Unsolved Love - Student Serie...

De JustUnUglyGirl

60.9K 1.5K 21

[COMPLETE] Pamie Natividad and Cian Dheo Almazon Ang gusto lang naman ni Pamie ay ang magkaroon ng payapang... Mais

UNSOLVED LOVE
PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE

15

802 36 0
De JustUnUglyGirl

Pag-uwi ko ng bahay at dumiretso ako sa kuwarto ko para ilagay ang pinamili ko dala ko rin yung ibibigay ko kay Lea, nang maayos ko na yun sa kuwarto ko ay lumabas na ako para ibigay kay Lea yung binili ko para sa kaniya.

Muntik pa kaming magtalo ni Lexi dahil hindi ako pumayag na siya ang magbabayad nito, ang dami niya na ngang binayaran sa akin eh. Pumunta ako sa kuwarto niya at kumatok doon. Nakailang beses akong kumatok bago niya ako pagbuksan.

"Oh ikaw pala Pamie, why?" Nakangiti niyang bungad sa akin.

"Here," itinaas ko ang tatlong paper bag na dala ko sa harapan niya, nagtataka niya yung tinanggap, bago pa siya makasalita ay naglakad na ako paalis.

"Thank you!" Sigaw niya at mukhang masaya siya. Napangiti ako bago pumasok sa kuwarto ko.

Bakit ka ngumingiti Pamie? Inis kong sinampal ang sarili ko at humiga sa kama, napatitig ako sa kisame ng kuwarto ko. Kailan ko ba bababaan ang pride ko para sa pamilya ko? Bakit kase hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap? Napahinga na lang ako ng maluwag bago ipinikit ang mata para matulog, pero bago ako tuluyang makatulog ay nay bigla na lang tumawag sa cellphone ko.

"What?" Inis kong tanong pagkasagot ng tawag, ni hindi ko na nga nagawang tingnan kung sino yun eh.

["Bakit ka galit?"] Natatawang tanong ni Cian, napadilat ako ng mata at biglang napa-upo sa kama.

"Oh sorry, ano ba kase yun?"

["Yayayain sana kitang maglaro ng badminton dito sa park, nandito din yung mga bata, pero mukhang ayaw mo ata kaya sigee, bye-"]

"Wait, papunta na." Konsensiya pa ako eh.

Kumuha lang ako ng jacket at sinuot yun, nagdala rin ako ng cash sa wallet ko at cellphone, kinuha ko na rin yung raketa ko at lumabas na sa kuwarto ko, nagulat pa si Lea sa bigla kong paglabas.

"Aalis ka ulit?" Taka niyang tanong habang hawak-hawak yung damit na binili ko sa kaniya.

"Pahangin lang," tipid kong sagot.

"Ingat," nakangiti niyang sagot, hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagbaba ng hagdan. "Mommy, look ang ganda nung binili ni Pamie sa akin-"

Napailing na lang ako sa narinig ko at tuluyan ng pumunta sa kotse ko, inayos ko muna ang mga gamit ko bago nagmaneho paalis.

Hindi rin naman ganon kalayo ang park kaya nakarating din ako kaagad. Nadatnan ko doon si Cian na tinuturuan yung mga bata, nang makita nila ako ay agad nila akong sinalubong at iniwan si Cian doon.

"Ang daya ha, palibhasa dumating si Ate niyo iniwan niyo na ako," kunwaring nagtatampong sabi ni Cian.

"Ang panget mo magtampo kuya," sabi ni Cyrell.

"'Di bagay kuya," si Lloyd.

"Wala ka kaseng pagkain," natatawang sagot naman ni Jimmanuel.

Tinawanan ko lang sila at inabot sa kanila yung dala kong meryenda. Lumapit sa akin si Cian at tiningnan yung mga bata na kumakain.

"Laro muna tayo?" Yaya niya, tumango naman ako at kinuha yung raketa ko.

"G, pero dapat may deal," nakangiti kong sagot sa kaniya.

"Wag na, wala akong pera panlibre sa'yo," sinamaan ko siya ng tingin.

"So? Ganito na lang, kapag natalo ka, gawan mo ako ng letter na hand written mo," natatawa kong sambit.

"Hala, ang panget ng writing ko," natatawa niyang sagot.

"Ano din? Gusto kong makatanggap ng letter, actually may nagbibigay naman sa akin kapag valentine's pero 'di ako interested kaya tinatapon ko," natatawa kong sabi sa kaniya.

"Sige, I'll try," nakangiti niyang sagot, napangiti naman ako doon at pumwesto na. "Eh paano naman kapag ikaw ang natalo? Anong parusa ko sa'yo?"

"Anything na kaya ko," sagot ko sa kaniya.

"Anything?"

"Anything,"

"Kapag natalo kita ngayon din, girlfriend na kita." Nanlaki ang mata ko dahil doon, seriously ganito siya magpo-propose? Gosh.

Para namang may magnet yung sinabi ni Cian dahil bigla na lang nagsilapitan yung mga bata habang may nginunguya at may hawak-hawak na tinapay ang mga kamay.

"Go kuya, kaya mo yan." Si Mia habang tumatalon pa.

"Angas nun ha," natatawang si Kurt.

"Teka hindi pa ako pumapayag ha, ang daya naman nun," reklamo ko kaagad.

"Wala na, deal is a deal Ate Pamie," natatawang si Lloyd.

"Wala bang second option?" Kinakabahan kong tanong. I'm not ready for a relationship, lalo na kay Cian, hindi ko pa siya kilala ng lubusan.

"Wala, game na!!" Sigaw nilang lahat.

Wala akong choice kundi ang lumaban, hindi ko alam kung matatalo ko ba siya, pero sana matalo ko, ayaw ko pa magka boyfriend huhu.

"LAB ALL!" sigaw ni Mia. Unang nag serve ay si Cian, mabilis ko naman yung nahabol pero ganon din siya. Paulit-ulit na ganon at wala pang nakaka score.

"One lab," napangisi ako kay Cian. Dapat lang na matalo siya.

"Service over, one lab," sinamaan ko kaagad siya ng tingin.

"Service over, one lab," tumira ulit ako at he missed it. "Two lab," nagpalakpakan naman yung mga bata. "Out!" Shocks.

"Service over, one lab," kainis, nakakailan na si Cian, hindi nagkakalayo ang score namin, halos pantay na.

Paano ko ba 'to matatalo? Dayain ko kaya? Eh paano naman? Haysttt bahala na nga, tanggapin na lang ang parusa.

Nang tumira si Cian ay hahabulin ko sana pero hindi ko nahabol, napaluhod pa ako para lang mahabol ang shuttlecock pero wala, I missed it.

"Service over, two lab you daw sabi ni kuya Cian," natatawang pang-aasar ni Mia, pero napahinto siya ng tawa ng makita akong nakaluhod sa lupa dahil hindi ko nahabol yung shuttlecock, hinabol ko naman, sadyang nahuli lang ako.

"Ayos ka lang?" Hinihingal na tanong ni Cian sa harapan ko, ang bilis niya naman. Napanguso ako dahil talo na ako.

"Panalo si kuya Cian!!!" Sigaw nilang lahat at nagtatatalon pa sa tuwa, ganon ba talaga nila kagustong maging boyfriend ko 'to?

Tinulungan ako ni Cian na tumayo, nakanguso pa rin ako hanggang ngayon, sana pala hinabol ko pa, kainis.

"Pano ba yan? Deal is a deal?" Nakangiti niyang sabi sa akin habang tinutulungan akong alisin yung dumi sa damit ko.

"I have no choice," sagot ko naman na ikinahalakhak nila.

"Because you are only mine, don't worry I won't hurt you," nakangiti niyang tugon.

"Ayieee, ede wow," sabi ni Mia at bumalik sa kinakain nila kanina, napatawa naman kami ni Cian dahil doon.

"Haystt nagkatuluyan din," umiiling na sabi ni Cyrell.

"Inggit ka lang eh," pang-aasar naman ni kurt.

"Bakit ikaw hindi?" Balik naman kay Kurt ni Jimmanuel.

"Manahimik na nga kayo, kumain na lang tayo." Saway ni Lloyd sa kanila.

Mahina akong napatawa at hindi na sila pinansin sa pang-aasar.

"Pagsisisihan mong naging girlfriend mo'ko," sabi ko sa kaniya at inirapan siya.

"No, you're more than enough, wala akong pagsisisihan at wala akong balak na sukuan ka, kahit anong mangyari," seryuso niyang sabi na ikinapamula ng mukha ko. "Ang cute mo." Inis akong tumingin sa kaniya ng pisilin niya ang pisnge ko.

"Ang sakit ha," reklamo ko kaagad. Tinawan niya lang ako kaya nahampas ko siya ng mahina.

Ang unfair talaga nung deal, pero bakit ba ako pumayag na ganon yung deal? Kainis naman kase eh, dapat hindi ako pumayag, pero hindi na din naman masama, kase gusto ko ring e try magkaroon ng boyfriend, pero hindi naman sa ganitong paraan, bakit ba pumayag ako?

"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko kay Cian habang inaayos yung gamit niya, ganon din naman ang ginawa ko.

"Uuwi na kung uuwi kana," nakangiti niyang sagot.

"Ahh okay, pauwi na din ako," nakangiti kong sagot. Inilagay ko na yung raketa sa likod ko at humarap sa mga bata na naglalaro, nagpaalam na ako sa kanila at nagsimulang maglakad papunta sa kotse ko.

Hindi ko namalayan na nakasunod pala sa akin si Cian. Nagtataka akong tumingin sa kaniya ng mailagay ko sa loob ng kotse yung nga gamit ko.

"Sasabay ka ba?" Mabilis naman siyang umiling kaya napataas ang isang kilay ko. "Then why are you here?" I ask confusedly.

"You forgot something," nakangisi niyang bulong.

"Huh? Wala naman ah, nadala ko na lahat ng gamit ko," sagot ko dito.

"How about your obligation as my girlfriend?" Nakangisi niyang sabi.

"Manahimik ka diyan, walang ganon," tinawanan niya ako ng malakas kaya masama ko siyang tiningnan, it's really fucking cringe.

"Joke lang ito naman, hindi kita pipilitin, pero ayaw mo talaga? Kiss lang eh," kinuha ko yung raketa at aktong ihahampas sa kaniya pero hindi man lang siya natakot.

"Kiss mo mukha mo," sagot ko dito.

"Sige na, ingat sa byahe ha," paalam niya.

Ngumiti naman ako bago kumaway.

"Btw, ang ganda mo, bagay sa'yo yung maikling buhok, and your nails, ang ganda, pero mas maganda ka," nakangiti niyang puro sa akin na ikinapamula ko na naman.

"T-Thanks," nahihiya kong sagot, hindi ako sanay na pinupuri lalo na ng isang lalaki.

"Ahhh, why you're so beautiful? Lalo tuloy akong nahuhulog sa'yo," kunwari pa siyang umaktong nasasaktan kaya napatawa ako. Bakit ba ganito 'to, ang hirap itago nung kilig.

"Ewan sa'yo, sige na, umuwi kana rin pag-alis ko ha," paalam ko.

"Sir yes sir," sumaludo pa siya sa akin na ikinatawa ko.

"Bye," paalam ko at nagsimula ng nagmaneho.

"Bye, mamahalin pa kita, ingat, iloveyouuu, mwuah." Gusto ko siyang batukan ng bigla siyang sumigaw.

Para naman akong tanga sa kotse na tudo ang ngiti dahil sa narinig, iba pala yung feelings kapag sa personal sinasabi na mahal ka ng isang tao.

So is this the love they're talking about?

Continue lendo

Você também vai gostar

760K 19.4K 54
❝ oh 𝓛𝓸𝓿𝓮.... You make such fools of us all ❞ .✫*゚・゚。.☆.*。・゚✫*. .✫*゚・゚。.☆.*。・゚✫*. .✫*゚・゚。.☆.*。・゚✫*. (Y/N) grew up as an aristocratic noble who...
Steamy Ones De Vile Vampire

Ficção Adolescente

91.3K 324 13
As the title says
22.2K 471 38
What if maging totoo ang delusions mo? What if ikakasal ka nga sa kinababaliwang crush mo? Sa pagpasok ni Leslie sa buhay ng kaniyang man of her dre...
10.7K 206 33
(PLEASE SUPPORT MY STORY) The Tales of my Bleeding Pen is a compilation of the author's superb Tagalog and English stories. Feel the warmth and enjoy...