THE ADVENTURE OF THE HERETICA...

By kyubi3

9.4K 783 167

[COMPLETED] (THE POETRY OF BIRTH TO TOMB BOOK 1) Quinn Viezys Amelghourd, an eighteen-year-old Sane, or the W... More

AUTHOR'S NOTE
SYNOPSIS
PROLOGUE
NAMES AND PRONUNCIATIONS
EPISODE 1/1
EPISODE 1/2
EPISODE 1/3
EPISODE 1/4
EPISODE 2/1
EPISODE 2/2
EPISODE 2/3
EPISODE 2/4
EPISODE 3/1
EPISODE 3/2
EPISODE 3/3
EPISODE 3/4
EPISODE 4/1
EPISODE 4/3
EPISODE 4/4 (R+18)
EPISODE 5/1 (R+18)
EPISODE 5/2
EPISODE 5/3
EPISODE 5/4
LEAGUES, RANKS, TYPE, AND LEVELS
EPISODE 6/1
EPISODE 6/2
EPISODE 6/3
EPISODE 6/4
EPISODE 7/1
EPISODE 7/2
EPISODE 7/3
EPISODE 7/4
EPISODE 8/1
EPISODE 8/2
EPISODE 8/3
EPISODE 8/4
EPISODE 9/1
EPISODE 9/2
EPISODE 9/3
EPISODE 9/4
EPISODE 10/1
EPISODE 10/2
EPISODE 10/3
EPISODE 10/4
LEAGUES, RANKS, TYPE, AND LEVELS
ANNOUNCEMENTS, FAQ, AND WORDS OF GRATITUDE

EPISODE 4/2

146 18 0
By kyubi3

HOLY FATHER CALLON'S POINT OF VIEW

Nasa labas ako ng Ruendroy Queendom Palace, nakaupo sa mga bleachers Nakatingin ako ngayon sa mga naglalakihang screen at pinapanood si Quinn at ang mga kasamahan nito. Naka-suot ako ngayon ng camouflage cloak, kaya walang makakakilala sakin. Kasama ko rin pala si Sister Feline dahil hindi raw ito mapalagay sa kakaisip kung kumusta na ang alaga niyang si Arod.

"Your Hol—" Tinakpan ko ang bibig ni Sister Feline na pumutol sa sasabihin niya.

"Fel, sinabi kong tawagin mo akon Lon, para hindi tayo makilala ng ibang mga nilalang," Sabi ko. Katapos ay binitawan ko ang bibig niya, "Alam ko Fel, nasira na ni Quinn ang nilagay kong seal." Dagdag ko pa.

"Marahil ngayon ay may galit nang namumuo sa puso ni Quinn sa iyo, Lon," Sabi ni Sister Feline. Napabuga naman ako ng hangin at sumagi sa isip ko ang araw na kinupkop ko si Quinn...

Flash Back

(Eighteen years ago nang hindi pa si Callon Alighieri ang Holy Father at isa pa lang siyang Conclave o isa sa mga napiling humabol bilang Holy Father kung mamatay ang kasalukuyang Holy Father...)

"Lucio, talaga bang iiwan mo sakin ang anak mo para lang pumunta ng Solaria Mystery Land? Wala ka na bang ibang iisipin kung hindi ang sarili mo?!" Galit na sagot ko kay Lucio. Lumingon naman ang papaalis na noong si Lucio sakin na may mapait na ngiti sa labi.

"Hindi ito para sa sarili ko lang, Callon. Alam kong alam mo ang pangako natin kay Yuwhe na ayaw kong mabali. Gustong-gusto kong hagkan ang anak ko, pero wala akong magagawa dahil sa isang pangakong maaaring magpaganda sa future ni Quinn at nang buong Mundus Dominorum. Gustong-gusto kong nasa tabi ko lang si Quinn pero lubhang mapanganib lalo pa hinahabol parin tayo ng mga kalaban natin, ayaw ko namang isaalang-alang ang kaligtasan ni Quinn," Lintaya ni Lucio. Napatango-tango naman ako at napahinga ng sobrang lalim.

"Sige na, umalis ka na. Ako na ang mag-aalaga kay Quinn," Sabi ko. Nginitian naman ako ni Lucio.

"Wala ba akong goodbye kiss?" Tanong niya na nagpahulog ng aking panga.

"What the, Lucio alam kong may nakaraan tayo, pero as a respect sakin bilang isang Conclave ay huwag mo akong biruin ng ganyan," Seryosong sabi ko. Tinawanan naman ako nito at lumapit.

"Pasensya na, Your Holiness," Pang-uuyam niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay, kaya ginulo niya ang aking buhok, "I-seal mo ang kapangyarihan ni Quinn, Callon. Hindi pwedeng malaman ni Quinn ang tunay niyang League haggang hindi ako nakakabalik." Dagdag pa ni Lucio na pinagtaka ko.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Dilekado, baka matulad siya sa kanyang ina," Sagot naman nito. Katapos ay kinuha ang nakasabit na payong sakanyang likuran. Nagulat naman ako nang makita ito.

"The Umbrella of Gahena? Kay Yuwhe ito ah, saan mo nakita ito?" Tanong ko.

"Basta, ang dami mong tanong," Sabi niya at saka tumawa. Kaya pinitik ko ang noo niya na nagpangiwi sakanya, "Aray! Pero kidding aside, itabi mo sakanya lagi ito para maaalala niyang may nagmamahal sakanyang pamilya niya. Hindi ba mas maganda na lagi niyang katabi ang Weapon slash Adjunctus Home ng kanyang ina?" Tanong nito. Kaya napabuntong-hininga ako at tumango-tango.

"Sige na, umalis ka na at malapit na ang Praying Hours namin," Sabi ko. Hinalikan niya sa noo si Quinn at nagulat naman ako nang halikan niya rin ako sa noo at saka tumakbo na nagpa-irita sakin.

"Paalam Quinn at Callon. Isa pa pala, sabihin mo patay na ang kanyang ama kung magtanong siya tungkol sakin!" Sigaw niya habang tumatakbo palayo. Kaya hindi ko na natanong ang rason. Bigla namang tumawa ang sanggol na si Quinn na nagpangiti sakin...

End of Flash Back

"Satan, so Shadowbound Worshiper po pala si Quinn, Lon? Buti at hindi siya nasunog noong nabaptismuhan siya noong pitong taong gulang siya?" Tanong ni Sister Feline na nagpabalik sa wisyo ko.

"Dahil sa Seal of League na binigay ko sakanya," Sagot ko naman. Napatayo naman kami ni Sister Feline nang makita naming biglang bumagsak si Quinn...

...

CALIN'S POINT OF VIEW

Papunta na kami ngayon kung saan si Satan at natatanaw ko ngayon ang nangyayari sa mga humahabol saming mga grupo na pinamumunuan ni Kliffer. Pugot na lahat ng ulo ng Adjunctuses nila at pahulog na sila sa damuhan habang pinagtatawanan sila ni Satan...

"This guy is really a sadistic battle maniac who loves beheading his victims just like what his lore says," Sabi ni Invera.

"Mukhang nakapag-aral karin sa isang prestihiyosong university ah, Invera?" Tanong ko. Lumingon naman ito sakin.

"Hindi naman, mahilig lang talaga akong magbasa," Sagot naman nito. Narinig ko namang huminga ng malalim at sunod-sunod si Quinn. Kaya napatingin ako sakanya. Hinawakan ko naman ang kamay niya at hinaplos-haplos ang kanyang buhok.

"Huwag mong papainahinan ang loob mo ah, Quinn. Kaunting tiis na lang," Sabi ko. Tinanguan niya naman ako bilang sagot kahit nahihirapan ito. Timingin naman ako sa gawi ni Satan at nakitang tumatakbo na ang mga grupong kasama ni Kliffer, at parang agila na dumadagit naman ng biktima si Satan dahil sa katapos niyang makahuli ng isa at saksakin ito sa leeg gamit ang napakatulis at napakahaba niyang kuko ay ililipad niya ito paataas at ihuhulog. Kaya todo sigaw at iyak ngayon ang ginagawa nila Kliffer.

"Satan! Tumigil ka na, kailangan mo ng bumalik sa dimension mo, dahil ma-ddrain mo ang Power Core ni Quinn na maari niyang ikamatay!" Sigaw ni Invera. Nakuha naman namin ang atensyon ni Satan. Bigla itong nawala sa paningin namin at ilang saglit pa ay lumitaw din ito sa harapan namin na nagpakilabot at nagparamdam ng kaba samin bigla.

"Ah? Anong nangyayare?" Tanong nito. Para namang napalipit ang dila ko at wala akong masagot. Pero, pinilit ko parin.

"H-Hindi kase compatible ang level niyong dalawa, Kaunting Magmus palang ang kayang ipunin ni Quinn sa Power Core niya, at dahil mas mataas na ang level mo at mas maraming Magmus ang kailangan mo. Kaya ayan, hindi na makayanan ni Quinn ang sobrang Magmus na nawawala sakaya, kaya mas maiging bumalik ka na," Paliwanag ko. Huminga naman ito ng malalim at nag-bow.

"Maraming salamat sa pagpapaliwanag at sa pag-aalala niyo sa master ko. Tatanawin kong malaking utang na loob ito, Ginoong Calin," Sabi nito. Pinilit ko namang bigyan siya ng ngiti at nag-bow. Itinapat niya naman ang kamay niya sa payong ni Quinn at lumabas ang dark red na magic circle. Katapos ay pumasok mula roon ang prinsepe. Katapos ay napatayo ng mabilis si Quinn at huminga ng maraming bases.

"Uh! Biglang nawala ang masamang pakiramdam ko kanina," Sabi niya. Tapos ay tumuro sa taas, "Iyon siguro ang pinto papasok ng fourtieth floor, dahil may naka-ukit siyang number fourty!" Sigaw ni Quinn. Kaya napatingala kami ni Invera, at biglang  nagkatitigan at nagkangitian. Napayakap ako at si Invera kay Quinn dahil doon.

"Ang talas talaga ng mata mo!" Sabi ko naman.

"Yes, idolo talaga kita Quinn," Sabi ni Invera.

"Sige na, sunduin na natin si Arod," Sabi ni Quinn. Tinanguan naman siya ni Invera. Katapos ay ibinuka ang bibig nito at nagpalabas ng kasing laki ng ulo niyang Black Bull Beatle.

"Kunin mo yung lalaking iyon at dalhin samin." Utos ni Invera sa Beatle para kunin si Arod. Ilang saglit pa at nasundo na ang sugatan na si Arod.

"Tara na Invera,"  Sabi ko kaya tinanguan ako ni Invera. Tapos ay tumingin ako kay Arod.

"Bolt, pumunta ka sa pintong iyon!" Utos naman ni Invera. Kaya lumipad na kami paroon sa pinto.

"Pasensya na, Rod. Hindi ko pa magamit ang Healing Adjunctus ko," Sabi ko. Tinanguan naman ako ni Arod at saka nginitian ako.

"Ayos lang," Sabi niya. Katapos ay napatingin ito kay Quinn, at hinigit si Quinn para yakapin, "Pasensya na kanina Quinn, hindi kita nasamang nailigtas." Sabi ni Arod. Humiwalay naman si Quinn at sinampal ang braso ni Arod na may sugat na nagpangiwi dito na tinawanan naman ni Quinn, aaminin kong nakaramdam ako ng selos dahil doon.

"Ayos lang iyon, kung hindi dahil doon hindi ko mababasag ang seal," Sabi ni Quinn. Parang nagtaka naman si Arod dahil doon.

"Marami ba akong na-miss?" Tanong ni Arod.

"Ipapaliwanag ko na lang mamaya, pumasok muna tayo sa fourtieth floor door!" Excited na sigaw ni Quinn.

"Do the honor Quinn," Sagot naman ni Arod. Tumango naman kami bilang pagsang-ayon. Kaya nginitian kami ng malapad ni Quinn.

"Bolt, tumagilid kang kaunti para maabot ni Quinn," Utos ni Invera. Kaya naman tumagilid ang Bolt Dragon Fly at hinawakan naman ni Quinn ang doorknob at pinihit ito...

...

Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)

Continue Reading

You'll Also Like

985K 57.5K 57
Rebirth of an assassin. Birth of the heaven-sent princess. Rise of the supreme goddess. Rise of Dawn. ***
840 105 13
Anima: Unknown Summoners (BL) Nasawi dahil sa pag-ibig. Nabuhay sa ibang mundo na isang Summoners. Dated Started : Dec 19 2023
580K 28.4K 58
"She's not a mage or a monster or a magical being. She's not anything we know of.. She's not even human." "She's the most unique existence." "She's d...
6.6K 880 42
"Blessing as they say. But for me, it was a curse." Kang Ryujin: An 18 Y/o teenager who has the ability to control time. No limitations. No rules. He...