Pahimakas

By illuminatusink

328 40 10

In order to fulfil her grandfather's last will, Amaris Figueroa chooses to do what she really wants in life e... More

Foreword
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9

Chapter 7

11 3 0
By illuminatusink




"Amaris...mahal kong apo."



"Lolo? Nasaan po kayo?!"



"Apo ko...nagustuhan mo ba ang regalo ko sayo?"



Biglang tumahimik ang paligid at hindi ko masyadong makita ang kabuuan ng Lolo ko.



"Wala na po akong kakampi. Sila mommy at daddy puro business lang ang inaasikaso, si kuya naman po ay nasa Beijing at si Ate...galit po siya sa akin."



"Kailangan mong maging matatag at matapang. 'Wag kang magaalala dahil palagi kitang binabatanyan, apo ko..."



"Pero hindi ko na po kaya..."



Ilang minuto akong naghintay pero walang sumagot. "Lolo? Lolo?! Isama niyo na po ako!"



"May misyon ka pa na kailangan na gampanan, Amaris."



"Misyon? Ano pong misyon?"



"Malaman mo rin sa takdang panahon..."







Humahangos akong bumangon. Naramdaman ko ang bigat ng pakiramdam ko at ang pagdaloy ng pawis sa aking noo. Bigla akong nakaramdam ng uhaw, kailangan kong uminom ng tubig.



Panaginip lang pala.



Paglabas ko nang kwarto ko ay naabutan ko si Finn na may kausap sa cellphone niya. Hindi ko naiwasan ang makinig sa usapan nila.



"Promise ko sayo na ibibili kita ng kahit anong gusto mo..pero kailangan sakto lang dahil para may matira pa para sa gastusin niyo dyan."



"Kuya, miss na po kita!"  boses ng isang batang lalaki ang narinig ko.



"Miss na rin kita, bunso. Magpakabait ka dyan ha at wag kang magpasaway kina tita.."



"Kuya umiiyak ka po ba pag namimiss mo ako?"



Narinig ko ang pagsinghap ni Finn.



"Kailangan ko magtrabaho, ingat kayo dyan!"



Naputol na ang linya. 



Nakita ako ni Finn dahilan upang maalarma siya.



"Young lady? Gising na po pala kayo. May hinanda na po akong pagkain."



Ngumiti lang ako sa kanya. 



Hindi ko namalayan na umaga na pala. 



Nagsandok na ako ng pagkain ngunit natigilan agad ako ng may napagtanto. Napatingin agad ako sa damit na suot ko, terno ko iyon na pantulog. Naalala ko na ang nangyari, nawalan ako ng malay habang umiiyak sa kawalan kagabi.




"Finn! Ikaw ba ang nagpalit ng damit ko?!" bulyaw ko sa kanya.



Sa dinami rami ng pwedeng lumabas sa bunganga ko. Iyon ang nagkusa.



"P-po? Hindi...nagpagtulong ako kay nanay.." halos utal utal na sagot ni Finn.



Okay. Ang oa ko lang talaga!



Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sagot niya. Mabuti na lang walang ganong nangyari, mukhang mapagkakatiwalaan ko naman si Finn. Tumikhim ako para mabawasan ang awkwardness na nangyari.




"Kapatid mo ba ang kausap mo kanina?"




"Pamangkin ko po." 




"Talaga? Pero tawag mo sa kanya bunso..."



"Parang kapatid ko na po kasi ang batang 'yon. Ang kapatid ko po ay namatay dahil sa sakit na leukemia..." paliwanag niya.



Shit. Kaya talaga bagsak ako pagdating sa communication.



Nakaisip ako ng ideya. Since, wala naman ako gagawin ngayong araw. Gusto kong bumili ng mga kailangan ko kasabay non pwede ko rin suklian ang ginawa ni Finn.



"Gusto kong samahan mo ako sa pamimili. Isama mo na rin si lola," utos ko sa kanya pagkatapos ko uminom ng tubig.



"Ngayon na po ba?" 



"Hindi, bukas pa..." medyo sarkastiko ako sa sagot ko pero mukhang hindi niya naintindihan.



"Malamang ngayon na, pero bago ang lahat kumain ka muna. Ikaw ang naghanda nyan tapos hindi mo titikman..." sarkastiko pa rin ako bago ko siya talikuran.




Gusto ko na mas makilala pa si Finn at Lola Cynthia. Nagkamali ako dahil hinusgahan ko agad si Finn. Parehas lang pala sila ni lola na patas na lumalaban sa buhay at nagtatrabaho para sa kanilang mga mahal sa buhay.




Ano kayang pakiramdam ng ganon? Kahit nakakapagod pero kung para naman sa taong mahalaga sayo, gagawin mo pa rin.




Namili na ako ng isusuot ko sa closet ko. Color mint green na off shoulder dress na above the knee ang suot ko. Suot ko rin ang necklace na regalo sakin ni Keegan, last year. Then, inayos ko lang ang buhok ko at naglagay ng headband. Lumabas na ako sa kwarto. I turn off the lights and everything before I decided to lock the door. I feel excited and at the same happy. First time ko lang pupunta sa mall simula noong makabalik ako sa Pilipinas.



Naabutan ko na si Finn at Lola Cynthia kaya napangiti ako.




"Ay! Napakagandang dalaga mo talaga, Amaris!" bati sakin ni Lola habang may kargang batang babae.



Tingin ko nasa four- or five-years old pa lang siya. Lumingon siya sa akin. Sobrang cute niya at gusto kong pisilin ang mga pisngi niya pero baka bigla siyang umiyak.




"Hello!" masayang bati ko sa bata.



"Siya nga pala si Lin. Ang bunso kong apo. Lin, siya naman ang Ate Amaris mo.." sambit ni Lola.




Natuwa ako dahil biglang humawak sa kamay ko si Lin. Sobrang cute talaga niya kaya kinarga ko na siya. Akala ko nga, iiyak siya habang buhat ko siya pero tahimik lang siya habang nasa biyahe kami.




"Ija, pagpasensyahan mo na angf suot ko, ito lang ang meron ako sa bahay..." maya maya nagsalita si Lola Cynthia.




"Wala naman po sa akin, kung saan po kayo komportable... isa pa po, hindi pa rin naman po nahuhuli ang fashion style niyo sa mga trends ngayon..."



"Parehas kayong bolero ni Finn..." natatawang saad ni Lola.



Napuno ng tawanan at kwentuhan ang biyahe namin. Napag alaman ko na sa parehong school pala nag-aaral si Lin at ang pamangkin ni Finn. Parang anak na rin ang turing ni Lola Cynthia kay Finn dahil siya ang madalas na maghatid sa kanyang apo.




Kahit papaano..dahil sa mga taong kasama at kausap ko ngayon ay gumaan ang kalooban ko. At dahil sa trato nila sa akin, parang kapamilya na rin nila ako.




Dumating na kami sa mall. Nakita ko ang galak sa mukha ni Lin nang makita ang mga batang kasing edad niya ang mga nandito.




"Ano ba ang mga bibilhin mo, ija? Baka makatulong ako sa pamimili mo." saad ni Lola.




Napangiti ako. "Kayo muna po ang mamili, sasamahan ko po kayo."



"Aba! Eh akala ko ba magpapasama ka lang sa amin?"




"Ang totoo po, gusto ko po kayong bigyan ng surpresa. Kaya po sinama ko kaya dito dahil para makapamili kayo nang mga bagay na gusto niyo."




"Young lady, wag na po kayong mag abala.." pagtanggi agd ni Finn.




"Oo nga naman, apo. Naku! Eh ang mahal ng mga bilihin dito. Ayos lang kami, sige na mamili ka na."




"Ngayon lang naman po ito. At saka kung ayaw niyo po talaga kahit para na lang po sa mga bata." Nakangiti kong tugon.




Syempre para hindi na makatanggi sila lola ay ako na ang humawak kay Lin. Una kaming pumunta sa fashion wear, hinayaan ko sila Finn na pumili at halos lahat ng napili nila ay puro pambata. Sunod naman naming pinuntahan ay para sa hygiene and perfumes. Nang matapos kami ay dumaan rin kami sa kids stuff, hinayaan ko si Lin na pumili ng magugustuhan niya habang si Finn naman ay pumili na rin para sa pamangkin niya.




Sobrang saya ko nang matapos kami. Hindi ako nakaramdam ng pagod at pagkabagot dahil naaaliw ako sa kanila. Lalo na kapag pinipilian si Finn ng damit ni Lola Cynthia.




"Gutom ka na, baby?" tanong ko habang karga pa rin si Lin.



"Young lady, sobra na po ito-"



"Finn, anong sinabi ko sayo? Avoid formalities. Nasa public place tayo, hindi naman ako anak ng hari at reyna..." 




"Kaya niyo pa po ba?" tanong ko kay lola na nasa likod namin.




"Medyo hinihingal lang ako, pero kaya pa!"




Sakto ay huminto kami sa isang sikat na restaurant dito. Inutusan ko na si Finn na mag order para sa amin.



"Maraming salamat talaga sa lahat ng ibinigay mo sa amin ngayon, Amaris."




Napangiti ako sa sinabi ni lola.




"Maraming salamat din po dahil nakilala ko kayo."




Napawi niyo po ang kalungkutan at pangungilala ko sa aking lolo.




Pagkatapos namin kumain sa restaurant ay umuwi na rin kami. Nakatulog na kasi si baby Lin at si lola naman ay kahit hindi siya nagsasabi ay halatang pagod na rin siya. May mga nabili na rin naman ako na kailangan ko at para sa sarili ko. Sa balikat ko nakatulog si Lin kaya naman hindi ko na siya binitawan hanggang sa maihatid namin sila. Nagpasalamat pa sa akin si lola bago bumaba ng sasakyan. Sunod na nagpaalam si Finn, nagpasalamat rin siya sa akin bago ako hinatid sa condo unit ko. Hinayaan ko siyang dalhin muna ang sasakyan dahil sa mga pinamili namin.





Napahiga agad ako sa malambot kong kama. Sobrang saya ko ngayong araw, sayang nga lang at hindi ako nakapaglaro sa arcade kasama si Lin. Sa susunod ay yung mga bata naman ang dadalhin ko sa mall.



Biglang tumunog ang phone ko, nakita ko agad ang pangalan ni Keegan kaya sinagot ko ito.



"Kee, what's up? Tagal mong hindi nagparamdam ah!"



"Miss me? Sabihin mo lang. I'm willing to take a flight just to see you."



"Loko ka talaga. By the way, bakit ka nga pala napatawag?"



Akala ko pinatay niya na ang tawag dahil wala na akong narinig sa kabilang linya.



"Hello? Keegan? Nandyan ka pa?"



Tiningnan ko ang phone ko, talagang namatay nga ang tawag. 




Keegan sent a message. Kasama niya pala ang mga magulang niya. He said that he will talk to me next time. Then, I set the lights in my room in a dime mode. Muling umilaw ang phone ko.



"Ano na naman ba?" walang ganang tanong ko.



"Amaris Maiven! You are being stubborn!" sigaw ni Kuya Alvin mula sa kabilang linya.



Galit na talaga siya. Isama ba naman yung second name ko.



"Kuya, I know I was wrong. Sorry for making you worried."



"Tch. You're not sincere. Anyways, how are you?" 



"Bakit mo tinatanong? Isusumbong mo na ba ako."



"Of course not. I told you, hindi ka na dapat pumunta pa kay Amarantha."



"Alam mo talaga lahat kapag tungkol sa akin. Bye na nga. Pagod na ako-"



"If your not okay, just call me. Even if you don't like me as your brother, I'm always here for you."



"Ang corny mo.." sambit ko. Hindi ko napigilan ang ngumiti. Gumaan ang loob ko dahil sa mga sinabi ni kuya.




"Matulog ka na. Goodnight my little princess.." he said before ending the call.







Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 62.6K 40
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...
11.5M 298K 23
Alexander Vintalli is one of the most ruthless mafias of America. His name is feared all over America. The way people fear him and the way he has his...
525K 15K 53
what happened when the biggest mafia in the world hid his real identity and married an innocent, sweet girl?
215K 10.3K 57
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...