THE BOY IN MY DREAM

By Angielaaabs

159K 7K 709

Isang ordinaryong babae na kayang i -manipulate ang kanyang panaginip. Panaginip kung saan nya ginagawa ang s... More

PROLOGUEπŸŒ™
CHAPTER 1πŸŒ™
CHAPTER 2πŸŒ™
CHAPTER 3πŸŒ™
CHAPTER 4πŸŒ™
CHAPTER 5πŸŒ™
CHAPTER 6πŸŒ™
CHAPTER 7πŸŒ™
CHAPTER 8πŸŒ™
CHAPTER 9 πŸŒ™
CHAPTER 10πŸŒ™
CHAPTER 11πŸŒ™
CHAPTER 12πŸŒ™
CHAPTER 13πŸŒ™
CHAPTER 14 πŸŒ™
CHAPTER 15 πŸŒ™ The pass returns
CHAPTER 16πŸŒ™
CHAPTER 17πŸŒ™
CHAPTER 18πŸŒ™
CHAPTER 19πŸŒ™
CHAPTER 20πŸŒ™
CHAPTER 21πŸŒ™
CHAPTER 22πŸŒ™
CHAPTER 23πŸŒ™
CHAPTER 24πŸŒ™
CHAPTER 25πŸŒ™
CHAPTER 26πŸŒ™
CHAPTER 27 πŸŒ™
CHAPTER 28πŸŒ™
CHAPTER 29
CHAPTER 30πŸŒ™
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 35
EPILOGUE πŸŒ™

CHAPTER 34

1.9K 56 20
By Angielaaabs

Gaya ng ipinamgako ni Hannah kagabi ay bumalik siya.

"Ang aga mo," puna ko sa kaniya.

"Bawal ba?" Takang tanong niya na ikinailing ko naman.

Lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking pisnge."Putla ka na--" hindi na natapos nito ang kaniyang sasabihin ng maramdaman niya ang aking init.

Inilipat nito ang kaniyang kamay sa aking leeg upang makomperma ang kaniyang nasa isip.

"Inaapoy ka ng lagnat, Zoey!" Galit na wika niya sa akin.

Inalalayan niya ako papunta sa aking kwarto. Hindi ko na magawang tumutol kahit gusto ko sa tabi lang ni papa dahil sa panghihina ng aking katawan.

Ilang hakbang bago ang aking silid ay lumabas si mama sa kaniyang kwarto.

"Anong nangyayari?" Tanong niya.

"Tita, inaapoy po ng lagnat si Zoey," sagot ni Hannah.

Natatarantang bumababa si mama. Pagbalik niya nakahiga na ako sa aking kama may dala siyang planggana na may maligamgam na tubig at bimpo. Muli itong bumababa upang kumuha ng pagkain at gamot.

Hindi na nag-aksaya ng oras si Hannah kinuha niya ang bimpo at binasa. Pinunas niya ito sa aking katawan.

"Thank you," nanghihinang wika ko.

"Hindi bagay sayo, manahimik ka," natatawang wika nito.

Pagkatapos akong punasan ni Hannah ay sinubuan naman ako ni mama para makakain para makainom ng gamot.

Naunang bumaba si mama upang dalhin ang mga gamit.

"Magpahinga ka na muna. Tutulungan ko lang si tita sa baba," paalam ni Hannah sa akin.

~• Dream •~
Lumiwanag ang itaas na bahagi ng panaginip ko. Umaasa ako na lalabas doon si Drake, dahil gan'to din ang nangyari bago siya umalis. 

Nawala ang pag-asa at ngiti sa itsura ko ng isang magandang babae ang lumabas dito. Ito si Princess Calestina ang babaeng nagtungo sa panaginip ko noong nakaraan. Sinampal na naman ako ng katotohanan na umalis na siya. Wala na akong paglagyan. Kahit saan ako pumunta may tao akong hinahanap-hanap. Taong kahit anong gawin ko hindi ko na maiibalik pa. Hindi ko na muling makakasama.

"Nakapag-desisyon ka na ba, Zoey?" Bungad na tanong ni Calestina.

Dahil sa mga nangyari ay nalimutan ko na ang napag-usapan namin.

"H'wag kang matakot, Zoey. Siguraduhin kong magiging ligtas ka at si Drake," naka-ngiting wika niya.

"Hindi ba laging may kapalit ang bawat hiling? Ang bawat naisin at ang bawat desisyon."

"Ang tanging kapalit lang nito ay ang hindi ka na kailan man makakapag-lucid dream," seryusong sabi niya.

Muli kong pinagmasdan ang aking panaginip. Puro alaala namin ni Drake ang andito.

"Malapit na siya sa Elisora, Zoey. Kunting oras na lang ang natitira para makapag-desisyon ka," nag-aalalang wika niya.

"Anong mangyayari kapag nakarating na siya sa Elisora ng hindi pa ako nakakapag-desisyon?" Tanong ko sa kaniya.

"Mawawala na sa tunay na mundo si Drake. Maninirahan na siya dito. Hindi na siya makakabalik sa pamilya niya." Paliwanag nito sa akin.

Hindi ako nakasagot. Naalala ko 'yung araw na nakilala ko ang mama niya. 'Yung araw na nakita ko siyang nakahiga lang sa hospital bed at nasa kaniyang tabi ang kaniyang Ina na patuloy na humihiling sa kaniyang pagbabalik. Patuloy na umaasa na babalik siya.

Pumayag ako sa kagustuhan niya na kuhain ang kakayahan kong mag-lucid dream. Tiyak na hindi ko kakayanin kung mananatili pa ako sa panaginip ko, sigurado na maaalala ko lamang siya.

Pumasok kami sa malaking kulay gintong pinto. Pagkapasok ay agad kong nakita ang mga tila duwendeng pinapanood ang mga crystal balls na nakalutang.

"'Yan ang crystal ball kung saan makikita ang panaginip ng mga tao, diyan ka unang nakita ni Drake," nakangiting aniya.

Pumasok siya sa isang kulay asul na pinto. Puro crystal ball din ang laman nito.

"Sa kwartong ito nakalagay ang crystal ball ng kagaya mong lucid dreamer," aniya niya at kinuha ang isang crystal ball.

Sa paglapit niya ay doon ko lang napagtanto na sa 'kin iyon. Mula sa crystal ball na hawak niya ay nakikitang ko ang binuo kong mundo.

"Sa oras na makarating ito sa kaniyang dapat paroonan ay unti-unting paglalaho si Drake sa mundong ito. Muli siyang babalik sa mundo kung saan talaga siya nararapat," paliwanag niya sa akin.

"Handa ka na ba, Zoey?" Tanong niya sa akin at tanging pagtango lang ang aking nagawa. 

Pinagulong niya ang aking crystal ball sa isang parang maliit na riles ng tren. Pinanood ko ito hanggang sa hindi na maabot ng aking paningin.

Nagpaalam saglit si Princess Calestina. Ang sabi niya ay maaasikasuhin lamang siya saglit.

Pinagmasdan ko ang buong paligid, muling namangha sa ganda nito.

Unti-unti kong inihakbang ang aking mga paa. Inilibot ang aking sarili sa palasyo ng Goddess of Dream.

Halos makalimutan ko ang reyalidad sa labis na pagkamangha. Maganda ang buong paligid, maaliwalas, at payapa ngunit sa kabila noon ay tila ba may kakaiba.

Napukaw ng isang pinto ang aking atensyon. Tila ba may ingay na nagmumula sa loob nito. Dahan-dahan ko itong nilapitan ngunit wala akong narinig na ingay.

Aalis na sana ako ng muli akong nakarinig ng kaluskos. Idinikit ko ang aking tenga sa pinto. Mula sa labas ng pinto ay dinig ko ang mahihinang pagdating, hikbi, at ang tila nagpupumilit magsalita.

Wala akong ibang ginawa kun'di ang maglakad pabalik-balik, nagtatalo ang aking isip kong bubuksan ko ba ito.

Sa huli ay napag-desisyonan kong umalis na doon at bumalik sa pinag-iwanan sa akin ni Princess Calestina. Ilang minuto lang ay bumalik na rin siya.

"Tara na, ibabalik na kita sa panaginip mo," naka-ngiting wika niya.

Aalis na sana kami ng biglang may pumigil sa kaniya. May binulong ito sa kaniya at dali-daling nagpaalam ulit siya sa akin at sabay silang umalis.

Kakaiba ang babaeng iyon. Mula sa maliwanag sa lugar na ito at sa puting kasuotan ni Princess Calestina ay masasabi kong ibang-iba talaga ang babaeng iyon. Ang lahat ng bagay sa kaniyang katawan ay itim.

Hindi ko alam pero agad akong dinala ng mabibilis kong hakbang sa pintong nakapukaw ng atensyon ko kanina. Muling tumubo ang kuryusidad sa aking puso.

Walang pag-aalinlangan kong binuksan ang pinto na siyang ikinagulat ko ng tumambad sa akin ang mga nakagapos na tao. Tatlong babae at isang matandang lalaki na walang malay na nakahiga sa sahig. Ang isa sa mga babae ay tila nakita ko na.

Agad kumawala ang butil ng luha sa kanilang mga mata.

Mariin kong tiningnan ang isang babae na sa tingin ko ay nakasalamuha ko na.

Dumaloy ang sari-saring emosyon ng mapagtanto ko kung saan ko siya nakita.

"P-princess C-calestina?" Naguguluhang tanong ko.

Naguguluhan man ngunit nilapitan ko pa rin sila upang tagkalin ang busal sa kanilang bibig at tagkalin ang pagkakatali nila sa kamay at paa.

"Nasaan si Morrisa?" Agad na tanong ng isang babae sa akin.

"Morrisa?" Balik na tanong ko sa kaniya.

Gulong-gulo pa rin ang utak ko. Muli kong pinagmasdan ang kahawig ni Princess Calestina. Isa lang ang pinagkaiba nila iyon ay mas maamo ang muka ng babaeng nasa harap ko.

"Sino ka?" Tanong ko sa babaeng ito.

"Zoey, ako ito si Princess Calestina," pakilala niya sa akin.

"Bakit mo ako kilala? Hindi ikaw si Princess Calestina."

"Naikwento ka sa akin ni Drake bago siya umalis. Ako ito, Zoey," nangungumbinsing wika niya.

"Hindi!" Dahil sa kalituhan ay nasigawan ko ito. "Kasama ko ang totoong Princess Calestina. Tinulungan niya ako upang mailigtas si Drake. Tinulungan niya ako upang maibalik sa reality si Drake."

Gulat na gulat siya sa sinabi ko. Tila ba may mali akong ginawa na tiyak na pagsisisihan ko.

"Buhay sa buhay," seryusong wika niya.

"Anong sinasabi mo?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya.

"Buhay sa buhay ang ginawa mo, Zoey."

"Hindi ko maintindihan," naiiyak na wika ko sa kaniya.

Muli na sana siyang magsasalita ng bigla marahas na bumukas ang pinto.

Bumungad sa amin si Princess Calestina, ang babaeng kasama ko kanina. Ang babaeng tumulong sa akin. Ang babaeng pinagkatiwalaan ko ng lubos.

"The show is over," naka-ngising wika nito.

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.2K 56
Maeve Holsten is risking everything by joining the dragon riders at Basgaith. Her boyfriend thinks she's crazy and her family just wants her to come...
1.2M 58.6K 83
"The only person that can change Mr. Oberois is their wives Mrs. Oberois". Oberois are very rich and famous, their business is well known, The Oberoi...
41.4K 1.1K 9
"I'm in love with Kakashi's little sister..." (Y/N) Hatake and Obito Uchiha meet and a friendship quickly blossoms. Soon, a beautiful relationship bl...