DG Series #3: Never Gonna Let...

By lhiamaya

800K 26.7K 2.6K

Limang taon ng ginugulo ang isip ni Atlas ng isang babae sa kanyang nakaraan. Pilit nyang kinakalimutan ito a... More

A/N
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
END
Special Chapter

Chapter 22

18K 672 97
By lhiamaya

Atlas

"PAPA pede po tayo bili nun?"

Tiningnan ko ang tinuturo ni Jeremiah sa labas ng bintana ng kotse. Tinabi ko naman sa daan ang kotse. Kagagaling lang namin sa school at sinundo ko sya.

"Alin dyan anak?" Tiningnan ko ang tinuturo nya. Di ko naman alam kung ano ang eksaktong tinuturo nya sa mga nakahilera na food stall.

"Yung fries papa na maraming iba't ibang flavor. Pero gusto ko yung barbecue. Sarap po yun eh."

"Ok, baba tayo. Ako muna unang bababa ha wait mo si papa." Bilin ko sa kanya at tinanggal ang kanyang seatbelt.

Tumango naman sya.

Minsan kasi kapag sobrang excited sya nauuna syang bumaba at biglang tumatakbo. Delikado pa naman dahil minsan nasa kalsada kami kaya lagi ko syang pinapaalalahanan.

Umikot ako sa kotse at binuksan ang pinto sa gawi ng anak ko. Dahan dahan naman syang bumaba at humawak sa kamay ko. Tumawid namin kami sa pedestrian lane. Tinungo namin ang stall na may nagtitinda ng fries na may iba't ibang flavor. Bumili ako ng medium cup lang. Marami na kasi ang large baka hindi na sya makakain ng pananghalian mayayari ako kay sugar.

Ng mabayaran na at makuha ang biniling fries ay sunod sunod na ang subo ni Jeremiah. Inalok pa nya ako. Hindi ako mahilig sa mga ganitong pagkain pero tinikman ko na rin. Masarap naman sya. Bumili na rin ako ng malamig na mineral water dahil baka mabulunan pa ang anak ko.

"Atlas pare!"

Nilingon ko ang tumawag sa akin. Nanlaki ang mata ko at parang gusto kong magtago. Teka bakit ba ako magtatago eh wala naman akong utang.

"Kester."

Lumapit sa akin ang kaibigan. Mukhang hindi sya nag opisina ngayon dahil casual lang ang suot nya na t-shirt na itim at blue jeans.

"Sabi na nga ba at ikaw yung nakita ko eh. Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba nag out of town ka? Eh nandito ka lang pala sa QC." Nakasingising turan nya.

Ngumisi din ako. "Out of town naman talaga ako ah. Sa Manila ako nakatira nandito ako ngayon sa QC eh di out of town." Pilosopong sagot ko.

"Tanginamo." Mura sa akin ni Kester.

"Bad po magmura manong."

Sabay kaming tumingin magkaibigan sa anak kong nasa tabi ko at nakatingala kay Kester. Ang kaibigan ko naman ay titig na titig sa anak ko.

"Sino yang batang kasama mo?" Kunot noong tanong ni Kester.

Bumuntong hininga ako. "Anak ko. Baby say hi to Tito Kester. Friend sya ni papa."

Matamis na ngumiti si Jeremiah at kumaway kay Kester. "Hi po Tito Kester!"

Hindi naman nakasagot ang kaibigan ko at nakaawang lang ang labi habang palipat lipat ang tingin sa akin at sa anak ko.

"Anak mo? Anong pauso to pare?" Nakangising turan ni Kester.

"Anak ko nga sya." Seryoso ang mukhang sabi ko.

Unti unti namang nabura ang ngisi nya sa labi at muling tumingin sa anak ko at sa akin.

"Seryoso ka ba talaga pare o ginu-good time mo lang ako? Pero kamukha mo nga tong bata. Ganyan na ganyan ang mukha mo doon sa mga picture mo noong bata ka pa eh. Mas pogi nga lang tong batang kasama mo."

"Dahil anak ko nga talaga sya." Giit ko.

Humawak naman sa kamay ko si Jeremiah habang nakatingin pa rin kay Kester.

"Anak po ako ni papa Tito Kester. Di ba po papa?" Bumaling sa akin ang anak ko.

"Yes baby. Ikaw ang baby ni papa." Ginulo ko ang buhok ni Jeremiah. Proud akong ipagsigawan sa lahat na sya ang anak ko.

Lalong umawang ang labi ni Kester. "Paanong.. paanong nagkaanak ka? Putang*na pare may nabuntis ka?"

"Bunganga mo naman pare naririnig ka ng anak ko." Saway ko sa kaibigan. Sa aming magkakaibigan sila ni Luigi ang palamura.

"Sorry naman. Nabibigla ako eh. Pero paano nga nangyari?"

Bumuntong hininga ako. "Mahabang kwento."

"Pwes ikwento mo."

Oo nga pala. Bukod sa palamura sya tsismoso din sya.

-

Dito sa isang children park kami pumunta ni Kester at ng anak ko. Alam kong di nya ako tatantanan hangga't di ako nagkukwento sa kanya. Hindi ko inaalis ang tingin sa anak ko na nagpapadulas na sa slide habang nagkukwento ako kay Kester. Kinuwento ko sa kanya ang lahat.

"Langya, limang taon ka na palang may anak ng wala kang kaalam alam." Bulalas ni Kester.

"Oo nga eh, kung hindi ko pa sya nakita sa mall di ko pa malalaman."

"Pero sigurado ka ba talagang anak mo yan? Nagpa-dna test ka na ba?" Nagdududang tanong ni Kester.

Sinamaan ko naman sya ng tingin. "Hindi na kailangan ng dna test. Anak ko si Jeremiah. Nakita mo naman kamukhang kamukha ko di ba?"

"O easy ka lang. Naniniguro lang ako."

"Ako siguradong sigurado ako na ako ang ama ni Jeremiah. Wala ng ibang naging boyfriend si Jolene pagkatapos ko. Nagfocus na lang sya sa pagpapalaki sa anak namin." Yun ang ang kwento ni Leah ang pinsan ni Jolene na nakasama nya sa loob ng limang taon at katuwang sa pagpapalaki sa anak namin.

Marami pang naikwento sa akin si Leah tungkol kay Jolene. Simula ng palayasin sya ng mama nya sa bahay nila dahil nalamang buntis sya. Nasunog ang bar na pinagtatrabahuan nya at wala na syang mapuntahan kaya lumuwas sya dito sa Manila. Awang awa ako sa kanya at nagagalit sa mga taong pinagtabuyan sya. Lalo pang lumaki ang respeto ko sa kanya. Hindi biro ang magpalaki ng anak mag isa sa limang taon.

"So anong plano mo sa mag ina mo?"

"Eh di magsasama sama kami bilang isang pamilya."

"Ibinahay mo na ang mag ina mo?"

"Hindi, pero doon ako tumutuloy pansamantala sa bahay ng mag ina ko. Mabuti nga hindi na ako tinataboy ni Jolene. Hinihintay ko lang na patawarin na nya ako at maniwala sya sa akin."

"Kung gusto mo pare kausapin ko ang ex mo. Ako ang magpapatunay na naaksidente ka naman talaga five years ago at nagkaroon ng partial amnesia."

Bumuntong hininga ako at ngumiti. "Hindi na kailangan pare. Nararamdaman ko namang lumalambot na sya sa akin." Hindi na masyadong nagsusungit sa akin si sugar at ngumingiti na rin sya kahit papaano sa akin. At madalas ko din syang nahuhuling nakatingin sa akin. Alam kong may pagtingin pa rin sya sa akin.

"Mahal mo talaga ang nanay ng anak mo no?" Nakangising turan ni Kester.

"Sya lang ang babaeng minahal ko pare at mahal ko pa rin hanggang ngayon." Pinilit ko syang kalimutan at binaling sa ibang babae ang atensyon. Pero sa limang taon na nagdaan at iba't ibang babae ang nakakasama ko ay lagi ko namang hinahanap hanap ang parte nya.

"Pero pare dapat na tong malaman ng mommy at ng kapatid mo."

"Alam ko pare. Gustong gusto ko ng ipakilala sa kanila ang anak ko. Siguradong matutuwa si mama dahil matagal na nyang inuungot na magkaapo sa akin. Pero hindi pa handa si Jolene. Natatakot sya." At naiintindihan ko naman yun lalo na at kaibigan nya si Ava. Natatakot sya sa pwedeng isipin ng pamilya ko. Pero kakausapin ko din sya tungkol dito.

.

.

Third POV

PASIPOL sipol si Kester na sumakay na sa kanyang sasakyan at pinaandar na ito. Nakita din nyang sumakay na sa kotse ang mag ama na nasa kanyang unahan. Binusihan nya ang mga ito. Inilabas naman ng kaibigan ang kamay at kumaway saka pinausad ang kotse.

Ngingisi ngising napailing naman sya at pinaandar na rin ang sasakyan pero sa kasalungat na daan ang daan nya. Hindi talaga sya makapaniwala na may anak na ang kaibigan. Kaya pala laging nawawala ito dahil abala sa mag ina nito. Wala namang duda na anak nito ang bata dahil kamukhang kamukha nito. Parang batang version nito.

Dinukot nya ang cellphone sa bulsa at dinial ang number ni Matias. Ilang ring bago ito sumagot.

"What do you want?"

Napangisi sya sa kasungitan ng kaibigan. Ito at si Luigi ang masungit sa kanilang magkakaibigan. Magkaiba nga lang ng antas ng kasungitan ang dalawa.

"Pare kita tayo sa The Top Bar mamaya."

"Di ako pwede."

"Bakit? Busy ka?"

"Oo, matutulog ako."

"Tss, pumunta ka na may importante akong sasabihin."

"Tsk! Tsismis lang yan. Sila Luigi na lang ang ayain mo. Wala ako sa mood sa mga tsismis mo."

Tss. Napaka-kill joy talaga nito.

"Basta pumunta ka kung ayaw mong mahuli sa balita." Aniya at pinatay na ang cellphone. Hindi rin naman ito makakatiis at pupunta din.

Tinawagan pa nya ang ibang mga kaibigan. Noong una ay panay tanggi pa ang mga ito at mga busy daw. Pero nung sinabi nyang may importante syang nalaman tungkol sa whereabout ni Atlas ay pumayag ang mga ito. Lowkey tsismoso din ang mga ito eh.

Pinatay na nya ang cellphone at pinatong sa dashboard.

Siguradong masarap ang inuman mamaya.

.

.

Jolene

HUMIHIKAB na lumabas ako ng kwarto at tumungo sa kusina. Nagising ako sa pagkauhaw.

Patay ang ilaw sa buong bahay pero may liwanag namang pumapasok mula sa bintana galing sa labas. Binuksan ko ang ref at kinuha ang tumbler ko at uminom. Tumingin ako sa sala kung saan natutulog ang mag ama. Pero napakunot ang noo ko ng maaninag lang ang maliit na bulto. Wala sa higaan si Atlas.

Nilibot ko ang mata. Napansin kong bahagyang nakaawang ang pinto. Binalik ko ang tumbler sa ref at tinungo ang pinto. Binuksan ko ito at sumilip sa labas. Nakita kong nakaupo sa may pasimano ng maliit na terrace si Atlas at naninigarilyo.

Bumuntong hininga ako at lumabas. Lumingon naman si Atlas sa akin at bahagya pang nagulat ng makita ako.

"Sugar, bakit nagising ka?" Tanong nya at dinutdot ang sagirilyo sa pasimano at hinagis sa basurahan na nasa tabi ng paso.

"Nauhaw ako. Ikaw bakit di ka pa natutulog tapos naninigarilyo ka pa." Pasita kong wika.

"Nagpapaantok lang."

"Sigarilyo pampaantok?" Sarkastiko kong sabi.

Kumamot sya sa ulo. "Sorry."

Bumuntong hininga ako. Ano bang pakialam ko kung manigarilyo sya? Buhay nya yan.

"Pasok na ako sa loob."

"Wait sugar."

Nilingon ko sya. "Bakit?"

"Pwede bang mag usap muna tayo."

Muli akong bumuntong hininga at umupo din sa pasimano. Tumingala ako sa langit. Maliwanag ang kalangitan at maraming bituin. Tahimik na ang paligid maliban sa pailan ilang mga sasakyan na dumadaan. Sarado na rin ang mga bahay ng kapitbahay at siguradong mga tulog na rin sila. Alas dose na rin kasi ng gabi.

"Anong gusto mong pagusapan natin?"

"About us sugar."

May ideya na akong yun ang gusto nyang pag usapan.

"Anong tungkol sa atin?"

Bumuntong hininga sya at tumingin sa akin. "Gusto kong makilala na ng pamilya ko si Jeremiah."

Napasinghap ako sa sinabi nya. "Atlas, sabi ko naman sayo di pa ako handa tungkol dyan di ba?"

"At kelan ka pa magiging handa? Alam kong natatakot ka sa pwedeng isipin at sabihin ng pamilya ko. But trust me sugar, di sila gaya ng iniisip mo. Lalo na si mommy, mabait yun at mahilig sa bata gaya ni Ava. Si mommy matagal na syang umuungot ng apo sa akin. Siguradong matutuwa sya kapag nakilala si Jeremiah."

Kumagat labi ko. Hindi ko pa nakikilala ang mommy nya. Si Ava lang ang kilala ko at mabait sya sa amin lalo na kay Jeremiah. Wala syang kaarte arte sa katawan kahit galing sya sa mayamang pamilya. Pero nahihiya ako sa kanya.

Hinawakan nya ang kamay ko at pinisil pisil. "Sugar, malalaman din naman ng pamilya ko ang tungkol sa inyo ni Jeremiah so bakit pa natin patatagalin."

Humugot ako ng malalim na hininga at hinila ang kamay na hawak nya.

"Anong sasabihin mo sa pamilya mo? Na ako ang ex mo sa Zambales at naanakan mo?"

Matiim syang tumingin sa akin. "No, sasabihin kong kayo ang mag ina ko. Ang pamilya ko."

Bahagya akong natameme sa sinambit nya. May kiliting umusbong sa puso ko. Masarap sa tenga ang sinabi nyang kami ng anak nya ang pamilya nya.

Iningusan ko sya. "Makapamilya ka dyan, bakit ok na ba tayong dalawa?"

Ngumisi sya. "Hindi pa ba?"

Inirapan ko sya. "Wala pa akong sinasabi no."

Tumabi sya ng upo sa akin. Tila naman ako nakuryente ng magdikit ang aming balat. Akmang lalayo ako pero inakbayan nya ako at kinabig padikit lalo sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ko na tila may nagkakarerahang daga.

"A-Ano ba umusod ka nga?" Tinutulak ko sya ng siko at braso pero matigas sya.

Lalo pa nyang hinigpitan ang akbay sa akin hanggang sa tuluyan na nya akong niyakap. Wala na akong nagawa kundi hayaan na lang sya. Pinikit ko na lang ang mata at dinama ang init ng kanyang katawan na matagal ko na ring pinanabikan.

*****

Wala pang kuryente dito sa amin kaya hindi ako makakapag update sa kabila baka bukas na lang po.
Stay safe kayong lahat guys. Pray lang ng pray 🙏

Continue Reading

You'll Also Like

8M 202K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
11.6M 473K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
2.7M 101K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
1M 29.5K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...