawa.

Dali-daling nagtayuan sina Arnold at Langaw. Sabay nilang hinawakan ang magkabilang balikat ni Lincoln at hinila ito hanggang sa maupo ulit nang maayos.

Lalo kaming humagalpak sa kakatawa nang makitang nakatulala pa rin si Lincoln, pulang-pula ang mukha at mga mata. Halatang hindi pa naman siya sleepwalker dahil nanginginig ang mga labi niya sa sobrang kahihiyan. Lumipat sa kanya ang trauma ni Bogart.

"H-Hindi ko alam na kakalat 'yon nang gano'n. Ni hindi ko maalala anong pumasok sa isip ko at ginawa ko 'yon." Halos walang kabuhay-buhay na sambit ni Lincoln. "Masha, sorry!" Iyak pa ni Lincoln at muling binagsak ang mukha niya sa mesa, pero mabilis siyang hinila ulit nina Arnold at Langaw para maupo nang maayos.

"Teka, bakit mo ba inakalang buntis si Masha?" tanong ko naman.

"Naalala ko na . . . " Bumuntonghininga nang malakas si Masha at sa puntong iyon ay napunta naman sa kanya ang atensiyon naming lahat, maliban lang kay Lincoln na nakatulala pa rin dahil sa sobrang kahihiyan. At trauma rin yata talaga.

Masha swallowed hard. "Kung hindi binanggit ni Chad ang tungkol sa supermarket at pagbili ni Lincoln ng alak, hindi ko maalala. Nangyari nga pala 'yon . . . "

"Mash, anong nangyari?" tanong ko pa.

Her shoulders dropped as she told her story. "Kami lang ni Mommy ang nasa bahay no'n nang makatanggap siya ng tawag na may darating na mga bisita. Sobrang dumi ng bahay at wala pang pagkain. She asked me to buy supplies at the supermarket para siya ang maglilinis at mag-aabang sa mga bisita. And that day at the supermarket, nakita ko si Lincoln na bumibili ng alak. Nagmamadali ako no'n at hindi naman talaga kami close kaya dire-diretso lang ako sa ginagawa. Nang magbabayad na, doon ako dumiretso sa priority lane para mas mabilis. Kaso, tinarayan ako ng cashier, kesyo mga buntis at matatanda lang daw dapat doon. Ako na ayaw patalo at gusto siyang mapahiya, hayun, proud akong nagsinungaling na buntis ako. 'Yon siguro ang nakita ni Lincoln. Gulat na lang ako pagdating ng lunes, kalat na kalat nang buntis ako."

Naalala ko 'yon. Masha had a really hard time with all of the rumors. We tried to get to the bottom of it, until someone told us it was Lincoln. Pia and I never believed it dahil kilala si Lincoln bilang top achiever ng school at all-around-good-guy ang reputation. Masha, on the other hand, believed the source and hated him ever since.

Dumanguyngoy nang pagkalakas-lakas si Lincoln sa sobrang kahihiyan sabay takip sa kanyang mukha. "Masha, sorry! Akala ko talaga seryoso ka no'n! Hindi ko rin talaga sinasadyang ipagkalat 'yon! Masha, sorry!"

I thought Masha would curse him out, but she just closed her eyes and sighed. "Hayaan mo na, matagal na 'yon."

At that point, I couldn't help but feel so proud for Masha for finally burying the hatchet. She had every right to be mad and upset, but still chose to forgive.

"Proud of you, Mash," I voiced out, raising the cup of coffee right in front of me.

Masha smiled at me, making my heart feel at ease.

"Teka, si Chad 'yong sumagot? Hindi 'yon counted 'di ba? Ibig sabihin, hindi pa ligtas si Lincoln," biglang sabi ni Smoeki, dahilan para maibaba ni Lincoln ang palad na nakatakip sa mukha.

"Smoeki, humanda ka sa 'kin—"

"Dare!" Dumadagundong na sigaw ni Bogart. "Kailangan mong gumawa ng dare para patas!"

"S-Sige, Dare. Game. Anong kailangan kong kantahin?" Napaayos agad ng upo si Lincoln. Sino rin ba kasing hindi masisindak kay Bogart.

"Bigyan mo ng pickup line si Masha!" Excited na suggestion ni Arnold na sinang-ayunan agad naming lahat.

Akmang ibabagsak ulit ni Lincoln ang mukha sa mesa, pero mabilis na nahawakan nina Arnold at Langaw ang kanyang magkabilang-balikat. Mukha tuloy silang personal bodyguard ni Lincoln.

"Huwag n'yo na nga akong pagtripan!" Masha complained, eyes shooting daggers already. "Siya lang yung pagtripan n'yo, huwag n'yo na akong idamay!"

"Pickup line . . . Pickup line . . . Pickup line . . ." I began to chant. Masha quickly glared at me, but I continued, "Pickup line . . . Pickup line line . . ."

"Pickup line! Pickup line!" And then next thing I know, we were all out cheering for Lincoln.

Bumuntonghininga si Lincoln nang malakas. Sa puntong 'yon, natahimik kaming lahat.

"Kung ang tagalog ng corn ay mais . . ." Lincoln paused just to look at Masha. "Bakit hanggang ngayon, ikaw pa rin ang nais?"

Parang isang bombang sumabog ang sigawanan at tawanan naming lahat. Kumaripas naman ng takbo si Lincoln papasok sa isa sa mga kuwarto at marahas na sinara ang pinto upang magkulong. Naiwan si Masha na nakatulala, pulang-pula ang mukha.

Sa sobrang tawa, napapahampas na ako sa balikat ni Gil. Maging si Gil, naiiyak na rin sa kakatawa.

Our laughter felt like forever. Lumalakas, humihina, lumalakas na naman. Para kaming mga tanganga tawa lang talaga nang tawa. Ngunit sa isang iglap, bigla na lamang bumukas ang main door ng entertainment room, dahilan para magsigawan kaming lahat sa gulat.

"Ano ba!" sigaw ni Ezra sa amin, iritadong-iritado. "Kanina pa ako tumatawag! Leche ka, Chad! May mga bisita ka na naman sa labas! Paalisin mo na nga!"

"Thea!" Mabilis na napatayo si Smoeki sa kinauupuan. Nagtatakbo siya kaagad palabas ng silid at pababa ng hagdan.

"Smoeki sandali!" Gusto ko siyang pigilan sa takot na baka may infected na sa labas, pero kahit ako man, nasasabik na ring makita ulit si PJ kaya nagtatakbo na rin ako.

We ran down the stairs and through the crowd of still-partying people in the living room. Fortunately, there was no sleepwalker in sight. Just a bunch of fcks who refuse to believe our horrific reality.

By the time we reached the large main doors, we were surprised when it didn't open.

"Naka-lockdown ang buong bahay. Bubukas lang ang main door at gate sa pamamagitan ng cell phone ko," humahangos na sambit ni Chad na humabol din pala sa amin.

Inilabas ni Chad ang cell phone niya at sabay-sabay naming pinanood ang live footage sa labas ng gate.

"Sino 'yan?" tanong ko, hindi ko masyadong maaninag ang mga mukha nila dahil sa neon lights na sumasakop sa screen ng cell phone ni Chad.

"Kasama ba nila sina Thea at PJ?" tanong naman ni Smoeki.

Chad was just as confused as us, so he turned the microphone on.

"Chad! Chad, please open the gate! Si Rai 'to! Utang na loob! Papasukin mo kami!"

"Sino 'yan? Ba't pamilyar yung boses?" tanong kaagad ni Masha, pero walang nakasagot sa sobrang tensiyonado ng lahat.

Hindi na nag-atubili pa si Chad at agad niyang binuksan ang main door. Sabay-sabay naman kaming lumabas, ngunit hanggang sa balkonahe lamang. Mula sa kinatatayuan, tanaw namin ang madilim na hardin, pati na ang gate na unti-unting bumubukas.

Tila ba naging ambon na lang ang ulan pero napakalakas pa rin ng hangin, palatandaang hinahagupit pa rin ng bagyo ang isla at karatig na lugar.

Kakaunti pa lang ang pagkakabukas ng gate pero nakita namin ang mabilis na pagpasok ng dalawang batang lalake, isang babaeng buntis, isang matandang pari, at isang matangkad na babaeng pamilyar ang tindig at pigura.

"S-Si Thea? Bakit wala si Thea? J-Jordan, wala rin si PJ!" mangiyak-ngiyak na bulalas ni Smoeki nang makitang wala na silang ibang kasama.

My heart sank when I realized that my brother wasn't there too, but for me, there was still hope. I can't lose hope.

"You guys stay here. I'll talk to them," sabi ko at hindi na hinintay ang tugon nila. Agad akong tumakbo patungo sa hardin at sinalubong ang mga bagong dating, ngunit natigilan ako nang mapagtanto kung bakit pamilyar ang babaeng matangkad.

"Rai?" Hindi ko napigilang ngumiti lalo na nang makita siyang tumatakbo palapit sa akin.

Rai went to the same high school as us. At some point, we got really close too, but we kind of fell apart after graduation.

Tatanungin ko sana si Rai kung kasama niya si PJ pero laking gulat ko nang tumama ang kanyang kamao sa mukha ko. Sa sobrang bilis ng pangyayari, natagpuan ko ang sarili kong bagsak sa putik at hilong-hilo.

"You selfish bitch! You left us there to die!" Umiiyak na hiyaw ni Rai.

Narinig kong nagsigawan ang lahat hanggang sa nakita kong bumagsak na rin si Rai sa putik at nakaibabaw sa kanya si Masha. Nagsabunutan sila ng ilang sandali hanggang sa tagumpay namin silang napaghiwalay.

"Noon pa ako nagtitimpi sa 'yong leche ka!" Tili ni Masha.

Hindi pinansin ni Rai si Masha. Bagkus at muli siyang humarap sa akin at dinuro ako. "Hindi ka man lang naawa sa amin! Iniwan mo kami roon!"

"Ano bang pinagsasabi mo?! Saan kita iniwan?! Ni ngayon lang kita nakita pagkatapos ng tatlong taon!" Wala sa sarili akong napapadyak. Litong-lito kung bakit galit na galit siya sa akin.

Pagak na humalakhak si Rai at akmang susugurin ulit ako, pero mabilis siyang hinarang nina Bogart, pati na rin ng pari na kasama niyang dumating.

"Kahit sana iniwan mo man lang na bukas ang gate para sa amin, pinagkait mo pa! How could you be so selfish?! People died because of you!" pagwawala pa ni Rai.

Namilog ang mga mata ko sa narinig at awtomatiko akong napalingon kay Gil.

"Gate . . . " Wala sa sarili kong sambit. "Gil, y-yung gate?"

Lalong kumunot ang noo ni Gil at napatingin siya kay Rai. "G-Galing ba kayo sa Rosamond High School?"

"Iniwan n'yo bang bukas ang gate ng eskuwelahang 'yon?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagsigaw. "May humahabol ba sa inyo habang patungo kayo rito?!"

"G-Guys . . . " Narinig kong suminghap si Smoeki. 

"Did you let them follow you here?!" Sa sobrang galit, akmang susugurin ko na si Rai pero mabilis akong pinigilan nina Masha.

"Chad, ang gate! Isara mo na ang gate!"

"Putangina, Chad! Bilisan mo! Bilisan mo!"

"Takbo! Pasok! Bilisan n'yo!

Nagulat kami nang umalingawngaw ang sigawan nina Arnold. Agad akong napalingon sa direksiyon kung saan sila nakatingin.

Parang nanghina ang mga tuhod ko nang makita si Madam Laura na nakatayo sa labas ng nakabukas pa ring gate. Nakatayo siya sa ilalim mismo ng poste kaya kitang-kita namin ang walang emosyon niyang mukha na nakatingin sa aming direksiyon.

Nieta.


//



author's note: 

thank you so much for all your birthday greetings! sorry di ko ma-replyan lahat, but please know that i'm really thankful!

also, i hope you enjoyed this chapter.

this is one of my faves in this book haha!

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 87.9K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
1.7M 99.2K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...
334K 21.7K 63
An Epistolary Horror ✉ | When her best friend starts seeing an old lady outside her window every two in the morning, Marla takes it upon herself to s...
3.4K 255 11
MHST Volume 3: ANG BALON - Sa mahabang panahon ng pangangasera ng isang pamilya sa siyudad, malaking surpresa ang pagdatal ng isang biyaya mula sa ka...