Never Cry Murder

By Serialsleeper

3.4M 177K 120K

The Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love? More

Prologue
Chapter 1: Wretched Soul
Chapter 2 : On Duty
Chapter 3 : Love and other stuff
Chapter 4 : Seven days of nothing
Chapter 5 : Finding Serenity
Chapter 6: The price to pay
Chapter 7: The Haunt is on
Chapter 8: Samson
Chapter 9: Be Good
Chapter 10: Blasphemy
Chapter 11: She's a goner
Chapter 12: Pass the message
Chapter 13: Manifestations
Chapter 14: What really happened?
Chapter 15: Salvation
Chapter 16: Be rational not emotional
Chapter 17: A truce
Chapter 18: The Jemaima Program
Chapter 19: Breaking Point
Chapter 20: They found me
Chapter 21: Truth or Perish
Chapter 22: Visitors
Chapter 23: Alarmed
Chapter 24: Time to let go
Chapter 25: Decipher
Chapter 26: Parting Time
Chapter 27: Epilogue
Chapter 28: Prologue
Chapter 29: A new chapter
Chapter 30: The thing about you and I
Chapter 31: The words he longed to utter
Chapter 32: Collateral Damage
Chapter 33: Jorino
Chapter 34: You reap what you sow
Chapter 35: The Verdict
Chapter 36: Here comes goodbye
Chapter 37: The Dead Girl
Chapter 38: Scribbled
Chapter 39: Silver Lining
Chapter 40: The Last Goodbye
Chapter 41: Listen to the expert
Chapter 42: Your beliefs, Your principles
Chapter 43: Just a warning
Chapter 44: In times of desperation
Chapter 45: Kin
Chapter 46: Let's play numb and dumb
Chapter 47: Connivance
Chapter 48: The Monster she became
Chapter 49: Havoc and Farewell
Chapter 50: When tables are turned
Epilogue (Part 2 of 2)
Dear Bruh...
Special Chapter #1: First Words
Special Chapter #2: Stay Strong Jorino

Epilogue (Part 1 of 2)

64.5K 3.3K 2.9K
By Serialsleeper

Note: Hi osum peeps of wattyworld! Please do not post spoilers on public platforms. Iwasan nating maging spoiler sa iba ha? hahaha. Let's be considerate on others. Dito sa wattpad comment section nalang kayo maglabas ng feels (kung meron man) Hahaha. Marami pa kasing readers ang hindi nakakahabol plus it would waste all my hard work on this book kung mas-spoil lang. Sana naman pagbigyan niyo ako. Haha. Btw, Thank you sa inyong lahat na nakaabot sa epilogue! :))) Thank you for reading the Ripper series! *Pinasabog si Tatang*  I hope you enjoyed reading the series as much as I enjoyed writing it! Mwa mwa


R U RIDI?


UKI, LISDUDIS


SA PALAWAN IKSPRIS~~ *JUNISHA PUS*


BWAHAHAHAHA

***

The Ripper Series #3

 Never Cry Murder

Epilogue (Part 1 of 2)

"'Kirby 'wag kang magulo! Kailangan kong mag-concentrate!" Inis na sambit ni Kirk at mas hinila papalapit sa kanya ang paa ng kapatid na mayroon paring cast. Seryosong-seryoso si Kirk habang patuloy itong ginuguhitan gamit ang marker.

"Kuya naman eh! Sabi ko stick-o ang i-drawing mo! Ba't nagmukhang patotoy?!" Inis na sambit ni Dustin na halos malaglag na sa mahabang upuang kinaroroonan nilang magkapatid.

"Mukha kang patotoy, wag kang magulo." Biro ni Kirk kaya naman agad siyang binatukan ni Dustin.

"Lintik! 'Wag kang mambatok!" Inis na sambit ni Kirk at binatukan pabalik ang kapatid dahilan muntikan itong malaglag mula sa upuan.

"Hoy! Wag kayong mag-away!" Sita sa kanila ng isang warden na kabilang sa nagbabantay sa kanila kaya naman magkasabay na ngumiti at nag-peace sign ang magkapatid na animo'y inosente.

Nang makalayo na ang warden ay napabuntong-hininga na lamang si Dustin at pinagmasdan ang harding kinaroroonan nila. Hindi lang silang magkapatid ang tumatambay rito, kasama rin nila ang iba pa nilang mga kakosang gaya nila'y nakasuot ng kulay kahel na damit.

"Kuya paano mo natagalan ang lugar nato?" Tanong ni Dustin.

"Kasi alam kong ito ang dapat. 'Wag kang mag-alala, masasanay ka rin." Nakangiting sambit ni Kirk.

Muling napabuntong-hininga si Dustin at napatitig sa kalangitan na animo'y napakalalim ng iiisip.

"Ano na naman ang iniisip mo?" Tumatawang sambit ni kirk at pabirong ginulo ang buhok ng kapatid.

Ngumiti na lamang si Dustin, "Naalala ko lang si Ate Tammy, sa tingin mo kamusta na siya?"

Ngumiti si Kirk at pinagmasdan ang mga ulap sa kalangitan, "Siguradong masaya na siya ngayon kung nasaan man siya."

"Consulacion may bisita ka!" Biglang sigaw ng isa mga warden kaya naman agad na nakunot ang noo ni Dustin at Kirk.

"Teka, diba kakabisita lang nila Tita at Tito kanina?" Tanong ni Kirk kaya napaangat na lamang ang naguguluhang si Dustin sa kanyang mga balikat.

****

Nagulat si Dustin nang makita ang walang kaemo-emosyong si Ponzi pero sa kabila nito ay naupo na lamang siya sa tapat nito.

"Long time no see." Sabi na lamang ni Dustin at ngumiti ng tipid rito.

"Dalawang linggo narin..." Kalmadong sambit ni Ponzi saka saglit na nilibot ang kanyang paningin, "K-kamusta na?" Tanong pa nito na para bang naiilang.

"Nakakapanibago pero mas mabuti nalang 'to kumpara sa pasilidad ni Tatang." Biro na lamang ni Dustin upang maibsan ang pagka-ilang sa pagitan nilang dalawa. "Nga pala, kung pinipilit ka lang ni Sisa na bisitahin ako dito, pagpasensyahan mo nalang siya. Tandaan mo nalang na baliw 'yon." Pag-iiba ni Dustin ang usapan dahilan para umiling si Ponzi.

"Hindi niya ako pinilit." Tipid na sambit ni Ponzi dahilan para mapangiti si Dustin, "Nga pala kinakamusta ka ni Sisa at pinapatanong niya kung napapanaginipan mo pa ba daw sila?" Pag-iiba ni Ponzi ng usapan.

Umiling-iling si Dustin, "Pagkatapos ng nangyari sa pasilidad, hindi ko na ulit sila nakikita o napapanaginipan."

Biglang may hinugot si Ponzi mula sa bulsa niya at inabot ito kay Dustin dahilan para makunot ang noo nito sa gulat—isang flashdrive.

"HD?" Tanong na lamang ni Dustin.

"HD. 8GB. Disney at Marvel films. Latest." Walang emosyong sambit parin ni Ponzi.

"Legal?" Tanong ulit ni Dustin dahilan para mapangiwi si Ponzi.

"Bok 'wag mong k-kwestyunin ang kapangyarihan ng Torrent!" Giit ni Ponzi at sa unang pagkakataon, matapos ang lahat ng mga nangyari, nagawa nitong ngumiti kay Dustin—isang totoong ngiti, bagay na labis ikinatuwa at ikinagaan ng kalooban ni Dustin.

***

Matapos makalabas mula sa Crimson Lake City Jail ay agad na napabuntong-hininga si Ponzi na animo'y gumaan na ang pakiramdam. Agad siyang nagtungo sa Parking lot kung saan naroroon si Sisa at naghihintay sa kanya.

Habang naglalakad siya papalapit sa kotse ay nakita niya Sisa na ngayo'y kulay pula na ulit ang maiksing buhok. Hindi matanggal ang ngiti sa mukha ni Ponzi habang tinititigan si Sisa na nakaupo sa bumper ng sasakyan at karga-karga ang isang sanggol habang inaaliw ito. Kitang-kita ni Ponzi ang saya sa mukha ni Sisa ngayong kasama na nito ang anak ng kaibigan kaya maging siya'y labis ring natutuwa para sa minamahal.

"Mommy na mommy ka na ah?" Biro ni Ponzi at agad na hinalikan si Sisa sa pisngi nang tuluyan siyang makalapit dito.

Nakangiti man, nanlisik ang mga mata ni Sisa, "Ponzilita pasalamat ka may dala akong bata, kundi mapapatay na kita." Pagbabanta ni Sisa na malambing parin ang pananalita dahil sa kargang sanggol na panay ang ngiti at likot.

Natawa si Ponzi at naupo sa tabi ni Sisa, "Naku, salamat baby at macha-chansingan ko na ng non-stop si Sisabog!" Biro ni Ponzi sabay kurot sa matambok na pisngi ng sanggol at walang ano-ano'y muli na namang hinalikan si Sisa na hindi na nakailag pa.

"Aba ulol ka talaga eh no, humanda ka talaga sakin Agapi—" Hindi na natapos pa ni Sisa ang sinasabi nang mabilis siyang hinalikan ni Ponzi sa labi, "Ponshito naman eh! Tang—"

"May dala kang bata, wag kang magmumura!" Paalala ng nakangising si Ponzi kaya napairap na lamang ang dalaga.

"Humanda ka sakin mamaya, ako naman mangcha-chansing sayo!" Biro ni Sisa habang nakasimangot parin sa binata.

Lalong napangisi si Ponzi at niyakap si Sisa mula sa likuran. Kapwa aliw na aliw sina Sisa at Ponzi habang pinagmamasdan ang masiglang sanggol na pinaglalaruan ang mga daliri ni Sisa. 

***

SISA

Holding this little angel in my hand gives me the closure that I've always wanted. Sure, remembering Julia and what we've been through still brings tears in my eyes but I'm not that devastated anymore knowing I can still do something for Julia... I failed to save Julia but I can still do something for her little girl.

Looking back now, mabuti nalang talaga at hindi ko tuluyang napatay sina Tatang at Kerry. Tama sina Dustin at Ponzi after all, kasi kung nakapatay nga ako, siguro hindi ko kakayaning manatili sa tabi ng anghel nato.

"Sisa yung pinag-usapan natin..." Paalala ni Ponzi na nakayakap parin sa sakin mula sa likuran ko.

"What?! Hindi naman ako umiiyak ah!" Giit ko at mas lalong idinilat ang mga mata ko para makita niyang hindi talaga ako umiiyak.

"Patingin nga?" Nakangisi niyang sambit saka bumitaw sakin. Inilapit niya ang mukha sa mukha ko pero bago pa man niya magawa ang kung ano mang kalokohang naiisip niya, tumayo na ako habang karga parin ang baby. Tss, I can sense yer kalandian my boyyy.

"Tara na, kanina pa ako tinatawagan ng parents ni Julia. Atat na atat na silang makita ang apo nila." Pag-iiba ko na lamang ng usapan sabay ngisi dahilan para agad siyang mapangiwi.

"Sisa naman eh! Ang daya! Sige na, isang kiss nalang!" Inis niyang sambit saka ngumuso, "Sige Sisa, alam ko namang di mo ako matitiis eh." Aniya saka bumungisngis pa.

Si Agapito Zosimo Tanya. Ponzi for short para maitago ang pagiging vintage ng pangalan niya. Hmm, words can't describe how much this idiotic boy means to me but let's just put it this way—Ponzi is one of the reasons why I'm still happy despite of all the bullshit fate threw at me.

There's always a silver lining in everything—Ponzi is one of them. I mean, kung hindi nawala si Julia, hindi ako mapapadpad sa Crimson Lake, Kung hindi ako napadpad sa Crimson Lake edi hindi ko nakilala ang ulol nato, at kung hindi ko nakilala ang ulol nato, ewan ko nalang kung anong nangyari sa buhay ko.

"Okay? Ba't ka nakangiti ng ganyan sakin? Lalo ka na namang nai-inlove sakin no?" Nakangising sambit ni Ponzi at muli na namang  humakbang papalapit sakin, pero siyempre di siya masyadong lumapit kasi baka mamaya maipit ang baby na karga ko.

I can't come up with a reason why I'm so madly in love with this idiot right in front of me. But I can come up with reasons why this boy should lose interest in me, I mean come on! He saw me torture those pathetic fools, hindi ba siya na-turn off? Ponzi has a good heart, he was molded to be a nice guy by everyone around him and grew up to be the nice guy that he should be, yun nga lang medyo naging pirata at manyakis ng konti.

"Hindi ka ba takot sakin?" Seryoso kong tanong pero bigla siyang tumawa. Okay bitch, are yee insulting me?

"Ako matatakot sayo?" Sarkastiko niyang sambit habang tawa parin ng tawa, "Ba't naman ako matatakot sa isang babaeng umiyak noong unang beses niyang kumarga ng isang sanggol dahil sa takot na baka malaglag niya ito?" Sarcastic niyang sambit habang inaasar na naman ako dahil sa naging reaction ko noong first time kong makita ang anak ni Julia.

"Bruh! I was scared okay?! I'm an only child, malay ko ba paano mag-alaga ng bata?" Giit ko at napabuntong-hininga na lamang. Okay, I can't go batshit crazy right now, baka matakot si Baby.

"Ba't mo pala naitanong?" Tanong ni Ponzi at tinanggal ang buhok kong halos humarang na sa mata ko.

"Ponzi, you saw what I did to Tatang and—"

"Galit ka lang nun..." Ngumiti si Ponzi at inakbayan ako, "Mary Serenity Samonte kahit na anong gawin mo, mahal parin kita. Walang magbabago dun." Pagmamalaki niya kaya di ko na mapigilang ngumiti ulit. Shit talaga tong si Punse, ayoko talaga tong feels na ganito. Nagiging less ossum ako.

"Baby Kingkong, I almost forgot.." Hinalikan ko siya sa pisngi.

"Yes! Teka, para saan yun? Wala bang extended version?" Nakabungisngis niyang sambit sabay taas-baba ng kilay niya. What a perv!

"That's for building a bridge with your old pal, Dusty. Me's proud." Giit ko dahilan para agad mawala ang ngiti sa mukha niya.

 "Bruh, don't go Agajelly on me." Biro ko na lamang pero laking gulat ko nang bigla kong maramdaman ang tila ba likido sa mga braso ko. Nang tingnan ko kung bakit, napangiwi na lamang ako nang mapagtanto kong sumuka pala si Baby and the worst part, sakin pa siya mismo sumuka.

"'Yan, pati tuloy ang bata nasusuka sa pet name mo kay Dustin!" Tawa ng tawa si Ponzi.

"Oh dear lord I love this baby to death but this is just so disgusting." Napangiwi na lamang ako't napapikit, "Kasalanan mo talaga 'to Ponzilita! Ba't mo kasi ako nilalandi, nasuka tuloy ang bata!" Giit ko.

"Akin na nga muna ang bata, magbihis ka muna dun."  Wika ni Ponzi na tawa parin ng tawa kaya dahan-dahan ko na lamang na ipinasa ang baby sa kanya matapos kong punasan ang mukha nito.

"Diyan ka lang Ponzi! 'Wag mo akong sisilipan!" Banta ko bago ako tuluyang pumasok sa backseat ng kotse.

"Oo na! Tatalikod na!" Giit niya at tumalikod nga siya, "Nice job baby, next time mag poopoo ka kay Ate ha?" Tumatawang sambit ni Ponzi.

"Narinig ko yun! Humanda ka talaga sakin!" Sigaw ko na lamang at pumasok na sa loob.

Matapos kumuha ng damit mula sa backpack ko ay dali-dali kong hinubad ang kulay puti kong cropped shirt at ginamit ito bilang pamunas sa baby food na lumanding sa mga braso ko. Susuotin ko na sana ang kulay red kong pullover bago pa man may makakita sa aking naka-bra lang pero laking gulat ko nang bigla na lamang umalingawngaw ang isang napakalakas na sigaw.

"Melons!" Nagulat ako nang bigla na lamang may sumigaw mula sa front seat pero mas lalo akong nagulat nang makita ito—Ang punyetang si Jorino Jomomo Tirador. Gulat na gulat ito habang nakatingin sakin, oo nga tinatakpan niya ang mga mata niya sa pamamagitan ng mga kamay niya pero hindi naman magkakadikit ang mga daliri niya kaya nakakasilip parin siya.

"Jorino Jomomo!" I screamed at the top of my lungs at dali-dali kong binato sa mukha niya ang t-shirt kong marumi. Dali-dali kong sinuot ang pullover ko at lumabas ng sasakyan.

"Anong nangyari?!" Natatarantang sambit ni Ponzi habang tinatakpan ang tenga ng baby na karga niya.

"Sisa naman eh! Ang dumi ng t-shirt mong yun!" Inis na sambit ni Jojo nang binuksan niya ang pinto ng sasakyan pero nanatili parin siyang nakaupo sa loob. Serves him right! What a perv!

"Teka anong ginagawa mo dito?" Naguguluhang sambit ni Ponzi.

"Hinanap ko kasi yung Rachel, yung nakabaril sakin..." Biglang tumamlay ang pagmumukha ni Jojo at napasandal siya sa kinauupuan, "Nalaman ko kasi na dati din siyang kinidnap ni Tatang kaya hindi ko na nagawang magalit pa sa kanya. Alam ko medyo nonsense pero wala lang, gusto ko lang siyang makausap kaso nasa isa pala silang mental facility ni Putol-kamay at ng iba pang mga biktima na naging mamamatay-tao. Naghahanap ako ng taxi pauwi kaso nakita ko kayo kaya pumasok ako sa kotse."

I seriously want to punch Jojo till his soul hurts pero parang napakasama ko naman kung gagawin ko yun since muntik na talaga siyang madeads noon. Turns out yung Rachel pala ang nagbabantay sa kanila noon kaya nang buksan ko ang mga pinto at magsitakas nila, Rachel turned batshit crazy at nag-ala Rambo sa pamamaril sa kanilang lahat. According to Dustin, Jojo got shot and almost died... He was so close to dying but the happy thoughts.. it was what kept him alive and perverting—kicking pala.

***

Paulit-ulit na kinurapkurap ni Dustin ang mga mata niya sa pag-asang makikita niya ulit si Tammy at ang iba niyang mga kaibigang pumanaw ngunit balewala. Napabuntong-hininga na lalamang si Dustin at sumandal sa pader.

"b-ba't ang tagal ng mga pulis?"

Nagulat si Dustin nang biglang nagsalita si Jojo, nakapikit parin ito habang nakasandal sa pader at hindi gumagalaw.

"Tangina akala ko patay ka na!" Gulat na sambit ni Dustin.

"H-happy thoughts.. concentrate ako sa happy thoughts.." Hinang-hina nang sambit ni Jojo.

Sa isang iglap ay umalingawngaw ang maraming boses ng mga taong tila ba papaakyat ng hagdan at nang tingnan ito ni Dustin ay nakahinga siya ng maluwag nang makitang mga pulis.

"Tulong! Kailangan namin ng tulong!" Paulit-ulit na nagsisigaw si Dustin.

TO BE CONTINUED....

 


END OF EPILOGUE 1ST PART

Note: Sorry guys but I have to stop it here. May karugtong pa talaga to, kaso di ko alam kung kelan ko mapo-post.I decided to just split it in two parts kasi di ko siya matatapos ng buo ngayon. Mahaba-haba talaga ang epilogue nato since closure siya ng three books. hihihihi. I know some of u guys are eager for the jojo-news kaya pinost ko na kahit first part lang. hahaha. Again guys, thank yee and Godbless <3


THANK YOU FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 75.9K 16
Slaughter High is now available on bookstores for just 58 pesos! Grab a copy and don't miss out on Parker and the gang's deadly journey! <3
165K 9.9K 16
The four Houses of QED University prepare for the highly anticipated House War. The bond of Team WHAM will be tested as their Houses try to outwit a...
4M 173K 33
"My name is Maddieson Paredes but everyone calls me Maddy. I'm an 18-year old college student. I go to school by day and I work at a convenience stor...
55.9M 987K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...