Pahimakas

By illuminatusink

328 40 10

In order to fulfil her grandfather's last will, Amaris Figueroa chooses to do what she really wants in life e... More

Foreword
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9

Chapter 8

11 3 3
By illuminatusink



"Amaris, napag isipan mo na ba kung anong club yung sasalihan mo?" tanong ni Cali.



Nandito kami ngayon sa library. May nakita kasi akong book about astronomy kaya niyaya ko si Cali na samahan akong magbasa, free time din naman namin dahil hindi pumasok ang isa naming professor.




"Required ba? Paano naman kung hindi talaga ako interesado sumali sa kahit anong club?"



"Sports? Kasali kami sa volleyball team ni Benjamin habang si Lia naman babalik daw siya sa cheerleading."



"Hindi naman ako mahilig sa sports. Kahit noong nasa Beijing pa ako, wala akong sinasalihan na mga club." 



"Ehh? Ang boring kaya pag bahay at school lang...mas okay kasi if abala ka rin sa ibang bagay."



"Busy naman ako sa ibang stuffs. Hindi nga lang about sa school." Natatawang sagot ko.



"How about joining the student council? Diba magkakilala naman kayo ni Gavin?"




"Ayaw ko." Mabilis kong pagtanggi.




I don't want to get involved with him, anymore. Hindi dahil sa galit ako sa kanya kundi dahil sa sa mga nangyari, kaya naman ayaw ko muna siyang makita dahil baka ikwento niya lang sa akin kung anong ginagawa ng ate ko. Masama pa rin ang loob ko sa mga ginawa ni ate sa akin.



"Ang hirap mo naman pilian ng club. Anong mga hobbies mo or saan ka interesado?" pangungulit ni Cali.




"Ayos lang ako, Calisto. 'Wag mo ko masyadong alalahanin, yung pagsama ko nga lang sa inyong tatlo, sapat na." Nakangiting sambit ko.




Napatungo naman si Cali sa table habang nakaharap sa akin, parang stress na siya na hindi ko maintindihan.



"Ayaw ko lang naman na you feel left out ka sa group. Lalo pa at madalas na magasaran yung dalawa. At saka kapag nag start na yung training namin, hindi na tayo madalas magkita kita." Paliwanag niya.



Napangiti ako dahil sa sinabi ni Cali. He's so nice to me, actually silang tatlo naman. I'm really grateful to have them in my life. They are so pure and genuine towards me.



"Kung ganon, manonood na lang ako tuwing practice niyo!"



"Are you really sure, Ms. Figueroa?"



"Yes. Mr. Class President."



Nagtawanan kaming dalawa. Pagkatapos ay muli kong tinuon ang atensyon ko sa aking binabasa.




Natapos ang free time namin. Sinabihan ko si Cali na mauna na muna sa building dahil may kukunin pa ako sa locker room. He insisted na samahan pa ako pero pinigilan ko siya. Nagpunta ako sa locker room habang wala pa masyadong tao. Kailangan ko kasi ang mga books ko for our next subject which is history and literature.




Nagulat na lang ako dahil paglabas ko, may tatlong babae na ang nag-aabang sa akin. Isa na sa kanila si Ciara Louisville. This bitch again.



Naka crossarm pa siya habang nakatingin sa akin. Ang isa naman sa kasama niya may dalang malaking gunting habang ang isa ay ngumunguya ng bubblegum.




"Transferee ka pa lang pero gusto mo agad na umangat sa taas. Last time si Gavin, the other day si Reverie and today are you with Calisto Morales, the team captain of the men's volleyball."



"Bakit crush mo rin ba si President Shio and Calisto? Kaya umiiral na naman yang sakit mo?" pambabara ko sa kanya.




Lalagpas na sana ako sa kanila pero bigla niya na lang akong hinawakan ng mahigpit sa braso. Sa sobrang higpit ay bumabaon na ang kuko niya sa balat ko kaya naoahiyaw ako sa sakit.




"I'm still talking! 'Wag kang bastos!" 



Mabilis niya akong sinampal sa pisngi. Now, that was the real deal.



Kung mahina lang sana ang pagkakasampal sa akin, papalampasin ko pa siya. Baka kasi nademonyo lang ang kamay niya pero napangiwi ako dahil pumutok ang labi ko. Damn! Ang walang hiya na 'to ay sinampal ako kung saan din ako sinampal ng ate ko.




"Wag kang aangal na parang hindi kita binaalan ah!" banta ko pa.



"Girls! Hold her!" utos niya sa mga asungot na dala niya.




Agad namang silang kumilos at hinawakan nga ang dalawang braso ko. Agad akong nagpumiglas pero parang napupunit lang ang balat ko dahil sa talim ng mga kuko nila.




Lumapit sa akin si Ciara at sinampal ulit ako. Halos matumba ako sa lapag dahil triple ata ang lakas na binigay sa akin. Kung hindi nga lang ako hawak ng mga alalay niya kanina pa ako nakasalampak sa sahig.




"Bitch! Akala mo ba malalamangan mo na ako ngayon?!"




Kinuha niya ang gunting sa mga kaibigan niya. Kinabahan na ako dahil sa balak niyang gawin, baka saksakin ako neto ng wala sa oras. Paano na ang mga plano ko? 




Napasigaw ako sa sakit dahil sinipa ako sa binti ng isa sa mga kasamahan niya.




"Alam mo ba kung ilang katulad mo na ang napatalsik ko sa university?! Kahit ako hindi ko na rin mabilang..." 




"Siraulo ka! Dapat sayo dalhin sa mental!" sigaw ko.




Marahas niyang hinila ang buhok ko dahil sa sinabi ko.




"Now, I'll teach you a lesson and this is my first warning," she said.




Sinimulan niyang gupitin ang blouse at palda ko hanggang sa makita ang hindi dapat makita. Sumisigaw na ako pero hindi ako makatakas dahil mahigpit ang kapit sa akin ng mga kaibigan niya.



"Girls, bitawan niyo na siya! Let's go na!" 



The psychopath was already satisfied.




Sa buong buhay ko hindi ko pa naranasan ang bullying. But right now, I witnessed and experience it. The bullies are weak, they need to go in a group just to punish their target. Pagkalabas ko galing sa locker room, alam kong kitang kita ang bruises ko pero hinayaan ko lang. This is the time to use what I've learned before. Hinanap agad ng mga mata ko si Ciara at hindi ako nahirapan dahil kitang kita ko siya na nagtatawanan kasama ang mga kaibigan niya.




"Ciara Louisville!" tawag ko sa pangalan niya.




Mukhang gulat na gulat siya na makita ako.




"W-who are you? Hindi kita kilala!"



Ngumisi ako.



"Nakalimutan mo na agad. Ikaw ang may gawa ng mga pasa at sugat ko!"




Lumakas ang bulungan kaya nagsimula akong lumapit sa kanya. Nababasa ko na natatakot na siya pati na ang mga kaibigan niya.



The one who plays dumb, takes the advantage.



Sumugod ang isa niyang kaibigan. Pero agad ko itong sinipa sa binti, katulad ng ginawa sa akin kanina. Napasigaw siya ng napakalakas at halos hindi na makatayo. Sumunod naman ang isa, sinampal ko siya ng malakas at sinabunutan. Timumilapon na ang dalawa.



"H-how dare you?! Kapag sinaktan mo ko, my parents will take an action just to kick you out in this university!" sigaw niya.



"I'm not scared."



"I'm the princess of this university! Wala kang karapatan na saktan ako!" lumingon siya sa mga students. "...call the guards and even the student council officers, this bitch was mentally sick!"



Wala ni isang kumilos sa mga estudyante.



"Do you think they will listen to you? Sawang sawa na ang students sa mga kagaya mong bullies."



"You tricked me! I thought..." hindi niya masabi ang susunod na kataga.




"That I'm weak?" natawa ako. ".. I just want to experience the bullshit you did to the victims of your bullying!"



Nilabas ko ang gunting na ginamit nila sa akin kanina. 



Frome my peripheral vision I saw Lia and the others. They look scared and panicked because of the scene that they witnessed.



"Amaris! Anong binabalak mo? Hayaan mo na siya! The officers will take a charge here..." sambit ni Lia.



"I will tell you a story." Ngumiti ako sa kanila.



"One of my friends got bullied. Nakita ko siya kung paano pagtulungan at pinakamatindi sa lahat nagkaroon siya ng trauma. Because of that hindi na siya nagsasalita, until one day...guess what happened to her."



Natahimik ang lahat.



"She committed suicide." pagtatapos ko sa kwento.



"I'm not a bully! I'm just giving a warning to those students na sumusobra na!"



"Really? Are you an officer? Matapang ka lang naman dahil isa kang Louisville."



"What makes you think na mas mataas ka sakin?!"

"Because I'm a Figueroa."



Muling nagbulungan ang paligid.



"So, what?! It's just surname."



"Figueroa's holds the mining company which have gold, silver and bronze. They are one of the producers of fuels and agricultural products around the world. And lastly, our ancestors became an imperor and impress during dynasties in China." One of the students said. 



"I don't care! I will tell my parents about you!"



"Sige lang. Baka lumuhod pa sila sa harapan ko para lang kaawaan kita."



Hinagis ko ang gunting papunta sa direksyon niya, tumusok ito sa malambot na nakasabit sa pader na parang isang palaso. Nakita ko na sila Gavin pero hindi ko sila pinansin at nilagpasan ko lang.



"Amaris, totoo ba yung mga sinabi mo kanina?" tanong sa akin ni Lia.



"Alin don?"  



Nandito kaming apat sa clinic habang si Lia naman ay ginagamot ang konting sugat na mayroon sa akin.



"About sa friend mo..."



Tumango lang ako.



Pagkatapos, hindi na sila nagtanong. Kaya naman katahimikan ang bumalot sa amin sa loob ng clinic.



"Bakit ang tahimik niyo?" 



"This is the first time that someone fights back against Ciara." Cali said.



"Mukhang nakahanap na ng katapat si Ciara." Si Benjamin.



"Tama lang yan...pero major shareholders ng university ang pamilya niya. Baka kung anong gawin sayo, Amaris."



"Don't worry, I'm well prepared." I spoke.




Flashback.



"Kee, what's up? Hindi ka na busy?"



"I have something to tell you."



"What is that?"



"Do you remember Rou's case, right? The suspect was caught and earlier he was sentenced to death."



"He deserves it. Rou will be in peace."



"May nalaman pa ako about Rou. She enrolled and lived for months in the Philippines. Guess what happened.."



"What?"



"She got also bullied and kick out from Crawford University."



Nag-enroll din pala siya sa Crawford?



"Kilala mo ba kung sino at anong dahilan kung bakit siya na bully dito?" I curiously asked.



"I don't know the reasons..but based on what I founf out, the name of teh bully was Ciara Louisville."





Continue Reading

You'll Also Like

104K 3.2K 30
[ONGOING 🔞] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...
6.6M 179K 55
⭐️ ᴛʜᴇ ᴍᴏꜱᴛ ʀᴇᴀᴅ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ ꜰᴀɴꜰɪᴄᴛɪᴏɴ ᴏɴ ᴡᴀᴛᴛᴘᴀᴅ ⭐️ ʜɪɢʜᴇꜱᴛ ʀᴀɴᴋɪɴɢꜱ ꜱᴏ ꜰᴀʀ: #1 ɪɴ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ (2017) #1 ɪɴ ᴋʏʟᴏ (2021) #1 IN KYLOREN (2015-2022) #13...
9.9M 501K 199
In the future, everyone who's bitten by a zombie turns into one... until Diane doesn't. Seven days later, she's facing consequences she never imagine...
166K 1K 34
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...